アプリをダウンロード
16.66% Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 5: Chapter 5

章 5: Chapter 5

HINDI ko magawang tumingin kay Josh dahil nasaksihan nito ang pag-iyak ko. Nakakahiya man ang nangyari kanina, pero gumaan ang pakiramdam ko.

Namumula pa rin ang pisngi ko pero tumigil na ang pagtulo ng luha ko. Dinala ako ni Josh sa isang park malapit sa Restaurant. Malawak ito at may nagtatayugang mga puno na siyang nag papalamig sa lugar. Dumagdag pa ang malakas na hangin kaya lalo pang lumamig ito.

Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Inabot ni Josh sakin ang Icecream na binili nito.

"Ayos ka na ba?"

Tumango ako dito at napatingin sa Icecream. Chocolate Flavor.

"Salamat.. salamat dahil sinamahan mo ko. Kahit na pinagtitinginan na tayo kanina dahil sa kakangawa ko." Bahagya naman akong natawa sa sarili. Siguro iniisip ng mga tao na pinaiyak ako ni Josh. Hindi nila alam na ito pa ang nga ang nagpapatahan sa'kin.

Ngumiti ito sa'kin. "Paano ba ako makakabawi sa'yo Josh?" Gusto ko itong ilibre man para makabawi man lang sa pang-aabala ko rito.

"Sigurado ka? Mahal ako maningil." Umangat ang sulok ng labi nito.

"Ay! grabe siya ohh! wala bang student discount dyan?"

Tumawa naman ito ng marinig ang sagot ko. Napangiti na rin siya.

"Wala eh.. Senior citizen lang."

Napangiwi naman siya dito. "Grabe siya! mukha na ba akong matanda? ang hard mo sa'kin."

Natawa sila pareho sa mga pinagsasabi nila. Pero natigil ang pagtawa ko nang magseryoso ito.

"Hindi ko na tatanungin kung bakit ka umiiyak, because i think, that's too personal to share." Iniwas ko ang tingin dito nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Pero sana ilaan mo ang bawat luha mo sa taong alam mo deserving sa mga ito.."

Napatitig ako sa kanya.

"Yung tipong pagkatapos mo siya iyakan. Masasabi mong It's all worth it."

Napangiti ako ng mapait. Sana pwede kong piliin ang taong deserving mahalin para masabi kong worth it ang lahat.

HAPON na ng makauwi ako sa bahay. Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ng aking ina. Mukhang good mood ito.

"Kara! Anak mabuti dumating ka na. I already set your blind date for tomorrow.." Tumingin lang ako kay mama at bahagyang ngumiti.

"Don't worry mabait naman ang anak ni Tita Micaela mo.. I'm sure you- are you okay Kara?" Tinitigan siyang mabuti ng kanyang ina.

"Are you sick anak?" Hinipo nito ang aking noo.

Gusto kong sabihin na hindi ko kayang ituloy ang blind date dahil may minamahal na siya. That blind date is useless.

"Hindi naman kaya.. May problema ba?" Pakiramdam ko ay maiiyak akong ulit kaya niyakap ko na lang ito. Hindi ki gustong mag-alala pa ito ngayong masaya ito para bukas. Kahit na ayaw kong siputin ang blind date na 'yun.

"Ayos lang ako Ma." Bumuntong hininga ako. "Kinakabahan lang po ako." Dahilan ko para hindi na ito mag-usisa pa.

"Wag kang kabahan, just enjoy your day with him. Don't think that it's blind date. Just be you. Okay?"

"Opo.. Alam ko naman na your convincing me kasi baka di ako umattend."

Natawa naman ito. Syempre nabuking na eh. "Of course not, alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh. Your my daughter! I know you."

Inakbayan ako ni Mama. "Let's go to your room, I bought you a dress. I want you to wear it tomorrow."

"Hindi halatang pinaghandaan Ma." Natawa lang sa kanya ang kanyang ina at hinila na siya nito paakyat sa hagdan.

NANDITO ako sa harap ng Restaurant kung saan ang venue ng blind date. Talagang pinaghandaan ng kanyang ina ang araw na ito. Nagpareserved lang naman ito sa isang 5 star Restaurant. Pinasuot din nito sa'kin ang dress na binili nito. Ginawa siyang teenager ng kanyang ina, kung anu-anong dress ang pinasukat sa kanya bago siya makaalis ng bahay. Finally, bago pa siya ma-late ay may napili na itong swak sa panlasa niya.

Ang sabi ng kanyang ina ay nagtext na raw sa kanya si Tita Micaela niya na nasa loob na raw ang anak nito.

Sana lang talaga hindi mukhang manyakis ang anak nito, pero sa ganda ni Tita Micaela ay parang malabo naman ata na hindi kaaya-aya ang itsura ng anak nito. Pwera na lang kung ampon ito.

Okay Kara! stop being judgmental.

Huminga muna ako ng malalim bago siya pumasok. Pinagbuksan ako ng pinto ng gwardya kaya nagpasalamat ako dito.

Pagkapasok ay kapansin-pansin ang mga naglalakihang chandelier sa ceiling. Ang disenyo ng restaurant ay may touch of modern Italian. May mga ilan-ilan din na kumain. Mostly, mga mayayaman na afford ang restaurant na ito. Mukhang mamahalin talaga ang restaurant na ito. Talagang gumastos pa si mama para rito.

May lumapit naman sakin ang isang babae at tinanong kung may reservation ako.

"Reservation under Gina Villena."

She checked first if my reservation is there. After confirming it, she led me to the second floor. Kung ikukumpara ang first floor sa second floor, mas maganda ang second floor dahil sa Glass wall nito na matatanaw ang mga city lights na nagmistulang mga bituin.

"This way Ma'am." Iginaya ako nito sa isang table for two kung saan may lalaking nakaupo patalikod sa kanya.

Bakit may pakiramdam ako na pamilyar sakin ang presensya ng lalaking ito.

Napansin ng lalaki ang paglapit namin kaya naman tumayo ito at humarap samin.

Unti-unti itong humarap samin, natigilan ako nang mapagsino ang lalaking kaharap.

"Josh?"

Napansin niyang nagulat rin ito. "Kara? What are you doing here- Don't tell me.. your my date?"

"I don't know either."

Napatingin ako sa porma nito.

"Ang guwapo natin ngayon ahh."

Natawa naman ito. "You too. Nagmuka kang babae ngayon."

"Bakit parang sinasabi mong dati akong lalaki."

Natutuwa siya dahil si Josh pala ang anak na sinasabi ni Tita Micaela. Atleast she knows the guy, she don't need to be afraid.

Maya-maya ay lumapit na sa kanila ang waiter at binigay sa kanila ang menu. She ordered Cream sauce based bacon and mushroom pasta while Josh choose to eat spaghetti al pesto and added cheesy lasagna for two.

"What about drinks? Kara what do you like?"

Tiningnan ko ang menu pero wala akong mapili kaya hinayaan ko na lang na si Josh na ang pumili ng inumin.

Pagkatapos ulitin ng waiter ang order nila ay umalis na ito.

"So... Kara I really didn't expected you to be here. I mean- What a small world!"

Hindi ko mapigilang matawa dito dahil mahahalata mo talaga ang pagkamangha nito.

"Well.. that's why your mom seems familiar to me. Magkahawig kayo."

Halos namana nito ang lahat ng features ng kanyang ina. Magmula sa mata, sa matangos nitong ilang, hugis ng mukha, ang maputi at makinis nitong balat. Ang hindi lang siguro nito nakuha ay ang buhok at tangkad nito. Si Tita Micaela ay maliit na babae lang at may natural curly hair ang dulo na siyang gustong-gusto niya. Straight hair kasi ang kanya, gumagamit pa siya ng pang kulot para lang ma-achieved ang curly hair na gusto niya.

"You met my Mom? when?"

Dumating na ang order nila kaya naman hinintay ko munang matapos ang mga ito sa paglagay ng pagkain sa table bago ako nagsalita.

"Oo. Yesterday, she's with my Mother." Nagsimula na silang kumain. These foods are so delicious.

"Bakit mo nga pala naisipan makipag blind date? You look good. Imposible naman na walang babae ang nagkakandarapa sayo. Don't me!" Dinagdag ko 'yung huling linya dahil nauuso ito ngayon.

"I just wanna meet new people and besides Mom keeps on pushing me to this blind date. And I thank her for that ikaw pala ang makakasama ko."

Ganu'n din ako. Mas mabuti na 'yung kilala ko ang kadate ko kaysa naman mapunta ako sa lalaking gagawan lang pala siya ng masama. Pagkatapos nilang kumain ay namasyal kami. Ang dami kong nalaman sa lalaki. Isa pala itong High school Teacher at the same time acting CEO of Buenavista Corporation. Pinagsasabay niya ang dalawa dahil hindi pa daw ito handang iwanan ang pagtuturo. That's why he looks kinda neat and respectable because he's a Teacher.

Nagtatanong din sa'kin ang lalaki ng tungkol sa sarili ko which she answered honestly. Iyon naman talaga 'ata ang purpose ng Blind date, to know each other. Then after this they can now choose to Move to next level or just stay friends. But for her Josh is just a friend. She couldn't imagine Josh as his life long partner.

Pagkatapos mamasyal ay nanood kami ng sine. Nag-enjoy lang kami buong araw. Kung anu-anong simpleng bagay lang ang ginawa namin na parang hindi naman talaga kami nagde-date.

Inabot na kami ng gabi bago makauwi, bukod sa nastuck kami sa traffic ay nakalimutan na rin namin ang oras.

Hinatid ako ni Josh hanggang sa gate ng aming bahay. Gusto ko pa sana itong papasukin sa loob pero tumanggi na ito.

"Sure ka ayaw mo munang pumasok sa loob?"

"It's okay. I have to go na rin." Napahawak pa ito sa batok.

"Okay. Thank you Josh. Nag enjoy talaga ako. Hindi mo naman sinabi na magaling ka pa lang kumanta." Natatawa siya pag naalala niya ang pagpilit niya rito na kumanta.

"Ikaw talaga, inaasar mo pa ako. Alam ko naman na para akong nagbabasa kanina at hindi kumakanta."

Hindi kasi talaga ito kumakanta. Pinilit ko lang pero hindi ko naman inaasahan na papayag ito. Ayun napakanta ng wala sa oras.

"Ayos lang yan! Next time mag acapella ka na lang." Ngumiwi ito.

Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa kakatawa.

"Grabe ang hard mo rin talaga sakin eh. Sige na, pumasok ka na sa loob."

Hindi ko mapigilang titigan ito. Akala ko kanina magagalit ito dahil sa sinabi ko.

"Josh.."

Tumingin naman ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin ang gusto kong iparating sa paraan na hindi ito mao-offend.

"Kasi.. alam mo naman kung bakit tayo nag-date diba? kasi.." Wala talaga akong mahagilap na tamang salita para dito.

Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko. "I know.. don't worry i feel the same too. I only see you as my little sister."

Nakahinga ako ng maluwag ng maintindihan nito ang gusto kong mangyari.

"Kaya dapat kuya ang itawag mo sakin." Tumawa naman ito ng sumimangot ako.

"Anong kuya ka diyan? magkasing age lang kaya tayo."

"Sige, take care." Hinintay kong makaalis ang sasakyan nito bago ako tumalikod para pumasok na rin sa loob.

Pero nawala ang ngiti ko ng makita ang naghihintay kong bisita.

"Hi Kara!" Kaway nito sa sa'kin.

"Cristine.."

Author's Note: Thank you po sa lahat ng magtyatyagang magbabasa ng story ko. Samahan nyo po sana ako hanggang huli. Thank you po.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C5
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン