Iminulat ko ang mga mata ko. Inunat ko ang mga bisig ko at sabay napa-hikab ako.
Sandaling iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Pagdaka'y, bigla akong napa-balikwas ng bangon nang mapansin kong mukhang wala ako sa kwarto ko.
Iginala ko ang sarili ko at wala nga ako talaga sa sarili kong kwarto! Nasaan ba ako?
Napa-sapo ako bigla sa sentido nang maalala ko na nasa bahay pala ako ni Steven, at dito ako natulog sa guess room nila.
Hays. Ang ulyanin ko naman! maganda lang talaga eh?
Bago ko maisipang ilapat ang mga paa ko sa sahig, napa-tingin ako sa pinto ng marinig kong bumukas ito.
"Good morning maam, Marsha. Pinapa-sabi po ni sir Steven na bumaba daw po kayo para mag-almusal.." mahinahon na sabi nung babaeng maid. At kung hindi ako nag-kakamali, siya yung may katandaan na, na nakita ko kagabi nang utusan siya ni Steven.
"A-ahh. Susunod na po ako, pakisabi nalang, ho. Salamat.." ani ko. Pagkasabi ko niyon sa kanya, tumango siya at saka isinara ang pinto.
Napa-ngiti ako sandali. Ewan ko pero parang mag-asawa ang peg namin ni Steven ngayon ha? Haha. Ganda ko talaga.
Dahan-dahan kong inilakad ang mga paa ko. Naalala ko na ginamot pala 'to ni Steven kagabi. At ang akala kong mauuwi sa romantikong scenario ay nabulilyaso pa. Hays. Napaka-asyumera ko talaga!
Binuksan ko ang pinto hanggang sa maka-labas na ako ng kwarto.
Maingat akong nag-lakad papunta sa hagdan, dahil sa sobrang kinis at kintab, medyo madulas pa ang sahig. Napansin ko rin ang lawak at laki ng bahay. At hindi makakailang mukhang mansiyon na nga itong bahay ni Steven.
Pagka-baba ko sa hagdan, hinanap ko yung kusina. Medyo nagkanda-ligaw pa ako dahil paano ba naman kasi, ang lawak talaga ng bahay ni Steven.
Hays. Ang suwerte siguro nang mapapa-ngasawa ni Steven? Hmm. Ako kaya 'yon? Pero paano si Logan?
Ay lintek. Bakit ko ba naalala yung lalaking 'yon? Kagabi pa siya ha?
Speaking kay Logan, ano kaya sana yung sasabihin niya kagabi? Hays. Naudlot pa kasi! lintek na magnanakaw 'yon. Panira ng moment!
"You're finally here. Have a seat." bungad sa akin ni Steven nang makita ko siyang naka-upo sa hapag habang kumakain.
Napa-dapo ang tingin ko sa ibabaw ng mesa at biglang kumalam ang sikmura ko.
Nag-nining ang mga mata ko. Ang daming pagkain at kung tutuusin, mukhang ngayon ko palang ata 'yon matitikman!
Tinungo ko kaagad ang upuan at umupo ako kaharap si Steven. Napansin kong napa-ngisi ito sa akin.
Sa totoo lang, syempre may hiya rin ako 'no. Pero syempre, hindi dapat tanggihan yung grasya! lumalapit na sa'yo eh.
"I know you're hungry. You can eat all of these if you want." napa-saklop ang mga kamay ko habang pinag-lalaruan ko iyon, at naka-ngiti akong naka-tingin kay Steven.
"T-talaga?"
"Yeah. I'll told my maid to cook again if you want to."
"H-hehe. Salamat nalang. Pero, sobra-sobra na 'to.." nagkibit-balikat nalang siya at napa-tawa ng marahan, saka siya nagpatuloy na kumain.
Nag pray muna ako bago ko nilantakan yung mga pagkain.
"You look cute when you're praying and while you're eating.." napa-tigil ako sandali sa pag-kain ng mapa-tingin ako sa kanya. Napansin kong pinag-mamasdan niya lang ako habang kumakain.
Talaga? well, maganda kasi ako.
Pinag-patuloy ko nalang ulit ang pag-nguya ko ng pagkain ng inalis ko yung tingin ko sa kanya. Naramdaman kong medyo nag-init ang pisngi ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Anyway, did you already contacted your sibling? How is she now?" nilunok ko muna yung kinakain ko pagkatapos ay tumingin ako sa kanya.
"Sa totoo lang, tinawagan ko siya kagabi. Kaso lang, hindi niya sinasagot yung tawag ko.." napa-kurba ako ng labi.
"Oh, I see. I think she'll still worrying on you now.." Ilang segundo ang lumipas at hindi muna ako nagsalita ng makaramdam ako ng lungkot at pag-aala kay Dwayne.
Tinapos ko nalang muna ang pagkain ko. Pagkatapos, saka ko naman 'yon nilagay sa lababo. Pati yung ibang mga pinag-kainan.
"Ma'am, ako na po diyan." napa-tingin ako sa maid na naka-tayo ngayon sa harap ko.
"Okay lang po. Ako nalang.." pag-kukusa ko.
"Marsha. Just let her. She can do that." ibinaling ko ang tingin kay Steven na ngayon ay naka-tayo. Naka-halukipkip at tinatapunan ako ng tingin.
Ngayon ko lang napansin na naka-suit siya. At mukhang papasok na ata siya sa trabaho niya ngayon.
Speaking sa trabaho. Nawala sa loob ko na may pasok pala ako ngayon. Patay! baka mag-report sa akin si ms Lailani nito!
Nilapitan ko si Steven at nagtanong ako sa kanya.
"S-steven, pwede ko bang malaman kung anong oras na?" hindi ko kasi dala yung bag ko para tignan yung oras sa cellphone. At mukhang naiwan ko ata 'yon dun sa kwarto.
"It's already nine o'clock. Why?" nagtataka niyang tanong. Kumunot-noo siya.
"P-pwede na ba akong umuwi? Naalala ko na may pasok kasi ako eh.." gumilid ang labi niya habang mataman pa rin itong naka-tingin sa akin.
"Sure, you can. I'll just drive you home."
"S-salamat nalang ha? pero Magko-komyut nalang ako. Saka baka ma-late ka pa sa trabaho mo.." bigla nalang sumilay ang ngiti niya sa labi.
"It's not the case. Besides, I'm actually the boss there. Well, maybe you'll be too late if you'll not allow me to drive you home. So, can I?" this time, nginitian na niya ako. Napansin kong tuwing ngumingiti siya ay, mas lalo siyang gumagwapo. Pero si Logan? Haist. Gwapo naman pero mukhang halimaw pa rin kapag ngumingiti.
Hays. Bakit na naman ba bigla-bigla nalang siyang pumapasok sa isip ko? Saka anong paki ko 'don? Hays. Di bale na nga.
Tumango nalang ako sa kanya.
"So, Let's go." saad niya.
Pagdaka'y tumalikod na siya sa akin at sabay nag-lakad paalis. Sumunod naman na ako sa kanya nang tumungo na kami sa kotse niya.
Pagdaka'y sumakay na ako doon nang pag-buksan niya ako. Pagkatapos ay, umikot na siya papunta sa driver's seat.
Pagdaka'y pina-andar na niya yung kotse matapos siyang sumakay. Hanggang sa maka-labas na kami ng gate ng bahay niya.
Hello there!
please do Comment, send gifts and Vote! It's my inspiration to write up this story!
thank you and lovelots! ❤️
P.s. Please read my another story!
"His Deranged Love"
thank you❤️