Nais kong LUMAYA sa hawla ng Kapalaran
Nais kong KUMAWALA sa gapos ng Madilim na Nakaraan
Nais kong BAGUHIN ang Aking Tadna at Kinabukasan
Nais ko
Nais ng puso ko!
Nais kong LUMIPAD tulad ng ibong malayang lumilipad
Nais kong ABUTIN ang aking mga pangarap
Tulad ng mga Bituwin sa langit.
Nais ko
Nais ng puso ko
Di man sa ngayon...
Maaaring sa susunod pang panahon
Nais ko
Nais ng puso ko
Kung sadyang, ang pangap ko'y di para sa akin
Nais kong, ito'y matikman
Kahit saglit
Kahit minsan
Sa buhay na ito
Pangarap ko ay natikman man lang.
Nais ko
Nais ng puso ko
Bilang isang magandang ala-ala
Na minsan sa buhay ko
Ay naranasan kong mangarap at tuparin
Kahit na saglit
Kahit minsan
Nais ko
Nais ng puso ko