アプリをダウンロード
50% STE Class' Black Sheep / Chapter 3: Chapter Two

章 3: Chapter Two

-ICEL-

Midterm

Nakatanaw lang ako sa bintana. Nasa panghuling row ako sa pinakagitna. Napapalibutan ng mga maiingay at mga damuhong kaklase.

Nagkakagulo na ang classroom. Bakit daw kasi ginawang one seat apart na naman. Malabo tuloy ang kopyahan. Kahit naman kasi nasa first section kami, hindi ibig sabihin noon ay hindi na kami nahihirapan. Kaya wala kaming choice.

"Alam mo, kanina ka pa tahimik. Kaya kapag pinagtatabi kayo niyan parang napaka peaceful niyong tingnan." Liningon ko ang nagsalita at nakita ko ang nakangiting si Desiree habang nakanguso sa pwesto ni Angel na tahimik lang na nagbabasa ng libro.

Desiree is my kind of classmate na hindi matahimik kapag hindi nakukuha ang gusto niya while Angel, literal na anghel. Maputi, matalino, maganda at di makabasag pinggan. Yung kapag ngumingiti siya, parang bumukas yung langit para sa'yo.

"Oy yung cellphones niyo daw pakilagay na sa harapan." Wika ni Jayneth, ang vice president ng klase. Nagkasalubong pa ang dalawang kilay niya dahil sa inis. Paano ba naman kasi, mag e-exam na pero puro cellphone parin ang inaatupag nila.

Agad na lamang akong tumayo para ilagay ang cellphone sa basket na nasa teacher's table but sad to say nakita ko na naman ang gagong walang alam gawin kundi ang bwesitin ang araw ko.

Pagkalagay na pagkalagay ko sa cellphone ko ay agad akong tumalikod para iwasan siya. Sa hindi malamang dahilan ay agad niya naman akong hinila dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Oy." Pinagmasdan ko lang siya habang nakangiti parin ang mga labi niya. "Iniiwasan mo ba ako? Naiirita ka na ba sakin?" Sambit niya habang may ngiti parin sa kanyang mga labi pero alam kong pilit na lamang ito.

"Sorry." Iyon lamang ang huling sinabi niya bago siya pumunta sa kanyang upuan.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka bumalik sa upuan. Bakit parang na g-guilty ako na hindi ko pinansin si LJ? Putek nakakasanay kasi yung mga trip niya.

Maya-maya pa'y nagsidatingan narin ang mga kaklase ko at kasunod nila ang adviser naming si Miss Lani at Sir Paul.

Inilapag ni Miss Lani ang mga test papers habang si Sir Paul naman ay pumwesto sa likod naming lahat upang madali niyang mahuli ang mga estudyanteng nangongopya.

"Let's start our exam. Good luck students." Sambit ni Miss Lani sabay abot ng mga test papers sa mga estudyanteng nakaupo sa harapan.

~•~

5:00 p.m

Napahikab na lamang ako ng matapos ko na ang pinakahuling subject. Tatayo na sana ako pero bigla na lamang naging sirko ang paningin ko kaya wala akong nagawa kundi ang umupo nalang ulit.

"Faster. Tayo nalang ang naiiwan dito sa school. Wrap it up now. Pass your papers." Wika ni Sir Paul.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng sa wakas ay patapos narin ang exam. Gusto ko ng umuwi at matulog.

"Ma'am, mauuna napo ako." Napatingin naman ang buong klase kay Joy, ang pinakamatalino sa klase at ang main source ng mga sagot.

"Oh sige. Mag-iingat ka." Agad namang tumango si Joy habang nakangiti bilang sagot sa sinabi ni Miss Lani.

Makaraan ang ilang segundo ng umalis si Joy ay nagtayuan na kami ng mga kaklase ko. Habang nag-iinat ng braso, napansin kong palabas na si LJ ng classroom. Hindi niya ba ako kukulitin-- shit Icel huwag mo na siyang pansinin please lang.

Lumapit naman agad sa upuan ko so Jocelyn habang nakangiti parin. Kumikinang na naman ang mga mata niya. Ugh.

"Icel saba--" hindi na natapos ni Jocelyn ang sasabihin niya ng may marinig kaming isang napakalakas na putok.

Agad namang napaatras LJ at dali-dali akong pinuntahan at saka niyakap. Alam niyang may phobia ako sa ganito.

Nangangatog parin ang mga tuhod ko ng may maalala ako. Shit! Shit bakit ngayon ko lang naalala to?! Shit! Sana pinigilan ko siya!

Bigla namang tumunog ang intercom at isang napakalalim na boses ang narinig namin dito.

"Listen. No one will go out in this building. The gate was lock, your parents didn't know about this. Now, we will play some games. Answer the riddles with the exact time given and one of your classmate will live, fail and one of them will die."

Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. It was all planned. Bakit binalewala ko lang ang tulang iyon?!

Sana nailigtas ko pa siya.

"For the first riddle." Humiwalay ako sa pagkakayakap kay LJ at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.

Tahimik. Sobrang tahimik, malayo sa klaseng laging masaya. Maski ang mga teachers nami'y hindi makapagsalita. Pwedeng hindi sila naniniwala o kaya'y natatakot na baka konting salita man lang nila ang maging katapusan naming lahat.

" Happiness beyond sadness

Hanging in a leash

Nowhere to go neither to hide

Forever by her side

My sweetest regards"

"Now tell me, who is being describe in the poem? Your one minute starts now." Sambit ng boses ng may panunuya pa sa boses nito.

Tangina paano namin ngayon malalaman kung sino ang pumapatay kung nagsialisan na ang iba naming mga kaklase dito sa classroom?! Malamang nandito parin sila sa building pero.. Shit!

"Fuck you! Tumigil ka!" Sigaw ni Kirby ang kaklase kong masiyahin at joker pero sa pagkakataong 'to, tanging galit at pagkaseryoso lamang ang nakikita namin sa kanya.

"WHO THE FUCK ARE YOU?!" Sigaw naman ni LJ dahilan para mas bumuhos pa ang luha ko. Tangina ayoko pang mamatay!

"Answer me.. Time is ticking.. She might get.." Hindi ko na siya pinatapos pa at agad na sumigaw. Alam kong maririnig niya kami, may cctv doon sa may intercom at rinig na rinig sa cctv ang mga boses namin. Sa kasamaang palad, hindi namin alam kung nasaan ang main building ng intercom. What's worse is hindi kami pwedeng lumabas kundi mamamatay kami.

"STOP! I KNOW THE ANSWER PLEASE STOP. JOY, JOY BANDOLA SHE IS THE ONE WHO'S BEING DESCRIBE IN THE POEM. PLEASE STOP." Matapos kong isigaw iyon ay napaupo na lamang ako sa sahig saka umiyak ng umiyak. Kasalanan ko to.

"Times up. Now, go to the auditorium" Dali dali naman kaming nagsilabasan sa classroom at dali-daling pumunta sa auditorium. Nakakasalubong na sumusunod na sa amin ngayon ang mga kaklase kong nagsilabasan kanina. Nakahawak pa ang kamay ni LJ sakin habang tinatakbo namin ang pasilyo papunta sa lugar.

Nang marating namin ang auditorium ay agad na sumalubong sa amin ang mukha ni Lyle na napakaseryoso habang bakas ang lungkot sa kanyang mukha at ni Rachelle na namumugto na ang mga mata kaiiyak.

Rachelle-- she is my step sister. We're not really close. Sa katunayan mas close pa kami ni LJ dahil narin sa childhood bestfriend ko siya. Same as Lyle, kahit isang segundo hindi kami nagkausap. I mean nagkakasama kami sa mga group activities sa school pero ni 'hi' ay hindi namin magawa. Bukod kasi sa isa siyang transferee last year, napagkakamalan pa akong may gusto sa kanya dahil sa hinayupak na LJ.

"Icel, glad you're okay." ito ang unang pagkakataon na lumapit at nagsalita si Rachelle sa akin. Huli ko siyang nakausap ay noong mga bata pa kami. Kaya naman hindi ako makapaniwala na nag-aalala pala siya sa akin. I guess, concern parin siya sa step sister niya.

Walang ano-ano'y bigla na lamang akong hinila ni LJ palayo kay Rachelle at tiningnan ako ng seryosong ekspresyon kaya't ganoon nalang rin ang ginawa ko. Nakipagtitigan ako ng halos isang minuto sa kanya ng biglang magsalita si Lyle.

"We heard the killer's riddle. It's no joke anymore. Sad to say, we didn't see anything here." Nasapo ko na lamang ang aking ulo dahil sa sinabi ni Lyle. How come na hindi nila nakita si Joy?!

"AAAAAAAAAAAH!" napapitlag naman kami ng marinig ang sigaw ng isa naming kaklase. Agad kaming tumakbo papunta sa kinaroroonan nila which is sa restroom at nakita namin si Jayneth, umiiyak habang nakaupo sa sahig sa labas ng restroom at sa tabi niya'y si Miss Lani na inaalo siya upang kumalma.

Nagsigawan rin ang mga kaklase ko kaya agad naman akong napaangat ng tingin at halos maduwal na ako ng makita ko ang bangkay ni Joy, may nakatali ang paa niya sa ceiling kaya nakabaliktad siya habang may isang malalim na saksak ng isang butcher's knife sa kanyang tagiliran.

Agad naman akong hinila ni LJ at pinapikit ako, kaso huli na. Nakita ko na ang bangkay ni Joy. Lumapit rin si Rachelle sa akin at agad na hinimas ang mahaba kong buhok upang pakalmahin ako. I failed. I failed to save her.

"Why don't we get our cellphones? Diba nasa room yon?" sambit ni Rutchelle pero umiling lamang si Clarisse at Phoebe.

"Hindi natin iyon magagamit. Gumamit ng signal jammer ang killer. Walang signal." Sambit naman ni Sir Paul at ipinakita ang kanyang cellphone sa dalawa kong kaklase.

Samu't-saring mga palahaw, reklamo at iyak ang naririnig ko. May mga kaklase akong gusto nalang na mamatay kaysa pahirapan pa at may iba ring takot mamatay, at isa na dito si Angel. Tahimik siyang tao pero ngayon, kitang-kita kong takot na takot siya. Ganoon rin si Jayneth na hanggang ngayon inaalo parin ni Miss Lani.

Maging si Fruee at Champ ay puno ng pag-aalala para sa isa't-isa. Si Rajel na laging masungit ay biglang nawala at napalitan ng parang isang batang nawawala sa lansangan, takot na baka hindi na makabalik pa sa pinanggalingan.

"Paul, please count the students and please wag na wag tayong maghiwa-hiwalay." narinig naming sambit ni Miss Lani. Nakatayo na siya ngayon at nakayakap parin sa kanya si Jayneth na panay parin ang iyak dahil sa nasaksihan.

Binilang naman agad kami ni Sir Paul at nakita ko ang magkahalong kaba at takot sa mukha niya. Linibot ko naman ang aking paningin at napaawang na lamang ang bibig ko ng hindi ko siya mahagilap.

"Bakit?" magkasabay na tanong ni LJ at Lyle sa akin habang si Rachelle naman ay nakatitig lang sa akin.

Ibininalik ko naman ang tingin ko sa kanilang tatlo at agad na tumulo ulit ang mga luha ko.

"N-nasaan s-si Desiree?" nauutal-utal kong tanong dahilan para mangamba rin sila.

"Listen! We must find Desiree! She's missing!" sigaw ni Lyle dahilan para magkagulo ulit ang buong klase.

~•~

3 hours since Desiree's disappearance

8:00 p.m

"Nasaan si LJ?" tanong ko nang mapansing wala si LJ sa cafeteria kung saan kami tumatambay ngayon at kumakain.

Kasama ko sina Lyle at Rachelle sa isang table. Si Jocelyn, Fruee, Champ at Rajel naman ang magkasama. Si Jayneth naman ay kasama nina Rutchelle, Clarisse, Phoebe habang yung iba ay nasa gilid lamang nagsasalo-salo.

"Nasaan si LJ?" ulit ko sa tanong ng hindi sumagot ang dalawa. Nagsisimula na akong mabahala. Putek. Baka ano nang nangyari sa kaniya.

"May iniutos sa kanya si Sir Paul na kunin sa Computer Laboratory natin. Huwag kang mag-alala, matapang yun. Minsan narin kaming nagkasama niyan noong bago palang ako dito." ito ang kauna-unahang pagkakataon na napakataas ng sinabi ni Lyle sa akin. Pero hindi ako na a-amaze dahil mas nangingibabaw ang ang kaba at takot ko para kay LJ.

Bigla na lamang tumunog ulit ang intercom kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Shit please sana naman walang nangyaring masama sa--

"For the next 2 riddles. I will only say it once, listen or they'll die." Kapag naririnig ko ang napakalalim na boses na ito ay agad na tumatayo ang mga balahibo ko. Tangina ayoko na.

"The word is seven,

Desire is almost even.

By the fall of eleven.

I'll grant a kiss in your neck.

And that's what it would take,

To bring your demise,

In such a lovely way."

Nagkagulo naman ang mga kaklase ko sa pagsosolve ng riddle habang ako nanghihina na habang inaantay ang pangalawang bugtong na sasabihin niya.

"And for the second riddle," napapikit na lamang ako habang mabibigat ang hininga. Sana walang nangyaring masama.. Sana--

"He was the cold's first love,

Giving her everything he have.

Willing to be a bait,

Just to save his date."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. N-no.. Please don't. Not him. Not him! Agad na bumalik ang pangakong sinabi niya sa akin noong mga bata pa lamang kami.

"Icel, I promise that I'll protect you no matter what happen. Kahit cold ka pa sakin."

"Promise?"

"Promise!"

Mas tumulo pa ang mga luha ko dahil sa mga sumunod na sinabi ng boses sa amin sa intercom.

"Solve this cipher and you'll save this two. Failed and they'll pass away. Since you're in STE, matatalino kayong lahat. Remember, you only have 4 minutes to solve this. Now, decrypt this code."

43-13-24-15-33-13-15 31-11-12-34-42-11-44-34-42-54

13-34-32-35-45-44-15-42 31-11-12

Dali-dali naman namin itong isinulat sa isang tissue paper na nakuha namin. Mabuti na lamang at may panulat pa akong nadala rito.

Taranta kong isinosolve ang code na ibinigay sa amin pero kahit anong cipher ang ginagawa namin ay hindi ito sumasakto sa ibinigay ng killer. Maging sila Miss Lani ay hindi alam kung anong klaseng code ito. Shit!

"Polybius Square! Try polybius square! Minsan ko nang gumawa ng ganyang code! try it!" sambit ni Kirby kaya napaawang naman ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano iyon.

"a device invented by the Ancient Greeks Cleoxenus and Democleitus, and perfected by the Ancient Greek historian and scholar Polybius, for fractionating plaintext characters so that they can be represented by a smaller set of symbols. " mahinang wika ni Jocelyn na para bang inaalala ang meaning nito.

"T-teka! Ito yun!" biglang sambit ni Rachelle at saka ipinakita ang tissueng sinulatan niya ng code.

Matapos ang ilang sandali ay tuluyan narin naming nabuo ang code.

S-C-I-E-N-C-E L-A-B-O-R-A-T-O-R-Y

C-O-M-P-U-T-E-R L-A-B

Hindi paman sila nakapagdesiyon ay agad na akong nagtatakbo papunta sa Computer lab. Malakas ang kutob kong nandoon si LJ dahil inutusan siya ni Sir Paul na may kunin doon. Hindi ko na napansin sina Lyle at Rachelle na nakasunod lang pala sa akin dahil sa pagmamadali.

At nang marating na namin ang Computer Lab ay tuluyan na akong naiyak ng makita ko si LJ, nakagapos ang mga kamay at paa sa isang upuan habang may tali sa kanyang leeg na maling galaw lamang niya ay tiyak na masasakal siya. Duguan na ang kulay puting polo niya at may mga sugat na siya sa kanyang braso at pisngi.

Dahan dahan kaming lumapit sa kanya sa takot na baka may masamid kaming kung ako at ikapahamak pa iyon ni LJ.

Kumuha ng isang matulis na bagay si Lyle at agad na pinutol ang taling nakakabit sa leeg ni LJ. Agad namin siyang kinalagan at nang matapos iyon ay dali-dali ko siyang hinila at niyakap.

"I'm sorry. Papatayin ka ng killer kaya gugustuhin kong pumalit na lamang sa pwesto mo kesa sa mapahamak ka pa. Sorry." Mangiyak-ngiyak niyang sambit kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak nalang rin.

"Nakita mo ba ang mukha niya?" tanong ni Lyle kaya kumalas na ako sa pagkakayakap kay LJ at sabay namin siyang tiningnan.

"Hindi.. Nakasuot siya ng costume.."

"what costume?" sambit naman ni Rachelle kaya agad na napalunok si LJ saka sumagot.

"A black sheep." H-ha? Bakit?

"Tara na. Puntahan natin sila sa Science Lab." Aya ni Rachelle kaya tumango na agad kami at nagsimulang tumakbo.

Ngunit ng marating namin ang Science Lab, nakita namin si Desiree, nakasabit sa ceiling at may laslas ang leeg.

"NOO!! She's not dead! NO!!! Not her!" sigaw ni Clarisse kaya agad na lamang siyang niyakap ni Phoebe.

Desiree's dead. W-who's next?


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C3
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン