アプリをダウンロード
63.38% Broken Trust | Completed / Chapter 45: Chapter 43

章 45: Chapter 43

Chapter 43: Getting Ready For Acquiantance Party

Naipasa ko na 'yong canvas paiting project ko and now, I'm just waiting for the result. Sa katunayan nga, lahat ng kaklase ko ay sobrang ganda ng kanilang mga gawa kaya kinakabahan ako dahil baka hindi pumasa 'yong akin. Iniisip ko rin si Oliver na baka bumagsak siya sa MAPEH dahil wala siyang ipinasa no'n. Sana bigla pa siya ng chance ng teacher namin para sa ganoon ay makahabol pa siya. Gosh.

Thursday na ng hapon ngayon at kasalukuyan akong naglalakad na papunta sa parking area para kunin 'yong bike ko. Nais ko ng umuwi ngayon dahil sa long weekend na ako mismo ang nagdeklara para sa sarili ko. Isn't nice? Lol. Like I said, wala akong balak um-aattend sa Aquiantance Party bukas kaya iyong araw na iyon ay magiging rest day ko. Wala akong pakialam kung meron man incentives sa ibang subject, basta ako ay malayang magbabakasyon ng isang araw.

Papaandarin ko na sana 'yong bike ko ngunit bigla akong nakatanggap ng mensahe sa aking telepono. Agad ko iyon kinuha mula sa bulsa ko para basahin kung sino iyon. Namula ako nang bahagya nang mabasa ang pangalan ng nakasulat dito. It was... Oliver. Nagpaparamdam na naman siya tapos bibitinin na naman ako. Gosh. Pangalan niya pa lang ay kinikilig na agad ako. Paano kaya kapag kaharap ko na siya? Heaven.

Oliver:

Um-attend ka ng Aquiantance Party bukas. Darating ako, hintayin mo lang. Miss you.

Time: 4:34 PM

Jamilla:

K.

Time: 4:34 PM

Ayan lang ang ni-reply ko sa kanya para magmukhang nagtatampo sa isang linggong walang paramdam. Dahil simula kahapon, hindi ko na siya tinadtad pa ng message.

Bwiset naman. Ayaw ko ngang pumunta bukas sa Aquiantance Party but then he wants me to go there. Gosh. I have no choice, so I have to follow him. Gusto ko na rin naman kasi siyang makita. Gustong-gusto na.

Imbes na hindi ako ma-e-excite bukas, ngayon ay napalitan dahil parang gusto ko na agad magbukas.

Hindi ko na hinintay pa 'yong response ni Oliver dahil alam kong hindi na niya gagawin iyon kaya ibinalik ko na lang 'yong phone ko sa bulsa. Papaandarin ko na sana ulit 'yong bisikleta ko, when I heard there's a someone delivered his/her message to me again. Gosh. Agad kong kinuha ulit 'yong phone ko sa pag-aakala na si Oliver iyon pero hindi pala.

Claire:

Bes, where are you? Tara, sa mall. Bili tayong susuotin para bukas.

Time: 4:36 PM

Jamilla:

Nandito ako pa ako sa Parking Area. Pauwi na.

Time: 4:37 PM

Claire:

May susuotin ka na para bukas? O wala kang balak pumunta?

Time: 4:37 PM

Jamilla:

Pupunta na ako.

Time: 4:37 PM

Claire:

Wow. Himala iyan, ha? Pagkakaalam ko, this is your first time to attend on this kind of event. Sinong nag-udyok sa iyo?

Time: 4:38 PM

Tama siya, taon-taon tuwing may activities na katulad ng ganito sa school ay hindi talaga ako na-attend. Mas gusto kong i-relax 'yong utak ko sa bahay dahil ayaw ko ng maingay na atmosphere. When in comes to party, it's a no for me. I can't find myself from that. Kaya ngayon, bahala na bukas kung magmumukha akong mangmang dahil hindi ko alam kung paano idinaraos ang Acquaintance Party.

Jamilla:

Si Oliver. Haha.

Time: 4:38 PM

Claire:

Aysus, tumugon na naman pala, eh. Kaya pala gustong um-attend kasi sinabihan ng boyfriend.

Time: 4:38 PM

Jamilla:

Hindi ko pa siya boyfriend, okay? Duh.

Time: 4:39 PM

Claire:

Doon din naman mapupunta iyon. O s'ya, pauwi pa lang ako ngayon. Susunduin ka na lang namin ni Jess sa bahay niyo mamaya. Change your uniform, wear civilian.

Time: 4:40 PM

Itinago ko na 'yong phone ko and I started to operate my bike.

-

Dahil Floral Theme 'yong Acquiantance Party namin bukas ay nasa aisle section kami ng mga Floral Dress dito sa loob ng Department Store. Kasama ko sina Aivin, Claire, Jess and Rico. Hindi ko nga inaasahan na makakasama namin 'yong dalawang pugo akala ko ay kaming mga Girls lang. Ngunit mas lalo akong nagulat dahil kay Rico. Siguradong nagpumilit lang itong sumama kay Jess kahit ayaw nito.

"Bitawan mo nga ako!" Bulyaw ni Jess kaya tumingin kaming lahat sa kanya.

"Ano iyon?" Nagtatakang tanong ni Claire dito.

"Gosh. Umiinit 'yong ulo ko dahil dito kay Rico. Hawak nang hawak ng kamay. Ang kulit!" Inis nitong sagot ngunit napatawa na lamang ako nang mariin. Itong si Rico, nang-tsa-tsansing agad. Gosh.

"Tol, ang bilis mo masyado. Hinay-hinay lang tayo. Hindi ka maagawan. Tingnan mo ako, relax lang kasi alam kong aking lang siya. 'Di ba, Claire?" Napangiti rin ako dahil sa banat ni Aivin. Pansin kong namula si Claire at itinuon ang atensiyon sa pagpili ng mga floral dress. Sus, all I know ay kinikilig na iyan sa loob-loob niyan. Jusko. Patago pang kinikilig.

"Oo nga, 'no? Sorry na, my Jess."

"My Jess?" Nagtataka kong tanong.

"Yes, akin lang siya, eh. Katulad ng sabi ni Aivin."

"Ang landi mo!" Bulyaw ulit ni Jess dito at agad naglakad papalayo kay Rico, lumapit siya sa akin. Napang-iling-iling na lamang ako at napatawa ulit nang mariin. Naalala ko tuloy sa kanila kung paano kami nagsimula ni Oliver. No'ng una, puro sigaw ako sa kanya pero ngayon siya naman 'yong sinisigaw na ng puso ko. Gosh. Anong sinasabi mo, Jamilla?

-

Nang makapili kami ng dress na susuotin namin ay pumunta naman kami sa aisle section ng Floral Polo para samahan sina Aivin and Rico.

Pagkatapos no'n ay kumain lang kami nang sandali at nagyayaan nang umuwi. Inasar-asar pa ako ni Rico dahil ako lang daw 'yong walang partner at sila ay meron. Bwiset. Alam na rin kasi niya na hindi nagpaparamdam sa akin ni Oliver kaya todo sa pang-aasar sa akin. Gosh. Makaarte siya akala mo'y pagmamay-ari na niya si Jess.

Inihatid na nila ako sa bahay at kasalukuyan na akong nagpapaalam sa kanila.

"Sige, bye! Ingat kayo."

"Jamilla, huwag nang malungkot. May sorpresa sa iyo si Oliver bukas," Sambit ni Rico. Alam kong inaasar niya lang ako pero iba 'yong naging impact no'n sa akin. Napakunot ako ng noo at nagtatakang tumingin sa kanila. Sigurado ako sa narinig ko, may sorpresa raw si Oliver para sa akin bukas.

Nakita kong binatukan ni Jess at Claire si Rico. "Ang toyo mo! Bakit mo sinabi?" Bulalas dito ni Jess.

"Sorry, nadulas lang ako. Gwapo lang."

"Anong sorpresa ba iyong sinasabi niyo?"

"Wala lang iyon. Sige, aalis na kami. Bye! Kita na lang tayo bukas," Agad na nilang isinarado 'yong pinto at pinaharurot na 'yong kotse.

Lutang akong pumasok sa loob ng bahay dahil ginugulo ako ng aking isipan. May surprise raw si Oliver para sa akin bukas? Gosh. Mas lalo akong na-e-excite dahil sa nabalitaan ko. Anong klaseng surprise iyon? De bale, kung ano man iyon, siguradong ikabubuhay iyon ng kasiyahan ko. Hindi na ako makapaghintay. Sana, hindi ko pinapaasa sa wala 'yong sarili ko but If I'm going to saw him by tomorrow, I will surely hug him passionately. Sobra ko na talaga siyang na-mi-miss. Sobra pa sa sobra.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C45
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン