Chapter 11. Flames
"HEY," pukaw sa atensyon ni Lexin ng nasa kabilang linya. Nikolaj was obviously frowning on the other line.
She responded right away. "Ang akala ko ay natigil na ng tuluyan ang pagkuha ng mga dalagita sa ampunan, pero nalaman kong patuloy pa rin sila."
"I thought you're following Mikael's orders because you wanted to? Dahil nasanay ka na. He was your master, and I think he still is."
"Gago ka ba?" Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling paulanin ito ng mura.
"You should finish your job as soon as possible, Lex. And I suggest you should live abroad with your family."
Seryoso ito sa sinabi at ramdam niya ang sinseridad. Pero hindi iyon magiging kasagutan kung paano siya titiwalag. "Do you think we'll be safe abroad? You know how big the syndicate is, Niko. And the whole organization."
He should know better. His uncle, a previous high school teacher, was one of the major stockholders at the Pharmaceutical Company, and she knew that his uncle was somehow connected in the organization.
"At isa pa, ano pa ba'ng mapapala ko kung itatakas ko ang mga magulang ko? That will never guarantee our safety. I'd rather continue doing these than let their lives be at risk. I think that package was a warning. Marahil ay nakatunog sa binabalak kong pagkanta sa mga awtoridad."
Nanatili itong nakatitig sa camera lense.
"Sabi mo nga, nasanay na ako. Kaya okay lang." Pinilit na lamang niyang tapusin ang usapan doon.
"It will never be okay..." malungkot na usal nito.
"Kilala mo ako, Niko. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. You should know better."
"I know. I fucking know. We're both just like puppets. We move for them, we work for them, we breathe for them."
Napapikit siya ng mariin. Gaya niya ay nakatali si Nikolaj sa organisasyon. Gaya niya ay may pinoprotektahan ito. Ngunit hindi gaya niyang walang kaalam-alam ang pamilya sa mga pangyayari, ay kabaliktaran dito. Dahil ang mga umampon dito ang siyang dahilan kung bakit naging sunud-sunuran ito na parang isang tuta.
She smiled sadly and painfully.
"Mukhang hindi rin naman mababago ang kapalaran natin kung nagkataong sa ampunan tayo lumaki. We will always be someone else's puppets. Someone else's pawns."
Napakislot siya nang may gumalaw sa bandang pinto. Nakadapa kasi siya sa malaki at malambot kama habang nakatutok sa laptop. Agad na umupo siya at lumingon sa pinto.
It was Kieffer Sandoval.
"K-kanina ka pa?" she asked nervously. Pero base naman sa itsura nito ay kadarating lang nito.
"I'm sorry I didn't knock. I thought you were asleep," sinserong untag nito. Napatitig siya sa mga mata nito at nakita na naman niya ang kadiliman doon. Nakakalito ang mga pinapakita nitong emosyon. "Napuyat ka kasi kagabi dahil sa mga articles na lumabas," dagdag pa nito.
Napalunok siya. Mukhang pagod ito. Was his meeting a bit toxic? Napanguso siya. Pagkuwa'y naalala ang laptop, kung saan ka-video call niya si Nikolaj. Her eyes widened when she noticed he brought his phone inside the bathroom. At unti-unti itong naghuhubad.
"What are you doing?" asik niya.
"I'll take a shower."
"Then turn off the video now!"
"Sino'ng kausap mo?" kuryosong tanong ni Kieffer.
"Ah, eh... K-kaibigan ko lang. May importanteng lakad kasing pupuntahan kaya nagpaalam na." Natatarantang sinara niya ang laptop dahil hindi pinatay ni Nikolaj ang video, at bago pa niya tuluyang matapos ang tawag ay lumalapit na si Kieffer. Ayaw niyang makita nito ang laptop screen. Baka isipin nito ay nakikipag-cyber sex siya.
Gago ka talaga, Nikolaj Devila!
"Uh, I'll just take a shower. Hindi pa pala ako nakapag-shower."
Totoo iyon, hindi isang palusot lamang. Halata naman dahil puting roba lamang ang suot niya. She wanted to ask why did Kieffer come in without knocking, but then she realized she gave him the permission last night when he asked if he could come around. Pero hindi ba dapat ay kumatok pa rin ito? Kahit pa nga ba ang pamilya nito ang may-ari ng hotel na iyon...
"I'll wait for you, then."
Natigil siya sa pagtayo at nakaupo na ngayon sa gilid ng kama. Agad namang inayos ni Kieffer ang nalilis niyang roba kung saan humantad ang makikinis at mapuputi niyang mga hita. "T-thank you." She stuttered a bit.
She wanted to cussed at herself. She's a year-older than him so she should act by her age. Hindi iyong para siyang high school girl na dumadaan sa teenage crush phase. Kunsabagay, she was never a normal teenager before. She was always aloof especially with the boys. Dala kasi niya ang trauma mula pagkabata.
Even after the Osmeñas adopted her, they never knew what exactly happened to her in the orphanage. Ang alam lang ay may matindi siyang trauma na pinagdaanan noon, at sinabi sa mga ito na dahil iyon sa na-bully siya noon. But she knew better. It was worse than bullying.
Napapagod na siyang maging sunud-sunuran sa mga bagay na labag sa kalooban niya. Napapagod na siyang gumawa ng masama. Napapagod na siyang maging masama. Napapagod na siya sa buhay na mayroon siya. Napapagod na siyang mabuhay.
"C-can you sit here?" Bahagya niyang tinapik ang espasyo sa tabi niya. No, she wouldn't allure him. She just wanted to talk with him. To open up.
He stared at him with some new unnamed emotions in his pitch black eyes. Her defenses suddenly went down and she was like a lost child, longing for comfort. And she found that to him. The way he looked at her was like he's letting her know that she wouldn't be alone anymore. Ang paninitig nito ay tila naramdaman nitong may bumabagabag sa kanya.
And for the first time in her life, she wanted to live freely. Or if not, she wanted to escape her reality, and she just hoped that this man could help her.
"What are you thinking?" Ingat na ingat ito sa pagbigkas ng bawat kataga, hindi pinuputol ang pagtitig sa kanya. At imbes na umupo sa tabi niya ay lumuhod ito sa tapat niya, at hinuli ang kaniyang mga kamay.
She wasn't wrong about what she just felt a while ago. The moment their hands intertwined, she strangely felt inner peace—the comfort that she'd been longing for since she was a child. Kieffer Sandoval was like the calm in her storm.
NANGUNOT ang noo ni Kieffer nang sabihan siya ni Lexin na umupo sa tabi nito. Inakala niyang aakitin siya nito katulad kagabi, at sisiguraduhin naman niyang ibibigay na niya ang gusto nito ngayon. Subalit natigilan siya nang maramdamang may iba sa malamyos nitong tinig. She wasn't seducing him. In fact, she sounded really weary.
He searched for her gazes and he was taken aback when he noticed how sad those lovely eyes were. Nawala ang tapang, ang nakakalokong ngiti ng mga mata nito, at ang palagiang pagnanasang nakikita niya sa tuwing nahuhuli niya itong nakatitig sa kaniya. Ang tanging nakita niya ay pagkahapo, sa gitna ng kalungkutan.
Is it the real Lexin Osmeña? Parang may dumamba sa dibdib niya nang mapagtantong hindi siya nililinlang ng kaniyang paningin. It was her true self—so vulnerable, tired, and in misery.
He knelt to the floor and clasped their hands without cutting their eye contact. Saglit itong natigilan, namasa ang mga mata dahil sa panibagong emosyong kaniyang nakita. He never saw her eyes smiled sincerely before. Ilang segundo lang at ngumiti ito nang ginagap niya ang mga palad nito.
Kani-kanina lamang ay pinagdududahan niya ito, na maaaring isa ito sa mga pasimunong pabagsakin ang mga Sandoval. Pero ngayon, wala na siyang pakialam kung pinapaikot niya lamang ang sarili sa paniniwalang walang kinalaman sa kahit anong operasyon si Lexin. Dahil alam niya sa sarili niyang ang babaeng kaharap niya ngayon ay nagparamdam sa kaniya ng bagay na matagal na niyang inaasam.
The way she smiled had touched his confused heart. It felt so real. And that she could just smile genuinely only for him. At that moment, he promised to himself that she would do everything to see her smile for him again. For herself.
If Lexin was a fire, then, Kieffer wouldn't mind being consumed by her beautiful flames... as long as he could protect her.
Hello,
binura ko iyong mga naunang chapters and I'm just reposting now. Iba kasi ang content na lumilitaw sa isang reader, baka ganoon din sa iba kaya binura ko na lang (but immediately put back upto the latest chapter).
Thanks for the heads up, Hyale!