Chapter 35. Healed
THAT day when Rellie let a stranger used her body was the very same day when realizations hit her. That she did not need to run away from her feelings; that she must be brave to go on in life while she's bearing the shattered pieces of her heart.
She was too young, too innocent and naive while Sinned was already experienced. Kung tutuusin ay naisip niyang suwerte pa siya dahil nakaya niyang piliin ang sarili kahit alam niyang baliw na baliw siya sa lalaki noon sa kabila ng lahat ng alam niya tungkol dito. Nagpabulag siya at pinaniwala ang sariling kaya niya itong paibigin. Na kaya niyang ipalimot dito ang babaeng una nitong minahal.
Pagkuwa'y naisip na kaya lang naman siya tinapunan ng tingin kay Sinned ay dahil habol siya nang habol dito. Kumbaga, iyong sa kasabihan, para siyang palay na lumapit-lapit dito, e, 'di, tinuka siya! Idagdag pa na iniwan ito ng Candace na iyon. E, 'di, magsama na sila ngayon! Hinding-hindi niya gagawin ang humanap ng iba para lang makalimot.
Gayunpaman ay hindi maipagkakailang ang lalaki pa rin ang isinisigaw ng kaniyang puso.
Pero hindi lahat ng gusto natin ay nasusunod. May mga bagay talaga o tao na hindi para sa 'tin. In Rellie's case, she got wounded so deep back then, however, she could now finally say that she's already healed.
She sighed heavily as her gazes went back to the newlywed in front of them. Hindi niya maiwasang mainggit dahil masasalamin ang matinding pagmamahal ng dalawa para sa isa't isa.
Wala sa sariling lumingon siya kung nasaan ang pwesto ni Sinned at nahuling matamang nakatitig ito sa kaniya. He was staring into her as if she was some kind of an eye opener. Why? Did he realize he was glad he didn't continue keeping her as his bed warmer? Masayang-masaya na siguro ito sa babaeng iyon, ano? Siguro may mga anak na rin.
Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling samaan ito ng tingin o hindi kaya'y mag-walk out. Ang akala niya ay mag-iiwas ito ng tingin nang mapansin nitong nahuli na niya itong nakatitig; pero nanatiling nakapako ang mga tingin nito sa kaniya na para bang nangungusap ang mga iyon.
Why are you looking at me thayt way? Wala akong balak na maging kabit mo, Mister.
"Rellie, right?"
Napapitlag siya sa kinauupan nang kunin ni Art Altaraza ang atensiyon niya. Bumaling siya rito at tumango bilang kasagutan sa tanong nito.
"You look bothered about something. Are you alright?"
Napatango na lang siya at sinabing, "Do you want to sit down here?"
Umupo kaagad ang lalaki at kinwentuhan siya. She honestly enjoyed his company that's why she actually forgot that she was just reminiscing about her past a while ago. Pero hindi niya maiwasang hindi mapalingon kay Sinned na sa direksiyon lang nila ni Art nakatingin, kaya nga ba tumalikod siya sa huli para hindi na siya matuksong tumingin.
He bloody looked so fine wearing his coat and tie. She remembered those times she watched him defended his clients in the court.
"By the way, are you single?" bulalas niya bigla kay Art na may kinukwento pero hindi naman na niya nasundan. The latter was taken aback.
"That was fast, I was planning to ask you that but I don't want to be rude."
"Why would you be rude?"
"Ayaw ko lang na isipin mong nilapitan kita dahil type kita."
"Bakit? Hindi ba?" natatawang tanong niya.
"Well—" Nagkamot ito ng batok. "—I am single. I hope you are, too. Ayaw kong may lumapit dito at bugbugin ako kung sakali. Mapipingas ang ilong ko; mahal pa naman ang pinagawa ko rito."
Napahalakhak siya't dahil tahimik na nanonood ng VCR ang mga taong nandoon ay bumaling ang karamihan sa direksyon niya at mapanuksong nginitian sila ni Arturo. Kaagad niyang natutop ang bibig at bahagyang yumuko para mag-sorry.
The man beside her chuckled. "Your laugh is attractive. Gumaan bigla ang pakiramdam ko."
Natigilan siya. Sinned used to say that her laugh was therapeutic...
Blimey, Rellie, Sinned na naman?! Aniya sa isip. Umayos siya ng upo at umiling nang bahagya. She awkwardly smiled as well.
She cleared her throat. "Anyway, thanks, Art. I actually needed a good laugh."
"That's not a joke, though," kaswal na anito pero nahimigan niya ang pagbibiro sa tinig.
Just a few weeks after their first encounter, Art started to court her. At dahil ilang buwan na rin naman mula noong huling relasyon niya ay hindi na niya balak pang patagalin ang panliligaw ng lalaki.
She just hoped that once she accepted him in her life, their relationship would last. Ang dami na kasi niyang naging karelasyon subali't ang pinakamatagal ay dalawa o tatlong buwan lamang 'ata. Baka nga hindi umabot ng dalawa.
"So, you were a model, huh?"
Maang na napalingon siya kay Art. "Why? Is it unbelievable? Medyo tumaba na lang ako ngayon pero sobrang sexy ko noon." Nasa loob sila ng raptor ng lalaki at nagmamaneho ito nang magkwentuhan sila tungkol sa mga naging trabaho nila. Niyaya niya kasi ito dahil weekends naman. May ipakikilala siya rito bago ito tanggapin sa buhay niya.
"Nah, I was just kidding. Of course, I know you. You were the talk of the town when you modeled for Carlos. You're a hottie wearing only that purple bikini string. Damn!" He's pertaining to that international liquor brand she endorsed before. He even loosened his necktie a bit and she saw how he gulped.
Napanguso siya. Isa nga iyon sa mga nag-viral niyang endorsement dahil doon siya unang sumabak ng sexy poses. "Wala pa akong stretch marks noon." At sinabi niya rito na nagka-stretch marks kasi siya noong unang tumaba siya at pumayat ulit. Ngayon nga'y hindi gaanong halata ang mga marka, siguro kasi, nabanat na naman ang balat niya. Maybe she should start working out again. Halos araw-araw ba siyang pinagsasabihan ng ama niya sa tuwing nakikitang wala siyang physical activities. Ah, yes, she went back to her parents' home. Mas gusto niyang may kasama sa bahay kaysa mapag-isa sa condo.
Nangunot ang noo ni Art. "Is that the reason why you quit the industry? Because of your marks? Or you gained weight?"
Umiling siya't pinagpag niya ang sleeve ng polo shirt nitong kulay powder blue dahil may alikabok pala. 'Kaloka nga kasi nakaayos talaga ito na parang kakain sila sa fine dine in restaurant habang siya ay naka-sneakers lang, naka-skinny jeans na t-in-uck-in-an niya ng pulang spaghetti-strapped sando, at pinatungan ng cardigan. Her hair was in high ponytail dahil mainit ang panahon.
"Rellie?" he got her attention.
Nagtanggal siya ng cardigan dahil umalinsangan ang pakiramdam niya bago sumagot. "Ah, about that, I only didn't accept those offers that would require me to wear sexy outfits. Alam kong dadayain nila sa photoshop ang mga stretch marks ko at ayaw ko naman ng ganoon. 'Tapos, marami-rami na rin naman ang mga bagong models na sumikat na hindi hamak na mas bata sa akin. When my contract ended and I decided not to renew? They easily let me go." Sa totoo lang ay siya na ang nagkusang magsabi na humanap na ng bagong ambassador na papalit sa kaniya ang H&C dahil balak na rin naman niyang mag-quit sa industriya pagkatapos ng kontrata niya sa mga ito.
Art held her hand to catch her attention once more. Nawawala kasi siya sa usapan nila. "Maybe, that's a good thing. Because if you're still a model now, we probably wouldn't have met."
Pabirong tinapik niya ang braso nito. "Babanat ka lang pala, ha?"
Ngumisi lang ito. "I know you didn't attend your brother's wedding. I was there but I never saw you."
Napanguso siya. "Well, I was a mess..." She wanted to add it was because of Sinned but she did not. Instead, she added, "Pero idinahilan kong hindi ako pwedeng mag-leave dahil napakahaba na ng bakasyon bago naganap ang kasal. Naintindihan naman si Kuya at saka ni Ate."
Nakauunawa itong tumango at iniba ang usapan. "Nandito na tayo. Sino nga palang bibisitahin mo?"
"May ipakikilala nga kasi ako sa iyo."
"Sino?"
Napalunok siya at binawi na ang kamay rito. Hinayaan niya rin muna itong mag-park bago tumitig sa mukha nito, at sa maliit na tinig ay sumagot siya, "My child..."