アプリをダウンロード
18.3% PHOENIX SERIES / Chapter 67: Selos

章 67: Selos

Chapter 17. Selos

        

          

"TARA, lumabas na tayo. Nakakabagot na rito. Hindi naman tayo mag-aaral," sabi ni Nicolea nang halos isang oras na silang nagkukwentuhan ni Jave sa study.

"Nagugutom ka na ba?"

Umiling siya. Sa totoo lang, curious siya sa dalagang kasama ni Rexton. Mukhang mas matanda lang siya ng dalawa o isang taon dito.

Pagkalabas nila ay nasa sala na pala ang mga ito at may bagong dating na babaeng hindi rin nalalayo sa edad niya.

"Nandito pala si Jave, eh," anang bagong dating at kumaway sa banda nila. Awtomatikong humapit siya sa braso ni Jave at bahagyang tumawa si Rexton.

"Sino'ng kasama ni Jave?" bulong ng isang babae kay Rexton.

Parang gusto na lang niyang hilahin papasok ng study room si Jave.

"Nic! Halika, ipakikilala kita sa mga kababata ko. May hinihintay pa kami pero mali-late ng kaunti," tawag ni Rexton sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa mga ito. Sa mahabang sofa, bandang gitna niyon nakaupo si Rexton at ang bagong dating na babae, habang ang babae kanina ay nasa pang-isahang sofa. Kung uupo siya sa isa pang pang-isahang sofa, ay walang ibang pagpipilian sj Jave kundi tumabi sa babaeng kumaway rito. Kaya nagpasya na lang siyang tumabi sa babae.

"Hi!" Magiliw na bati nito. "I'm Chelin, kaklase ko si Jave sa ilang major subjects."

"Kaklase mo rin si Kuya Rexton?" she asked.

Bahagya itong natawa, pati ang isang babae. "Sorry," agap nito. "Hindi lang kami sanay marinig na tinatawag na Kuya si Rexton."

Nangunot ang noo niya.

"Naging kalaro kasi namin siya noong bata pa kami kaya hindi kami nasanay na tawagin siyang Kuya. By the way, I'm Bree," sabad ng isa.

"Jave, pakilala mo naman kami."

Nakatayo pa rin si Jave, at imbes na umupo sa pang-isahang sofa, ay isiniksik nito ang sarili sa kanyang tabi. Umisod na lang sina Rexton at Chelin para magkasya silang apat sa sofa.

"Nic..." tanging nasambit niya. Hindi siya insekyora pero pakiramdam niya ay nanliit siya sa ganda ng dalawa. Sunod din sa uso ang suot na mga damit. Alam niya iyon dahil ganoon ang napansin niyang suot ng mga estudyante sa University.

"Astigin naman ng pangalan mo! Ang ganda siguro ng full name mo," pansin ni Bree.

"Cherish Nicolea." Maging siya ay nagtaka kung bakit sinabi niya iyon. She didn't usually say her name.

"Wow! Mine is Cherie Lyn. But I prefer to be called 'Chelin'. Masyado na kasing common ang Cherie o Lyn."

"Ako naman, Brianna Lei ang pangalan ko. Parang p-in-attern lang sa pangalan ni Kuya, Brian Lee. O, speaking of the devil." Lumingon ito sa pinto at may binatang kadarating lamang.

Napatango lang siya. "Ang gaganda n'yo naman," wala sa sariling usal niya.

"Excuse us," si Jave at hinila siya papalayo sa magkakababata.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang igiya siya nito sa sasakyan

"Sa labas na lang tayo kumain."

"Bakit hindi na lang dito?"

"I don't want you to feel uncomfortable."

"But I'm fine. Natameme lang ako sa ganda ng mga kasama ni Kuya Rexton."

"Why?"

"Ang gaganda nila. Halata namang mas matanda ako sa kanila, pero mas dalaga sila kung kumilos kaysa sa akin."

"Nicolea, you don't have to be insecure. Lagi mong sinasabi sa akin iyan."

"Oo nga, pero kasi... Ay, hayaan na nga natin. Tara, bumalik na tayo sa loob. Dito na tayo kumain."

At gusto niyang pagsisihan kung bakit bumalik siya. Hindi niya matanggal ang tingin kay Chelin, ang pino nitong pagsasalita at ang kagyat na pakikipag-usap nito kay Jave ay nagdulot sa kanyang sistema ng hindi maipaliwanag na inis.

The way Jave laughed at Chelin's remark made her stomach felt so hollow. Parang walang laman at binubuhusan ng asido ang sikmura niya kada lunok niya sa pagkain.

Tahimik siya sa buong durasyon na nasa hapag sila. Panaka-nakang ngumingiti sa tuwing nagtatawanan ang mga ito at sumasagot sa tuwing tinatanong siya.

Matapos niyon ay agad na siyang nagpahatid kay Jave sa hotel suite na tinutuluyan niya kahit pa nga nagyayang mag-sleepover ang mga girls. Nagdahilan siyang namamahay siya pero ang totoo ay ayaw na niyang makitang madidikit si Jave kay Chelin.

Nang maihatid siya nito sa suite at magpapaalam nang umuwi ay may naalala siya. Kung babalik ito sa mansiyon ay makikita at makikita ito ni Chelin. Mabilis na pinigilan niya ito.

"Dito ka na matulog."

He growled. "I can't."

"Bakit?" busangot niyang tanong. Nakabukas na ang pinto.

"Gabi na..."

"Kaya nga rito ka na matulog, sabi ko."

"Nic, hindi pwede."

"Bakit noon sa Japan, natulog naman tayo sa isang suite?" katwiran niya.

"Iba naman iyon."

"Parehas lang." Bumitiw siya sa braso nito. "Sige, umuwi ka na."

"Oo."

Tuluyan na siyang pumasok sa suite at sinara ang pinto. Nanlalatang lumakad siya't bago pa makalapit sa sofa o kama ay napatalungko siya at hindi napigilang maiyak.

Alam naman niyang mahal siya ni Jave at walang namamagitan dito at kay Chelin, pero ang halimaw sa kanyang utak ay humahabi ng kakatwang kwento, dahilan para mag-isip siya ng kung anu-ano at halos kainin ng selos.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto. Thinking it was just a room service, she opened the door and was greeted by Jave's concerned look.

"What happened?" tanong nito. Mabilis na pumasok ito at sinara ang pinto.

Umiling siya.

"May masakit ba sa iyo?"

"W-Wala." Pilit niyang pinatahan ang sarili.

"Why are you crying?"

Kagat-labi siyang tumingin dito at humingi ng paumanhin. "Nagseselos ako sa inyo ni Chelin," amin niya.

"Baby?" Hindi ito makapaniwala. "Wala kang dapat ikaselos."

Paulit-ulit siyang tumango at may takas na luha ang tumulo. "Alam ko."

"I'm sorry for letting you feel that way."

"Ganito pala ang selos. Nakakatakot."

Inalalayan siya nitong maupo sa sofa at kumuha ng tubig sa ref na nasa suite.

Uminom siya bago nagsalita, "Ganito pala ang nararamdaman mo sa tuwing nagseselos ka, pero dinadaan mo lagi sa biro. Ako naman, tatawa-tawa lang... I never thought it was hell, Jave. I'm sorry..." Nilapag niya ang baso sa mesita.

Yumakap siya rito ng mahigpit.

"I'm sorry," ulit niya.

"Don't be sorry, Nic. Normal na nararamdaman iyan. Basta lagi mong tatandaan na ikaw lang ang gusto ko... ang mahal ko," anas nito.

Hinaplos-haplos nito ang likod niya't hinalik-halikan ang kanyang bunbunan.

"I trust you so much the way I love you. Sadyang nagselos lang talaga ako kanina."

"Kaya nga matutulog na ako rito, para hindi ka na lamunin ng selos."

Umiling siya. "I'm fine now. Hindi lang kasi ako sanay na magselos kasi hindi pa naman talaga ako nakaramdam ng selos sa tuwing nakikipag-interact ka sa mga girls. Ngayon lang talaga ako na-insecure din ng ganito. Siguro kasi, matagal-tagal tayong hindi nagkita."

Bumuntong-hininga ito. "I will sleep here."

Sa huli ay nagpasya siyang pauwiin na ito kahit pa nga nagpumilit na itong matulog doon.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C67
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン