Harriette Kobayashi's POV
Sigurado kaya to si Christian na magiging okay lang kung umalis sila Crissa nang wala sya? Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kasama ni Crissa, pero parang ganun na nga. Lalo pa at kasama pa nila yung lalaking mukhang tikoy.
Napatingin ako kay Christian. Mukhang kumpyansang-kumpyansa naman sya na magiging okay lang talaga ang lahat. Prenteng-prente lang din kasi syang nakaupo habang may hawak na papel. Mukhang mapa ata.
Kay Sedrick at Tyron naman ako napatingin. Pinagtig-isahan nila na sandalan yung dalawang pillar na nandito sa may entrance ng mansyon. Parehas din silang parang malalim ang iniisip at nakatanaw sa malayo.
Lumabas kasi kaming apat dito sa may entrance. Para naman makalanghap ng sariwang hangin. Cleared naman na tong buong bakuran nila kaya no worries. Si Renzy at Alessandra naman, naiwan na lang dun sa living room. Kapwa nagsasanay sa paghawak ng mga combat knife nila. Nagkabati na rin sila kaninang umaga pagkagising.
"Paalis na sila." bulong ni Sedrick kaya pare-parehas kaming napatingin dun sa pick-up truck na tinutumbok yung way na papunta sa main gate ng mansyon.
"Paalis palang pala sila."
Napatingin ako kay Christian na biglang bumulong. Hindi man lang kasi sya natitinag dun sa pagtingin sa mapa. At hindi man lang nya tinanaw sila Crissa katulad nalang ng ginagawa nito ni Sed at Ty.
Tumayo ako at nakitanaw na rin. Pero hindi ko na sila nakita dahil hindi na tanaw mula rito yung main gate.
Napabuntung-hininga ako. Sana naman okay lang sila.
"Don't worry too much. Kaya nila mga sarili nila. Nakaka-bakla mang isipin pero, baka nga mas malakas pa sa akin yang kakambal ko." seryosong bulong ni Christian na nakapagbigay ng goosebumps sa akin.
Si Crissa? Mas malakas pa sa kanya?
Crissa Harris' POV
Mga ilang dipa mula sa may gate, inihinto ni Elvis yung pick-up. Nung mapatingin naman ako sa mismong gate, napagtanto ko agad kung bakit.
"Sarado yung gate." - Alex
"Eh sino ang magbubukas nyan?" - Renzo
Mula sa rear view mirror, tinignan ko silang dalawa ng masama.
"Sino pa ba sa tingin nyo? Ako? Bumaba na kayong dalawa. Mabigat yang gate na yan. Hindi kaya ng isang tao lang."
"Sabi ko nga." - Renzo
"Wala kang sinabi." - Alex
Bumaba na nga yung dalawa at pinagtulungang buksan yung gate. Kitang-kita ko sa mukha nila na bigat na bigat nga sila habang tinutulak yung gate.
Pero wow lang. Pag yung mga securities namin ang nagbubukas nyan, apat pa silang nagtutulung-tulong. Ganito ba talaga kapag desperado na sa pagkain? Biglang lumalakas?
Inabante ni Elvis yung pick-up para makalabas agad kami. Pinatakbo nya naman agad yun pagkapasok nung dalawa matapos nilang isara uli yung gate.
"Bumaba lahat ng kinain ko dahil dun! Bigat naman ng gate nyo Crissa!" - Renzo
"Oo nga e. Sa ilang taon naming pagtambay nila Elvis dito, ngayon ko lang nasubukang buksan yan. Grabe!" - Alex
Hindi ko na napansin yung mga sinasabi nila dahil napako nalang ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin. Nanahimik din silang dalawa bigla kaya alam kong napako na rin yung atensyon nila doon.
Magulong-magulo yung mga daan. Ang daming nagkalat na kung anu-ano. Mga gamit sa bahay, sa garden at mga basurahan. Napailing nalang ako ng tumambad din sa amin yung mga katawan na nakahandusay sa mga gilid-gilid at tapat ng mga bahay. Hindi naman ganun karami pero dahil sa sobrang grabe ng itsura ng mga katawan na yon, feeling ko masusuka nanaman ako.
May ilang katulad nung nangyari kay Yaya Nerry. Parang pinagyestahan ng undead yung laman-loob. May ilan ding putol-putol na bahagi ng katawan. Putol na braso, putol na binti tapos pugot na ulo. Pero meron din namang simple lang ang pagkakahandusay sa sahig. Yun nga lang, kahit nasa loob kami ng kotse, medyo naaamoy pa rin namin yung masangsang at nakakasukang amoy na galing don.
"Tsk. Tsk. Nasa exclusive village palang tayo nito ah? What more kung nasa mataong lugar na tayo? Edi tumpok-tumpok na katawan ng mga patay ang makikita natin?" umiiling na sabi ni Elvis.
"At isang malaking squad din ng mga tulad nila." sabi ni Alex habang itinuturo dun sa may labas ng bintana yung ilang mga undead na nakuha na namin ang atensyon.
"Anong gagawin natin? Papatayin ba natin sila?" tanong ni Renzo.
Kinagat ko ng madiin yung labi ko at tinignan ko sila mula sa rear view mirror.
"No. Just leave them. Hindi sila ang pakay natin kaya tayo lumabas."
Nagpatuloy nalang sa pagdrive si Elvis. Buti nalang din at kabisado nya yung pasikot-sikot at mga daan palabas nitong village. Wala nalang din kaming nagawa kundi pagmasdan yung nakakapanlumong tanawin na nadadaanan namin. May nadadaanan kaming ilang undead pero hindi na nga lang namin pinapansin.
Sinundan ko ng tingin yung isang bahay na nadaanan namin. Para kasing may nakita akong..
"Wait. Elvis, ihinto mo tong sasakyan!" sigaw ko. Agad nya namang hininto yung sasakyan at mabilis akong bumaba.
"Oy san ka pupunta!"
"Wala kang pake, Alex! Sumunod ka kung gusto mo."
Tinalikuran ko sya at dahan-dahan akong naglakad papunta dun sa may bakuran nung bahay na yon. At dahil ang style nun ay yung usual na bahay sa America, mababa lang yung fence nun.
Actually kami lang ata ang tanging may malaking bakod dito e. Pero lahat naman ng mga bahay dito ay malalaki.
But back to the topic, dahan-dahan nga akong naglakad habang hawak ko na sa kanang kamay ko yung baril ko.
"Buwis-buhay ka nanaman, Crissa." bulong ni Alex sa tabi ko.
"Tae ka. Tignan mo kasi yun oh." sabi ko sabay turo sa kanya nung batang babae na nakatayo dun sa may pinto. Deretso syang nakatayo dun habang pinipihit yung doorknob.
"Eh ano? Balak mo pa bang mag-ampon, Crissa?"
"Peste!" sigaw ko sa kanya tapos mabilis akong lumapit dun sa bata. Mabilis pero maingat at dahan-dahan.
Nakatalikod sya kaya hindi ko makita yung mukha nya.
"Uy bata. Kayo ba nakatira dyan?"
Hindi sya sumagot kaya lumapit na ko ng husto at kinapitan ko sya sa braso. Nagulantang naman ako nang bigla syang humarap. May malaki syang sugat sa bibig at ang putla-putla pa nya.
Nalintikan na. Undead na pala ang isang ito.
Mabilis kong tinutok sa noo nya yung baril.
"Sorry.." bulong ko bago ko kalabitin yung gatilyo.
Tumalikod nako nun tapos kinaladkad ko na papasok sa pick-up si Alex. Nag-umpisa na uling magmaneho si Elvis. Tahimik na uli kaming apat habang nakatingin sa bintana habang bumabyahe.
"Sayang. Akala ko, buhay pa sya." bulong ko.
"Ganun talaga, Crissa. Sa nangyayari ngayon, asahan mo nang hindi lahat ng makikita mo, katulad pa rin natin." seryosong sabi ni Elvis na nakapagpalungkot pa sa akin.
Parang hindi ko ata kakayanin kapag nalaman kong isa sa mga kapatid ko, undead na rin. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at magpakamatay na rin ako..
"Wait Crissa, nagalit ka ba talaga samin dahil nagpuslit kami ng corned tuna? Sorry na oh.." napatingin ako kay Elvis at bigla nalang akong natawa ng malakas.
"Hahaha! Joke lang yun. Nainis lang ako dahil hindi kayo nagpaalam. Hindi ko naman kayo pagdadamutan e. Saka alam nyo namang favorite ko ang tuna. Pera ko rin kaya yung pinambili ko sa limang kahon na yun."
"Oo nga pala. Sumasamba ka rin sa tuna. Hahaha!" - Alex
"Basta wag nyo nalang uulitin. Kasi ang dapat nating intindihin, unahin natin yung iba. Dapat lahat tayo makakakain. Taggutom na nga, papairalin nyo pa rin ang katimawaan nyo? E baka di tayo magtagal pare-parehas nyan. Hahaha." sagot ko.
"Sorry na." - Elvis
"Oo. Di na raw uulitin ni Renzo." - Alex
"Pero si Sedrick at Tyron talaga pasimuno, Crissa. Maniwala ka." - Renzo
"Kasabwat si Harriette." - Elvis
"Pati si Alessandra." - Alex
"Si Renzy din." - Renzo
Natawa nalang ako sa sinabi nila at tumingin na uli ako sa bintana. Mga ilang minuto lang din ang nakalipas, nakalabas na kami ng village. Nakakapagtaka lang dahil wide open yung gate at wala na yung mga bantay. Siguro nagsitakbuhan na yun para iligtas ang buhay nila. Or baka, patay na rin sila..
Maluwag yung highway. Pero parang deserted naman dahil ni isang sasakyan, walang dumadaan. Wala ring mga tao. Tahimik na tahimik. Yun nga lang, magulo. Maraming nagkalat na kung ano-ano. Parang dinaanan ng bagyo.
Hininto ni Elvis yung pick-up sa tapat nung convenience store tapos bumaba na kami. At dahil nga salamin ang kabuuan non, mula palang sa labas nakita na namin yung loob. Malinis naman at walang undead.
At dahil hindi naman naka-lock, nakapasok kami agad dun. Pero alerto pa rin kami dahil anytime, baka may lumitaw nanaman na undead out of nowhere.
"Basta ako, kukuha ng alak saka chips." - Alex
"Okay na ako sa kahit ano. Basta makakain." - Elvis
"Ako, ayos na rin ako sa sexy magazines. Makita ko lang ang mga naka-bikining chicks na to, busog na busog nako." - Renzo
Sinamaan ko ng tingin si Renzo. Nag-peace sign naman sya sakin kaya di ko nalang sya pinansin. Hmm. Pero ayos to. Maraming mga canned goods. Mukhang wala pang ibang nakakapunta dito dahil almost full pa lahat ng shelf at rack.
"Shit! Si Kim Domingo ba to? Ang sexy oh!" - Renzo
"Pare, taggutom na. Hindi ka kayang busugin ng mga larawan na yan. Hahaha." - Elvis
"Oo nga. Kumuha ka nalang ng alak. Mag-inuman tayo pagbalik." - Alex
"Sshhh.. Wag kayong maingay. May naririnig akong kaluskos." saway ko sa kanila.
Tumahimik naman sila tapos nakinig na rin. May kumakaluskos talaga e. San naman kaya galing yun?
*blaaagg!!
Pare-parehas kaming natigilan. Napatingin kami sa isang nakasaradong pinto doon sa may likod ng counter.
"W-wag nyo akong sasaktan! P-please! Umalis na lang kayo.."
Shete. May iba pang tao dito bukod samin.
Hello mga ka-UDOTD! Salamat po nang marami sa increasing reads lalo na po dun sa powerstones at collections. Pati na sa comments. Ginagamay ko pa po nang mabuti itong app na ‘to kasi hindi ko pa kabisado. But anyway, salamat po talaga sa sumusuporta sa story na ‘to kahit bago palang ;)