アプリをダウンロード
30.76% Beautifully Broken (Filipino Version) / Chapter 8: Mahalaga pero hindi sapat

章 8: Mahalaga pero hindi sapat

Akala ko masaya pa kami...

Akala ko okay pa kami...

Kahit pikit mata kong tinatanggap ang mga pagbabago sa aming relasyon alam kong unti unti nang naglalaho na ang pagmamahal sa aming dalawa. Baka nga ako na lang ang nakakapit sa aming dalawa. Baka nga ako na lang ang nagpipilit na magsalba nito.

Naging mas demanding si Harris sa ilang mga bagay. Yung sa pakonti-konting paghahanap nito ng mga bagay na wala sa akin. Masakit iyon. Hindi ako perpekto pero simula pa lang ay alam na niya kung sino ako at kung hanggang saan lang ang kaya ko.

"Pahinga muna tayo..." huminga ng malalim si Harris at napayuko.

"Pahinga saan?" Tanong ko.

"Sa ating dalawa..." pansin ko ang pag-aalangan sa tinig nito.

"Ating dalawa?" Pag-uulit ko. Hindi pa nag-sisink in sa akin ang ibig niyang ipahiwatig.

"Oo..." pagkumpirma nito. "Hindi naman sa sinasabi ko na maghiwalay tayo. Pero pahinga lang muna..." muli itong bumuntong hininga.

"Bakit?" Tanong ko at tila ba'y nag-iba na ang timpla ng mukha kong kanina lang ay masaya.

"Kasi..." tumigil ito at hinawakan ang aking kamay.

"Kasi gusto ko munang mag-isip isip..." alam kong hindi iyan ang tunay na dahilan. Nakakapagod na siguro akong mahalin. Maliit na bagay lang kasi ay pinag-aawayan namin. Lagi akong may tamang hinala na baka may iba na. Hindi naman basta basta magbabago di ba kung hindi naman lumilihis sa iba ang iyong paningin. Madami pang bagay ang pumapasok sa aking isip. Maraming tanong na hindi ko kayang sabihin dahil baka ako lang ang masaktan sa sagot na aking maririnig.

"Okay..." pilit kong itinangala ang mga mata ko para hindi ako maiyak.

Isang buwan bago ang ikalawang taon naming anibersayo nang hiningi niya ito. Kung kailan hinahanda ko na ang lahat para sana sa surprise ko sa araw na iyon. Sayang... hindi na din pala magagamit.

•••

Bitbit ang isang balabal na puti ay lumapit ako kay Carly na mukhang nilalamon na naman ng kawalan. Naalala ko ang tanong nito sa akin kahapon. 'Nagmahal ka na ba ng todo?' Mahirap sigurong pantayan ang ganoong klase ng pagmamahal.

Inilagay ko sa mga balikat nito ang balabal. Tiningnan nito sandali at ibinalik muli ang atensyon sa kalmadong dagat. Tumabi ako dito pero mas malapit na ng kaunti kumpara kahapon.

•••

Nagulat ako sa pagdampi ng balabal sa aking balikat kaya naman ay napatingin ako kung sino ang naglagay nito. Si Igo pala. Medyo natigil ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. Nakalimutan ko pa lang dalhin ang aking balabal at mabuti na lang ay nilagyan ako ni Igo.

Naalala ko ang sinabi niya kahapon na 'ang mahalaga ay minahal ko siya paraan na alam ko.' Minahal ko nga siya sa paraan na alam ko pero mukhang hindi iyon ang klase ng pagmamahal na gusto niya. Alam mong sa sarili mo na halos lahat ay ginawa mo na. Halos lahat ay ibinigay mo na pero laging may kulang. Kahit ikaw bilang sarili mo ay hindi pa din sapat para sa taong minamahal mo.

Bumalik ulit si Harris pagkaraan ng ilang linggong hindi pag-uusap at sinabi na gusto nito na ayusin ang relasyon naming dalawa. Muli akong naniwala sa aming pagmamahalan. Nabuhayan ako ng pag-asa na maayos pa kaming dalawa.

Naging payapa ang mga unang tagpo ng aming pagbabalikan pero sa likod ng aking isip ay alam ko na isa itong malaking pagkukunwari. Ang minsan na nabasag na ay hindi mo na mabubuo ulit. Mabuo mo man ito, maibalik mo man ito sa tunay na anyo ay hindi maikakaila ang mga lamat nito. May lamat na ang aming pagsasama. Kahit anong pilit namin na tabunan ito ng mga bagong masasayang alaala ay may lamat na ito. Pero kahit ganoon ay mas pinili kong lumaban. Sayang ang pagkakataong ito upang baguhin ang mga sa tingin ko'y pagkakamali at punan kung ano man ang naging pagkukulang ko.

Ang lahat ng iyon ay nagtagal ng ilang sandali lamang. Muli itong humingi ng pahinga pero sa pagkakataong ito ay ipinadaan na lang niya sa online message. Kung titignan mo ay napakaduwag nito. Bakit hindi niya magawang sabihin ito ng harap-harapan.

"Akala ko ba okay tayo?" Tugon ko.

"Akala ko din.." sagot nito.

"Ano pa ba ang kulang?" Muli kong tanong.

"Walang kulang" mabilis na sagot nito.

"May iba ba?" Tanong kong muli.

"Carly medyo pagod na ako."

"Pagod ka? Ni hindi ka nga nag-eeffort para ayusin tayo. Ako na lang ba lagi?" Medyo mabigat ang pagtitipa ko sa keyboard ng aking phone.

"Hindi naman sa ganun." Sagot nito.

"Ang lakas ng loob mong sabihin na ayusin tayo pero hindi mo naman pala kayang panindigan." Kung magkaharap lang kami ay baka isinigaw ko na ito sa kanyang pagmumukha.

"Sorry Carly..."

"Puro ka sorry!"

"Wala lang ba sayo yung pinagsamahan natin?" Dagdag ko.

"Hindi ba ako mahalaga?" Habang tinitipa ko ito sa aking phone ay isa isang pumapatak na ang mga luha sa screen ng aking phone.

"Mahalaga ka naman sa akin. Alam mo yan."

"Mahalaga nga pero hindi sapat..."

Mahalaga pero hindi sapat...

Mahalaga ako sa kanya pero hindi iyon sapat para ipaglaban niya kami. Para ipaglaban niya ako. Dalawang taon. Dalawang taon akong nagmahal ng lalakeng isang araw ay mawawala din pala sa akin.

Dalawang taon.

Dalawang taon akong naniwala sa mga pangako nito na sa huli ay mga salita na lang.

Mga salitang walang laman.

Mga salitang dinala na ng hangin.

Mga salitang madaling bitiwan.

Mga salitang kung gaano katamis noon ay singpait naman ngayon.

Mga salitang mabilis kong pinaniwalaan.

Mga salitang pinanghawakan ko.

Mga salitang minsa'y pinahalagahan ko.

Mga salitang hanggang salita na lang

Kasi nga kahit mahalaga ako ay hindi pa din sapat...

Itutuloy...

04-03-2018


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C8
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン