アプリをダウンロード
24.86% PHOENIX SERIES / Chapter 91: Saved

章 91: Saved

Finale. Saved

    

    

NANGGIGIGIL na pinagsusuntok ni Jave ang lalaking nakalusot sa security ng isla. The bastard was from the same agency where Nicolea was working, and told the other security agents that Nicolea was expecting to see him.

Mabuti at alerto ang mga tauhan kaya siya agad and tinawagan ng mga ito.

Itinali nila ito at dinala sa isang cabin.

"Ganyan ka ba'ng bumati sa naging guro mo?" Nakangising sabad ng lalaki.

"Gago! Ang tanda mo na, hindi mo pa ayusin ang buhay mo!"

Ngumisi lang ito. "I have watched Nicolea Punzalan grew in the agency from nothing to top agent. I've installed cameras in her room, too. I've watched her shower and sometimes, she touched herself. Pero inuungol niya ang putanginang pangalan mo! Ano? Masarap ba ang bata k—"

Sinuntok niya ang bibig nito at kitang-kita niyang nabungal ang isang ngipin nito.

"Bakit hindi mo pa ako patayin?"

"'Tangina! Mabubulok ka sa kulungan kasama ang amo mo!"

Nabisto na nila kung sino ang talagang utak ng Casa at ng club, ang big boss ng Arellano Agency. Kaya pala ganoon kabilis natapos ang mga misyon, sinadya nitong ituro sa iba ang mga kasalanang ginawa.

At ang putanginang lalaking nagnanasa kay Nicolea ay walang iba kundi ang homeroom teacher nilang si Julio Devila noong nasa Grade eleven pa sila ni Nic. Hindi niya inakalang aso pala ito ni Eulogio Arellano—ang taong dahilan kung bakit nagkaaberya noong huling misyon nila.

Julio's nephew, Nikolaj Devila was the one who plotted everything to target the Punzalan Shipping Lines and Cruise Ships. Kahit noon pa ma'y pilit nang pinababagsak ng mga Devila si Nicolea dahil sinisisi ng mga ito ang babae kaya naghiwalay ang anak ni Eulogio at ang pamangkin ni Julio. Because of that, the merging of the companies of each families was halted.

Their plan was to make Nicolea beg on her knees and Julio would offer pragmatic marriage so they could merge Punzalan and Devila's businesses; then, Arellano's daughter and Nikolaj would get married, too, then they'd proceed with their evil schemes.

Ang hindi inasahan ng mga ito ay nang magsama ang mga agents ng dalawang agencies para pabagsakin ang mga ilegal na gawain ng mga ito.

Nicolea's boss and trainer, Estacio, a renowned news reporter, was the one who seek force with Phoenix. Nagduda kasi ito sa ilegal na mga gawain ng big boss ng mga ito.

Noong unang beses, kung saan ginamit ang dela Costa Malls at ang cruise ships ng mga Punzalan, ay nakalusot ang utak ng sindikato, pero nitong huli, kung saan nakasama niya si Nicolea sa misyon ay napagtagpi-tagpi na nila ang lahat. But Nic didn't know anything about it that's why they let her have her exquisite vacation in Fiji.

But he was still anxious and worried about Nicolea's safety.

Noong una ay hindi niya alam ang sasabihing dahilan para pumayag itong maglagi sa isa sa mga safe house ng Phoenix. Mabuti na lamang at dumating ang sitwasyon kung saan kailangan nitong bantayan ang kaibigan.

Pinilit siya ni Rexton na maging parte ng security team ni Yvonne, para makasama raw niya si Nicolea. Of course, he declined. After what he did in front of her, he didn't think he could still show himself in front of her. Pagkatapos na lang ng lahat ay roon siya magpapakita.

Pero natakot siyang baka habambuhay nang mawala sa kanya si Nicolea kaya pumayag siyang maging bodyguard.

And he was thankful that he bravely faced her. Magagawa na niya ang lahat ng planong ligawan ulit ito.

The situation came handy and Estacio asked JM if they could use the island's villa as their safe house. Pumayag agad si JM.

At ngayong nakalusot ang putanginang Julio na iyon ay nasisiguro niyang hindi na sila ligtas sa isla.

Matapos maghugas ng kamay at tumunog ang cellphone niya. It was his cousin.

"Nawawala si Julio!" bungad nito.

"Nandito siya sa isla."

Nagmura ng malakas ang nasa kabilang linya "Bantayan n'yong maigi at dalhin na sa mga awtoridad. Nahuli na ang iba pa. Maging ang utak na si Eulogio Arellano ay nadakip na ng mga pulis. Tapos na ang trabaho natin dito."

Nakahinga siya ng maluwag. Hindi na pala nila kailangang magtago ni Nicolea. Pero hindi maipaliwanag ang kaba niya. "Sabihan mo na rin sina Tita at Tito na ligtas na sila."

"Naririnig ka namin, hijo." Natigilan siya nang marinig sa kabilang linya ang boses ng ina ni Nicolea.

"K-Kumusta po?" Damn, bakit ako kinakahaban ng ganito?

"Maayos naman kami. Nandito kami sa mansiyon ng pinsan mo. Naimbitahan kami ng mama mo na mamalagi rito ng ilang araw. Ang sabi'y may surpresa kayo ni Nikki, pero naiinip na ako. Ilang araw pa ba kayo riyan?"

Hindi niya mapigilang mangisi. Tinahanak niya ang dalampasigan, papunta sa villa. "Pupuntahan ko po si Nic para makausap ninyo."

"Tatawag na lang ulit kami. Baka makaistorbo pa kami," sumabad ang mama niya.

He cussed in his mind. Kinikilig siya na aprubado sila ng mga pamilya nila.

"Gusto na naming magkaapo. Bilisan ninyo, ah!"

Ang lakas ng tawa ni Rexton. "Uunahan mo pa ako," kantiyaw nito.

Nasa pintuan na siya nang mas dumagundong ng malakas ang dibdib niya sa kaba nang mamataang nakahiga si Nicolea sa sahig.

"N-Nic!" natatarantang sigaw niya at patakbong lumapit dito.

"Jave, ano'ng nangyari?"

"Nic! God! What happened to you?" Nanginginig na napaluhod siya.

Mabilis na binuhat niya ito at halos manlata siya nang makita ang dugo sa pagitan ng mga hita nito.

Sa kabila ng pagkataranta ay kinuha niya pa rin ang cellphone.

"Pupunta kami sa ospital. Please tell Ramos to ready the emergency room. I don't know what happened—shit!" Nahulog ang cellphone habang lakad-takbong tinahak niya ang daan papunta sa service na chopper. Mabuti at laging nandoon iyon, at ang piloto niyon.

Halatang puno ng tanong ang mga nadaanan niya pero mabilis na inasikaso sila't sumakay sila sa chopper ni Nic at ng piloto.

He did all the first aid he knew so she wouldn't be suffocated. Nagkamalay na ito bago pa sila makarating ng ospital pero halatang nanghihina nang husto.

"Jave..."

"Shh... Don't talk yet. Malapit na tayo sa ospital."

Five minutes more and they already landed on the helipad. Handa na ang medical team at agad na isinakay si Nicolea sa stretcher, nilagyan ng oxygen mask at nagmamadaling dinala sa emergency room.

Shortly after their arrival, their families came, worryingly asking what happened.

Wala siyang alam na isagot dahil hindi niya alam kung ano ang nangyari. Tulala siya at pinipisil-pisil ng mariin ang kanyang mga palad.

Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng doktor nang makalabas ito sa operating room, ilang oras na ang nakalipas. Matapos kasing dalhin sa emergency ay agad na inilipat sa operating room si Nicolea kaya nama'y lalo siyang nawala sa huwisyo.

"...they both survived."

Maang na napatitig siya sa doctor na nag-e-esplika. His mom and her mom hugged each other saying how thankful they were to the One above that Nicolea was safe.

"W-What do you mean?"

"Are you the father of the children?" Gulung-gulo siya. Pero nang tumango siya ay agad na nagpatuloy ang doktor, "Your wife and your twins are already safe."

Pagkarinig sa mga linyang iyon ay hindi na niya gaanong naintindihan ang sinabi ng doktor. Tuloy-tuloy ring naglandas ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Those tears fell because he felt alive again after hearing the good news.

He would never let Nicolea and their children go through that pain again. He'd focus fathering their twin, and would take care of his beloved.

           

         

"SIGURADO ka ba'ng magku-quit ka na?" tanong kay Nicolea ni Hugh nang bisitahin siya nito sa ospital, dalawang araw matapos ang nangyari.

"Oo. Gusto ko nang mag-focus sa buhay ko."

"Gusto mo nang mag-asawa 'kamo," segunda nito.

"Guilty." Nginisihan niya ang kaibigan.

"I heard Jave dela Costa is quitting, too."

"Siyempre, magiging tatay na siya, eh," nakangising sagot niya. Bakit ba hindi niya agad napansin ang pagbabago sa katawan niya? She's almost three months pregnant. Ang akala lang niya ay tumaba siya. At akala niya'y may problema kaya hindi dinadatnan ng buwanang dalaw. Balak pa nga sana niyang magpa-check up pagkatapos pagkaalis nila sa isla.

"Bakit ako, may anak naman?"

Saglit siyang tumahimik. "Anak ng...! Totoo palang anak mo iyon? Malaki na, ah?"

Ngumiti ito ng mapakla. "Kaya nga nagpupursige akong tapusin ang pagdo-doktor, para sa kinabukasan niya."

"Weh? Naghahanap ka lang ng magiging nanay, eh."

"May nanay ang anak ko," masungit na untag nito. Napanguso siya.

Dahil nasira na ang ngalan ng Arellano Agency ay para itong banda na nag-disband. Ang ibang mga agents ay nag-quit na habang ang iba'y lumipat ng ibang ahensya. His boss went to Phoenix.

"Hindi naman lugi ang Phoenix, magaling si Boss," komento pa niya nang magpatuloy sila sa pagkukwentuhan ni Hugh.

Isang tikhim ang nagpatigil sa pagkukwentuhan nila. Nang makitang si Jave iyon ay sinadya ni Hugh na hawakan ang kamay niya.

Jave looked at him as if he wanted to strangle him. Agad niyang binawi ang kamay at binatukan si Hugh.

"Luku-luko!"

Napatili agad siya nang makita kung sino ang nakasunod kay Jave. Sina Yvonne at JM.

"Inunahan mo pa akong magbuntis! Itong tomboy na 'to!" pabirong bungad ni Yvonne.

"Congrats!" Tinapik naman ni JM ang balikat ni Jave.

Nagpaalam na si Hugh dahil may duty pa raw ito. Naiwan silang apat sa loob ng private hospital ward.

"Idinaan na rin namin ito," bulalas ni Yvonne at binigay sa kanya ang invitation card matapos silang magkumustahan.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano iyon. A wedding invitation! She opened it and was surprised to see how elegant the invitation card was.

"Hindi na ako magtataka kung totoong ginto ito," biro niya nang pinaglandas ang daliri sa gold-plated na pangalan ng dalawa.

"Dapat ba ginto ang ginamit namin?"

Natawa sila ng malakas sa inosenteng tanong ni JM.

Siya ang maid of honor habang si Jave naman ang magiging best man sa kasal. Sinadya ni Yvonne na silang dalawa ang kuhanin dahil anito'y malaki ang naging parte nila para mapalapit ang mga ito sa isa't isa.

Mabilis lamang ang naging preparasyon ng kasal. Magaling na siya nang araw na ng kasal.

Wearing her lovely gown, she slowly walked in the aisle as she lovingly stared at Jave who was standing in front of the altar. Wala sa sariling napahawak siya sa sinapupunan.

Napangiti siya't nagpasalamat sa Maykapal na hindi Nito kinuha ang anak nila ni Jave. Na binigyan sila ng pagkakataong maging magulang sa magiging anak nila.

She was teary-eyed throughout the wedding ceremony. Masayang-masaya siya para sa kaibigan dahil gaya niya'y nahanap na nito ang lalaking mamahalin at makakasama habambuhay.

Dahil sa Maynila ikinasal ang dalawa ay sa mansiyon na ng mga dela Costa sila tutuloy ng kanyang magulang sa loob ng dalawang-araw. Ginabi na kasi sila ng uwi kaya hanggang bukas sila maglalagi roon.

"Kayo naman ang ikakasal sa susunod," komento ni Dax Punzalan, ang kanyang ama, nang makarating sila ng mansiyon.

Ngumiti siya. "Excited ka na yatang ipamigay ako, 'Pa?" biro niya.

"Malaki na ang tiyan mo."

She knew that her father was worried about what other people would say. Na baka kaya siya pinakasalan ay dahil nabuntis siya. Based on experience.

"Hayaan na natin ang mga bata," sabad ng mama niya. "Malaki na rin naman ang tiyan ko nang magpakasal tayo."

"Mag-ina nga kayo," pabirong komento naman ng ina ni Jave.

Nagtawanan lang sila.

"Nasaan na ba si Jave?" pagkuwa'y tanong ng ama ng lalaki.

"Hinabilin lang kay Manong na ipa-carwash ang sasakyan bukas," ang mama ni Jave. "Ihahatid na kita sa kwarto mo, hija," dagdag pa nito nang bumaling sa kanya. Nagtaka siya nang magtagal sila sa paglalakad at bahagyang tumigil sa paanan ng hagdan.

As if on cue, the lights were turned off and only the dim lights lit the elegant living room.

Napakagwapo talaga ni Jave lalo na ngayong tinanggal na nito ang suot na coat, nakatupi hanggang siko ang suot na polo shirt at nakahantad nang bahagya ang malapad nitong dibdib. Ipinagsisigawan niyon ang ngalan niyang naka-tattoo roon.

Impit na tumili ang mga nanay nila na animo'y teenager ulit, kaya makuha na niya kung ano ang mangyayari. Ni hindi niya napansing mag-isa na lang siya sa puwesto.

Nang makalapit si Jave sa kanya sa paanan ng grand staircase ay nangingislap na ang mga mata nito sa luha dahil sa sobrang galak at pagmamahal. He was so emotional and so was she.

"Ano'ng pakulo na naman ito?"

"I never properly proposed to you, Nic," sagot nito. He knelt to the ground, pulled out a small velvet box and she perfectly knew what was inside.

"Singsing na naman!" kunwari'y nagrereklamo siya.

Napakagat-labi si Jave nang mag-angat ng tingin. He then smiled and she saw his luscious lips tremble.

Hindi siya makapaniwalang nanginginig pa rin ito sa kaba kahit sigurado namang hinding-hindi siya tatanggi!

"Cherish Nicolea Punzalan," panimula nito. Napanguso siya. Iyon yata ang unang beses na narinig niya ang buong pangalan  na namutawi sa bibig ng lalaking kanyang pinakamamahal.

Bahagya siyang tumingala para pigilan ang luha. That gave her the chance to look at the surrounding, there was a violinist who's playing a classical romance music, and their parents were already crying out of joy. She chuckled when she noticed Rexton holding a bouquet of flowers, as if waiting for the proposal to be done so he could finally handled them the flowers. There was also someone who's taking photos and Jave's sister, was taking a video!

Pinaghandaan talaga ni Jave ang lahat, pagkatapos ay manginginig lang ito? Napangiti siya't binalik ang paningin niya kay Jave na halos pagpawisan na sa kaba.

"...will you marry me?"

Pinipigilan niyang mangisi kaya hindi agad siya nakasagot. Nakita niyang kinabahan nang husto si Jave sa biglaang pananahimik niya.

Kailangan pa ba ng sagot niya? Sigurado na siyang pakakasalan niya ito. Napalunok siya dahil kinakabahan din siya. Siguro dahil kahit hindi niya aminin ay pinangarap niya ring makaranas ng wedding proposal.

"Y-Yes," pumiyok na sagot niya dahil naluha na rin siya sa sobrang tuwa.

Tila nabunutan ng tinik si Jave at naramdaman niyang isinilid nito ang singsing sa kanyang palasingsingan. It was so beautiful and the small gemstone was dashing.

Bago pa ito makatayo ay tumukod siya, at lumuhod. She cupped his face and his tears of happiness fell.

They were both smiling sweetly towards each other when she gave him a peck on his lips.

"Ang galing mong magpakilig. Kaya patay na patay ako sa iyo, eh," ang tanging nasambit niya. Nagtawanan ang mga audiences nila.

"Bubuhayin kita ng pagmamahal ko."

Napamaang siya nang pinatulan nito ang banat niya. Rexton came to the picture.

"Mabuhay ang bagong... patay?" biro nito at inabot sa kanya ang pumpon ng mga bulaklak. "Congratulations!"

Lumuhod din ito para alalayan siya sa pagtayo.

"Salamat, Kuya Rexton."

"I told you, didn't I? That you could thank me later."

Bumungisngis siya. Pagkuwa'y nagpaalam na si Rexton. Alam niyang isa ito sa mga dahilan kung bakit nakasama niya si Jave sa isla. Nalaman niyang ayaw magpakita ni Jave sa kanya matapos ang misyon dahil abala pa raw ito. At ang nais lang nito ay ang masiguradong ligtas siya.

But she knew better, he was avoiding her because he realized what did he do.

Her heart was shattered because of Jave but was also saved by the same man, who had been loving her even before she knew what true love was.

Nagkakasiyahan pa ang iba pero si Jave ay nanatiling nakaluhod.

"Alam kong matibay ang mga tuhod mo, pero tumayo ka na, Jave Harold."

Doon lang ito natauhan at mabilis na tumayo.

"Why were you spacing out?"

"Hindi lang ako makapaniwala..."

Pinunasan niya ang luhang naglandas sa pisngi nito kanina. "Ngayon ka pa kinabahan, eh, sharp shooter ka nga. Laos kaya ang shooting skills ko sa iyo."

He chuckled at her remark.

"Maraming salamat dito, mahal ko. You just made me fall for you even more."

"Sabi na, eh, mamahalin mo lalo ako."

"Yes... and I will love you everyday."

He smiled and she's certain that she would never regret that she didn't stop loving him throughout the years. Kahit walang kasiguraduhan kung magkikita pa sila nito o kung mahal pa ba siya nito, ay hindi niya pinigilan ang sariling damdamin para rito.

Nicolea was really blissful by the thought that Jave would inevitably love her and their lovely children every single day, too. And that made her now completed heart contended.

        

       

      

***


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C91
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン