アプリをダウンロード
51.06% My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 24: Solving the Case Alone

章 24: Solving the Case Alone

Tila isa siyang pusa sa gaan ng katawan na nakuha niyang makaakyat sa mataas na pader ng condo unit na tinutuluyan ni Daniel. Hindi niya alam kung dapat bang humantong sa ganitong situasyon ang kagustuhan niyang masigurado na ang kampo nito ang talagang may kinalaman sa ambush na kanyang kinasangkutan.

Tahimik sa paligid na idikasyon na walang tao dito. Tiniyak niya muna kay Gian na may schedule ng shooting ang lalake.

Matapos niya ipasok ang kawat sa butas ng door knob ay agad naman itong lumagutok. Napangisi siya. Ilang oras din niya kasing pinanuod sa Youtube ang ganitong modus. Dahan-dahan nyang inihakbang ang mga paa sa loob ng bahay upang tiyakin na walang makakarinig sa kanya.

Iginala niya ang paningin sa paligid na sala at sinipat ang bahagyang nakaawang na pintuan ng isang silid. Tiyak niyang ito ang silid ng lalake. Sa gawing kanan ay ang study room nito na ang pinto ay nakabukas kaya kita niya ang desktop at ang kung anu-anong papeles sa mesa nito.

Maingat ang ginawa niyang paghakbang papunta sa mesa. Palinga-linga siya dahil baka sakaling may taong dumating. Inisa-isa niyang basahin ang mga dokumento doon. Maya-maya ay napaiktad siya na marinig ang isang malakas na tikhim. Agad siyang napatingin sa pinto kung saan madilim ang mukhang nakatayo doon si Daniel at nakatunghay sa kanya.

Nagpapanic ang isipan na dali-daling ibinalik ni Yna ang papel na hawak at patakbong tinungo ang pinto na para bang kaya niyang malagpasan ang matangkad at matipunong katawan ni Daniel. Iiwas niya sana ang katawang masagi ito ngunit mabilis nitong iniharang ang sarili sa bukana ng pinto kaya naman bumangga siya sa katawan nio at nawalan ng balanse. Agad naman nitong naipulupot ang mga braso sa kanyang bewang at halos isang dangkal na lamang ang pagitan ng kanilang mukha.

"Would you tell me, Miss Yna Reyes, who give you permission to enter into my house and look into my things?" Galit na tanong nito na lalo pang humigpit ang pagkakayapos sa kanyang balingkinitang katawan.

"Let me go!" Pasigaw na ani niya dito saka napapikit ng mas lalo pang nilapit ng lalake ang kanyang katawan sa matipuno nitong katawan.

"I can sue you of sexual harassment!" Pagpatuloy ng singhal niya dito saka siya nagkaroon ng lakas upang magpumiglas sa pagkakayakap nitp sa kanya. Inis naman siyang binitawan ng lalake kaya napalupagi siya sa sahig. Napangiwi siya sa kirot ng balakang sa biglang pagbagsak niya.

Ang madilim na mukha ng lalake ay napilitan ng pag-aalala.

"You will sue me? Huh?! Sino ba ang dapat na kasuhan sa ating dalawa?!" Balik nitong tanong sa kanya na nagpamay-awang pa.

Napakagat-labi naman si Yna. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nakuha niyang takasan ang kanyang security. Alam niyang sa kalagayan niya ngayon ay walang makaktulong sa kanya.

"I'm sorry." Nanghihina ang tinig na wika niya saka siya dahan-dahang tumayo at inayos ang sarili.

Napabuga naman sa hangin ang lalake saka seryosong tumunghay sa kanya na tila naiinip sa kaniyang paliwanag.

"I'm just so obsessed in solving this case." Pagtatapat niya dito.

Sarkastikong napatawa ang lalake.

"So you are again telling me I'm the one behind the death of those reporters?!" Inis na tanong ng lalake sa kanya.

Napakagat-labi lamang siya saka niyakap ang sarili. Iginala niya ang paningin sa paligid. Sila lamang ang tao sa loob at maaring hindi na siya makalabas ng buhay. Sa isiping iyon ay nakarmadam siya ng matinding kaba.

Napabuga naman sa hangin ang lalake na tila nababasa ang kanyang iniisip.

"I will not let you get out unless you do me a favor.." May langkap na pananakot na ani nito.

Kinakabanahan naman siyang napatingin dito .

"Wh-at?" Nanginginig na tanong niya. Sinisisi niya ngayon ang sarili kung bakit naisipan niyang mag-ala spy. Hilig niya kasi ang manood ng mga suspense thriller na movies lalo na ang Mission Impossible ni Tom Cruise.

"Go with a date with me."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C24
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン