アプリをダウンロード
40% Wonder and Wander / Chapter 2: Chapter 1

章 2: Chapter 1

Olivia's POV

Naka-sakay ako ngayon sa na-book kong Grab car. It says na darating ako sa destination ko at 1:15am just enough time para makuha ko physical copy ng ticket ko.

Mga 1:20am ako nakarating sa terminal ng Cubao. Naextend ng 5 minutes byahe ko kasi kahit madaling araw may konting traffic parin. EDSA what's up???!!!

Pagka dating ko naupo muna ako sa may waiting area kasi nahilo ako tapos inasikaso ko na yung pagkuha ng ticket ko at sumakay na din sa bus afterwards.

2am ang alis ng bus and di pa nakakaalis ang bus nakatulog na ako.

Nagising ako sa kalagitnaan ng tulog ko kasi may sumangga sa ulo ko.

"Ay sorry miss. Papunta kasi ako CR." sabi nung lalaking nakabangga sakin.

May CR kasi tong bus and nasa likod ko naka pwesto.

"Bigla kasing prumeno yung bus hahawak lang dapat ako sa may upuan kaso di ko nakita na sa ulo mo ako napahawak hehe." pag papatuloy nya pero di ko na lang pinansin.

Umayos ulit ako ng pwesto ko tas nakita ko si kuya na bumalik na sa pwesto nya. Triny ko ulit matulog pero di ko na magawa. Chineck ko yung phone ko. 6:30am na and araw na. Nag earphones na lang ako at tumingin sa bintana. Feeling nasa music video lang. Napatingin ako sa gawi ni kuya kanina, nakita ko nakatingin sya sakin tas bigla syang nag peace sign kaya tumango na lang at tumingin pabalik sa bintana.

Mga 7am nakarating na kami sa terminal ng Baler. Napaaga ng 1hr yung byahe since wala naman ibang byumabyahe ng ganun kaaga.

Pag baba ko ng bus dumeretso ako sa pila ng tricycle.

"Mam, gusto nyo ng tour? 500 lang half day tas whole day 800. Dito pupuntahan nyo." bati sakin ni kuya at pinakita yung listahan ng mga pwedeng puntahan.

"Sige, kuya pero pwede daan muna tayo sa tutuluyan ko? Iwan ko lang gamit ko tsaka mag bibihis lang ako." sagot ko.

"Sige mam, saan ba kayo tutuloy?"

"Sa Blue Coco po."

"Ay tol di ba si sir sa Blue Coco din!" sabi ni kuya dun sa isa pang tricycle driver. Pagtingin ko yung "sir" natinutukoy nya ay yung si kuya na nakasangga kanina sakin sa bus.

"Oo tol sa Blue Coco din si sir kaso di ako pwede kasi may pasahero na ko eh." sagot nung isang driver.

"Eh mam pwede kaya sabay na natin si sir tutal iisa lang kayo ng pupuntahan, di naman sya pwede sumabay sa iba kasi may mga pasahero na din." pakisuyo sakin ni kuya.

Tinignan ko silang tatlo. Napaisip ako na may pasahero din naman tong tricycle driver na kausap ko at yung pasaherong yun ay ako pero di ko na sinabi, may point din naman sya kasi iisa lang pupuntahan namin kaya sakin lang siya pwede sumabay.

"Okay, pero sa likod siya." sumakay na ako sa loob.

"Thank you ate. Tsaka pwede pala dyan yung gamit ko sa loob, di kasya sa likod eh." pakiusap ni kuyang nakikisabay.

Tumango na lang ako at maya maya umandar na yung tricycle. Malapit lang pala yung Blue Coco sa terminal kaya mabilis lang din kami nakarating.

"Kuya, antay mo lang ako dyan. Mag check in lang ako tsaka bihis ng mabilis." paalam ko kay kuya driver.

"Sige mam, tsaka ano po pala." medjo nahihiya nyang sabi. "Nakausap ko kasi si sir, inalok ko din ng tour." shemay alam ko na kung saan papunta to. "Eh para makatipid din kayo mam eh mainam na sabay na lang din kayo mag tour."

Nakatingin lang ako sa dalawa. Nag iisip ako kasi baka mamaya patayin ako nito.

"Sa likod ako uupo." dagdag ni kuyang nakikisabay. "Matino akong tao. I'm Ken btw." dagdag nya na parang nabasa nya isip ko na pinag dududahan ko sya.

"Oks, we leave in 10 minutes." sabi ko at dumeretso na sa loob.

Medj nakalayo na ako pero narinig ko parin si Ken na sinabi sa driver.

"Hehe ako nga natatakot sa kanya eh."


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C2
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン