アプリをダウンロード
76.92% Gino, My Genie (KathNiel Tagalog Fanfic) / Chapter 10: Chapter 8 (Meeting)

章 10: Chapter 8 (Meeting)

Mikay's POV

I admit, parehas kaming gulantang ni ate katiwala right now. Pero hindi hamak na mas lamang ang pagkagulat ko kaya napa-'Ha?' na lang ako sa maharot na genie na 'yon.

"Ayaw kong mapalayo kay Mikay. Dahil s'ya ay mas—"

Pinandilatan ko ng mata si Gino kaya naagapan ko pa yung kung anong muntik n'yang masabi sa harapan ni ate.

"Dahil s'ya ay masayahin na pinsan ko. Malulungkot ako ate pag nahiwalay ako dito. Hehehe." tumatawang sabi ni Gino. Pero eto si ate, hindi pa rin nawawala ang pagkagulat sa mukha.

"Pero paano mo nalaman na mababakante na yung katabi n'yong kwarto? E kakatawag lang sakin ng umuupa doon?" tanong n'ya kaya nanlaki na naman ang mga mata ko.

Mabilis kong pinagtulakan papasok ng unit ko si Gino at ako na ang humarap sa nagtatakang si ate.

"Kasi ate, medyo close na si Susanna at itong pinsan ko. Kaya siguro nabanggit na ni Susanna na aalis na s'ya." paliwanag ko pero naningkit naman bigla ang mata nito ni ate.

"Hindi naman si Susanna ang aalis. Itong nasa kanan ng unit mo."

Napakamot ako ng ulo ko kahit nawala naman akong balakubak at kuto.

"Yun ba, ate? Close na rin sila ng nandyan. Hehehe. Sige na ate. Basta, kukunin na ng pinsan ko yung unit na 'yan ha?" inginuso ko yung kabilang pinto. "Kelan ba ang alis? Para makapaglipat na."

Nakita kong napakamot din sa ate ng ulo n'ya. S'ya ata ang may balakubak at kuto e.

"Osige, sa katapusan pwede na. Pero sa ngayon, Mikay ha? Ihanap mo muna ng ibang matutuluyan ang pinsan mo. Mahirap na. Baka yung may-ari mismo ang makakita sa kanya. Mapapalayas ka talaga, nako."

Tumalikod si ate at lumarga na. Habang ako naman, opo lang nang opo sa kanya para 'wag na s'yang magtanong nang kung ano-ano pa. Baka bumalik pa ulit e.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan na s'yang makababa ng hagdan at mawala sa paningin ko. Kaya mabilis na rin akong pumasok sa kwarto ko at ikinandado agad ang pinto.

"Ikaw, wala ka talagang kaingat-ingat." madiin kong kinurot sa tagiliran yung haliparot na genie na nagtatago sa likod ng pintuan.

Umaaray s'ya pero hindi ko s'ya tinigilan dahil naipon lahat ng gigil na ibinigay n'ya sakin simula pa kaninang umaga. Nabitiwan ko lang s'ya nang bigla s'yang mag-anyong usok na naman at lumutang sa hangin.

"Pasalamat ka, magaling akong mangatwiran. Peste, ipapahamak mo pa akong genie ka." gigil na sabi ko.

"Anong magaling dun? Ang lame nga ng katwiran mo e." bulong n'ya pero narinig ko naman.

Sinamaan ko na lang s'ya ng tingin at umupo ako sa kama ko.

Ang dapat mas iniisip ko ngayon ay kung saan ko s'ya itatago sa loob ng apat na araw e. Dahil Tuesday pa lang ngayon at sa Sabado pa ang katapusan ng buwan na 'to. Mahirap na, baka mamaya may biglang makakita sa kanya dito nang 'di sadya, o kaya naman may makarinig na may kausap ako dito.

Napasulyap ako saglit sa kanya kaya napagmasdan ko tuloy s'yang paulit-ulit na minomock 'yung mga katwiran ko kay ate kanina. Para s'yang aning doon na nagmemakeface sa ere. Pero wala namang kausap.

Nakakainis. Ang sarap paulanan ng kurot. Kaso hindi ko naman s'ya abot. Nakakairita pa yung paulit-ulit n'yang binubulong na, 'Medyo close na sila ni Susanna. Close close. Close mo mukha mo.'

Hmmm.

Bigla tuloy akong napangisi.

"Tignan natin kung makaganyan ka pa. May plano na ako." sabi ko at sabay nag evil grin nang tumingin s'ya sa akin.

***

Over all, naging effective naman ang naisip kong plano dahil sa loob ng apat na araw, naging tahimik at payapa ang buhay ko. Nakapag-aral ako nang maayos tapos wala pang pesteng genie na sinabayan ang mood swings ko.

Kung anong ginawa ko? Ayun, nilagay ko s'ya sa loob ng isang vial na cork ang takip. Hindi ko talaga s'ya pinapakawalan at hinahayaang lumabas doon dahil 'yun ang kasunduan namin. And kapag nagpumilit s'ya, magqquit kako ako sa pagiging master n'ya. Ayun, tiklop bigla ang haliparot. Walang ifs and buts.

Pero joke lang naman sa pagquit 'no. Sinabi ko lang yun para hindi na s'ya magkulit pa. Panakot lang, in short.

"Ayan ah, joke lang pala! Nako, ka sakin ngayon. Ilang araw mo kong kinulong, Mikay. Makonsensya ka naman." nagpapaawang sabi n'ya. Pabalik-balik din ang pagpuppy eyes n'ya habang tinitignan ang pag-aayos na ginagawa ko.

Pinalabas ko na kasi s'ya ngayon-ngayon lang dahil nakakaawa naman s'ya sa loob ng vial. Baka mamaya mabaliw na s'ya doon dahil sa sobrang bored e.

Tinapos ko na yung pagsusuklay sa buhok ko. Pinasadahan ko rin ulit ng tingin yung loob ng backpack ko para masigurong okay na lahat ng kailangan ko. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanya at saka siningkitan s'ya ng mata.

"Oo na, oo na. Nagpapaawa pa, hindi naman bagay. Tss." sinukbit ko ang bag ko at sinenyasan ko s'ya na pumasok doon.

Nagtataka pa yung itsura n'ya kaya nagsalita na ulit ako.

"Tara na, 'wag nang mag-inarte. Sama ka sa meeting namin kila Allen. Pero kung ayaw mo naman, edi mas okay. Hindi ako mangungunsume." nagkunwari akong lalabas na. Pero bigla ko nalang naramdaman na parang may kung anong umalog sa bag ko.

"Syempre sasama. Pwede bang hindi?" narinig kong bulong n'ya mula sa loob. Excited na excited pa yung tono n'ya na para bang hindi s'ya nag-iinarte kani-kanina lang.

Napailing na lang ako.

"Pero sa ngayon, itikom mo muna ang bibig mo at 'wag na 'wag kang magkakamaling gumawa ng ingay d'yan, ha?" pagbabanta ko sa kanya.

Wala na nga akong narinig na ingay galing sa kanya kaya nagpasya na akong umalis.

Pagbaba ko, idinaan ka muna sa katiwala yung 1 month advance at 2 month deposit ni Gino para sa kwarto n'ya. Medyo maingat pa ako habang kinukuha ko sa bulsa ng bag yung pera kasi baka bigla namang mag-ingay 'tong genie na 'to. Nakita ko nalang din kasi yung isang bungkos na pera sa ibabaw ng study table ko kaninang umaga. May note pa na para raw sa upa n'ya. Odiba? Nakakulong s'ya sa vial pero nakapagsummon pa rin s'ya ng pera sa labas.

Pero award ah, wala s'yang bigat dito sa loob ng bag ko. Usok na naman siguro s'ya kaya parang hangin lang talaga 'yung bitbit ko.

Nung makalabas ako sa building namin, humanap agad ako ng lugar na medyo tago para pwede ko nang ilabas 'yung bitbit kong utot sa bag ko.

Hahahaha. Utot. Gino The Utot.

Tatawa-tawa pa ako habang binubuksan yung bag ko sa may parteng damuhan sa gilid ng building namin. Pero laking gulat ko na lang nang biglang may sumulpot sa likuran ko at binitbit ako na parang isa lang akong unan. Hawak-hawak n'ya ako sa bewang ko tapos nakaangat na talaga ako sa lupa.

Nang maamoy ko yung pamilyar na amoy na 'yun, agad na akong nagpumiglas na parang isang baboy na kakatayin na anytime.

"Letse ka, Gino. Ginulat mo ako! Ni hindi ko namalayan na nakalabas ka na pala! Arghh!! Ibaba mo ako!!" nagpumiglas na ako nang todo kaya nabitawan na n'ya ako.

"Utot ako, ha? E yung bag mo nga ang amoy utot! Puro pa kalat!" mapang-inis na sabi n'ya at sinegundahan pa ng, "Kelan mo pa yan huling nilabhan? Nung panahon ni Magellan??"

Inirapan ko na lang s'ya at nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan.

"Balakajan. Iwan kita. Hmp."

 

Naramdaman kong sumunod naman na s'ya agad sa akin at bitbit na rin n'ya ang bag ko. Takot din naman pala e, nagmamakulit pa. Tsk.

"San ba nakatira yung Alden na 'yon? Ang paimportante ha? Kailangan talaga, sa bahay nila mismo ang meeting? Tss."

Naniningkit ang mata ko na hinarap yung genie na nakakainis sa likod ko.

"Ano pinuputok ng butse mo d'yan? Ako nga 'di nagrereklamo na ganon e. Tas ikaw, naghihimutok d'yan?" inagaw ko sa kanya yung bag ko. "Isa pa, Allen ang pangalan n'ya 'no. San mo naman pinulot yung Alden?"

'Di na s'ya sumagot after non at basta sumunod na lang sa akin hanggang sa makasakay kami ng jeep.

Pero sa buong byahe naman namin papuntang village nila Allen, puro bulong ng 'tss' ang naririnig ko sa kanya. Muntik ko na tuloy maisip na baka ahas na yung katabi ko at tutuklawin na ako e.

Sinulyapan ko s'ya saglit at tumambad sa akin ang maattitude n'yang expression. Panay pa rin ang 'tss' n'ya doon kaya hindi ko na alam kung dapat bang mainis na talaga ako or tatawa na lang ako.

Ang lakas kasing makaattitude e, samantalang s'ya na nga lang ang ginawan ko ng pabor at isinama dito. Haaay. Parang batang nagtatantrums, oh. Hahaha.

Pagbaba namin sa tapat ng village nila Allen, hinanap ko agad yung cellphone ko para icheck yung text n'ya about sa exact address nila. Pero mukhang hindi ko naman na kakailanganing problemahin pa ang paghahanap sa bahay nila dahil natanawan ko na agad s'ya sa may guardhouse at nakasakay sa isang bisikleta. Yung bisikleta na parang pang romantic Kdrama.

Yung pang Endless Love at Full House? Pak ganern!

Kinilig tuloy ako sa loob-loob ko.

"Mikay." salubong na bati n'ya sakin habang naglalakad ako palapit sa kanya. Napatingin agad s'ya sa may likuran ko kaya nagsalita na rin agad ako.

"Ahmm, si Gino. Pinsan ko.."

"Pinsan? Pinsan mo mukha mo." bulong ni Gino. Agad naman akong nagsorry kay Allen at nagpalusot.

"Pasensya na, Allen ha? Kakagising lang kasi n'yan at nainis na nagpasama ako sa kanya dito, hehehe."

Umagree na lang din si Allen at tumawa kahit na yung lalaki sa likuran ko ay panay pa rin pag tss doon na parang ahas. Inaya ko na lang si Allen na pumasok na sa village nila. Samantalang yung lalaking ahas sa likod ko, kinapitan ko nalang nang medyo madiin sa pulso n'ya at saka hinaltak.

Mahirap na e. Baka dito pa 'to magpakitang gilas ng attitude n'ya, nakakahiya kay Allen.

Pero nakakainis ha? Dapat nakasakay ako ngayon sa likod ng bisikleta ni Allen at nagfifeeling na nasa KDrama kami. Ito kasing genie na 'to e, dagdag alalahanin pa. Para akong may dalang bata dito na kailangan i-babysit. Tsk.

"Ayun yung bahay namin, Mikay." inginuso ni Allen yung isang bahay na may tatlong palapag sa corner ng street na tinatahak namin.

Napa-wow agad ako kasi ang gaganda na nga at ang lalaki ng mga bahay na nadaanan namin pero mas bongga yung kila Allen. Sobrang modern ng design. Yung tipong sa mga architecture pages ko lang sa fb nakikita.

No wonder kung bakit Richwell ang apelyido n'ya. Talagang yayamanin e. Look at that, oh. Parang mga elite peeps talaga nakatira sa village na 'to.

Lumingon ako saglit sa likuran ko dahil bigla kong naramdaman na hindi ko na pala hawak ang braso ni Gino. But only to find out na 'yung malikot at haliparot slash ma-aattitude na genie na 'yon ay nandoon. Naiwan pala sa nadaanan naming basketball court ngayon-ngayon lang.

Nagpaalam ako saglit kay Allen at pinuntahan ko si Gino na nagdidribble ng bola. Ngayon ko lang tuloy napansin na may dalawa pang bata na naglalaro ng basketball at nakikisali s'ya.

Kitang-kita sa mukha ni Gino na masaya s'ya kaya ako, hindi na rin nagawang magtaray sa kanya. Nawala bigla yung inis ko.

"Ano, dito ka na lang? Hindi ka na sasama?"

Lumingon s'ya sa akin saglit at ngumiti.

"Oo, dito na lang din kita iintayin, Mikay." sabi n'ya at bumalik na ulit sa pakikipag-agawan ng bola dun sa mga bata.

Wala na nga rin akong nakagawa kundi masayang sumang-ayon sa gusto n'ya. Well, pambawi ko na rin 'to sa 4 days na pagtatago ko sa kanya sa loob ng vial. Deserve n'yang magsaya ngayon dahil 4 days s'yang bored doon at walang kausap, walang nagawa. Walang fresh air.

Tumakbo na ako pabalik kay Allen at nagulat ako nang makita kong nandoon na rin pala sila Nika, Dash, at Miley. Sabay-sabay ata silang nagpunta dito kasi may isang taxi na dumaan ngayon-ngayon lang. Mukhang kadarating lang din kasi nila e.

Binati ko silang lahat at binati rin naman nila ako pabalik.

"Eksakto lang pala yung dating n'yo e. O pano, tara na." nakangiting sabi ni Allen at nilead n'ya yung way papunta sa bahay nila.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa modern gate nila na mataas, agad n'ya kaming dinala sa garden na nasa likod ng malaking bahay nila. Napa-wow na naman ako dahil sobrang dami nilang halaman at sobrang modern talaga ng itsura ng backyard nila.

Sila Nika, Dash, at Miley naman, hindi na ganon ka-amazed dahil pare-parehas din silang mayayaman. Sanay na sanay na silang nakakakita ng mga ganto. Ako lang talaga dito yung parang bata na first time makapunta sa amusement park sa sobrang pagka-amaze.

Dinalhan kami ng isang kasambahay nila ng meryenda. And if I say meryenda, hindi ito yung typical meryenda na cake, tea, juice, bread, etc. Dahil ang dinala ng kasambahay nila, chicken nuggets, onion rings, fries, saka milk tea.

Grabe, iba rin 'to si Allen. Richwell talaga. Rich na nga, ang lakas pang maka millenial ng meryenda.

Hinayaan muna kami ni Allen na kumain dahil pare-parehas pala kaming walang almusal. Kaya ayun, nagkaroon pa ako ng time para i-appreciate nang todo yung maganda nilang bahay. Kahit saan ako mapatingin, napapa-wow na lang ako e.

Kelan kaya ako makakatira sa ganitong kagandang bahay?

'Pag kinasal na kami ni Allen??

Ayiieee..

Ang assumera ko, punyeta! Ba't naman ako papakasalan ni Allen? E hindi pa nga s'ya nanliligaw?? Hahahaha!!

Nung matapos kaming kumain, walang ligoy-ligoy na agad na tinumbok ni Allen yung goal ng meeting namin ngayon. May dala pa talaga s'yang ilang materials at chuchu sa tabi n'ya. Kaya kami, medyo sumeryoso na rin.

"We should decide whether to make a research, or a video documentary. Alam ko naman, since sinabi ni Sir yun, nag-iisip na kayo kung ano yung gusto n'yo. So ngayon, i-finalize na natin. Kaya ba?" nakangiting tanong n'ya.

Napaisip agad ako.

"Kaya naman siguro, Allen. Kaso yung adviser natin? Pa'no kung 'di s'ya agree sa mapipili natin?" tanong ko. Kasi paano nga kung biglang umalma yun sa choice namin? Itutumba namin s'ya, ganon? Isasabit sa puno sa Balete Drive?

Ang gulat ko naman nang biglang suminghal si Nika sa tabi ko at padabog na binaba sa mesa yung iniinom n'yang milk tea.

"Aba, punyeta s'ya! S'ya na lang magpresent kung ganon!" may tumalsik na sago sa bibig n'ya at muntik masalo ng bibig ko. Buti napatikom agad ako.

"Oo nga, kaya nga adviser, diba? Mag-aadvise lang s'ya satin. Hindi s'ya ang masusunod." pag-sang ayon ni Miley.

"Sapakin ko yung gagong 'yun. Subukan n'yang makialam." pumadyak si Dash at napaaray bigla si Allen kasi paa n'ya pala ang tinamaan.

"Aray, kalma tayo, guys ha? Hahaha. Basta ngayon, pipili tayo ng gusto natin. 'Pag 'di s'ya nag-agree, edi hindi. Nasa atin pa rin ang huling decision, wala s'yang magagawa doon."

Kahit papaano napakalma naman kami ng sinabi na yon ni Allen kaya tumigil na sa paghihimutok si Nika at nagbehave na rin ang paa ni Dash. Habang ako naman doon ay nanatiling nag-iisip nang malalim.

May napili na ako. And simula nga nang sinabi ni Sir yung about sa bagong choice namin, nag-iisip na agad ako.

Pero what if, hindi katulad ng sa akin yung pinili nitong apat na iba? What if magkakaiba kami ng naiisip na 'best choice' para sa grupo namin? Yung choice na hindi lang namin basta mapaninindigan but talagang maisasapuso namin?

Sayang naman kung nagkataon. Dami ko pa man ding naiisip na ideas. Haaay..

Binigyan kami Allen ng tig-iisang one half sheet of paper saka marker. Doon daw namin isusulat kung ano yung napili namin tapos sabay-sabay naming ipapakita sa lahat. Para dagdag suspense daw.

Kumakabog nga naman ang dibdib ko habang sinusulat ang choice ko. Lalo pa nang makita kong sobrang seryoso rin nilang apat na nagsusulat. Nung magsignal naman si Allen na ipakita na yung mga sinulat namin, mas natriple na ang kaba ko. Kaya ako, parang tanga na lang doon na napapikit. Parang akala mo may nagpapaputok ng Goodbye Philippines tapos pipigilan kong magulat although hindi mo naman mapipigilang magulat.

"Wow, nagkakaisa pala tayo ng naiisip e." narinig kong sabi ni Allen habang tumatawa. Kaya ako tuloy, napadilat na rin.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinapasadahan ng tingin yung mga hawak nilang papel na may nakasulat.

"Video Documentary it is." sabay-sabay naming sabi.

Napahawak ako sa dibdib ko at nagpakawala ng isang malalim na sigh. Akala ko, kakailanganin ko pang makipagsabunutan dito sa mga kagrupo ko kung sakaling merong hindi pipili ng video documentary e.

"Oh, ayan ha. Final na 'to. Ipagdasal na lang natin na 'wag umalma yung thesis adviser natin. Kundi.."

Naputol yung sinasabi ni Allen dahil sa biglaang pagsabat ni Nika.

"Kundi, sasabunutan ko s'ya dahil hindi ako makakapayag na hindi matupad yung gusto natin."

"True. Sayang naman yung naiisip namin na twist para sa video documentary." sabi naman ni Miley at nagtaas-baba bigla ang kilay habang nakatingin kay Nika at Dash.

Teka, anong twist sinasabi nito? Parang wala kaming nalalaman ni Allen sa sinasabi nila ha?

Natawa na lang si Allen. "Sige na, sige na. Basta ngayon, kumalma muna kayo. Ako nang bahalang mag-inform sa adviser natin na may napag-usapan na tayo." sabi nya kaya sumang-ayon na lang kaming apat.

***

Hindi maalis sa labi ko yung ngiti tuwing naiisip ko na pare-parehas din pala talaga ng choice ang grupo namin. Ni hindi nga kami nag-usap usap after ng meeting namin kay Sir e, tapos pare-parehas din pala kami ng gustong mangyari?

Hindi ko rin tuloy maiwasang maimagine kung anong klaseng video documentary ba ang gagawin namin. Yung may voice over o wala. May subtitles pa ba, or yung parang interview or reporting ganon. Kung anong topic namin, at saan ang venue. Haaay.

Pero teka, ano nga kaya yung sinasabing twist ni Miley? Mukhang nag-uusap talaga yung tatlo na yun nang 'di kami kasama ni Allen ha?

Desisyon sila, ha. Feeling mga pulang langgam.

Bahagya kong inunat ang legs ko dahil nangangawit na ako. Mga 30 minutes na rin pala kasi akong naghihintay sa basketball court na 'to. Dito kasi ako agad dumeretso after ng meeting dahil dito kami magkikita ni Gino. Kaso naman, pagdating ko dito, wala s'ya. Wala rin yung mga batang naglalaro dito kanina.

Medyo tumitirik na rin yung araw kasi lagpas 10am na. Buti na lang may bench dito na natatakpan ng lilim ng puno kaya hindi ako natutusta sa ilalim ng init.

Pero lintek, asan na yung genie na yon? Baka malaglagan naman ako ng higad dito or worst baka ma-kapre ako sa puno na 'to.

Tsk. Pasalamat s'ya, good mood ako kaya hindi ko s'ya susungitan mamaya pagbalik n'ya.

"Mikaela Dela Rosa? Is that really you?"

Agad akong napaharap nang marinig ko yung maarteng boses na 'yun na tumawag sa pangalan ko. Isang malambot na lalaki ang tumambad sa paningin ko at kung hindi ako nagkakamali, ito rin yung bakla na nagtanong sa akin sa may library nung nakaraan.

Taga-rito din s'ya sa village nila Allen?

"Ikaw nga talaga yan." kumekendeng-kendeng na lumapit sa akin yung bakla pero halata naman sa bawat paghampas ng balakang n'ya sa hangin na may hint ito ng pagkagigil.

"Oo, ako 'to. Musta?" kunot-noong tanong ko habang sinusundan ng tingin yung balakang n'ya.

"Ay wow naman. May pagkumusta pa s'ya. Parang akala mo hindi ako biniktima ng scam n'ya."

Nandidilat yung mata ng bakla sa akin kaya napalunok ako nang madiin.

"Scam? Ako, iniscam ka? Saan at kailan?" napahawak na talaga ako sa dibdib ko sa sobrang pagtataka sa sinabi ng baklang 'to.

Ano pinagsasabi nito? Hindi naman ako member ng networking, typing captcha, or ng investment e. Paano ko s'ya nascam?

"At bigla ka nang nagka-amnesia ngayon? Tara dito at ipapaalala ko sayo." gigil n'ya akong hinaltak kaya hindi na ako pumiglas.

Kahit kasi malambot na lalaki s'ya, ang lakas pa rin ng pwersa n'ya. Baka mabalian ako ng buto kapag nanlaban ako sa haltak n'ya.

Binuksan nung bakla yung cellphone n'ya na latest model ng iphone. Pero hindi ko na nakuhang mamangha pa dahil napakunot na naman ang noo ko nang iopen n'ya ang facebook n'ya at pumunta sa profile ni Allen Richwell.

"Oh, ayun naman pala e. Friends na kayo ni Allen sa fb. Anong scam sinasabi mo d'yan?" tanong ko.

"Bobba Jelly!! Kilala ko 'to si Allen Richwell. Pero hindi naman s'ya yung tinatanong ko sayo!" dinutdot n'ya yung noo ko gamit yung daliri n'ya. At inaamin ko, medyo hindi ko yun nagustuhan.

"Kilala mo si Allen, pero bakit hindi mo sinabi sakin na hindi naman pala s'ya yung tinatanong mo na kung anong pangalan? Ikaw pala ang boba dito e." 'di ko na rin napigilan ang bibig ko.

Yung bakla naman ay mas lalong nandilat ang mata, senyales na hindi n'ya inaasahan na magtataray ako pabalik.

Napatingin naman ako ulit sa cellphone n'ya nang pumunta s'ya sa gallery nun at pinakita sakin yung isang stolen shot. Stolen shot ng isang lalaking kilalang-kilala ko.

At hindi lang n'ya basta pinakita sakin 'yun dahil talagang pinagduldulan n'ya 'yun sa mukha ko. Yung tipo ng pang-aapi na sa mga teleserye ko lang napapanood dati.

"Ayan, oh. Ayan! Ang boba mo! Ito ang lagi mong kasama lately sa school, hindi si Allen! Pero si Allen ang itinuro mo sakin! Kilala ko si Allen sa mukha pero hindi ko s'ya kilala sa pangalan!"

"Oh, e ayun naman pala. Kasalanan mo 'yan, dapat dinescribe mo s'ya nang maayos para nalaman ko kung sino ba talaga ang tinutukoy mo. Laki ng problema mo, ha? Bakit parang ako pa ang mali?" naluluha nang sabi ko dahil hindi ko maisip kung bakit parang ang big deal naman para sa kanya nun.

Sobrang liit na bagay lang nun na 'di kami nagka-intindihan. Ni wala man lang nga akong nakikitang mali sa part ko e. Pero bakit kailangang tawagin n'ya pa akong boba? Bakit kailangang duruin n'ya pa ako? Bakit idinuduldol pa n'ya sa mukha ko yung mamahaling cellphone n'ya?

Nagkasakit ba s'ya or minalas ba s'ya dahil sa hindi pala si Allen ang tinutukoy n'ya kundi si Gino? Namatayan ba s'ya dahil doon? Pumangit ba s'ya? Tinubuan ba s'ya ng kurikong? Kaya galit na galit s'ya sa akin??

"Kasi nga, ang stupid mo. Naturingan kang honor student, pero wala kang common sense." binangga n'ya ako sa balikat ko kaya nabitawan ko yung cellphone ko na nasa kamay ko.

"Ang sabihin mo lang, Mikay, ipinagdadamot mo yung information ng lalaking yun kasi makasarili ka. Feeling mo jowa ka. Girl, tingin ka muna sa salamin ha? Saka sa wallet mo." yun na lang ang sinabi n'ya at umalis na sa harap ko. Narinig ko pa na parang may nagcrack nung magkatapat kami. Nang yumuko ako para tignan yon, parang bigla na lang ding nagkaroon ng crack yung puso ko.

Pinulot ko yung cellphone ko, at habang pinagmamasdan yung mga nalalaglag na basag na part ng screen non, kasabay ding lumalaglag sa braso ko yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Yung lait at insulto na sinabi n'ya, natatanggap ko pa e. Pero yung makita 'tong bagay na 'to na parang dumi lang na tinapakan n'ya, hindi ko talaga kaya.

Galing 'to sa papa ko e. Mahalaga sakin 'to. Iniingatan ko 'tong mabuti dahil pinapahalagahan ko 'to. Tapos, parang wala lang sa kanya nung tinapakan n'ya 'yun? Hindi man lang lumingon ulit? Hindi nagsorry? Sinadya n'ya talagang gawin 'yon?

Pinunasan ko ang mata ko gamit yung kabilang kamay ko dahil nahagip ko bigla sa peripheral view ko na may papalapit sa akin. Mabilis ko ring ibinulsa yung cellphone ko.

"Mikay!"

Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko nang marinig ko yung boses Gino na tinawag ako.

Patay-malisya ko s'yang sinalubong ng ngiti. "Kanina pa kita iniintay dito e. Tara, uwi na tayo?"

Hindi sumagot si Gino sa akin at nanatili lang s'yang nakatayo sa harapan ko. Seryosong pinapasadahan ng tingin ang mukha ko. Napatingin din tuloy ako sa kanya at nakita kong may dala pala s'yang mineral water at bimpong puti. Parang kagagaling n'ya lang sa convenience store.

"Oh, ano? Tara na, at magreready pa tayo. Pwede ka na dibang lumipat ngayon sa katabi kong kwarto? Katapusan na." nakangiting sabi ko at hinaltak ko na s'ya.

Pero hindi ko na tuluyang naihakbang ang mga paa ko dahil naramdaman ko na lang na hinaltak n'ya ako pabalik. Kung kaya rin napatayo na ulit ako sa harapan n'ya.

"You cannot hide from me. Alam kong may mali."

Inabot n'ya sakin yung bimpong hawak n'ya.

At hindi ko rin alam dahil as soon as mahawakan ko yun, kusa na lang din na kumawala yung mga luha sa mga mata ko.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C10
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン