アプリをダウンロード
11.74% PHOENIX SERIES / Chapter 43: Purpose

章 43: Purpose

Chapter 40. Purpose

     

      

VINCE would never let his Jasel live as if she was hiding. Kaya siniguro niyang iyon na ang huling magiging trabaho niya sa agency. He didn't tell her about it because he knew she'd ask him to stay and just let the mastermind escape, and he would never allow that to happen.

Alam niyang may lead na sila sa mga tinutugis at balak niyang sumugod para makakalap pa ng mga impormasyon at ebidensyang mas didiin sa ngalan ng mga ito.

He made sure that the backup would come thirty minutes or earlier after he entered the enemy's lair—the pharmaceutical company.

At pagkatapos ng lahat ng iyon ay mababawi na ni Jasel ang pangalan nito at mamumuhay na ulit ito ng normal.

"Sandoval, naka-standby na ako rito. I'll be needing backup anytime soon."

Ilang sandali pa at dumating na si Kieffer subalit mag-isa lamang ito.

"Nasaan ang iba?" nagtatakang tanong niya. Naningkit ang mga mata niya nang walang emosyon itong nakatingin sa kanya. And he immediately felt that he was not alone. Hindi nga siya nagkamali nang makita ang pagdating ng iba, na hindi nila kasamahan sa misyon o sa agency mismo.

Isang putok ng baril ang naramdaman niyang tumama sa kanyang binti.

"I told you to spare his life!" sita ni Kieffer sa isang tauhan doon.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong niya. Ang lahat ng init ay umakyat sa kanyang ulo. Gusto niyang pagbarilin ang lahat ng mga ito.

"Hawak nila ang kapatid ko," malamig ang boses na bulalas nito.

He scowled and couldn't believe that one of their top agents was a mole in the agency.

"I'm sorry..."

Mabilis siya nitong tinulak at nagpatihulog siya sa isang bangin malapit sa kinalulugaran nila. Sumilip si Kieffer sa banda niya at inasinta ang baril, pinatamaan siya nito sa kanyang braso.

"Burn everything." Narinig niyang utos nito sa tauhan.

Nanlalaki ang mga mata niya at agad na naisip na tawagan si Jasel. If he would die now, he wanted to see the lovely face of his soon-to-be be wife for the last time.

I'm sorry if I have to leave you again.

Bago pa tuluyang mawalan ng pag-asa ay may nakita siyang maliit na lagusan sa hukay kung nasaan siya. Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas at gumapang papasok doon. Isang malakas na pagsabog ang narinig niya't hinayaan niyang tumilapon ang kanyang cellphone at nagpatuloy sa paggapang. Humigit-kumulang tatlumpung minuto na siyang gumagapang nang mapansin ang munting liwanag na nanggagaling sa itaas na banda ng lagusan.

Isang lubid ang nakita niya at itinali niya iyon sa kanyang balakang. Ilang sandali ay ay naramdaman niyang umangat ang sarili.

"I'm sorry, man! I had to do that."

Si Kieffer ang isa sa mga humila sa kanya at naka-standby na ang medics sa lugar.

"Arc already saved my sister and they caught all of the mastermind's underlings. Nasusunog na ang kuta nila't mabuti na lamang ay nakakuha na ng mga ebidensya sina Timo. Sapat na iyon para madiin ang mga kriminal sa mga kasong kahaharapin."

"Fuck you!" mura niya rito.

"You're welcome," nakangising tugon nito.

He really thought he's a mole. And he also thought he would die at that moment.

"Call your lover. She's been hysterical for hours now."

Pero bago pa man siya makatawag ay nagdilim ang paningin niya. Ilang oras ang nakalipas nang magkamalay siya at nasa ospital na. Isinugod agad siya sa ospital kanina, at hindi malala ang naging kalagayan niya. Nilinis lamang ang mga nadaplisang tama ng baril sa kanyang braso at binti.

He immediately called Jasel. But her brother was the one who picked up the phone, saying that she was rushed to the hospital because she broke down for hours and eventually, lost consciousness.

Ilang sandali pa ay dumating si Stone at minura siya ng malutong.

"Naturingang head ako ng agency, pero hindi ko alam na sumabak ka sa misyon! Akala ko ba'y abala ka sa paglakad ng mga papeles ni Jasel?"

He only smirked at him. "You're busy babysitting."

He just raised his middle finger and told him he had to go.

"Saan ka naman pupunta? Are you going to babysit her child again? Baka mamaya, pati ang nanay, b-in-aby mo na rin?"

Binatukan siya nito at iniwan na siya.

He then called his lawyer, and told him to continue doing what he'd been busy doing for weeks. Sa ngayo'y kailangan niyang lumipad patungong France, Jasel needed him more than he needed her now.

Pagkalapag ng eroplano ay dumiretso siya sa ospital. He was greeted by Jasel's brother punches. Kung hindi pa ito pinigilan ng asawa nito'y nasisiguro niyang bugbog-sarado na siya.

"Isang beses mo pang saktan ang kapatid ko, ako na mismo ang papatay sa iyo!" Nanggagalaiting banta nito sa kanya.

"Jervis, please..." sumamo ni Ice na huminahon ito. Doon pa lang ito kumalma at nagpagiya na papalayo sa hallway kung nasaan sila.

Sinabi sa kanyang walang dapat ikabahala dahil maayos na ang kalagayan ni Jasel, nakatulog din ito ng mahabang oras. Nang magkamalay kasi kahapon ay histerikal na naman itong umiyak kaya tinurukan ng pampatulog. Siguro'y gising na ito ngayon dahil lagpas isang araw na rin naman ang nakalipas. He still had jetlag from the long flight hours but he didn't care about that anymore.

Pumasok siya sa loob ng private hospital ward pero wala roon si Jasel. Narinig niya ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo at hula niya'y nandoon ang babae. Kaya umupo siya sa couch habang hinihintay itong matapos.

Ilang sandali pa at bumukas ang pinto niyon, iniluwa ang bagsak na katawan ni Jasel, halata rin ang basang mukha nito, na mukhang kagagaling lamang sa paghilamos. Mabilis siyang tumayo para alalayan ito sa paglapit sa kanya. Sa pagmamadali kasi nitong makalapit sa kanya ay hindi na nito nahila ang stand ng suwero.

"Vince..." masuyong tawag nito sa ngalan niya. Malamlam din ang mga mata nito na halatang ilang oras na umiyak. Hula niyang mula kahapon, ay hindi ito tumigil sa pag-iyak, lalo na sa tuwing maaalala siya. Good thing she was injected some sedatives to take some rest because if not, she might be exhausted now from crying too much.

"I'm here, baby. I'm sorry if I made you worry."

Hinaplos nito ang nakabendang braso niya't napadako ang tingin sa hawak niyang crutches. Hindi kasi siya makalakad ng maayos gawa nang tinamaan siya ng bala sa isa niyang binti.

"Are y-you alright?" pumiyok na tanong nito.

Tumango siya, "I'm alright now. Please stop crying." He cupped her face and wiped her tears.

She nodded continously. "You won't go anywhere, right? Dito ka na lang, hindi ba?"

"I will never leave you again."

Doon ito nakahinga ng maluwag. "S-Salamat..."

Niyakap nito batok niya at kitang-kita niya kung paanong nahila ang swero at dumugo ang likuran ng palad nito. Mabilis niyang inalalayan ito at diniin ang nagdurugo nitong kamay. He called for assistance using the intercom and they sat down on the bed.

"Wala bang masakit sa iyo? Sigurado ka bang ayos ka lang?" pag-uulit nito, sinapo ang mukha niya gamit ang malayang kamay nito.

Sa nanlalambong mga mata ay tumango siya.

"You didn't shave your stubble. I'll shave you later, okay?"

Tumango ulit siya.

"We're still going to get married, okay?"

"Yes, baby. We will."

Ang mga medical staffs ay pinaalis niya, iniwan na lang ang first aid kit na dala-dala at siya na ang umasikaso sa dumugong kamay nito.

"Nasaan ang singsing mo?" pansin niya nang mapansing hindi nito suot ang singsing.

She stopped staring him for a while and showed him the necklace she's wearing. "Medyo lumuwang kasi, kaya ginawa ko munang pendant," dahilan nito.

He sighed in relief. Kahit wala ang singsing, ayos lang naman sa kanya. He's still going to marry her.

"Namayat ka," pansin niya.

"I've been missing you for weeks and I couldn't eat properly. I couldn't sleep well."

"I'm sorry..."

"It's alright. Patatabain mo naman na ako, hindi ba?"

He nodded. "I will cook for you. I'll cook only delicious and your favorite foods."

"Pakasalan mo muna ako."

He chuckled lightly. "I will."

He kissed her lips softly as he uttered how he had been missing her.

"Bakit mo pa kasi sila binalikan?" Hindi nakatiis na tanong nito sa kaniya. "I'm fine with how my life is."

"I have my purpose, baby. Pero huwag ka nang mag-alala pa. Lahat sila ay mananagot na sa batas."

"Dapat lang," sambit nito at yumapos ng yakap sa kanya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C43
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン