Chapter 21. Chiffon
NICOLEA called her boss and told him she wouldn't do the mission. She's currently at the mall and was observing for almost three hours now. Nalibot na yata niya ang buong mall.
"Kilala ako ng mga may-ari, hindi ako nakakagalaw ng malaya."
"Oh, yeah? Mas mainam pala dahil kilala ka. Hindi sila maghihinala."
"Pero, boss, sigurado ba kayong pinamumugaran ng sindikato ang DC Mall?"
"That's why we need you to investigate. Malaki ang tsansa na riyan nagaganap ang transaksyon sa tuwing nakasarado ang mall."
"I just don't notice something peculiar here."
"O baka dahil kilala mo ang may-ari kaya sinasabi mo iyan?"
"What? Of course not. I don't take sides when it comes to missions. You should know better, you were the one who trained me."
"Right. Anyway, just keep on staking out. You may find out something soon."
She just sighed heavily and said yes. "Kailan ba ang dating ni Hugh?"
"He's already in the airport. Patuluyin mo na lang sa inyo't ipakilala mong boyfriend mo."
"What? I thought I'm on a vacation?" Nakataas ang kilay na tanong niya kahit hindi naman nakikita ng kausap niya sa kabilang linya. She also sounded sarcastic.
"Nagkataon kasing nariyan ka, kaya tulungan mo na si Hugh."
"Bakit hindi na lang sa safe house?"
"Malayo ang safe house sa target."
"Or mag-rent siya."
"I'm changing my plans. Mas mabuting kasama mo siya."
"Is it because I know the dela Costas?"
Sa pakiwari niya ay tumaas ang sulok ng labi ng kanyang boss.
"I'm right, am I not?"
"Yes. And if you agree on this, I'll extend your vacation for another month."
That's a great offer but she couldn't stop herself from groaning. "I separate work from my personal life."
"Just for this time, Leigh."
"Boss naman..."
"I will pay you handsomely."
"'Yan, dapat ganyan. Hindi mo naman agad sinabi, eh. Ano ba'ng gagawin ko?" biro niya.
"You are asking if what else should I give you, right?"
Lumapad ang ngisi niya. "Nasira kasi iyong Harley-Davidson na bigay mo noong nakaraang misyon ko sa Pilipinas. Medyo nami-miss ko nang mag-motor."
"Alright. I'll give you my Ducati once you go back in Manila."
Ngumisi siya lalo, parang nanalo ng jackpot sa lottery.
Kung tutuusin ay kaya naman niyang bumili ng bago, gusto lang niyang parang natatalo ang boss niyang ito sa tuwing binibigay sa kanya ang ilang mamahaling gamit nito.
"Basta wala akong ibang gagawin kundi patuluyin si Hugh sa amin at magpanggap kaming lovers."
"Gahaman ka na, Leigh."
"Tinuruan mo ako, eh."
"I'll hang up. Magmanman ka pa riyan."
"Copy, boss!" Saktong pagkatapos ng tawag ay nahagip ng paningin niya ang isang maintenence staff na pasimpleng pinulot ang animo'y kalat na natapon o sadyang tinapon ng isa sa mga taong naglalakad. Agad niyang hinanap kung sino iyon subalit hindi mahulugang karayom ang parteng iyon dahil may sale sa donut house na malapit sa pwesto ng maintenence staff.
Lumakad siya at pasimpleng sinundan ang staff na tulak-tulak ang mga gamit.
Mukhang tama nga ang boss niyang may nagaganap na ilegal na gawain sa mall. O maaari rin namang kalat lang talaga ang pinulot nito.
Pagkuwa'y naalala niya ang sinabi ng kanyang ama na maaga itong uuwi. Lagpas alas quatro na't ang alam niya'y alas sais ang sinabi ng Papa niya. Agad na tinawagan niya ang kanyang ina at nagsabing nasa mall pa siya't pauwi na.
"Huwag ka nang umalis diyan. Your Papa said we will eat out with the dela Costas. Diyan tayo kakain." Binanggit nito ang restaurant na kakainan sa loob ng mall.
"But I'm just wearing cropped top sleeveless, 'Ma!"
"Just buy something to cover your tummy."
The way her mom said tummy made her feel like she had a bloated tummy. Ngumuso siya.
"Sige na, nag-aayos ako' t parating na ang Papa mo." She ended the call.
She went to her favorite boutique and decided to buy a chiffon blouse. She went inside the fitting room to choose what color would suit the pants she was wearing.
"Should I pair it with short sleeves, or long sleeves?" bulong niya sa sarili. She ended up fitting four chiffon blouses.
She was wearing a high-waist rose-colored leather leggings with a stylish ribbon on it. Finally, since she's wearing a black stiletto, she paired it with a long sleeve black chiffon blouse that she just chose.
Although leather leggings or pants were almost going out of style, she still wanted to wear them. She enjoyed wearing them all day and she's comfortable. Even her shorts, most of them were leather in different styles and colors.
"Uh, excuse me," tawag niya sa isang saleslady.
"Yes, Ma'am?"
"Can you remove the tag? Hindi ko na kasi huhubarin, magbabayad na ako."
"Yes po. Nasa counter po iyong gunting. Let's proceed there... Ang ganda n'yo po, Ma'am." Hindi na rin ito nakapagpigil na magkomento habang papunta sila sa counter.
Ngumiti siya. Ganoon din ang naisip niya kanina sa loob ng fitting room nang tina-tuck in na niya ang blouse at napatingin siya sa sariling repleksyon sa salamin. Na-depina kasi ng suot niyang pang-ibaba ang magandang hubog ng kanyang pang-upo at balakang, maraming salamat sa regular pagwo-work out.
She paid for the item first and while waiting for her receipt, the price tag was already removed.
"Thank you!" she said after the transaction. Nagpasalamat din siya sa nag-assist na saleslady sa kanya.
"Ma'am, sandali!"
She stopped and looked back at the saleslady.
"Itong suot n'yo pong damit kanina..."
"Just throw it in the trash— Wait, ako na lang pala ang magtatapon." She grabbed the paper bag where the staff put her blouse and threw it to the nearest trash bin. Hindi niya panghihinayangan ang kapiranggot niyang damit na iyon.
She graced outside the boutique and went on a salon.
"I want a trim."
Ang pantay niyang buhok na hanggang balikat at nagkaroon ng buhay at nagmukhang bouncy dahil na rin b-in-lower iyon ng hairdresser pagkatapos siyang i-trim.
Nagpasalamat siya bago umalis.
Pagkatapos ay sa ladies' room na siya dumiretso. She sprayed her mouth using her breath spray, and retouched her light makeup. Sayang, hindi nila nadala ang make-up pouch niya, gusto pa sana niyang maglagay ng eye makeup. Pero ayos lang, dala naman niya ang blush on, powder at lipstick. Pwede na.
Halos dalawang oras din pala ang ginugol niya sa mga bagay na ginawa. She then received a text message from Hugh but she didn't read it yet since her mom was calling.
"Nasaan ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan!"
"Sorry, na-silent ko po pala ang phone ko."
"That's fine. Kadarating lang naman namin. I just thought you ran away."
"Why would I?"
"Bakit nga ba?" ganting-tanong ng mama niya.
Ngising-aso ang sinagot niya't pasalamat siyang hindi siya nakikita ni Leandra dahi paniguradong kakastiguhin siya ng kanyang ina.
"Pumunta ka na rito, nasa parking na raw ang mga dela Costa."
Matapos maghugas ng kamay ay sinipat niya muna ang sarili sa salamin at namadali nang magpunta sa restaurant.
She couldn't remember when did their families started getting closer with each other. Siguro'y nang maging sila ni Jave ay naging matalik na magkaibigan naman ang mga magulang nila. Kaya kahit na nag-break na sila ng lalaki ay nanatili pa ring malapit sa isa't isa ang mga ina nila.
At tama ang kanyang mama, noong huling taon ay nalaman niyang kasama si Jave sa hapunan kaya nagdahilan siyang may importanteng lakad para makaiwas.
Ngayon... Siguro'y panahon na para magkita silang muli.