Liv's POV
After Dicasalarin Cove, dumeretso kami sa Mother Falls for our last stop then that sums up our first day here in Baler and I didn't expect na ganun ang mangyayari on my first day here.
I didn't expect na may makikilala ako and nag open up pa sakin. I also didn't expect na kaya ko pa makinig ng ganon. These last few months kasi di ako nakakapag kwentuhan about sa problema kasi ayoko ma open yung topic tungkol sa mga pinagdadaanan ko at bukod dun nung mga panahon kasi na dumadamay ako sa iba sobrang exhausted ng pakiramdam ko at alam kong di rin ako nakakatulong dahil di ako nakakapag isip ng maayos kaya nag focus muna ako sa sarili ko ngayon.
It's Saturday na and this time we planned to do some surfing sa Sabang Beach. It was first time to surf pero kinaya ko naman at nakatayo ako sa surfboard ng ilang beses kaso napagod ako agad kaya di ko natapos yung 1 hr na rent ng surfboard.
As for Ken, di raw nya first time mag surf and halata kasi halos di na sya tinuturuan ng instructor. Kayang kaya nya na mag isa.
"Sanay na sanay ah." bati ko sa kanya pag balik nya sa lamesa after nya mag surf.
"Madalas kasi ako mag surf, sa La Union nga lang. First time ko dito sa Baler." kwento nya sakin.
"So mahilig ka sa beach?" tanong ko sa kanya.
"Dati hindi kaso yung ex ko gustong gusto ang mga beaches kaya ayun nakahiligan ko na rin." sagot nya sakin.
"Ah, I see. Galing mo nga mag surf eh kahit walang umalalay sayo. Kayang kaya mo mag isa." tugon ko.
"Hirap kaya ako mag isa." sagot nya and I know humuhugot si Ken.
Tumingin naman ako sa kanya na parang nag aantay na ipag patuloy nya yung kwento.
"Wag mo nga ako tignan ng ganyan." biro nya sakin pero nag simula sya mag kwento pa. "Naging kami nung high school pa lang. First girlfriend ko sya eh tas iniisip ko sya na si alam mo na - si 'The One'." nakita kong medjo nag cringe sya sa pagkaka-sabi nya ng "The One".
"Ah, so this is another case of 'akala-ko-true-love-na'?" comment ko.
"You can say that pero di mo naman ako masisisi eh, bata kami nun na naka depende sa isa't isa kaya nagulat ako na grumaduate lang kami from college ang bilis na nya ako iniwan." sagot nya sakin.
"Ano nangyare?" ayoko na sana itanong kaso umiral pagka-chismosa ko.
"Awoo." matipid na sagot nya.
Napatingin lang ako sa kanya at prinocess yung sagot nya. After a few seconds, nagets ko din naman.
"Condolence." sabi ko sa kanya. It must have been hard for him.
"Huh?" gulat na sabi ni Ken. "Di siya namatay, ghinost ako." paglilinaw nya pero natatawa sya.
"Shemay, hahaha. Sorry naman. Sasabihin ko pa lang na ang hirap siguro sa pakiramdam nun pero buhay naman pala si ate girl but I guess mahirap parin sa pakiramdam yung iniwan ka ng walang dahilan." sagot ko naman sa kanya habang umaarte na di nakakahiya yung maling akala ko kanina.
"Sobra." matipid na sagot nya sakin.
Natahimik kami pagkatapos nun, walang nag salita samin.
"So wala na kayong contact as in?" tanong ko to break the silence.
He shook his head no. "Blocked ako sa lahat ng accounts nya. I was desperate to contact her pero bawat punta ko sa kanila di ako pinag bubuksan ng pinto kahit ng parents nya na malapit naman sakin. I even emailed her."
Huminga syang malalim at nag patuloy.
"Gusto ko pa sana mag kwento kung bakit bigla syang nawala, bakit nangyare yung mga nangyare kaso di ko magawa. Di ko magawa dahil bukod sa masakit pag usapan, ako mismo di ko alam kung ano yung buong kwento at di ko alam kung gugustuhin kong malaman."
Tinignan ko lang si Ken, alam kong mabigat nararamdaman nya ngayon. Iniisip nya kung saan sya nag kulang, ano kaya nagawa nyang mali.
Ang hirap mag stay sa lugar na kine-question mo yung nararamdaman mo.
I wanna say something to help but I don't know what it is kasi alam ko na yung words na gusto nyang marinig as of the moment is yung sagot sa mga tanong nya so we just sat there in comfortable silence and watched the waves.
"Ano balak mo later night?" tanong ni Ken.
"Wala naman, matutulog syempre." sagot ko.
"Nag search ako kanina ng magandang kainan malapit dito and may nakita ako. Gusto mo sumama sakin mamaya for dinner?" aya nya.
Nag isip ako sa alok nya though gusto ko naman sumama kaso kasi ewan di na ako sanay na kumain sa labas na may kasama.
"Dali naaaa." pamimilit nya.
Siguro time na para pagkasanayan ulit ang mga bagay na ginagawa ko dati. Besides, yun naman pinunta ko dito sa Baler di ba? To find myself and in order to do it, I need to take steps outside of my comfort zone and kahit na kakain lang sa labas na may kasama lang naman ang gagawin ko at di ganoon kalaking step, small progress is still progress.
Tumango ako kay Ken at natuwa naman sya.
"Yun! Buti naman." at napa-palakpak sya. "Nga pala, di to date ah. Baka mag assume ka." dagdag nya.
Binato ko naman sya ng bote ng sunblock. "Di nga yun pumasok sa isip ko eh." depensa ko.
Naka ngiti naman ngayon si Ken at ito ako ngayon nag tataka kung ano kaya mangyayari mamaya.
— 次の章はもうすぐ掲載する — レビューを書く