Saka lang ako natauhan nang maalala yung mga palibre nya lalo na dun sa may Baker's.
"Matanong ko lang. Hobby mo ba ang manlibre?." Nilingon nya ako. Tinatanaw kasi nito ang labas. Umiiwas ng tingin sakin.
Nagkibit balikat lamang ito.
"Ang dami mo kasing palibre ngayon. Wala pa naman akong pambayad sayo.." Kamot ko ng sentido.
"No. Don't pay it.." titig nya sakin. Humawak pa sa kamay kong aambang ibigay ang pera.
"Eli.." tawag ko sa pangalan nya.
"Just.. I told you. Text me. That's okay.." nakangiti nitong tugon.
"No Eli. I'll pay you when I'm home.."
Di ko naman gustong sabihin na aalis ako. Nadulas lang talaga itong dila ko. Madaldal din to masyado e.
"Aalis ka?." Napaayos sya ng tayo. Nasa loob ng bulsa ng kanyang jacket ang dalawang kamay.
"Yeah. Manila lang naman."
"Where in Manila?."
"Qc.."
Yung convo namin parang hindi na usapan ng strangers. Ang bilis gumaan ng loob ko sa kanya. Nagulat nga ako dahil hirap akong magtiwala ngayon sa iba. Lalo na sa mga hindi ko kakilala.
"Can we text, then?."
Tumango nalang ako. Kesa kontrahin pa sya. Hahaba na naman usapan namin. Hanggang sa malate na akong umuwi. Mag-eempake pa ako.
"See you soon. Elijah." Paalam ko. Sumakay na ako ng kotse. Sya. Naiwang nakatayo sa labas. Nagbusina ako noong umandar na ang sinasakyan ko.
"Bye Mary. Takecare babe.." basa ko sa kanyang bibig. Di ko ito dinig dahil sarado ang bintana ng sasakyan.
Babe talaga?. Seryoso sya?.
Pinaharurot ko na ang sasakyan patungong bahay.
Ilang oras lang ay bumyahe na kami papuntang Quezon City. Si Papa ang nagdrive.
Lahat pala ng pinamili ko kanina dinala namin. Ewan ko ba kay Mama. Gusto nya raw kasing may ibigay sa mga batang lansangan.
Mahigit labindalawang oras kaming bumyahe. Ganun katagal. Cagayan Valley to Manila kasi. At by land pa. Kaya ganun.
"Ate.." sinalubong kami ni Carl. Natulog agad ako pagkarating. Kinabukasan kasi aatend kami ng promotion nya bilang pulis.
Kinabukasan...
"Ate.. sino to?."
Inangat pa nya ang telepono ko habang pinapakita ang larawan namin ni Elijah. Nagulat ako. Hindi ko alam yun ah. Noong bumyahe kasi kami. Natulog lang ang ginawa ko. Di ko alam kung paanon nagkaroon kami ng larawan dun. Saka ko lang naalala na hawak nya pala yung phone ko noong namili kami. Dun siguro. Binaba ulit ni Carl ang phone at tiningnan isa isa. Puro stolen shots daw kalabit nya sakin. Yung maayos lang ay yung hinatid nya raw ako sa may parking lot. Tulak nya ang cart. Hawak hawak ko rin ang bigay nyang meryenda. Pareho kaming nakangiti sa isa't isa. Magkaharap pa.
"Kaibigan.." sagot ko sa kawalan. Dahil abala pa ako na kuhanan ng larawan sila Mama. Nakikipagbiruan pa si Carl sa mga kasamahan pero hawak pa rin ang telepono ko.
"Kaibigan o ka-ibigan?." Napalingon ako sa kanya. Binigay ko muna kay Mama yung cp nya.
"Kaibigan nga lang."
Pilit kong kuhanin yung nasa kamay nya pero di ko abot. Maysado syang matangkad.
"Buddy.." may lumapit na kasama nyang pulis sa kanya.
"Ate. Picture daw kayo.." may tinuro syang lalaki. Yun ata yung bumulomg sa kanya kanina. Di na ako umangal. Nagpatuloy ang picturial matapos ang seremonya ng promotion.
"Ate tingnan mo to.." nasa isnag fast food na kami. Kumakain. Hawak pa rin nya ang telepono ko. Ayaw ibigay. Ewan ko ba kung bakit. Malapit ko nang masapak. Pero di ko nagawa dahil ipinakita na nya ang isang larawan ni Elijah na nakangiti. Suot pa yung hoodie. Sya lang yun. Gwapong-gwapo. Halatang nagselfie sa cellphone ko.
Ghad!. Muntik akong makaihi sa kilig.
Matapos nun. Inagaw ko na sa kanya yung phone. At nagulat ako ng may nakitang text nya.
"Kelan tayo magkikita?." Laman ng mensahe nya.
"Maybe next week."
Mabilis kong reply.
"Totoo?.."
Ganun rin sya kabilis magreply.
"Yup. Magbabayad ako ng utang sayo.."
"I told you. Just text me okay. But if you insisted. Then. I will not fight you, for that. I want to see you also.."