Hindi ko siya masiyadong natanong ng maayos dahil palagi na lang sumusulpot si Mommy para hainan kami ng kung anu-anong pagkain. Magmula noong tinanong ko siya tungkol sa susi ng kotse ko ay hindi na niya ako nilingon.
"Salamat po, Tita. Ang sarap niyo po magluto." Aniya noong nagpaalam na siyang aalis. Nakasandal lang ako sa pintuan namin habang pinagmamasdan silang naguusap. Mukhang giliw na giliw si Mommy sa kanya at panay ang ngiti at tingin sa akin.
Umirap na lang ako't pumunta na sa garahe namin para ihanda na ang kotse ko. Pinaandar ko na ito't inilabas ng gate upang iparada sa tapat ng gate para mabilis na ang alis namin mamaya. Hinintay ko na lang ang paglabas niya. Noong lumabas na siya'y automatic na tumaas ang kilay ko't napa-cross arms.
Naka-simpleng white Tshirt at pants lang naman siya pero he had this certain aura na hindi ko maintindihan... na kapag nakita mo siya'y para siyang nagliliwanag at hindi mo mapipigilan ang sarili mong mapatitig.
Ngumingisi siya habang naglalakad palapit sa akin.
"Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" tanong niya, matapang at straight to the eyes ang tingin sa akin.
Noong una ako 'yong matapang pero hindi ko alam kung bakit parang naduwag ako't pasimpleng napaatras dahil sa paglapit niya. Naipit bigla ang dila ko.
"Bakit? How do you think I got those keys?" The last thing I knew, isang yarda na lang ang layo niya sa akin. "Your friend, Janica, got those for me." Aniya, kaya naman napakurap ako habang nakatingin sa kanya. "But next time don't put your keys there. Lalo na kung wala namang sasalo."
Pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko upang umikot patungong passenger seat. Naiwan akong tulala saglit, pagkatapos ay saka lang nagprocess sa utak ko 'yong sinabi niya.
"Kapal mo!" banat ko sa kanya.
GRRRR. Ngumisi lang siya't saka na pumasok sa loob ng sasakyan.
Napatingin ako saglit sa dibdib ko. He's really joking, right? Maraming nagsasabing I got the size, pagkatapos itong lalaking 'to sinasabi na wala akong dibdib? What the hell?
Inis na pumasok na rin ako sa driver's seat. Kunot ang noo ko habang ang lalaking ito ay ngingisi-ngisi pa rin.
"Where should I drop you?" tanong ko noong nagsimula nang magdrive.
"Sa Centennial..." aniya kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit doon? Hindi ba kayo pareho ng bahay ni Topher sa Manila?"
Ngmiti siya ng kaonti. "Doon lang muna ako nakatira, habang nagtatrabaho ako sa company niya." Hindi agad ako nakapagsalita. Hinintay ko ang ilan pang mga sasabihin niya. "Sa Centennial talaga ang bahay ko."
"Malapit ka lang pala sa Buenavista." Sambit ko. Bumalik sa ala-ala ko yung mga panahong college pa lang ako. Kung alam ko lang na malapit lang siya, siguro'y palagi ko na siyang dinadalaw doon.
Pero ngayon ko lang nalaman. I have so much to know about him.
"Yes, you can visit me every week end," aniya habang naka-ngisi.
"Ang kapal mo." sabi ko, habang pinipigilan ang mapangisi rin.
Hindi ko na siya kinausap matapos n'on. Kung hindi lang siguro traffic, sigurado nand'on na kami sa Centennial.
"Galit ka ba sakin?" Napalingon ako kay Nico noong out of the blue ay tinanong niya iyon.
"B-bakit naman ako magagalit?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid. Naisip ko tuloy kung may nasabi ba talaga ako kagabi sa kanya tungkol sa nararamdaman ko kaya niya naiisip 'to ngayon.
Maybe he's confused of my actions.
He shrugged. "Maybe I did something wrong? I don't know I just feel na iniiwasan mo ako."
Tinignan ko ulit siya saglit, ngunit agad na bumalik sa daanan ang tingin ko dahil umandar na ang traffic.
"Bakit naman kita iiwasan?"
Hindi siya nagsalita at gan'on rin ako. Tinikom ko ang bibig ko dahil baka anytime ay mayroon akong masabi.
"Because you hate me..." Aniya matapos ang mahabang katahimikan. Kumalabog ang dibdib ko pero mabuti na lang at tumunog na ang notification ng waze, na nagsasabing nakarating na kami sa paroroonan namin.
"Nandito na tayo. Saan ang bahay mo?" Tanong ko upang maiba ang usapan.
Bumaba na siya ng sasakyan kaya gan'on rin ang ginawa ko.
"Ayang nasa likuran mo." Aniya. Nilingon ko 'yong tinuro niya saka bumungad sa akin ang isang simpleng bahay. Kung susumahin ay mas maliit pa ito sa bahay namin. Parang isang tipikal na apartment sa Pilipinas. "Sige na, hindi kita maiimbitahang pumasok dahil medyo matagal ko nang hindi natitirahan ag bahay na iyan. Kaya hindi ko na rin nalilinis, wala na ring masyadong gamit."
Pinagmasdan ko ang pag-ngiti niya saka akmang tatalikod na para pumunta doon sa bahay.
"Ahm, Nico..." sabi ko kaya napalingon siya. "K-kagabi... M-may nasabi ba ako sa 'yo na kakaiba?"
Malakas ang tibok ng dibdib ko habang tinatanong iyon. Ngunit imbis na sagutin ay kinuha niya ang cellphone niya saka iyon inabot sa akin.
Nagtataka ko siyang tinignan...
"Give me your number, then I'll tell you kung may nasabi ka kagabi sa akin."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Muntik na akong humalakhak.
"Nevermind!" Sagot ko saka ko siya tinalikuran at saka ako pumasok sa sasakyan ko. Naabutan ko siyang nakangisi hanggang sa tuluyan na siyang naglakad papasok ng bahay nila.
Wow, Nico and his own ways of asking for a number!
Sisimulan ko na sana 'yong sasakyan ko nang bigla namang may tumawag sa cellphone ko. hindi ko na natignan kung sino, basta sinagot ko na lang ng kunot pa rin ang noo.
"Hello!" sabi ko.
Narinig ko sa kabilang linya ang isang pamilya na halakhak.
"Ang init naman ng ulo mo." Aniya. Tinignan ko ang caller ID ng cellphone ko't unregistered number ang naka-flash.
"Nico?!" Tanong ko kaya naman mas lalo siyang humalakhak. "Tignan mo, you're asking for my number pagkatapos nasa 'yo naman na pala!"
"I'm sorry, your mom gave me this."
GRRRR. Sinasabi ko na nga ba. Mommy ko ang may pakana.
"Alam mo, kung may magbibigay man ng number ko sa'yo, ako dapat yon."
"Ahhhhh.... so pwede ko na ba makuha number mo ngayon?"
"Ewan sa 'yo!" saka ko pinindot ang end call.
Lumingon ako sa pintuan ng bahay niya't nandon na nga siya habang malawak ang ngisi. Halatang nangaasar pa.