Chapter 22. Simp
SA BUONG durasyon ng bakasyon ni Lexin ay halos hindi na niya iwanan si Kieffer. She never knew she was clingy until she met him. Ngayon pa lamang niya nalamang may pagka-childish pala siya kapag hindi ito nakikipag-cuddle sa kaniya. Para siyang batang gustong magwala sa daan dahil hindi binilhan ng manyika ng kaniyang ina. Napahagikgik siya sa mga bagong bagay na natutuklasan niya tungkol sa sarili, pati na rin kay Kieffer.
Hindi na rin pala nasundan ang nangyari sa study. They kissed day by day, sometimes touched and/or caressed each other, at hanggang doon na lang muna. Para sa kaniya ay mainam iyon dahil mas mahaba ang mga oras ng pag-usap ng kung ano-anong mga bagay patungkol sa isa't isa.
At nakakatuwa ring hindi man lang ito nagrereklamo sa tuwing lumilingkis siya sa braso nito kapag lalabas sila, sa restaurant man, sa mall o kahit sa mga café shop. Kaya nama'y mas lumakas ang usap-usapang may relasyon at ikakasal na nga silang dalawa.
Napanguso siya kanina nang gisingin siya nito dahil may duty na ulit siya sa ospital. Ayaw niya pa sanang pumasok pero naalala niyang hindi siya dapat magpabaya sa trabaho. (Ang marangal niyang trabaho ang kaniyang tinutukoy.)
Hindi na siya makapaghintay pang mamuhay na ng normal. Nang walang kasamaang ginagawa. Nang malaya.
Pero sa totoo lang, hindi siya ganoong kampante na tutuparin ng de l'Orage ang usapan nilang matitiwalag na siya roon kapag nagtagumpay siya sa pinatatrabaho sa kaniya. Subalit ngayon, kahit paano ay kumakapit na siya sa pag-asang iyon lalo pa't nagkaroon na siya ng paghahangad na mamuhay ng normal.
She wanted to have her own family now. At alam niyang malabo pang mangyari iyon kaya kailangang bilisan na niya ang pagkilos nang makalaya na siya sa organisasyon.
Noong sinabi niya kay Kieffer na gusto na niyang magpabuntis dito, hindi ibig sabihin ay ora mismo. Kahit tila nakalutang pa siya sa ulap noong gabing iyon, ay naisip na rin naman niya kaagad na masyado pang magulo ang lahat kung magiging makasarili siya ngayon. Kayang-kaya siyang buntisin ni Kieffer, kayang-kaya na nilang bumuo ng sariling pamilya kahit pa nga ba kailan lang sila nagkakilala. Ngunit ang tanong, kaya ba niyang arugain ang magiging anak kung nasa ilalim pa siya ng de l'Orage?
Hindi. Hindi pa niya kaya.
Kaya imposible pa talagang mangyari sa ngayon ang mga minimithi niya.
Umaasa na lamang siyang sana ay may babalikan pa siya sa hinaharap, na tatanggapin pa rin siya ni Kieffer kahit alam niyang masasaktan niya ito sa binabalak na gawin.
Because her plan at the moment was to make him fall for her hard. Because if he'd fall for her, it'd be easy for her to target him. Paiikutin niya ito hanggang makuha ang nais ng de l'Orage dito. That's hitting two birds with one stone.
Or what if we run away instead?
Agad na tinanggal niya iyon sa isipan. That was beyond impossible since the organization was big and was known in the underground market locally and internationally. Kahit anong gawin nilang pagtatago ay matutunton at matutunton sila ng mga ito. Baka nga hindi pa man sila nakaalis ng bansa ay naitumba na sila ng de l'Orage kung sakali.
Eh, kung, magpa-plastic surgery kami at magpalit ng identity? Fake death?
Mas lalong hindi. Paano niya ipapaliwanag kay Kieffer ang lahat kung sakali? Mas magugulo lamang ang buhay nila.
Kaya iisa lang talaga ang dapat niyang gawin—sundin ang de l'Orage ngayon para matiwalag na siya nang tuluyan.
Malalim siyang napabuntong-hininga.
"Ang lalim niyan, ah," pukaw ni Kieffer sa atensyon niya. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan nito at pinagmaneho siya, ihahatid sa RMC.
"Nabitin lang ako sa leave ko. Dapat pala'y hinabaan ko na," palusot niya.
He laughed as he focused on the road. His left hand was on the steering wheel and his right hand found its way to rest on her lap. Bahagya pa nitong pinaglandas ang palad nito hanggang makalapit sa sensitibo niyang parte. Agad niya itong tinapik.
"Mabangga pa tayo nito. Focus on driving," kastigo niya. Pero hindi maipagkakailang nagsitaasan ang balahibo niya sa kakaibang dulot ng simpleng paghaplos lamang nito sa hita niya. Naka-slacks pa siya sa lagay na iyon.
He chuckled and tried to clasp their hands but she didn't let him. So he just held on to the steering wheel afterwards.
Pinasadahan niya ang tingin ang loob ng sasakyan nito, kanina pa niya parang gustong yakap-yakalin iyon at pugpugin ng halik. She just stayed still and kept her composure. "This is a limited edition, right?" komento niya. "Lamborghini Veneno Roadster," she added knowingly, her tone was filled with awe, her eyes were tantalizing.
"How did you know?"
"Because I wanted to have one. Pero sobrang kaunti lang nang p-in-roduce, wala man lang sampu." She's sure she sounded a little bitter about that thing, but to hell she cared. Sa totoong bitter naman siya dahil naubusan siya niyon. At iyong in-auction noong nakaraang taon ay hindi siya ang nakakuha, sinabotahe siya ni Nikolaj kaya ang kababata niya ang nakapag-bid ng pinakamataas para sa sports car.
He chuckled a bit. "Cheer up. I'll give you my baby."
Saglit siyang natigilan. "About that... uh, totoong gusto ko nang magbuntis gaya nang sinabi ko noong minsan, pero huwag muna ngayon, ah? Enjoy-in muna nating dalawa ang GTK phase natin." She meant Getting To Know each other.
Lumakas ang pagtawa nito, sakto namang nakahinto ang sasakyan. "I meant this baby Lambo," paglilinaw nito.
"Huh?"
"I'm giving you this baby. Its red color suits you better. You're both sexy."
"What?"
"Totoo. Hindi kita binobola. Sexy ka namang talaga."
"No, no," aniya at napailing. "What did you just say?"
"Ah," nakaunawang tumango ito at bahagyang sumulyap sa kaniya. "My baby, Lamborghini Veneno Roadster, is now yours."
Napamura siya ng malutong at muntik nang tumili. "You're giving away your four-point-five million U.S. dollars?!"
"I'm giving you this baby, Lexin. I don't need this car anymore."
"You're kidding me! Tunog sugar daddy ka naman!"
"But you're older than I. So it's impossible for me to be your sugar daddy. But I can be one if you want to." Ang lapad ng pagkakangisi nito. Mukhang nahaluan na ng makamundong pagnanasa ang pag-iisip nito patungkol sa sugar daddy.
"I'm not talking about daddy kink," agap niya. "But seriously, Kieffer, you're just kidding, right? No one in their right mind could ever give away their beloved babies." She knew. Because she had lots of cars as well, and she's taking of those more than she's taking care of her skin. Kung hindi siya alagang-dermatogist ay baka dry na dry ang skin niya at maraming dead cells. But they're not talking about her milky skin now. They're talking about cars! The sexy and sleek Lamborghini Veneno Roadster! "Naloloko ka na yata..."
"It's fine with me." Nagkibit-balikat ito. "You can take this baby—"
Nananaginip ba siya? Kung oo, sana'y hindi na siya magising!
"—because you are my baby now."
Literal na napamaang siya't hindi na nakasagot dahil umandar na ang sasakyan. Naka-Go na kasi ang signal ng stoplight.
"Hindi ka na nagsalita?"
She must had looked so gaga over the situation right now. But they're talking about cars! And that Lambo had been one of her dream cars! Halos maluha siya nang bumaling kay Kieffer while a ghost of smile formed on his very lustful lips.
"This is a dream come true..." She was beyond overwhelmed. "I have a Lamborghini, too. But not as sleek as this baby. You should see her next time. She's sexy as well," pag-iiba niya sa usapan. Maiiyak siya kapag pinagpatuloy nila ang usapan sa pagbigay nito ng sasakyan nito sa kaniya. And he was so damn serious about it! She felt as if she's floating in cloud nine with rainbows and unicorns dancing and singing gleefully around her.
They continued talking about cars until they reached their destination. Ni hindi na nga niya namalayan ang matinding daloy ng trapiko kanina—rush hour kasi—dahil sa pagkukwentuhan nila sa iba't ibang klase ng mga sasakyan. Natatawa pa siya dahil sayang ang sasakyan kung maiipit lang lagi sa trapiko. Agaw-pansin din sila sa ibang mga nagmamaneho ng sasakyan at motorista sa daan. Ang daming napapabaling sa kanila, o mas tamang sabihing sa napakagarang sasakyang iyon.
"Next time, let's drive it in a race track."
Her day had brightened up more with Kieffer's delightful smiles. Napangtanto niyang malayung-malayo ito sa unang pagkakakilanlan niya na arogante at masungit ang lalaki dahil sa totoo ay may pagka-kalog ito at masiyahin. He also always cracked some jokes and punch lines.
"Para kang nag-ibang tao nang mag-usap tayo tungkol sa mga sasakyan, ah," hindi na napigilang komento ni Kieffer nang makapag-park na.
"You can't blame me. I'd go simp for cars—especially the luxurious ones like this baby." Bahagya pa niyang tinapik ang dashboard.
Ngumiti ito, abot hanggang sa mga itim nitong mata ang tunay na pagngiti.
"Tuwang-tuwa, ah?"
"I just realized something and I couldn't help but agree with my mind." Napangisi naman ito ngayon. Kinabahan tuloy siya. Baka sabihing prank lang pala ang pagbigay sa kaniya ng sasakyan at may hidden camera sa loob ng lambo. Pero kung sakaling hindi nito ibibigay, bibilhin na lang niya. Yes, right. That's what she'd do.
"Something about what? B-binabawi mo na ba i—"
"Lexin..." He paused for a while and caught her uneasy gazes. She gulped and her heart wanted to jump out of her ribcage because aside from his sincere smiling eyes, he was serious as well. "...you're the only person I'd go simp for. Kaya humanda ka na dahil hinding-hindi na kita pakakawalan pa."