Ilang oras ang lumipas.
Dumating na rin ang mga bisita. Di pa ako nakaayos. Bwiset na mga kapatid. May pinahabol pa silang pinaluto na paborito nila. Carbonara. Mukha tuloy akong nabagyuhan. Mga walang hiya!. Di man lang sila naawa. Ginawa nila akong alipusta.
Nang marinig ang mga boses ng bisita ay agad akong tumakbo paakyat. Ayokong magpakita sa kanila na ganito ang itsura ko. Magulong buhok. Di maayos na damit. Ganun. Nang nasa hagdanan na ako ay may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na bulto.
What?!. Anong ginagawa nya dito?. Kulang nalang isigaw ko iyon!
"Ate?!.." takang tawag sakin ni Carl na nakaharap ngayon kay Elijah. Kaya yung kaharap nya naman, nag-angat rin ng tingin sakin. Lumaki ang mata kong medyo matalim tumitig kay Carl.
Inirapan ko sya ng makitang unti unti nang sumilay ang nakakaloko nitong ngisi.
"Carl!!!.." sigaw ko nang patakbo akong umakyat.
Bwiset!!....
Nagkulong ako matapos maligo. Ayokong bumaba dahil sa kumakalabog kong puso. Para itong nakipagkarera ng kabayo. Di rin ako lumabas matapos magbihis.
"Mj.." katok ni kuya. Huminga ako ng malalim.
"Wait kuya.." sabi ko lang kahit kanina pa ako tapos magbihis. Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin.
"Faster. Food is waitin'.." kumatok pa sya ng isang beses bago tuluyang umalis.
"Yes kuya.."
Di pa rin ako bumababa.
Magpapakalma muna ako.
Maya maya muli.
"Mary Jane.." boses naman ngayon ni Papa.
"Pa?.." taka kong tanong.
"Di ka pa tapos dyan?. Nakakahiya sa mga bisita. Kanina pa naghihintay ang pagkain.." anya na may halong pagkainis.
Bumaba nga ako kahit na labag sa kalooban ko.
Nasa hapag na nga silang lahat maliban samin ni Papa. Napayuko ako sa hiya dahil nasa akin lahat ang kanilang paningin. Naupo ako sa pagitan nila kuya at Carl. Agad nag-umpisang kumain matapos naming umupo.
"Jane.. this is Elijah. My cousin.." pakilala bigla ni ate Ninia. Oh really?! Cousin?. Seryoso ba sya?. Kaya kahit ayaw kong tignan ang taong tinutukoy nya. Wala akong choice. Wala na akong choice. Nag angat ako ng tingin. Nalaglag ang panga ko sa nakita. Dumiretso agad ito kay Elijah.
Pinsan?. Really?. How nice?. Really nice!.
Magkaharap kami ni Elijah. Nasa kanan ang may edad na babae at sa kaliwa naman ay isang batang babae. Titig na titig sakin. "And this is Tita Ellaine, Tito Sefe and Emma. Elijah's family.." patuloy ni ate Ninia. Tumayo ang mga ito at lumapit sakin para humalik. Ganun rin ang ginawa ni Elijah. Tumitig muna ito sakin bago humalik saking sentido.
Kinakapos ako ng hininga matapos nya akong talikuran.
"Hahahaha..." malakas na tawa bigla ni Carl na bumalot sa apat na sulok na dining area ni kuya.
"Carl." Suway sa kanya ni Papa pero nagpatuloy lang sya na parang walang narinig.
"Sorry. I just can't help it. I can't believe what is happening.. Is this fate?. Ate?." iling nya habang tumatawa pa rin. Sakin sya nagtanong pero parang di ko naintindihan ang sinabi nya. Di ko marinig dahil sa pintig ng puso kong tinalo pa ang trumpeta sa lakas ng tunog.
"What?. Why?." Si kuya na bakas na ang pagtataka. Palipat lipat na ang paningin samin ni Carl. Tas kila mama at papa.
"Kasi kuya--.." Magpapaliwanag sana si Carl.
"Stop Carl!." Banta ko sa kanya. Sinamaan ko talaga sya ng tingin kahit oa makita ng mga taong di ko pa gaanong kilala.
"Kuya Ced.." Inagaw bigla ni Elijah ang atensyon ng lahat mula sakin. Sinamaan ko sya ng tingin. Death glare! Pero ginantihan nya lang ako ng isang matamis na ngiti. Yung ngiting nagpakabog ng ilang beses saking dibdib. Yung ngiting kay sarap pagmasdan.
Shit!.
"The girl who--." Pinutol naman sya bigla ni ate Ninia na para bang alam na ang karugtong ng sasabihin ni Elijah.
"The stranger girl you call it babe is--?."
Nagpalipat lipat ng tingin ang lahat sa kanila. Ako, di ko alam kung saan ibabaling ang paningin. Pinili ko na lamang na kutkutin ang kuko sa ilalim ng mesa.
What the hell!. Totoo ba ito?. O nananaginip lang ako?.
Magkakilala sila?. At si Kuya Cedric?. Di kaya?. Plano nya lahat ng to?. Pero imposible naman. Imposible talaga!.
At. Talagang alam pa ng pamilya nya?. Ganun ba sya kaopen sa kanila?. Wow!.
"Is... HER.." turo nito sakin. Sa mismong mukha ko ng eksaktong nag-angat ako ng tingin sa kanila. Nalaglag ang panga ko sa rebelasyon nya. Nagulat maging ang lahat ng ibaling ang tingin sakin.
"You?." Si kuya. Gulat na gulat. Parang ayaw pang maniwala. Baliw talaga!.
"Mary Jane?." Si ate Ninia. Na bakas ang pagkagulat kasabay ng nakakalokong ngiti.
"Oh my gosh!!. She's the--?."
Kapatid nya na tinakpan agad ang sariling bibig.
"I knew it!.." Mommy nya.
Na para bang nanalo ng loto.
Tumango tango sya.
"Sya nga yun. Sya yung babaeng kinikwento ko sa inyo. Na hindi ko alam kung mapapatawad pa ba ako sa nagawa kong pang iiwan sa kanya sa ere. Yung babaeng, parang anghel. Hulog ng langit nang walang pasabi. Sya yun, si Mary. Si Mary Jane.."