アプリをダウンロード
44.26% PHOENIX SERIES / Chapter 162: Manager

章 162: Manager

Chapter 24. Manager

      

       

SA LOOB ng halos apat buwan mula noong sagutin ni Kanon si Dice ay mas napadalas ang travel vlogs niya kaysa makeup tutorials o product reviews. Paano'y kung saan-saan siya nito niyayaya, na malugod naman niyang pinauunlakan. Kung dating kadalasan ay work on off ito, ngayo'y sulit na sulit na ang mga araw na walang duty ang lalaki. At nag-file din sila ng leave noong nakaraang linggo kung saan nag-travel sila sa ilang Asian Countries sa mga araw na iyon.

Ngayon ay nasa bahay siya ng magulang niya't naghahanda ng makakain. Inanyayahan kasi ng mommy niya na mag-dinner ang mga Usui roon. Ah, oo, naipakilala ba rin niya bilang nobyo si Dice sa kanyang mama. Of course there was awkwardness at the start, and eventually, her mom came to accept her relationship with him. Gayunpama'y alam niyang mas boto pa rin ang mama niya sa ex-boyfriend niya, umaasa pa rin itong magkabalikan sila, pero nang sinabi niyang hindi na mangyayari iyon dahil si Dice ang mahal niya ay tumigil na rin ito sa pag-uusisa tungkol sa Lemuel.

She felt bad for her boyfriend tho. Kung paanong tanggap na tanggap siya ng pamilya nito ay kabaliktaran naman iyon sa pamilya niya. Idagdag pa na solong anak siya kaya nama'y namimili talaga ang magulang niya.

But the decision on who'd be her boyfriend would be hers and hers alone because it's her own life they're talking about.

Matapos mag-prepara ay tinawagan niya si Dice. Sinabi nitong papunta na ang mga ito.

"Mama, pakiusap, huwag mong susungitan si Dice sa harap ng pamilya niya. Nakakahiya iyon."

"Eh, kung mag-isa siya, okay lang?"

"Mas lalong hindi!"

"Bakit ba kasi siya ang naging boyfriend mo? Ang dami-rami mo namang manliligaw. Si Lemue—"

"Lemuel won't go back here."

"Kung bumalik, magkakabalikan kayo?"

"Hindi, 'Ma."

"Paano mo masasabi kung hindi pa naman nangyari?"

"Kasi si Dice ang mahal ko."

"Sigurado ka na ba riyan? Eh, iyong sikat na influencer na nagbigay sa iyo ng Mustang noon pero hindi mo tinanggap? Hindi mo ba gusto iyon? May itsura rin naman—"

"'Ma, can we stop talking about other guys, huh? Please respect my boyfriend." She stressed out the last two words.

Humalukipkip ito.

"Nasaan ba si Papa?" pag-iiba niya sa usapan.

"May pinuntahan. Alam ba ng lalaking iyon ang tungkol sa Papa mo?"

"Ang lalaking iyon ay boyfriend ko, at Dice ang pangalan niya, 'Ma." Sa totoo lang ay naiirita na siya.

"I know."

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang katindi ang pagkadisgusto nito kay Dice, bukod sa marami itong naging girlfriend doon ay wala naman siyang natatandaang hindi kanais-nais sa lalaki. He's even more lovable now.

"I just have a hunch that he's hiding something from you."

"Ano naman iyon?"

"I don't know. Must be my intuition who's talking."

She sighed as if sighing could wash away her irritation. "Kung tutuusin, ako pa nga ang may itinatago sa boyfriend ko. Hindi pa niya alam ang tungkol kay Papa. Pero sasabihin ko rin sa kanya."

Katerina del Rio rolled her eyes as if she's accepting her defeat. She should be. Kahit nanay niya ito ay hindi nito mababago ang desisyon niya sa pagtanggap kay Dice sa buhay niya. Siya ang makakasama ni Dice, siya ang niligawan, kaya siya ang magdedesisyon, hindi ang mama niya.

At dumating na nga ang mga Usui makalipas ng halos isang oras. Surprisingly, the two older women got along and were conversing lots of things while having dinner. Kunsabagay, naalala niyang noong elementary sila ni Dice ay may mga pagkakataong parehong miyembro ng Parents-Teacher's Association (PTA) Officers ang mga mama nila kaya madalas na nagkikita o nagkakausap tuwing may meeting. Sana lang ay tanggapin na rin nito ng buo si Dice bilang karelasyon niya.

Dumating din ang lolo niya sa kalagitnaan ng pagkain at sinaluhan sila. Her grandfather was now one of the board of directors at the hospital where he was working. Sa kaparehong ospital din nagtatrabaho bilang mga nurse ang magkapatid na Usui kaya kilala ng mga ito ang lolo niya.

"So have you really decided to leave the hospital?"

Tumabingi ang ngiti ni Dice sa binanggit ng kanyang lolo nang bumaling dito.

Leave the hospital?

He became uneasy and her lolo noticed that so he immediately changed the topic.

She was silent afterwards until the Usuis already went home. Ni hindi niya gaanong kinausap si Dice at mukhang nakaramdam ang mga pamilya nila kaya maagang natapos ang hapunan.

Tama nga ba ang mama niya na tila may hindi sinasabi sa kanya ang boyfriend niya? Kung totoo man ay bakit?

Makailang ulit na nag-ring ang cellphone niya pero hindi niya sinagot. She even turned it off because she didn't want to talk to him yet.

In four months, they never really had a fight. Magkaroon man ay simpleng hindi pagkakaunawaan lamang. Kaya kinakabahan siya ngayon dahil sa tingin niya ay hindi lamang simple ang bagay na pag-uugatan ng away nila. Or maybe she's just overthinking.

Umalis siya sa bahay nila't nagpasyang umuwi na sa kanyang unit. Pero alas dose na ng hatinggabi ay hindi pa rin siya mapalagay, pabiling-biling siya sa higaan habang malalim na nag-iisip. Wala naman na siyang gagawin dahil nakapag-shower na siya, skin care, at matutulog na nga sana.

Hindi siya nakatiis kaya bumangon siya't nagpalit ng kasuotan. Pupuntahan niya si Dice sa bahay nito't tatanungin ukol sa binanggit ng lolo niya.

Pero nang makalabas ay laking gulat niya nang mapansin ang pamilyar na motorbike na nakaparada sa parking lot malapit sa gusali. Hindi siya maaaring magkamali, si Dice ang may-ari niyon. Pero wala roon ang lalaki.

"Hindi kaya pumanhik siya't nagkasalisi kami?" Maaaring lumulan ito sa kabilang elevator.

Napanguso siya't akmang babalik na sa loob nang maisip na baka magkasalisi ulit sila nito. She decided to just stay there and call him. She turned on her phone and she wasn't surprised when the message alert tone kept on beeping because she received so many texts from him.

Nang tawagan niya ito ay kaagad itong sumagot.

"Open the door, please," sumamo nito sa nahahapong tinig.

"Go down."

"No, I'll stay."

"Go down, I'm here."

"Huh?" tila natauhan ito. "Where?"

Sinabi niyang nasa parking siya't ilang sandali pa ay nakarating na ito.

"Bakit ka lumabas ng naka-sando lang?" Agad na pansin nito sa kanya, bahagyang kumunot ang noo.

Naka-sando lang? Napayuko siya't napansing nakasando nga lang siya't maong shorts. Hindi na niya napili ang mga susuoting damit kanina dahil iniisip niya lang ang pagpunta sa bahay nito.

Tinanggal nito ang suot na leather jacket at ito na rin ang nagpasuot niyon sa kanya.

"Iangkas mo ako," aniya bago pa ito magsalita.

"B-but..." He sighed. "Where should we go?"

"Bahala ka."

Nang umangkas siya ay mahigpit na yumakap siya sa balakang nito. Hindi mabagal at hindi mabilis ang pagpapatakbo nito sa motor kaya pakiramdam niya'y ang tagal nilang nasa daan kahit na nasa circle lang naman sila ng village kung saan siya nakatira. Until he stopped driving and they got down. Pumunta sila sa playground kung saan sila malapit at umupo siya sa swing.

"You can speak now, Kan. You can ask me anything."

"No, you'd tell me everything."

He licked his lips as he sat on the other swing, and he started explaining. Na totoo ang nabanggit ng lolo niya na aalis na ito ng ospital hindi dahil lilipat ito kundi magsi-shift na ito ng propesyon.

"When will it take effect?" She's asking about his resignation.

"I'll render for thirty days and it'll take effect after that..." A paused, then, "...by mid-December."

"For what reason?" kalmante niyang tanong.

"Do you remember where we met again after years?"

Tumango siya. Montreal International Entertainment Company. Mas kilala bilang Montreal Agency. Talent doon ang kaibigan niyang si Nami.

"I worked there as the company nurse for a few months before working at the hospital. And the CEO knows I am a professional choreographer as well—"

"Don't tell me you're going to debut as an idol that's why you quit your job?"

"No, sweetie, it's the other way around. I will be managing the rookie group that'll debut."

Natigilan siya, hindi kaagad nakuha ang ibig sabihin.

"The group will set to debut next year, probably by June."

"Pero November pa lang ngayon, bakit nag-resign ka na agad?"

"We need to focus on recording the tracks of their debut album, and the members are still practicing, so..."

"Ikaw ang magtuturo ng sayaw nila?"

"Hindi lahat. They have their own choreographers. I will be their manager."

Hindi niya ito masisisi lalo pa't simula't sapul alam niyang hilig na nito ang pagsayaw. Ang ipinagtataka niya ay bakit ito magiging manihero imbes na backup dancer o choreographer? So she asked him that.

"I was first offered to be their choreographer, but after getting to know them better, I realized they need someone who can manage them that knows their traits and personalities."

"At ikaw iyon, ganoon?"

Bahagya itong yumuko at nag-angat din kaagad ng tingin sa kanya. "I'm sorry for not telling you sooner. I was honestly about to, I was just waiting for our dinner to be done."

She sighed. Iyon lang naman ang ikinatatampo niya. Ang hindi nito pagsabi kaagad sa kanya. She's fine now. She only thought that'd cause them to fight real big that was why she acted that way. Ginagap naman nito ang kamay niya.

"Can we go inside your place now? Your hands are cold."

Umiling siya. "Drive me to your house. I want to sleep with you."

No, she wasn't thinking about giving herself in to him. She just wanted to sleep in his arms, on his bed as she's embracing him tightly. May palagay kasi siyang mas magiging abala na ito sa mga susunod na pagkakataon.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C162
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン