アプリをダウンロード
84.15% PHOENIX SERIES / Chapter 308: Glaze

章 308: Glaze

Chapter 37. Glaze

    

    

ROMANO went out for blood but the men didn't let him see that bastard who cut Nami's throat.

Imbis na sa lokasyon kung nasaan ang gagong si Devila ay sa Phoenix Agency sila dumiretso. Kahit nagtataka, inisip na lang niyang maaaring nandoon ang huli kaya hindi siya nagtanong, pero nang nasa opisina na sila ni Stone ay napatunayan niyang tama ang kutob niyang wala naman doon ang pakay niya

"Why did you bring me here?" napipikong tanong niya rito.

Stone just sat down on his swivel chair and told him to take a seat as well. "I'm giving you a new mission." He turned on his computer. "You're—"

"The fuck are you talking about?" bakas sa kaniyang boses ang matinding pagkairita. "I told you to bring me to Nathaniel Devila."

He just shrugged and continued, "You'll be pulled out in these missions. Kaya na nina Hue at Kieffer ang sa Casa Manarang." He's pertaining to Arc Prietto who's still somewhere in the globe.

Tumiim ang bagang niya.

"Nami will be pulled out, too. You two are supposed to do your part together, but since she can't participate anymore, I decided to remove you as well."

Instead of getting mad, he tried to be reasonable. "I can—"

"No. You will be on another mission."

"I don't want to."

Napailing si Stone at ngumisi na para bang inaasahan anh pagtanggi niya. "Huwag nang matigas ang ulo, kung ayaw mo, magbakasyon ka muna."

He's not buying his reason. There must be something else. "Why don't you just let me in the mission? I can do my job even without Nami."

"You're not just hard headed but you're slow, too, man!" he sounded as if he's belittling him as a joke. Natigilan siya at napaisip.

Dahil nakatayo pa rin siya ay umupo na muna siya sa sofa. Prenteng sumandal at naka-de quatro na ang mga binti. "Now you're talking," ganting-biro niya.

"Now you're getting my point." Kagaya iyon ng tono ng pananalita niya.

"Thanks, man!" Bahagya niya itong tinanguan saka na tumayo. "I'm leaving. I have to go back to the hospital."

Tango lang ang isinagot nito. Bago pa siya makaalis ay may tumawag dito pero hindi na niya iyon pinansin. He should go back to RM Center now and talk to Glaze.

He took a cab to go home first and got his pick up. Iyon na ang minaneho niya pabalik ng ospital. Kumuha na rin siya ng ilang damit para hindi na siya umaalis-alis ospital.

Afterall, that's the reason why he got pulled out in the mission and take some vacation—to focus taking care of his fiancée. Kunwari lang na bibigyan siya ng bagong misyon, at alam ni Stone na tatanggihan niya iyon dahil ipipilit niyang huwag na siyang tanggalin sa kasalukuyang misyon. So, in the end, he was just told to have a vacation.

Kung hindi lang niya kilala ang huli ay pagseselosan niya pa rin ito gaya noong una. But, no, he didn't have to be jealous because he perfectly knew that the two were just good friends. Pero huwag lang niyang makitang madikit-dikit kay Nami si Stone, kasi kahit alam niyang wala lang naman iyon ay nakararamdam pa rin siya ng selos.

Pagkabalik niya ng ospital ay nagtaka siya kung bakit may mga nakabantay sa tapat ng ward ni Nami. He asked one of the men the reason why, but he was shooed by that man instead. Nagpumilit siyang pumasok kaya pinigilan siya ng apat na nakabantay roon.

Kaya kahit ayaw niya ay gumamit siya ng lakas para malusutan ang mga ito.

When he entered the room, Nami was sitting and she looked away when she saw him. Mabilis na nakasunod ang apat na lalaki kaya nahawakan siya sa magkabilang braso.

"Hey, sweetie, what's this?"

Pero hindi ito kumibo.

"Nam, what happened? What did I do?"

Nanatili itong nakatingin sa kabilang banda.

Pakiramdam niya ay nanghina siya dahil doon. Her coldness made him easily got dragged outside that room. Hindi na siya nakapagpumiglas nang hilahin siya ng mga lalaking nakabantay roon.

Litong-lito siyang napasandal sa pader habang nag-iisip at isa lang ang maaaring dahilan kung bakit umakto nang ganoon si Nami.

He stormed outside the hospital and drove his pickup away. While on his way, he kept on dialling Glaze's contact number but was unable to reach her. Sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya ay na-ticket-an siya.

Nang maareglo ay banas na banas siyang nagmaneho pabalik  ng ospital. Pero ganoon pa rin, hindi pa rin siya hinayaang makalapit ni Nami rito.

He dialled Sinned's phone number and asked if could he help him find Glaze. But his schedule was occupied that night, so he looked for Glaze instead but didn't find her.

The next day, he went back to the hospital just to know that Nami already left. Nagalit pa siya dahil kailangan nitong magpagaling.

Not knowing what to do, he flew to Italy just to give her some time. Babalik at babalik siya ng bansa sa mga susunod na linggo para makapag-usap nang masinsinan dito.

Tatlong araw pa lamang siya roon ay tinawagan siya ni Stone. Binigyan ng biglaang misyon—babantayan niya ang bagong target ng taga-Casa Manarang na kasalukuyang nakabakasyon doon. Medyo malayo sa Tuscany Region kaya kinailangan pa niyang bumiyahe kung nasaan ang huli.

Nang mahanap ang babaeng sikat na modelo ay sinadya niyang lapitan ito para alukin ng kanyang tour guide services kunwari.

Bago iyon ay nagpunta siya sa isang bentahan ng prosthetic masks. Isinuot niya iyon para walang makakilala sa kaniya. Balbas-sarado pa ang nabili niya kaya hindi talaga siya makikilala nino man. Bilin ng kaniyang boss iyon.

Buong araw niyang t-in-our ang babae, at kung naglalaro nga ang tadhana, oo... Malapit din doon ang kasalukuyang lokasyon ng painting exhibit ng magkapatid na Prietto. Sikat ang dalawa sa larangan.

Dinala niya roon si Hyra Serene, ang modelong pinabantay sa kaniya, at alam niyang may nakaraan ang isa sa mga private investigator ng Phoenix at ang sikat na modelong kasama niya ngayon. At gusto niyang humagalpak ng tawa nang tinakasan ng kulay ang lalaki pagkakita ng dalawa.

      

     

"ROMANO, nabantayan mo ba ngayong araw?" tanong kay Romano ni Stone nang tawagan siya nito upang kumustahin ang misyon niya roon.

"Oo," sagot niya.

"Anything suspicious?"

"Wala naman. Pero mag-isa lang siya sa bakasyon. Should I go to her and pretend I'm interested with her?"

"Gawin mo, nang mabugbog ka ni Hue kapag nalaman niya," natatawang bulalas ng nasa kabilang linya.

"Hindi naman ako kilala ni Hue." Salamat sa suot niyang prosthetic mask ngayon.

"At hindi rin niya alam na pinasundan ko ang babae niya sa iyo."

Ngumisi siya at lumingon kung nasaan ang tinutukoy nito. Nakaupo ito sa isang bench at umiiyak. Gusto niya tuloy itong lapitan at patahanin. He hated to see girls who cry. Kaya nga ba hindi siya naglagi sa mansiyon nila noon dahil ang adopted sister niya ay wala na yatang ibang ginawa kung hindi ang umiyak oras-oras. But he understood her. She was badly traumatised on what happened to her.

Maging si Nami ay ayaw niyang nakikitang umiiyak. Kaya gagawin niya ang lahat para maging maayos na sila nito pagkabalik niya ng bansa.

"Once she goes back to the hotel, you can go back to your mission. Don't go closer to her anymore," bilin ni Stone Herrera. Wala naman na siyang misyon. Baka 'bakasyon' ang gusto nitong sabibin at nasabi lang na 'misyon'.

"Hindi ko na susundan si Miss Beautiful? Akala ko ba ay babantayan ko siya habang nakabakasyon siya?" tanong niya.

"Hindi na. Pinasa ko na kay Hue ang mga documents kanina. Kapag binuksan niya iyon ay siya na mismo ang kikilos."

"Iiwanan ko na lang na umiiyak si Miss Beautiful?"

"Umiiyak?" takang-tanong ng nasa kabilang linya.

"Oo, kanina pa. Mula nang makaalis siya sa museum."

"What Museum? Jesus! What the fuck did you do, Caballero?" medyo iritadong tanong nito.

"I played cupid," walang kaapog-apog na sagot niya; bahagyang napangisi.

"Gago! Ang sinabi ko lang, bantayan mo."

"Oo nga. At binantayan ko naman. Nagpanggap akong tour guide kanina."

"Bakit dinala mo pa sa museum?"

"To play cupid?" ulit niya sa paraang nang-aasar.

Natawa siya nang magmura ulit ang boss niya. At sa huli ay binabaan na siya nito ng tawag.

Hindi niya kayang iwanang umiiyak ang babae kaya nilapitan niya ito at inabutang ng panyong dala niya pero hindi naman niya ginamit.

She grabbed the handkerchief and blew her nose because she'd been crying for a while.

"I'm sorry, I lost you. I was looking for you at the museum. What happened? Did someone hurt you?"

Umiyak lang ito.

"Hey, stop crying..."

"Yes," panimula nito. "Someone hurt me. He left without a word and now, I just saw him with his girlfriend."

"I shouldn't have brought you in the exhibit." May pagsisisi sa tinig niya. Tawang-tawa siya kanina dahil sa reaksyon ni Hue, pero hindi niya naisip ang magiging dulot niyon sa modelo.

Titig na titig ito sa kaniya at hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtitig nitong iyon.

"Why are you looking at me that way?"

"My only love has already moved on. I want to move on, too. Can you help me?"

Fuck. "What would you want me to do?" Nangunot ang kaniyang noo.

"Do whatever you want to do to me. You can fuck me good until I scream and forget him," wala sa sariling hayag nito.

"Miss Beautiful, you should treasure yourself. Not because you're broken, you can do anything just to forget. Let's go, I'll bring you back to the hotel," kalmanteng saad niya.

Napamaang ito nang mapagtanto ang sinabi, at paulit-ulit na humingi ng tawad. Nakauunawang tumango naman siya at hinatid na ito sa hotel. Nagpasalamat ito pagkatapos niyon.

Iiling-iling na bumiyahe siya pabalik sa kanila at nagpasyang magbabad sa shower. Gusto na niyang umuwi ng Pinas, pero saktong kinailangan siya roon dahil namatay ang mother-in-law ng ate niya at siya ang namahala saglit sa winery.

    

    

AFTER past a month, he flew back to the Philippines and went straight to Vintar, Ilocos Norte, where he grew up. Ginabi na siya ng uwi at ang kasambahay na si Joy at ang nakababatang kapatid na si Yuri ang naabutan niya sa sala na masayang nagkukwentuhan habang nanonood ng movie at kumakain din ng snacks.

Napadako ang tingin niya kay Joy nang tumayo ito't nabigla.

"Tumangkad tayo, ah?" bungad niya. "Kumusta?"

"J-juice. Ikukuha kita ng juice." Nagmadali itong tumungo sa kusina.

He shouted, "Tubig na lang!"

Tuwang-tuwang yumakap naman sa kaniya si Yuri. "I miss you! Are you with Marc?" Tinutukoy nito ang family lawyer nila. Matanda ng ilang taon sa kaniya pero nakakalula na ang narating ng huli.

Kunwaring pumalatak siya. "Siya 'ata ang na-miss mo, sis, hindi ako."

Kumalas na ito sa yakap. "Of course, I miss you! Ang tagal mong hindi umuwi. Teka, kumain ka na ba?"

Umiling siya.

"Sige, sabihin ko kay Manang, ipaghanda ka ng makakain."

"Huwag na, ako na lang. Si mama?"

"Tulog na. Gisingin ko ba?"

Umiling ulit siya.

"O sige, maliligo lang ako. Kumain ka na, baka malipasan ka ng gutom, alas diyes na."

Ginulo niya lang ang buhok nito at sinabing pumanhik na ito.

Dumiretso siya sa banyo para kumain ng hapunan. Napapitlag si Joy nang maramdaman ang presensya niya.

"Why are you so fidgety?"

"W-wala. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa, kakain pa lang."

Bahagya itong tumango at tumalikod na. Naningkit ang mga mata niya't nakailang halbang pa lamang ito at tinawag niya. Lumingon naman ito. "Bakit?"

"Hindi mo ako aasikasuhin?" takang-tanong niya. Sa tuwing umuuwi siya noon, aligaga ito sa pag-aasikaso sa kaniya.

"Ah, ano, aalisin ko lang iyong pinagkainan namin ni Yuri saka papatayin ang TV."

Nagmadali itong umalis doon. Nang makabalik ay katatapos pa lang niyang initin ang pagkain. May nakita siyang beef brocoli kaya iyon ang kinuha niya sa ref. Nakapagsandok na rin siya ng kanin.

"Saluhan mo ako. I want to know how are you."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang na-miss niya ito. Kunsabagay, mas malapit siya rito kaysa sa ibang mga kasambahay. Siguro ay dahil doon na ito tumira mula nang mamasukan sa kanila.

"How's your schooling? Gumaling ka na ba sa English?" Back then, he taught her basic English because aside from she could response to some visitors or phone calls in English, she wanted to learn the language that bad.

"A little bit," she responded with a familiar soft voice.

Natigilan siya. "Kumusta na si Liza?"

Kitang-kita niyang natigilan ito, pero sumagot din. "Ah, si Liza." Tumango pa ito. "Maayos naman siya."

Napatango na lang din siya saka malapad na ngumisi. Pinanood niyang kumuha ito ng isang basong tubig para inumin. Nang matapos ay tinanong niya ito. "Hindi mo ba ako na-miss?"

Napakurap-kurap ito at nangunot ang noo. "N-na-miss..."

"Sige, ako na lang ang bahala rito. Magpahinga ka na, maaga ka pa bukas."

Tango lang ang isinagot nito saka na umalis.

Kinabukasan ay kinumusta lang niya ang mama niya at bumiyahe na ulit pa-Maynila. Ayaw man niya dahil gusto niyang sa mansiyon na muna maglagi pero kailangan niya munang makasiguro.

He confronted the other agents but they're keeping their mouth shut. Sa halip ay inaasar siya ng mga ito na single na pala ulit siya, at may irereto raw na mga babae ang mga ito sa kaniya.

Napagtanto niyang wala siyang mapapala kaya nakipagkita na siya kay Glaze kinabukasan.

Mahinahon silang nag-usap na dalawa nang magkita sila sa isang coffee shop.

"I'm sorry..." bungad nito.

"I didn't see you to ask for an apology. I just want to know, why did you keep it a secret?" He's talking about her feelings.

Ngumiti ito nang hindi umabot sa mga mata. "Maybe I knew even if I fight for you, you would still be ending up with Kasey. Hulog na hulog ka na sa kaniya noon, hindi mo lang alam."

"I'm sorry..." tanging nasambit niya.

"No, no. Don't be sorry. Wala ka namang kasalanan."

He sighed. "Where's she?"

Sumeryoso lalo ito. "I honestly don't know."

"Why? Weren't you with her when I left?"

Umiling ito. "I feel guilty for saying those things. My fiancé heard everything and we had to postpone the wedding. Kaya nag-focus na lang ako sa opening ng bagong branch ng bar ko sa Pagudpud, three weeks na kaming nag-o-operate."

Nabigla siya roon. "Paanong...?" Naningkit ang mga mata niya't na-focus sa unang binanggit nito. Iisang tao lang naman ang naabutan niya roon. "Are you saying that Stone fucking Herrera is your fiancé?"

She scowled but she didn't answer.

In the end, he didn't find Nami in Manila. Kahit pagod ay nagdesisyon siyang umuwi na lang ng probinsya. Nagpapahinga pa siya sa bahay nang tumawag si Arc sa kaniya, na kilala rin bilang si Hue sa agency.

"What's up? I heard you're in the Philippines?"

"Gago, sabay ang flight natin, baka nakalimutan mo."

Banas na banas ito sa kaniya nang malamang siya ang nagdala ng modelo sa exhibit ng mga ito noong nakaraang buwan, kaya nang sabihing samahan niya ito sa New York bago umuwi ay hindi na siya tumanggi.

"What do you want?" tanong niya kaagad.

"Ipag-drive mo kami ni Hyra, tinatamad ako."

Minura niya ito, pero pumayag pa rin kalaunan.

Kaya heto, nag-a la driver na naman siya ng dalawang mag-syotang kulang na lang, magkainan na sa loob ng kotse. Mabuti na lang at hindi naman siya makikilala ng modelo kaya okey lang na magpakita rito.

Hininaan niya ang tugtog nang magkuwentuhan ang dalawa. Ihahatid niya ang mga ito sa tirahan ng mga magulang ng lalaki. Napapangisi siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Let's live together. Malaki ang bahay ko," said Arc.

"Dapat lang," sagot naman ni Hyra.

"You're not going to demand a new house?"

"Bakit pa? Nandoon naman ang memories natin. Pa-renovate na lang natin para sa kwarto ng mga bata."

"Are we pregnant already?" sabik na tanong ni Hue. Damn, this agent got it so bad. If he's not wrong, the latter quit the agency already to marry this woman.

"Better luck next fuck."

Hindi na niya napigilang matawa nang malakas. Arc looked at him as if he's throwing darts towards him, but he only raised his middle finger.

"Huwag mo ngang pina-pakyu-han si Arc! Ako lang ang may karapatang mag-fuck dito!"

Natawa ulit siya sa sinabi ni Hyra.

"Hyra," kastigo ni Arc pero natatawa na rin.

"Wala palang filter ang bibig ng sikat na international model, ah?" pabirong komento niya.

Nakita niya sa rear view mirror na pinagtaasan siya nito ng kilay. "Kasama mo 'to sa Phoenix?" tanong nito kay Arc.

Tumango ang huli.

Pagkuwa'y bahagyang lumapit. "Kilala mo si Nami?"

Natigilan siya. Pero naisip na baka fan ito ng aktres.

"Yes, she was at the Casa before," anang Arc; nakangisi nang malapad sa kaniya na para bang sinasabing magagantihan na siya nito.

"Nami?" takang-tanong niya. That couldn't be. The mission was past a month ago already. Nami could not be in that mission for she's still wounded at that time.

"Glaze Paner..." nakangising saad ni Arc na nagpatiim sa kaniyang bagang.

Alam na niya ang ibig sabihin niyon pero hindi siya makapaniwala. Paanong si Glaze ang nasa Casa noon? When did she fucking become an agent? Or, was she? Shit! They must talk again. Imposible talagang si Nami iyon dahil ang alam niya ay p-in-ull out na ang huli sa misyon dahil nga nagpapagaling pa sa tinamong sugat sa leeg.

Mas nangunot ang noo niya nang mapagtantong si Glaze ang nagpanggap na Nami sa Casa para hindi na mabulyaso ang misyon. Kung paanong nangyari iyon? Hindi pa niya alam.

"Ano'ng nangyari sa kaniya? Parang umurong ang regla," bulong ni Hyra kay Arc.

Lumapit naman si Arc para bumulong din, "Hayaan mo na. Basted iyan, eh."

He was scowling when he sped up. Kailangang maihatid na niya ang dalawang ito para makausap niya si Glaze tungkol sa bagay na iyon.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C308
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン