1. Kung ang ilog ay malinis ngunit ang pinagdadaluyan nito'y marumi, huwag kang umasa na malinis na tubig ang darating sa iyo.
2. Ang buhay ay parang boteng babasagin pag nagpatak ay di na babalik sa tunay nitong pustura, ngunit may pagkakataong nagkakalamat lang ito o bahagyang basag ngunit napapakinanabangan pa rin ito.
3. Ang puso ng tao ay parang mata minsa'y nakakakita minsa'y hindi.
4. Ang mga material na bagay ay nananakaw, ang ganda'y kumukupas, ang talino'y nawawala, ang paningi'y nanlalabo, ang pandinig ay humihina maging ang mga tuhod at ang katawan ngunit ang pag-ibig ay kahit kailan ay di manghihina, di mawawala, di mananakaw, dimanlalabo ni kumukupas man sapagkat ang pag-ibig ay walang hanggan; dahil ito'y mula sa Diyos.