アプリをダウンロード
48.14% Finding Sehria / Chapter 13: Chapter 12 - Reality

章 13: Chapter 12 - Reality

"Hindi nga ako si Sehria. I'm Glessy Pelipada, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo yun? Mga baliw kayo."

As expected, kahit ilang beses na naming ipaliwanag sa kanya ang lahat, hindi pa rin siya naniniwala sa amin. Akala niya pinagtitripan namin siya.

"Ikaw si Sehria. Ikaw ang kapatid namin," pangungumbinsi pa ni Azval. Hindi na ito umalis sa tabi ni Glessy mula nang magkamalay ito. Masyado siguro siyang sabik na makasama ito. Si Azure naman, ewan ko kung saan na naman nagsususuot yun.

Lumapit si Fina kay Glessy at umupo sa tabi nito. "Alam ko mahirap paniwalaan pero katulad ka namin. Matatangap mo din ang lahat."

"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo diyan. Basta hindi ako si Sehria, at hindi ako baliw na gaya niyo."

Bumalik siya sa pagkakahiga niya at nagtalukbong ng kumot. Mahirap naman talagang tanggapin ang mga nalaman niya, lalo pa't may mabigat siyang responsibilidad bilang isang Aurora.

"Let's go guys. Hayaan na muna natin siyang magpahinga," yaya ni Austin. We should give her the space she really needs.

Isa isa kaming lumabas sa kwarto ni Glessy. Nagpaiwan si Azval para bantayan ito, baka daw kasi may magtangkang kumuha na naman dito. Hinayaan na lang namin siya para kahit paano makapag-usap silang magkapatid nang masinsinan.

"You okay?" Hahawakan sana ni Janus ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas.

"What's the matter?" gulat na tanong nito.

"Wala. Pagod lang."

Kumunot ang noo nito. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa akin.

"You're giving me a cold shoulder these past few days. Did I do something wrong? Tell me."

Napakagat ako sa labi ko. Wala akong mabuong salita. Ayokong isipin niya na may mali siyang nagawa dahil wala naman talaga.

"Praning ka lang," pagkumbinsi ko.

Walang problema sa'yo. Ako, ako ang may problema.

"That's bullshit, Lei! Tell me, what did I do wrong so I can make it up to you. Don't be like this to me, please?" Sa tono ng pananalita ramdam na ramdam ko ang frustration niya.

"Nag-aaway ba kayo?" pumagitna na sa amin si Fina. Pinagtitinginan na din kami ng ibang dumadaan.

"Uwi na tayo," pakiusap ko kay Austin. Sa kanya na lang ako sasabay dahil magkapitbahay naman kami.

Sino bang niloloko ko? Umiiwas lang naman talaga ko.

"No! You'll come with me. Let's talk, Lei," giit ni Janus. Kinuha niya ulit ang kamay ko, hinila niya ko para sumunod sa kanya pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Please, huwag muna ngayon?" pagsusumamo ko.

"Okay." I saw a glint of hurt in his eyes. Parang pinilipit din sa sakit ang puso ko. Dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at tumalikod. Pinagmasdan ko lang ang likuran niya habang naglalakad na ito palayo sa akin. Gusto ko siyang habulin. Gusto kong magsorry sa mga inasal ko pero wala akong ginawa. Hinayaan ko siyang umalis na masama ang loob.

Dahil Sabado naman at wala ring soccer practice sina Austin, nagpasya silang tumambay muna sa bahay para magmovie marathon. Excuse lang nila ang movie marathon, alam ko naman na gusto lang nila akong samahan.

Dalawang movie na ata ang napanuod namin pero hindi ko naman maintindihan ito. Lumilipad sa kung saan isip ko. Mali, lumilipad ang isip ko papunta kay Janus.

Naalala ko ang itsura ng mukha nito sa ospital, kung paano gumuhit ang sakit sa mata niya nung tanggihan ko siya. Kaya ko ba talagang umiwas sa kanya?

Kailangan niya rin 'to. Para mas makapag-isip din siya ng maayos.

"Ano na Lei? Nakailang movie na tayo, mauubos na namin 'tong kwek kwek at fishball pero ikaw tulala pa din diyan."

Austin called out and I snapped out from my reverie. Tapos na pala yung pinapanuod nila kaya ako naman ang pinapanuod nila ngayon. Napayakap na lang ako sa throwpillow na hawak ko.

