Chapter 37. Deserve
"JAVE?"
Nicolea's eyes widened when she saw him sitting comfortably on the bed. Nakataas ang isang braso nitong nalasandal sa headboard ng kama't nakapatong ang ulo roon. His biceps was flexing when he got up a bit.
Bagong gupit ito at gaya ng gupit nito nang nasa navy pa ito. He looked so groomed in his new haircut.
Nasaan na ba ang magandang Jave ko noon? Tanong niya sa sarili. She used to doll him up and she doubted if she could still do that to him now. He was manlier and really handsome.
Napalunok siya nang mapansing naka-shorts lang ito at white t-shirt. Parang gusto niyang kagatin ang binti nito dahil nakahantad iyon. Weird, but that's what she wanted to do.
"So you still like SpongeBob, huh?" saad nito na nagpabalik sa tingin niya sa mukha nito.
And I still like—love—you. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"We'll be your friend's bodyguards."
"Ha?"
"Why don't you sit down here beside me?" Bahagya nitong tinapik ang espasyo sa kama. Umisod pa ito.
Magaling si Jave, hindi man lang niya agad namalayan ito kanina. O baka dahil kampante siyang mag-isa lang siya sa loob ng kwarto?
Pumikit siya ng mariin. Pagod na siyang makipagtalo kaya sasakyan niya ang lalaking ito.
She went closer and sat on the bed, she removed the towel on her hair. Pinunasan niya ang buhok gamit ang kaparehong tuwalya. She smirked when she saw him gulped.
Pagkuwa'y tumayo ito, sinuot ang sapin sa paa at akmang aalis na.
"O, saan ka pupunta?" pinalambing niya ang tinig
"Outside. I'll just smoke."
Tumaas ang kilay niya. "So, you do smoke now?" That was more of a statement.
"Ayaw mo ba?"
She rolled her eyes. "Malay ko ba kung nagdo-droga ka na."
"I am not a drug addict, Nic."
"Blah blah blah," pang-aasar niya. Akala siguro nito ay patatalo siya.
Lumapit ito sa kanya at mapagparusa siyang hinalikan. Ang taksil niyang labi ay agad na tumugon sa halik nito.
"Hindi na ako tumiltil ng iba. Kaya ba hinahayaan mo na akong halikan ka?" He said in between his kisses. He also smirked when she half-opened her mouth. "Am I still fucking disgusting?"
Was he still thinking about what she had said the last time? Nasabi niya lang ang mga iyon dahil durog na durog ang puso niya!
Nang makahuma ay tinulak niya ito. Tumayo naman ito at tila matagumpay na ngumisi.
Naiiritang tumayo siya at tinulak ito sa kama. Mabilis na pumaibabaw siya at sinadyang upuan ang pagitan ng hita nito.
"Nic, get up," his voice was hoarse.
"Bakit? Ayaw mo nang tumiltil?"
His eyes widened and she felt him growing. She's teasingly grinding on top of him and he immediately had a massive hard on.
Doon siya tumigil at tumayo.
"Get out of my room."
"Nic, we need to talk."
"I said get out!"
He looked like a lost child when he went out the room. Napailing pa siya nang mapansing naiwan nito ang kapares ng tsinelas nito. Wala sa sariling pinulot niya iyon at tinitigan habang malalim na nag-iisip.
Hindi niya alam kung tama ba ang ikinikilos niya. Pero base sa naramdaman niya ay parehas pa rin silang hindi nakakalimot sa isa't isa.
Do I still deserve him?
Lumabas siya para habulin ai Jave. Nagulat pa siya nang nasa tapat lang ito ng pinto, nakatitig nga sa pintuan pero malalim naman ang iniisip.
Pabalyang hinagis niya ang kapares ng tsinelas nito sa nagmamayabang nitong abs na bumabakat sa suot na puting t-shirt.
"Iiwan iwan mo pa iyang isang tsinelas mo! Cinderella ka, ghorl?!"
Pabalya niyang sinara ang pinto at nagdadabog lumakad 'tsaka humiga sa malambot na kama.
NAG-AALALA si Nicolea habang pinagmamasdan ang payapag pagtulog ni Yvonne kinabukasan. Hinihintay niya itong magising para makakain na ito. At isa pa'y chine-check niya kung ilang oras na itong nahihimbing.
Nang komportable itong nag-inat ay natawa siya dahil feel na feel nito iyon. Her friend looked so relaxed and that made her smile. At least, even though her friend's been through hell the other night, she was now safe in the island.
"Bumangon ka na. Tanghalian na," bulalas niya.
Nabinbin sa ere ang mga braso nito nang marinig siya.
"N-Nicolea?!"
Bumalikwas ito ng bangon at kumurap-kurap. Para itong nananaginip. Sabagay, hindi niya masisisi ang kaibigan, matagal-tagal na noong huli silang magkita. She honestly thought that they'd never meet again. Hindi rin niya namalayang kanina pa siya nakatayo malapit sa paanan ng kama nito.
Titig na titig ito sa katawan niyang nakahubog sa suot niyang fitted t-shirt at simpleng kupas na maong.
"Gaga, bakit ang ganda-gamda mo?! I mean, maangas ka pero ang ganda mo pa rin!"
"Iyan talaga ang pinagkaabalahan mong ibungad sa akin, 'no?" nakangising untag niya. "Long time no see."
"Pero, kasi, bakit...?"
Mukhang alam na niya kung bakit gulat na gulat ito bukod sa matagal silang hindi nagkita. Oo nga pala. Yvonne thought that she was a lesbian.
"Captain ka na?"
Ngumiwi siya. "Eh, kung yakapin mo kaya muna ako? Miss na kitang gaga ka."
Nalilito man ay mabilis ito tumayo at yumakap sa kanya. Hindi napigilang maluha ni Yvonne sa sobrang saya.
"Bakit ka umiiyak? Namatay ba ako?"
"Sira! Ang tagal mong hindi nagparamdam!"
She felt guilty. All these years she focused on her jobs while Yvonne focused on the Olympics.
Umupo sila sa gilid ng kama at nagkwentuhan. Kinwento niya na hindi siya naging kapitan ng barko, bagkus ay nagtatrabaho sa isang high-end security agency.
"So, ibig sabihin, ikaw ang h-in-ire ni Papa para bantayan ako?"
"Hindi ang papa mo ang nag-hire sa akin," agap niya.
Nangunot ito. "Sino?"
"Hindi mo talaga kilala?"
Umiling ito at nagkwento. "Alam mo ba, l-um-evel up na ang photography skills ko! My subject is always the sunset. Ah! I should show you my photographs..." at marami pa itong kinwento.
Napangisi siya nang mapansing tahimik lamang na nasa banyo si JM. Mukhang nagdadalawang-isip kung magpapakita ba o hindi. Pinansin niya ito kaya nagpakita na sa kanila.
"Nag-uumigting ang maskels mo, JM, ah!" puri niya. Nakahubo kasi ang pang-itaas na katawan ni JM.
Pabirong sinara pa niya ang nakaawang na bibig ni Yvonne.
Wonderin' what happened to Yvonne? Check out "Eclipse 6: Chasing Memories" on my works! It's completed. ❤️
- Jade