アプリをダウンロード

章 8: 8

Mabilis siyang umiling-iling. "Wala naman."

"We're cousins. Sa States ako dati nag-aral pero umuwi ako ng bansa para mag-aral dito, Brain is also a Chemical engineering student, he's ahead by one and I didn't feel like studying in his school, kaya ako nandito."

Tumango-tango naman siya. "Oh, so, galing ka pa pala sa States, bakit ka nag-transfer dito?"

"Family problem and I wanna meet my old friend again."

"Old friend?"

"Yeah, my friend during grade school. She's my only friend in school who never bullied me."

"Bullied? Binu-bully ka noon?"

"I was once a big big kid during grade school. Like you, I was always being bullied by our classmates. Siya lang ang naging kaibigan ko because everyone didn't like me."

Tumango-tango naman siya. Parang nakaka-relate siya sa sinabi nito, may naging friend din kasi siyang chubby kid during grade school. Kaya siguro ito sumang-ayon agad sa pag-iilusyon niya na boyfriend ito—dahil naka-relate ito sa kanya—kaya siya iniligtas mula sa mga mapanghusgang mga tao. Naaawa ito sa kanya!

Pero kung mataba ito no'ng grade school, grabe sigurong effort ang ginawa nito kasi wala nang trace na naging mataba ito, ang ganda-ganda kasi ng katawan nito at sobrang guwapo pa. Para itong gumagalaw na mannequin—naalala tuloy niya ang usapan ng mga estudyante sa library last time—baka si Yasser ang tinutukoy ng mga ito noon.

"Paano ka pumayat nang ganyan kung gano'n?" curious na tanong niya.

"Mataba ako 'till high school, pero nawala dahil sa proper exercise and diet."

Tumango-tango naman siya. She was amazed! Hindi kasi niya magagawa ang ginawa nito, she tried pero epic fail. Mas lalo siyang nagutom at naging maganang kumain.

"Nagkita na ba uli kayo no'ng friend mo?"

Umiling-iling ito. "Ilang taon na din kaming walang komunikasyon, but we promised to each other that we'll going to meet in our elementary school, after a decade, hope she could still remember it," anito, saglit tuloy siyang napatigil sa pag-iisip—para kasing pareho sila ni Yasser ng nakaraan, nangako din kasi sila ng kaibigan niya no'ng grade school na magkikita after a decade. Napaka-ironic naman at pareho pa sila nito ng kuwento. "Maybe the following day ay magkaroon na ng result ang pagpapahanap ko sa kanya sa isang private investigator."

"Pinapahanap mo siya?"

"I don't have any news about her and I didn't even remember her last name." Tumango-tango naman siya. "You know what, magka-sounds like ang mga names n'yo, I also call her Twynie, that's why I called you Twynie."

Pakiramdam niya ay tumigil ang lahat ng mga tao, ibon at anumang living things sa paggalaw dahil sa narinig niyang sinabi ng lalaki. His grade school friend named Twynie and they'd promised to meet each other again after a decade and he used to be a big big boy—oh my God, huwag sabihin ng tadhana na...

Yas, is that you? Tanong ng isipan niya sa lalaking nasa harapan niya. Palibhasa ay hindi din niya maalala ang apelido nito noon—even his complete name, ang alam lang niya ay Yas na short cut pala ng Yasser. Oh my God! Tinitigan niya nang mabuti ang lalaki hanggang sa unti-unti niyang naico-compare ang lalaki sa kababata niya noon. Ang mahahabang pilik-mata nito, ang ilong, bibig at ang mukha nito—mataba lang si Yasser noon.

Nahirapan tuloy siyang lumunok dahil sa natuklasang sekreto. She was too shocked and amazed, dahil sa lawak ng mundo ay nag-meet uli sila nito nang hindi inaasahan at hindi pa nila kilala ang isa't isa. This was truly ironic and amazing. Hindi siya makapaniwala!

Gosh! Imposibleng nakilala siya nito bilang si Twynie, his childhood best friend because she was no longer a cute little girl! At paano pa siya makikipagkita sa lalaki kung siya na... super cute noon ay mukha ng balyena ngayon—at ang chubby little boy noon ay isa ng heartthrob-slash-mukhang matinee idol sa kaguwapuhan?

Pakiramdam niya ay bigla siyang nahiya sa lalaking kaharap. Kilala niya ito bilang si Yas na kababata niya noon—ito ay wala pa ring ideya na siya si Twynie na kababata din nito noon—na hindi niya masabi dahil nahihiya siya sa kinahinatnan niya. Baka kasi magulat ito dahil nagkapalit na sila ng katauhan—siya na ngayon ang mataba.

Pero matatanggap naman siguro siya nito kapag nalaman nito na siya si Twynie, his cute friend during grade school—pero nahihiya siyang magpakilala. Paano kung marami nang nagbago dito? Paano kung hindi na ito kasing sweet, funny at cute nang young Yas na nakilala niya dati?

Hindi niya namalayan na ten years na nga pala ang nagdaan simula nang huli silang magkita ng lalaki, marami nang nagbago sa kanilang dalawa, dati magka-height lang sila nito, abot pa niya ang bunbunan nito para guluhin ang buhok nito, ngayon ay sobrang tangkad na nito—dati kinukurot-kurot pa niya ang chubby cheeks nito—pero ngayon lumipat na sa kanya ang chubby cheeks. And gosh, nakalimutan niyang magaling pala si Yas na kumanta—paano kung makita pa 'yon ng admirers nito? Baka mas lalo itong magustuhan?

She really didn't imagine that the guy she was having a crush on—was actually her grade school bff! Kaya pala may something pa itong impact sa kanya bukod sa kagupuwahan nito.

"Twynsta, are you okay? You seemed so bothered." Anito.

Yes, she is! Pinapahanap na daw siya sa private investigator dahil gusto na siyang makita nito. Nahihiya siyang makita nito sa gano'ng hitsura. Parang nang mga sandaling 'yon ay gusto na niyang mag-diet agad para payat na siyang makita nito, pero imposible namang mawala ang fats niya sa ilang araw lang.

"I-I'm okay." Nakangiting sabi niya, saka niya mabilis inubos ang hotdog sandwich niya. Naalala niya na gusto nga pala niyang mag-diet, pero hindi talaga niya ma-resist ang mga pagkain.

DEAR DIARY,

You wouldn't believe me! After ten long years, nagkita na uli kami ni Yas, yes, my chubby grade school bff—and you wouldn't also believe me—dahil ang Yasser na lalaking nasa wallpaper ko na crush na crush ko—at si Yas na grade school bff ko... ay iisa! Oh my God, ang liit nga talaga ng mundo!

Kaya pala may kakaiba na akong nararamdaman para sa kanya noon—'yon pala ay dahil may koneksyon na kami sa isa't isa. Ang super duper guwapo na ni Yas ngayon at sobrang hindi ko na ma-trace ang ka-chubby-han niya no'ng grade school. He is a totally a different Yas now, physically, pero sana siya pa rin ang bff kong si Yas noon.

And gosh! Ipinapahanap daw niya ako sa PI, hindi ko tuloy alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na ako at ang bff niya noon ay iisa, dahil sobrang hindi kapani-paniwala. Iniiisip ko pa lang na matutuklasan niyang ako si Twynie, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa ako handang magpakita sa kanya, sana maghintay pa siya ilang panahon! I need to think of something, help me what to do, diary!

Salamat diary, I love you!

Love,

Twynsta Ranillo


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C8
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン