アプリをダウンロード
88.23% TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 75: Contrite

章 75: Contrite

Chapter 71: Contrite

Haley's Point of View: 

  "Wala kang kawala sa akin. Mahahanap at mahahanap kita." Katagang mas nagparamdam sa akin ng takot lalo pa noong magsimula na siyang maglakad papunta sa akin. 

  Sa kaba na namumuo, pakiramdam ko ay umiikli na rin ang paghinga ko dahilan para ako'y hingalin. Hindi na ako makagalaw, tila parang napako ako rito sa pwesto ko na kahit na ano'ng gawin kong pag-alis, hindi na magawa.

  Tumigil na siya sa gilid ko habang nakasunod lamang ang tingin ko sa kanya. Lumapad ang ngisi niya gayun din ang panlalaki ng mata niya na parang natutuwa sa kanyang nakikita. Ito 'yung mukha ng mga nasisiraan na ng ulo. Parehong mukha ni Tiffany… 

  Suminghap ako nang pumasok sa utak ko ang mukha niya kasabay ang paghalakhak ni Emmauel ang paghawak niya sa kwelyo ng uniporme ko't inangat sa ere. Sobrang higpit niyon kaya mas lalo akong kinakapusan ng hininga. 

 

  Kapag susubukan kong huminga, may sumasakit sa likod ko lalong lalo na ang sikmura ko na malakas niyang sinuntok kanina. 

Humawak ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Ang mga paa ko ay napapasipa na sa ere. I can't breathe…

  "Ano ang tingin mo na porke nakawala ka ng panandalian, hindi kita makikita?" Naramdaman ko ang pagtunog ng kamay niya noong mas hinigpitan niya ang paghawak sa kwelyo ko. 

Flashback: 

"Don't worry, it won't last. Kapag natapos lahat ng ito, I'll be leaving and you'll be safe." Litanya niya na hindi ako sang-ayon. Nakaupo siya sa isang stool sa gilid habang naglalabas ng pagkain mula sa supot. Dumiretsyo siya rito mula sa isang misyon, mamaya ay uuwi rin siya sa bahay dahil may pasok pa siya kinabukasan. 

  Nakatitig lang ako sa kanya. Ang itim itim na nung ibabang mata niya, medyo lubog ang mata pero nagagawa pa rin niyang kumilos na parang nakakalimutan na niyang tao rin siya. Kailangan n'yang magpahinga. 

  Hindi naman kasi talaga normal 'to, eh! 

  Yumakap ako sa sarili kong binti at tumungo. Nandito ako confiment room ng basement ng W.S.O. "Hindi ka ba natatakot mamatay?" Panimula kong tanong sa kanya nang mailabas na niya lahat ang dapat na mailabas sa supot. 

  Lumingon siya sa akin. "Why?" Simpleng tanong niya kaya tumingala ako, inis ko siyang tiningnan. 

  "You're asking me, why? This isn't normal at all! Alam mong mamamatay ka kung mananatili ka rito. 'Di ka ba natatakot sa kaisipan na 'yon?" Taas-kilay kong wika, iritable dahil sa paraan niya ng pagkakatanong na parang akala mo wala lang sa kanya. 

  Sandali siyang hindi umimik bago pumikit sandali. "How 'bout you then? Alam mong mamamatay ka kung aalis ka rito, tama?" Tanong niya na nagpaurong sa ulo ko. "Knowing that something might happen to you, you're still recklessly facing certain danger--" 

  "I have my reason!" Pagputol ko sa kanya. 

"So am I." Tugon niya na nagpatahimik sa akin. Pero napailing din at napatayo. 

  Kinuyom ko ang kamao ko. "I just don't like how you always make that face as if  you are prepared to die." Pag-alis ko ng tingin sa kanya. 

  Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong. Nagpakawala ng mabigat bigat na pakiramdam sa dibdib kaya muli akong napatingin sa kanya. Umawang-bibig nang makita siya na ngayo'y nakatingala't nakatingin sa kawalan. Walang kabuhay-buhay ang mata, animo'y walang pag-asa kung tingnan. "Ate…" Tawag ko sa kanya. 

  "I don't fear death the way you do," Ibinaba niya ang tingin sa akin. Hirap at paghihinagpis ngayon ang nakikita ko sa mata niya. "Because that is how I live." 

End of Flashback: 

  Tama nga si Roxas. Magkaibang magkaiba talaga kami ng mundo. Lara is my twin sister, pero ang laki ng pagkakaiba namin. 

 

  Natatakot kasi ako… Natatakot ako… Ayoko pang mamatay. 

  Tumulo ang nanlalamig kong pawis. Nang imulat ko ang mata ko para tingnan ang ulap, hindi ko na matukoy kung talaga bang dumidilim iyon dahil nawawalan na rin ako ng malay o nandoon na ang nasabing bagyo na paparating na narinig ko kanina nung nakikinig ako sa radyo. "Hng!" 

  Naglabas siya ng patalim mula sa tagiliran niya't pinaikot-ikot iyon sa mga kamay niya. Isasaksak niya iyon sa akin. 

 

  Please, someone… help! 

  Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Hindi ko alam kung sino iyon dahil nakapikit lamang ako nang mariin para subukang kontrolin ang aking paghinga. 

Mayamaya pa noong ihagis na lang ako ni Emmanuel. Unang tumama ang likuran ko sa simento bago dahan-dahang gumulong. 

  Humawak ako sa tiyan ko dahil namimilipit ito sa sakit ngayong naghahabol ako ng hininga. 

  Ang sakit! Ang sakit! 

 

  Parang may nakaharang sa paghinga ko kaya nahihirapan akong makakuha ng hangin, isama mo pa 'yung ugat ko sa leeg na para akong tinutusok. 

Hindi ako makahinga… 

  Unti-unti kong inangat ang tingin ngayong nakadapa ako sa simento para makita kung ano ang nangyari. Medyo malabo ang paningin ko habang bumabagsak bagsak ang ulo ko sa simento dahil sa paninilim ng paningin ko, pero hindi ako pwedeng magkamali na dalawang tao na itong nakikita ko. 

  "Ngh." Sinubukan ko pa silang makita nang mamukhaan ko ang lalaking sinusubukang kunin ang kutsilyong hawak ni Emmanuel. "Sir… Santos…" Tawag ko sa adviser ko saka siya napahiga sa simento noong sipain siya sa sikmura ni Emmanuel. Ang sunod na lang na nangyari, nakita ko ang pag-angat ng dalawang kamay ni Emmanuel habang hawak ang patalim niya. 

  Doon luminaw ang paningin ko, subalit mas tumuon sa atensiyon ko 'yung kutsilyo na handa ng isaksak sa adviser ko. "MAMATAY KA NG PAKIELAMERO KA!" Singhal ni Emmanuel. 

  Unti-unting nanlaki ang mata ko ngayong nakikita ko kung paano 'yung pwersa ng pagbagsak ni Emmanuel ng kanyang kutsilyo papunta sa balikat ni Sir Santos noong siya'y umupo para sana pigilan ito. 

  Subalit nabigo siya at bumaon na ang patalim sa balikat niya na siyang nagpatulala sa akin. 

  Ako nanaman ang dahilan… 

  Ako nanaman ang may kasalanan kung bakit napapahamak 'yung tao… 

  Ako nanaman… 

  Malakas na napasigaw si Sir Santos dahil sa sakit na nakuha niya lalo pa nung alisin ni Emmanuel 'yung patalim sa balikat niya na mas lalong nagpalala sa natamo niyang sugat. Halos mangiyak siya sa sakit, humawak din siya sa sugat niya kaya nanginginig ang mata kong nakatingin sa kanya. 

 

  Humalakhak si Emmanuel at malakas na sinipa sa mukha ang adviser ko. 

"Ti…gilan mo 'yan…" Nanghihina't basag na pakiusap ko. Tumalsik si Sir Santos at pahiga na bumagsak sa simento. 

  Nilapitan siya ni Emmanuel para sipa-sipain. Malakas iyon na halos hindi na rin makagalaw ang adviser ko sa kinahihigaan niya. 

  Kasi ano nga ba ang laban namin sa isang tao sa organisasyon na maraming krimen na nagagawa? Mamamatay tao siya, wala siyang awa kaya papahirapan niya kami bago kami patayin. 

  "Sinasayang mo 'yung oras ko, kung hindi mo sana ako pinakielaman, edi sana kanina ko pa pinatay 'yung babaeng 'yon, 'di ba?!" Turo niya sa akin. "Eh, kaso ngayon pati ikaw, madadamay. Hindi na nga kita hinanap pero sinundan mo pa ako?" Hindi niya makapaniwala tanong at muling sinipa ang sikmura ng adviser ko. 

  Umismid si Emmanuel. "Ikaw may pili nito, at dahil pakielamero ka masyado…" Muling inangat ni Emmanuel ang patalim niya. "Papatayin kita." Walang emosyon na aniya bago muling isaksak ito sa adviser ko. 

  Subalit tumalsik ang patalim na hawak ni Emmanuel sa kung saan nang may bumaril. Gulat na gulat din ako pero napatingin din sa may gawa niyon. 

  Si Roxas. Umuusok ang front sight ng pistol gun bago niya hipan ito. Patalon siyang bumaba sa pangalawang simento na mukhang umakyat mula sa ibaba. Hindi niya gamit 'yung jet pack na nakita ko kanina. 

 

  Seryoso ang kanyang mukha habang nanatiling nakatayo sa kinaroonan niya. Samantalang inis namang napatingin sa kanya si Emmanuel. "May isa pang insekto!" Galit na galit niyang sambit at iritableng kumamot sa ulo niya gamit ang dalawa niyang kamay. "Bakit palagi na lang?! SINISIRA N'YO 'YUNG PLANO KO! POTANG*NA! HINDI NA LANG KAYO MAMATAY LAHAT!" Labas sa baga niyang sigaw sa galit. Para talaga siyang nababaliw ro'n na hawak-hawak ang kanyang ulo. 

  Pagapang akong lumalapit kay Sir Santos na mabilis namang iniharang ni Roxas, pumunta siya sa harapan ko na animo'y pinipigilan ako bago siya mabilis na umatake papunta kay Emmanuel. 

 

  Tulad nung kila Lara. Hindi ko rin makita 'yung bawat atake na binabato nila sa isa't isa. Ngunit kumpara kina Emmanuel at Lara na baril sa baril ang labanan. 

Isa sa martial arts naman ang gamit ni Roxas at Emmanuel ngayon. 

  Palayo sila nang palayo sa amin kaya nagawa kong lapitan ang adviser ko na naghahabol hininga. Hawak ko lang din ang sikmura ko't napapapikit pikit ang mata sa sakit na nararamdaman ng katawan ko pero hindi iyon ang sapat na dahilan para sumuko ako. 

 

  Pero kahit may kaisipan akong hindi sumuko, mukhang bumigay ang katawan ko't padapa na akong bumagsak. Hawak ko ang dibdib ko noong bigla itong sumikip. 

Sa pagkakataon na ito, wala akong makuhang hangin. 

  Bumagsak ang iilang ambon sa pisngi ko, senyales na nandiyan na yata ang nasabing bagyo. Nakarinig kami ng kulog, lumalakas na rin ang ihip ng hangin gayun din ang iilang wangwang mula sa pulis na nasa ibaba ng gusaling ito. 

  Nakakarinig pa rin ako ng iilang putukan, iilang sigawan ng mga tao. Napapapikit na ang mata kong nanlalabo nanaman ang paningin. 

  Ang pandinig ko ay unti-unti ng nawawala. 

  Huminga ako nang malalim, pero wala. Hindi ko pa rin magawang makakuha ng sapat na hangin. Kinakapusan na ako ng hininga. Hindi na kaya ng katawan ko. 

  "Hahh…" Paglabas ko ng hangin mula sa ilong at pumikit. 

  Lara... 

Lara's Point of View 

Nakatutok ang double-handed pistol gun ko sa lalaking na sa harapan kong si Rio gayun din siya na nakatutok ang baril niya na Ruger 1707 GP100 sa akin. 

Palakas na nang palakas ang ulan na bumabagsak habang sumasabay ang buhok ko sa paraan ng pag-ihip ng malakas na hangin. 

Tumulo ang dugo sa pisngi ko na nagawa niyang masugatan bago ko iyon punasan ng likuran kong palad. 

Umismid siya. "What's wrong? Petrified already?"

Tumama ang kidlat sa pagitan namin, nagkaroon nang kaunting sunog doon pero ni isa sa amin ay walang pumitlag. Masama lamang ang paraan ng pagbato namin ng tinginan sa isa't isa. 

"Pathetic. I got no reason to fear you." Kinalas ko ang baril ko't inilagay ang hintuturo sa trigger. Ito na ang kahuli-huling bala ko-- ang puting bala. 

I shall end this with each of my single WHITE BULLET

***** 

 


クリエイターの想い
Yulie_Shiori Yulie_Shiori

2 chapters sana talaga ang ipo-post ko ngayon, kaso wala pa rin talaga akong time. May inaasikaso rin kasi ako. Haha!

Pero 'di bale, patapos na rin kasi ang Book3. Iilang chapters na lang bago tayo mag move on sa final season ng series. Abangan ang mga susunod na ganap! Yehey!

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

レビューを書く 読み取りステータス: C75
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

段落のコメント

ログイン