Chapter 12. Hello
KINABUKASAN, lagpas alas sinco ng umaga ay nasa shop na si Jasel. Siya kasi ang tatanggap sa mga order nilang cakes dahil male-late nang bahagya si Chaye, ang assistant kasi niya nagbubukas ng milk tea shop.
She was humming while she was walking towards her shop, and suddenly, she stopped. Nagulat kasi siya nang makitang nakatayo malapit sa entrance door si Vince. Awtomatikong napatitig siya sa mukha nito. Gwapo pa rin pero mababakas na may umaabala rito.
Ano naman kayang iniisip niya? She wondered. Sino?
"G-good morning, D-Doc... Sarado pa kami," nauutal na bati niya.
"I know. Sinadya ko talagang agahan ang pagpunta," malamig na tugon nito.
Bakit naman?
"And good morning, too. Have you eaten your breakfast?" he greeted and asked her. Pero kahit ganoon ang mga sinabi nito ay nababaks pa rin ang biglaang pagkunot ng noo nito.
Pangit ba ang gising nito? Napaka-moody naman yata. At kailan pa sila nagkaroon ng normal na pag-uusap gaya ngayon? Usually, nag-uusap lang sila kapag o-order ito ng inumin o ng cake. 'Tapos, wala na.
And speaking of cake...
"Ah, kukunin mo ba iyong caramel cake na naiwan mo kagabi?"
That must be it, right?
"What cake?" takang-tanong naman nito.
"May in-order ka raw na cake kagabi," pagpapaalala niya. "My staff told me so."
"Ah..." Bahagya itong napatango.
"Can you wait for a while? Bibigyan kita sa bagong deliver."
Bago pa ito nakasagot ay napalingon sila sa magiliw na bumati sa kanila.
"Good morning, lovers!"
Napakislot siya kay Chaye. Bakit nandito ang assistant niya? Hindi ba at mali-late ito?
Mukhang napansin naman nito ang nagtatanong niyang mga mata. "Ah, hindi na ako nakapag-text na hindi na ako mali-late. Maayos naman na ang pakiramdam ko."
"Good morning, Miss!" bati naman nina Iggy at Arielle, ang mga pang-umagang staffs niya. Kadarating lamang.
"Sabay kayong pumapasok?" tanong niya.
"We're roommates," si Iggy ang sumagot. Whoa! She did not know that. "Good morning, Sir," baling ni Iggy kay Vince.
"Good morning po," maliit ang tinig ni Arielle. Hanggang kailan ba sila magbabatian ng good morning? At, bakit parang kilalang-kilala ng mga ito si Vince? Pagkuwa'y naalala niya si Vince. Palagi itong bumibisita sa shop niya at mukhang kilala na ng mga staffs niya. Was she missing something out? Was Vince courting one of her staffs? Si Arielle ba? Hindi malayo lalo pa't may itsura si Arielle, malaman din ang pangangatwan. Hindi ba't ganoon ang tipo ng karamihan sa mga lalaki? Voluptous type of body?
Bigla siyang nairita.
"Boyfriend niyo po pala si Sir, Miss?" baling ni Arielle sa kanya kaya naputol ang paghahabi niya ng kung ano-ano sa kaniyang isipan patungkol sa posibilidad kung bakit palaging nandoon si Vince. "Akala ko noong una, regular customer natin. Iyon pala, kayo ang sinasadya," dagdag pa nito.
Napakurap-kurap siya; nawala ang namumuong inis kay Arielle. Bahagya pa tuloy siyang nakonsensya na muntik na itong madamay sa walamg katuturang pagkainis niya.
"Pero bakit hindi niya alam na midshift pumapasok si Miss Jasel?" takang-tanong naman ni Iggy.
"Hep, the time is running. Mamaya na tayo mag-chikahan at kailangan na nating mag-prepara," awat ni Chaye at hinila ang dalawang staffs papasok sa shop. May susi rin si Chaye dahil ito nga ang laging nagbubukas ng shop.
Napaisip tuloy siya. Ngayon lang yata siya bumangon nang maaga mula noong matapos ang grand opening. Kung hindi pa nagpaalam si Chaye na male-late ito ng ilang oras dahil masakit ang puson nito kahapon, at nag-text kagabi na sobrang sumakit ang puson nito.
Nang makapasok ang mga ito ay naiwan silang dalawa ni Vince sa labas; hindi niya alam kung paano ba sisimulan ang pag-uusap nila. Should she ask if he'd eaten his breakfast, too? Sa huli ay nanatiling tikom ang bibig niya.
"I... uh... bought you some breakfast, Jase."
God! Why was he speaking so soflty? Napadako ang tingin niya sa isang paper bag.
Imbis na pansinin iyon ay nagtanong na siya. "Kilala ka ng staffs ko? May nililigawan ka sa kanila? Sino? Si Arielle ba?"
Napamaang ito at halatang gulat sa mga paratang niya.
Tumikhim siya at napaiwas ng tingin.
Me and my unstoppable mouth!
"I always go here in the morning. Gusto sana kitang makita bago ako pumasok sa trabah, pero hindi ka pala talaga agad na dumarating." Para itong nahihiya nang magpaliwanag. Nagbabaka-sakali ba ito na makita siya tuwing umaga?
"Mid-shift hanggang closing na kasi ako pumapasok. Maaga lang ako ngayon kasi ang sabi ni Chaye, ay male-late siya," wala sa sariling paliwanag niya.
Napatango-tango ito.
"Uh, ano'ng oras ba ang pasok mo?"
"Seven o'clock," sagot nito. He also licked his lower lip and he looked really nervous. Pati tuloy siya ay kinabahan na.
"P-pasok ka muna? M-maaga pa naman." Bakit ba ako nauutal?
Dahil hindi niya muna gustong asikasuhin ang mapanuksong tingin ni Chaye at puno ng pagtatanong na mga tingin nina Arielle at Iggy ay dumiretso siya sa opisina. Nagulat pa siya nang mapansing hindi nakasunod si Vince. Nang lumabas siya ay nakita niyang papaupo ito sa pwesto malapit sa sulok, kung saan ito laging pumupwesto.
Mabilis na lumakad siya palapit dito. "Sa office ko," tipid na bulalas niya.
Natigilan ito at parang hindi makapaniwalang tumitig sa kanya.
Nang makapasok sa opisina ay pinaupo niya ito sa couch.
"Sorry, maliit lang ang opisina ko."
"Do you always invite men inside your office?" he asked instead.
"Huh?" Wala yata siya sa hulog ngayon. Daig pa niya ang dalawang araw na walang tulog at wala sa sarili dahil sa okupado na naman nito ang isipan niya, lalo pa't silang dalawa lamang ni Vince ang nandoon sa loob ng opisina ngayon. Her office felt smaller with his presence. Pakiramdam niya ay parang magkatabi sila nito sa upuan at hindi makakilos sa sobrang sikip ng espasyo.
Marahas itong bumuntong hininga at humingi ng pasensya. "Don't mind what I asked. Kumain ka na muna."
"Lagi ka bang nagdadala ng breakfast?"
Tumungo ito kaya alam na niya ang sagot. Oo. Mukhang tyini-tyempuhan lang talaga siya nito sa tuwing umaga. Pagkuwa'y naalala niya ang eksena kagabi. Napalunok siya at nilakasan ang loob na tanungin pa ito. "Nagselos ka ba kagabi?"
"Oo."
Napamaang siya; walang maapuhap na salita.
"Sorry if ever I disturbed you on your rest today. I actually asked your staff to make you come to work early today so I can speak with you."
"H-huh? You mean, Chaye?"
He nodded sheepishly.
"But, why did you have to do that? Pwede naman akong kausapin sa tuwing nagpupunta ka ng hapon, o kaya gabi."
"Baka kasi makaistorbo ako sa trabaho mo..."
"Istorbo? Hindi ka kailanman na magiging istorbo sa buhay ko, Vincent."
Huli na nang mapagtanto ang isiniwalat. Napalunok niya nang sinalubong ang mga titig nito. There was a glint of joy lied in his eyes, until a ghost of smile formed on his lips.
And just like a one hello, he started comingback to her life.