Chapter 39. N
"ARE you contented right now?" tanong ni Lexin kay Nikolaj nang pinapanood nila ang New Flash Report kung saan ibinabalita ng isang kilalang reporter ang tungkol sa kabalbalan at mga kasalanan ni Eulogio Arellano, na head ng Arellano International Agency o AIA, kung saan nagtatrabaho si Nikolaj bilang isang sleeper agent. At ibinalita rin ang paglubog at pagsangkot ng mga Devila sa mga krimen ni Arellano.
"Ikaw, kontento ka na?" balik-tanong nito sa kaniya.
She felt a lump in her throat as her eyes watered with tears. "Do I have a choice?"
Bumuntong-hininga ito. "Mapapatay ako ng asawa mo sa ginawa ko sa kapatid niya."
"Bakit ba kasi kailangang idamay mo si Kia?"
"Do I have a choice?" balik-tanong naman nito sa kanya.
Siya naman ngayon ang napabuntong-hininga. Alam na alam ni Nikolaj na hindi babaliktad si Kieffer sa mga kasamahan nito kaya ang lalaki ang pinili nito para matugis ang utak sa ilang mga kasong konektado sa Casa Manarang. Siya rin ang naglagay ng susi at maliit na papel na may nakasulat na secret code roon kung saan mahahanap ng vault na mabubuksan gamit ang susi na iyon, at ang pass code na isinulat niya rin sa papel. Ang pass code ay para sa isang vault na nasa ligtas at protektadong lugar habang ang susi ay para sa maliit na safe na nasa kaparehong vault kung saan isinilid ang mga limang flash drives na magdidiin sa Liberi Orphanarium at Casa Manarang. Finally, those children were now free from slavery and sex.
At kaya mas napadali rin ang trabaho ng mga taga-Phoenix noong nakaraan ay dahil sa mga ebidensyang iyon.
Kung paano niya isinilid sa framed wedding photograph nila ni Kieffer iyong susi? Dinukot nila ang housekeeper at siya ang naglinis nang araw na iyon para ilagay niya ang susi sa kwarto. Sa utos na rin ni Nikolaj.
Walang CCTV sa loob ng bahay. Kung mayroon man, sinigurado ni Nikolaj na maging kamukha niya ang tagalinis para hindi magduda si Kieffer. Pagkatapos niyon ay b-in-rainwash ang totoong tagalinis. They hypnotized her and controlled her mind about what she did that day—naglinis ng condo unit ni Kieffer Sandoval.
Damn, all of the sweet and beautiful memories—even those sexy encounters—embraced her body and soul the moment she entered the unit. Everything felt welcoming. It felt... home. Kung hindi pa siya sinigawan nang paulit-ulit ni Nikolaj sa kabilang linya ay hindi siya matitinag.
Natagalan pa nga ang pagkakadiskubre sa susi, mga dalawang buwan na ang nakalipas mula noong ilagay niya iyon doon bago iyon nakita ni Kieffer.
Nalaman din niyang si Nikolaj ang nagpa-deliver sa kanya ng package ilang taon na ang nakalipas, at sinadya nitong sindakin siya sa pamamagitan ng litrato ng mag-asawang Osmeña na kumupkop sa kanya. Pero nakalimutan din niya ang tungkol sa susi noon. Mabuti na lang pala at naibigay niya kay Niko noon, kung hindi ay hindi na niya alam kung saan na hahagilapin iyon. Pero inamin naman ni Nikolaj na kung hindi man niya ibinigay noon, gagawa at gagawa ito ng paraan para mahawakan ulit ang kaisa-isang susi.
She was also at the Villarama Pharmaceutical Company when it was burnt into ashes again. Pero hindi bilang pharmacist na si Lexin Osmeña, kundi bilang personal assistant ni Nikolaj. She was wearing prosthetics the whole time so she wouldn't be recognized. She also saw Kieffer while the two were talking via video call. She almost grabbed the phone so she could stare at him all the time. That's how she missed him. Pinigilan niya lang ang sarili niya at inasikaso ang kapatid nitong lupaypay na. Napalunok siya dahil medyo nahuli siya ng dating. Bugbog-sarado na si Kia nang makarating siya.
Napanguso siya. "Now that you succeeded on bringing them down, what are your plans afterwards?"
"I'll go in jail?" pamimilosopo nito.
Binatukan niya ang lalaki. "Wala talaga akong matinong sagot na makukuha sa iyo."
"Seriously, do you want to continue working as a sleeper?"
"How? Bagsak na ang AIA ngayon."
Just as Nikolaj, she became a sleeper agent in AIA after that incident in VPC two years ago. They were just being activated when needed. And in span of two years, she was only activated in four jobs. At parating kasama niya si Nikolaj doon.
(Two Years Ago...)
"I'M SORRY."
"Sorry saan?" puno ng pagtatakang tanong ni Lexin kay Nikolaj. Kanina ay sinundo siya nito at sinabing ito na ang maghahatid sa kanya sa Maynila dahil hindi natuloy ang mommy niya sa Leyte. Nag-half day lang din siya't mabuti ay pinayagan siyang makaalis. Marahil ay dinahilan ni Nikolaj na utos ng nasa taas.
Lulan sila ngayon ng sasakyang maghahatid sa kanila sa paliparan nang bigla itong pumreno.
Before she could ask again, Nikolaj grabbed something and forced her to smell it. A few seconds later, she was embraced by the darkness.
When she came in, she was in an unfamiliar place. An unfamiliar room but it seemed like a hospital ward because of the medical equipments she was seeing. Nanlalata man ay pinilit niyang tumayo at nahanap ang sariling pumasok sa banyo. She needed to pee.
Nang matapos ay nahagip niya ang sarili sa salamin. She was shocked seeing some black marker lines on different parts of her face. Tumili siya at agad naman siyang dinaluhan ng dalawang medical staffs.
Ilang sandali pa ay dumating si Nikolaj, mabilis na inutos nitong itali siya sa hospital bed. Nang matapos ay iniwan silang dalawa sa loob ng silid.
"Anong ibig sabihin nito?" Nanlilisik ang mga matang tinapunan niya ito ng tingin.
"I'm sorry. Ayaw kong madamay ka sa pagsabog."
Biglang napalitan ng pagkunot ng noo ang ekpresyon niya. "Anong pagsabog?"
"We bombed VPC."
"We...?" Pinilit niyang kumalma. Ibang-iba ang itsura ni Niko ngayon kaysa sa nakilala niya. His face was darker. Grimmer.
"We burned everything."
"Naguguluhan ako..."
Isinawalat nito ang lahat sa kanya. Na kaya ito pumayag na mapaikot ng pamilya nito ay para makuha ang loob ng mga umampon dito, ang mga Devila. Matagal na pala itong nagtatrabaho sa AIA at doon nakuha ang mga skills nito. Particular na ang martial arts skills, shooting, at marami pang iba. Patunay iyong mga pagturo nito ng martial arts techniques sa kanya noong nasa kolehiyo pa siya.
"I am an agent, and my job now is to take VPC down. Pero hindi lang pala ako ang may hawak, may ibang agency pa."
Nakamaang lamang siya.
"And I was ordered to slack off my mission. There I knew that that job is just a fucking facade. Para kunwaring kumikilos ang AIA pero ang totoo'y kasabwat ang boss namin sa Phantom Syndicate."
"Can you untie me first? Promise, I won't run away." Pinilit niyang pagaanin ang boses.
But the moment she was untied, she kicked him and tried to get up. Pero maliksi kung kumilos si Niko kaya agad siya nitong nahila. She was pinned on the hospital bed at once.
"Fuck you!" mura niya. "Pakawalan mo ako."
"Kieffer Sandoval is an agent, too. And you are his job," dire-diretso at walang emosyong siwalat nito.
Natigil siya sa pagpiglas nang marinig iyon. "D-don't brainwash me. You can't fucking control my mind, Nikolaj."
"I'm not doing anything. I'm only telling you the truth," kalmanteng anito.
Napakagat-labi siya at halos magsugat iyon.
"Stop biting your lips, magsusugat na."
"Get off of me first. I will listen now. Please, no more lies," pakiusap niya. Para siyang nanghina sa nalaman. Now, everything was making sense.
Pumikit ito at nagmulat, 'tsaka umalis sa ibabaw niya.
"Anong ibig sabihin niyon?" tanong niya kaagad kahit hindi pa naaayos ang pag-upo.
"Kieffer is a part of Phoenix Agency, he's an agent there and his mission right now is to expose the Villarama Pharmaceutical Company."
Tumikhim siya at sumandal sa headboard ng kama. "S-siya lang ba?"
Umiling ito. "Marami sila."
"Bakit hinahayaan mo kung alam mo na pala?"
"Aside from I was told to slack off on the job, you were still enjoying your part."
Nangunot ang noo niya.
"As Kieffer Sandoval's wife."
Bumigat ang paghinga niya. Hindi gaanong malinaw ang lahat sa kanya, pero malinaw na niloko siya ni Kieffer. Kaya pala ganoon na lamang na mabilis itong sumang-ayon sa lahat. She smiled bitterly when she realised she also did that to him.
"He also knows everything about you."
"What...? How?"
"I let them hacked into our system, but I only chose what information he should get."
"What system?"
"Phantom's."
"I don't get it."
"It's alright if you don't understand everything yet. Ang trabaho mo ay magaan pa lamang, Lex. Marami pang katakut-takot na bagay ang ginagawa na organisasyon."
"N-nakita ko nga iyong sa lab." Bahagya siyang nanginig at kinilabutan nang maalala ang mga nasaksihan at nalaman.
"But we burned every evidences Phoenix could get at VPC in Leyte. At sigurado rin akong natusta na si Mikael kasama ng pinakamamahal niyang laboratoryo." Base sa sinabi nito ay nasisiguro niyang malayo na sila sa Leyte ngayon.
Napalunok siya. Masama na ba siyang tao kung pinagpapasalamat niya ang kamatayan ni Mikael Dominguez?
"You look relieved," pansin nito sa kanya.
Instead, she asked, "Did they order you to kill him?"
"I was ordered to kill you both so my uncle would take over Phantom Syndicate. It was ordered by the higher-ups."
Napasinghap siya at nanikip ang dibdib.
"T-then... are you..." Fuck. Nanginginig na siya nang husto at hindi makaapuhap ng salita. Kaya ba siya nito ikinulong doon ay para patayin? O kung hindi man patayin agad-agad, pag-e-eksperimentuhan muna siya? Hindi malayong mangyari iyon lalo pa't nasa estrangherong lugar siya na puno ng gamit pang-medikal. Kung ano-ano rin ba ang mga gamot na itatarak sa kanyang katawan? Damn, she couldn't calm herself down thinking about those horrid things she was forced to do on their patients in VPC.
Hinigit siya ng mahigpit na yakap ni Nikolaj at mabilis na hinaplos-haplos ang kanyang likuran, sa paraang parang pinakakalma siya. Pagkuwa'y malalim na bumuntong-hininga ang huli matapos ng sandaling nakabibinging katahimikan.
"I can't kill you, Lex. You are my only family."
Sininok siya at tuluyang nanikip ang dibdib. "Hindi ako m-makahinga..."
Marahas na nagmura si Nikolaj at tumawag sa intercom ng mga medical staffs na dadalo sa kanya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay guminhawa ang pakiramdam niya. May dextrose na ring nakakabit sa kanya at narinig niyang inutusan ang nurse na inject-an din siya ng pampatulog.
"Alam kong nagulat ka sa sinabi ko... pero totoong ikaw na lamang ang pamilya ko. Magkapatid tayo, Lexin."
"Ano'ng...? I mean, if that's true, how did you know, then?"
"I won't be one of AIA's top agents for nothing."
Napakagat-labi siya. "C-can you tell me everything now?"
"Not now, li'l sister. You must rest. Promise, I will tell you everything once you wake up."
She nodded and she felt her eyelids became heavier. Umepekto na ang sedatives na in-inject sa kanya kanina lamang. Si Nikolaj naman ay nagsimula nang hilamusin ang mukha niya gamit ang malambot na bimpo upang mawala ang mga sinulatang marka roon.
Matapos malaman ang lahat ay pumayag si Lexin na ipasok siya ni Nikolaj sa AIA bilang isang sleeper katulad nito. Ang kaibahan nga lang, ay hindi dapat niya alam na sleeper agent siya. She also used her birth name—Niana Flores Altaraza.
At imbes na sumailalim siya sa plastic surgery, gaya nang naunang plano ni Nikolaj, ay gumamit na lamang siya ng facial prosthetics para mag-iba ang itsura niya. Her skin type was now sun-kissed or tanned. Maraming salamat din sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang kuya dahil maging ang DNA niya sa mga dokumento ay napeke.
"Kuya—" Natigilan siya at napailing. Hindi siya masasanay na tawaging kuya si Nikolaj.
Ngumiwi ito, mukhang ganoon din ang naramdaman. Kahit lagpas isang taon na ang nakalipas ay naiilang pa rin sila sa katotohanang magkadugo sila. "Huwag nating baguhin ang turing sa isa't isa. Hindi bagay."
She chuckled and agreed.
"Anong itatanong mo?"
"I got it now. But I want to make sure... Did... Eulogio Arellano k-killed... our parents?"
Dumilim ang mukha nito at tumango.
"And now we're working for him." Napangiwi siya't ngumiti ng mapakla. How ironic sometimes life could be.
"No, Lex, we're working to bring him and the whole AIA down."
Ngumiti siya ng mapakla. "Arellano trained you, but now you're bringing him down."
Ngumisi lang ito, buo na ang loob sa mga plano nila. Nikolaj plotted to break the legs of Casa Manarang first. It was like a perfect crime because Phantom would think that they were able to escape their crimes. But her brother was a fucking genius. Noong una pa lamang ay nakaplano na rito kung paano tuluyang mapapabagsak ang utak ng sindikato. Kunwaring naging asong sunud-sunuran ito o manyikang minamanipula lalo na nang pasabugin nito ang VPC, iyon pala ay ito na ang tunay na nagmamanipula sa mga taong iyon, lalo na kay Julio Devila.
"Are we really going to do those plans? Kahit pa business partner naman ni Eulogio ang ama natin noong itatag ang AIA?"
In the process, she also learnt that AIA was originally AAIA, stood for Altaraza-Arellano International Agency. But the avaricious Eulogio Arellano killed their parents to acquire all of the Flores-Altaraza assets and businesses. Pinalabas ding aksidente ang pagkahulog sa bangin ng sasakyan kung saan lulan ang mga magulang niya. She was only two years old, then. And they had no relatives at all. Hindi na niya inalam ang buong detalye, basta ang alam niya ay inubos din ni Arellano ang angkan ng ina nila. Mabuti na lamang at solong anak ang totoong ama niya kaya wala nang pinaslang pa sa mga Altaraza na may kaugnayan sa kanila. Or who knows? The world is huge.
"O mas tamang sabihing pinaghirapan pa rin naman ng mga magulang natin ang agency?" pagtatama niya sa tanong kanina.
He licked his lips and nodded. "Hindi na rin naman credible ang AIA. Estacio knew, that's why he seek force with Phoenix before."
He knew who that man was. A famous news reporter... "When did he start seeking forces with Phoenix?"
"Before de l'Orage tried to acquire Osmeña Shipping Lines."
Napatango siya. Mabuti na lamang at hindi nagtagumpay ang de l'Orage. All thanks to her brother's discreet work. Ito rin pala ang may kagagawan kung bakit nabigo ang de l'Orage sa mga Punzalan noong una. Pero ito pa rin ang itinuturong nagmamanipula sa lahat ng mga krimeng iyon kaya siguradong makukulong at makukulong si Niko kapag nagkahulihan na.
"Bakit?" tanong niya kung bakit umanib sa ibang agency si Valentino Estacio.
"Because he doesn't trust our head anymore."
"Magaling siya," aniya.
Saglit itong tumahimik at pagkuwa'y pinaalalahanan siya. "Be ready. Agent N will be activated soon. Always remember that you are a sleeper and you don't know anything about your missions thereafter."
Napanguso siya. Dapat yata ay nag-artista na lang siya. She was a good actress pretending she was brainwashed and controlled before and after being activated in her missions.
Bigla ay naalala niya ang mga tunay niyang magulang.
To her parents, despite of having no memories about them, she's still proud of them for hanging in there until their last breaths. Ngayon ay sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga maysala sa pagkamatay ng mga ito at ng buong angkan nila. Sisiguraduhin nila ng kanyang kuya na mapapabagsak nila si Eulogio Arellano, maging ang mga kasabwat nito sa Phantom Syndicate.