"Alam mo kasi Lei, pinag-uusapan niyo dapat yan. Kahit kailan, ang pag-iwas ay hindi magiging magandang solusyon. Huwag kang duwag. Tutal hinarap mo ng buong tapang yang nararamdaman mo sa kanya, huwag mong takbuhan bigla. Harapin niyo yan ng magkasama, hindi pwedeng isa lang sa inyo ang matapang na haharap sa kung anuman niyang haharapin niyo. O di ba ang gulo ko? Ang sinasabi ko lang, pag-usapan niyong mabuti kung itutuloy niyo pa ba yang namamagitan sa inyo o ititigil na. Huwag kang umiwas, huwag kang tumakbo palayo kay Janus baka pagsisihan mo sa huli. Huwag ka mag-pauso ng ghosting. Bad yun."

Parang may anghel na dumaan sa harap namin. Saglit kaming natahamik. Bihira lang kasi magsalita ng matino itong si Elliot.

"Wala ka namang lovelife ah, saan mo nahugot yang mga sinasabi mo?" tanong ni Fina.

"Baka sa pwet ko! Gusto mo makita?" inis na sambit ni Elliot. "Judgemental. Kapag ako nagka-lovelife, who u ka sa akin. Huh!"

Natawa na lang kami sa reaksyon ni Elliot. Parang iiyak na eh.

*****

Kung kailan mo gustong bumilis ang araw, doon naman ito mabagal na lumilipas. Parang nang-aasar lang. Sinubukan kong tawagan si Janus pero nakapatay naman ang phone nito. Hindi rin siya nag-oonline kahit sa facebook. Miss na miss ko na siya.

Then Monday comes, maaga akong pumasok para hintayin siya sa locker. Pasilip-silip ako sa mga estudyanteng dumadaan. Malapit na mag-alas nuebe pero kahit anino niya, hindi ko pa din nakikita. Hindi naman yun nale-kate sa pagkakaalam ko. Nagtungo na rin ako sa room nila, nagbabaka sakali na dumating na siya at nagkasalisi lang kami pero wala akong Janus na nadatnan sa upuan niya. Hindi ba siya papasok?

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Matamlay akong bumalik sa room namin. Hindi ko magawang makinig sa mga lesson namin ngayon, nawalan din ako ng ganang kumain kahit nung lunch break. Love sick na ba ituuu?

Umasa akong late lang talaga si Janus pero hindi talaga siya pumasok. Kahit sa soccer practice nila, hindi rin siya nagpakita. Nasaan ka na ba Janus? Walanghiya. Huwag ka naman magpamiss masyado. Masakit na puso ko.

Nagpasya na lang akong bisitahin si Glessy. Iniwan ko na si Fina na abala sa panunuod kay Austin. Si Elliot naman may popormahan daw na chicks. Sino naman kaya? Ipagdasal ko yung girl. Joke.

Pumara ako ng jeep papunta sa ospital. Chineck ko ulit ang phone ko, sinubukan kong tawagan si Janus. Bukas na ang phone nito pero panay ring lang naman. Baka busy?

Pagdating ko sa ospital, gulat na gulat ako nang madatnan ko si Janus sa kwarto ni Glessy. Mukhang ang saya saya nila habang naglalaro ng baraha. Don't tell me, kaya siya hindi pumasok para bantayin ito? Napahawak ako sa dibdib ko, kumikirot na naman siya.

Aalis na sana ko kaso nakita na ako ni Glessy.

"Uy, Lei! Pasok ka dali! Sali ka sa amin." tawag nito.

Huminga ako ng malalim. Dahan dahan akong lumapit sa kanila, pakiramdam ko nababasag ang puso ko sa bawat paghakbang ko.

"Nandito ka lang pala! Bakit di ka pumasok ha?" Nakangiting bati ko kay Janus, may paghampas pa ako sa balikat niya. Hindi siya umimik. Hindi niya man lang ako magawang tapunan ng tingin.

Ano ko hangin? Nakakasakit ka na talagang boy kidlat ka!

"May trabaho kasi si mama, walang magbabantay sa akin. Kaya ko naman mag-isa kaso makulit yung lalaking may pula ang buhok, pinakiusapan niya 'tong si Janus na magbantay muna habang wala siya," paliwanag ni Glessy. Kakaiba ang saya niya ngayon, siguro kasi magkasama sila ni Janus buong araw.

"Sige, alis na ko. Sumilip lang ako kasi inutusan ako ni mama, malapit lang kasi dito yun kaya naisipan kong bisitahin ka din saglit," pagdadahilan ko. Hindi ko na kayang magtagal sa loob ng kwarto niya, lalo't nakikita kong nagkakasiyahan sila.

"Sayang naman. Ang saya pa naman kalaro ni Janus."

Mukha nga.

"Pagaling ka."

Dali dali akong lumabas sa kwarto ni Glessy. Mabibilis ang mga hakbang ko. Gusto ko makalayo agad sa lugar na ito. Hindi ko na din pinansin yung taong nabangga ko. Dire-diretso lang akong naglakad.

Bigla na lang may humila sa kamay ko. Napakapamilyar ng init na nagmumula sa kamay nito. Hinila niya ako patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang motor niya.

"Bakit mo iniwan si Glessy mag-isa dun?" matabang na tanong ko sa kanya.

"Azval just got back at the right moment," a triumphant smile forming on his lips.

Huwag kang ngingiti-ngiti diyan. Namiss ko yang ngiti mo, gago ka!

Isinuot niya sa akin ang extrang helmet niya. Walang nagsasalita sa amin kahit nang makasakay na ako sa likod niya. Akala ko ihahatid na niya ko sa amin pero ibang lugar ang dinadaanan namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi na rin ako nagtanong.

Tahimik kami buong biyahe. Hindi ko na rin kinakaya ang nakakabinging katahimikan. Napayakap na lang ako sa bewang niya at sinubsob ang mukha ko sa likod niya.

"Sorry," I muttered softly.

"It's okay," tipid na sagot niya.

Dinala ako ni Janus sa may tabing dagat. Magkahawak kamay kami na naglalakad sa dalampasigan. Tila tinangay ng malalaking alon ang lahat ng agam agam ko. Nang mapagod kami sa paglalakad, naupo kami sa may buhanginan. Wala na kaming pake kung madumihan pa ang mga suot namin.

"Care to tell me, what's bothering you?" alalang tanong nito.

Nanatili akong tahimik, siya naman ay naghihintay lang na mag-open ako sa kanya habang nakatingin siya sa araw.

"Naniniwala ka ba sa soulmate?" wala sa loob na tanong ko.

Nagkibit-balikat lang ito.

"Paano kung si Sehria ang soulmate mo?" Pipiliin mo pa rin ba ko? Hindi ko magawang itanong sa kanya yung huli.

Napatingin siya sa akin. Salubong na naman ang kilay niya. "So that's it? You're acting like that because of that stupid dream?"

"Oo. Ganun ako kababaw." I admitted. There's no point in lying. Tulad ng iba meron din akong mga insecurities, at kinakain ako nito ngayon.

"Akala mo kasi ako yung nasa panaginip mo kaya siguro akala mo gusto mo din ako, paano kung ganun pala yun? Ngayong malinaw na sa'yo ang lahat, hindi ako ang babae sa panaginip mo. Gusto mo pa rin ba ako?"

Mas mabuti nang malinaw sa amin ang lahat. Ayokong masaktan sa huli lalo na't hulog na hulog na ko kay Janus.

Narinig ko siyang malalim na bumuntong hininga. Ang tagal niyang sumagot kaya nakaramdam ako bigla ng kaba.

"Huwag mo na nga lang sagutin," biglang bawi ko. Oo na, ang duwag ko na. "Mukhang alam ko na ang sagot. Ang saya saya mo kanina nung kasama mo siya."

"So you're jealous?" nakangising tanong nito.

Napairap na lang ako sa inis. Tuwang tuwa pa siya na nagseselos ako. Tse!

"Silly! Never doubt my feelings for you, woman," He said assuringly.

Agad niya kong kinabig palapit sa kanya at niyakap ako. Gustong gusto ko ang pakiramdam na nakakulong sa bisig niya.

"Maybe Sehria's the girl of my dream but you know what's better than a dream?" He asked.

Napatitig ako sa gwapong mukha niya. Masuyo niya akong hinalikan sa noo bago niya pinagpatuloy ang sasabihin niya.

"It's you. You are my reality and my only dream is to be with you. Fuck that soulmate! Fuck that destiny! And fuck the whole universe if they conspired against us! You are the only girl I want to be with. It's you who completed me. It's you..." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay yun sa tapat ng puso niya. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya na tanging para sa akin lang.

"You are the reason why this heart of mine is beating crazily. It will always be you, Lei."

Masyadong naantig ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko na napigilang umiyak. Handa na sana akong magparaya. Handa na akong ibigay siya sa iba, pero ang totoo, tanging siya lang din ang gusto ng puso ko. Hindi naman siguro isang malaking kasalanan kung mahalin ko siya.

"Do you love me?" seryosong tanong nito. Habang pinupunasan niya ang luha sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

Napakurap-kurap ako. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. "Kiki, do you love me? Are you riding?" pagkanta ko.

Sinimangutan naman niya ko. Pikon naman nito.

"Come on, Lei. This is not the time for your joke."

"Oo na! Mahal kita. Peksman mamatay man. Tapon susi."

I saw him smiled.

Kasabay ng paglubog ng araw, dahan dahan ring bumaba ang labi niya sa labi ko. I closed my eyes savouring our first real kiss. He was kissing me with full of love and assurance, as if he was trying to washed away all my doubts and fear.

He's here with me. He belongs to me and I solely belong to him. Patamaan niya ng kidlat ang mga humadlang.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C13
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン