アプリをダウンロード
66.66% CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 202: Chapter 52: Marupok

章 202: Chapter 52: Marupok

Marupok. Yan ang tawag sa mga taong madaling kumagat sa mga bitag. Yung tipong kahit hindi na bumilang ng sampu o kahit limampu, kakagat na yan. Parang ako lang. Boses palang nya. Tumba na.

Yung tipo na kahit alam nang may karelasyon o nakatali na. Di nila kayang tumanggi sa iba dahil nga... sa marupok sila. Pero choice rin pala ang pagiging marupok. Kung kaya mong kontrolin emosyon mo. Mananalo ka rito. Kailangan lang ng matinding kontrol.

Marupok naman tayong lahat pagdating sa ating mga mahal. Syempre, ikaw. Kung ang mahal mo ay may nagawang mali. Matik na masasaktan ka nyan diba?. Kahit ayaw mo pang aminin. Kahit paulit-ulit mo pang sabihin na, hindi okay lang ako. Pero sa totoo lang, kabaligtaran noon ang lahat. Na, masakit ang ginawa mo. Pero kalaunan, pag nagtext o tumawag naman sya. Sasagutin mo.

"Bamby.." dalawampu't beses na syang tumatawag. Noong una, ayoko talagang sagutin dahil galit talaga ako. Galit na galit. Kung pwede nga lang syang sapakin at sipain pailalim. Gagawin ko. Pero dahil nga sa marupok ang puso ko para sa Jaden ko. Di ko sya matiis.

"Bamby.." ilang ulit nya ba kayang ulit ulitin ang pangalan ko. I'm not used to that. Hindi kasi Bamby. Babe nga!

Stop it Bamby!. You two are off.

Mariin kong itinikom ang bibig upang wag lumabas iyon sakin. Ganuon ako karupok pagdating sakanya. "Ahm..." dinig kong suminghot sya. Piniga na naman ang aking puso. Bumaba ako at naglakad patungong tabi ng bintana. Tahimik na ang lahat dahil hating gabi na. Nililipad ng hangin ang puting kurtina na katulad rin ng isip kong di matigil kakahanap sa alaalang nabura. Masayang nakaraan kasama sya. Doon sa ilalim ng bintana ako umupo. Walang sapin sa paa. Magulong buhok. Mugto pa rin ang mata. Umiiyak pa rin ang puso ko pero wala nang lumalabas saking mata. Natuyot siguro. Pinatay ko ang ilaw saka nilakasan ang andar ng electric fan. Ayokong gumamit ng aircon dahil naulanan ako kanina. Baka tuluyan na akong sipunin pag nilagay ko.

"Una sa lahat, patawad.." Anya. Mahina na para bang naubusan na ito ng lakas. Itiniklop ko ang mga tuhod at doon yumuko habang nakikinig sa malalim nyang hininga. "Patawad kung nasaktan kita.." patuloy nya. Kagat na ang dulo ng kuko. Malakas na ang pintig ng aking puso. Kinakabahan sa susunod nyang sasabihin. "Patawad kung naging mahina ako..."

Lumalalim na ang kanyang paghinga. Tantya ko'y nagpipigil ng iyak. Wala akong maisip na gawin kundi makinig lang. Gusto kong marinig ang paliwanag nya. Iyon ang nakalimutan ko kanina. Ang pakinggan ang mga ito. Dala ng bugso ng damdamin. Nawala na sa isip ko iyon. "Hindi ko aakalain na ako rin pala ang sisira sa ipinangako ko..."

Atleast, now he knows. "Nangako akong mahal kita.. Totoo yun. Hindi nagbabago. Walang nagbago. Ngunit hindi pala iyon sapat para paniwalaan mo ako..."

Hell what!?. Oo, because trust is the foundation of any relationship. Agree?

"Jaden..." malungkot kong himig. Saka ko lang naisip na di muna sana ako nagsalita.

"Naging marupok ako.. hinayaan kong mahulog sa bitag ng emosyon ko.."

"Hinalikan mo sya.." Hindi ito tanong. Nasabi ko lang para linawin ang kanina pang makulit na utak ko. Ginugulo ako masyado. Nababaliw na ako. "Sya ang humalik sakin..." sagot nya.

"Hinalikan mo sya.." pag-uulit ko. Hindi kumbinsido sa naging sagot nya. Natahimik sya. Now I know. Nahihiya syang umamin. Ganyan yan eh. Nahihiyang sabihin ang kung anong totoong feelings nya. Kung di mo pa pilitin, di nya talaga sasabihin. "Ikaw ang naiisip ko noong--.."

"Hindi ako sya.." paglilinaw ko sa kanya. "Alam mo bang muntik na akong nabaliw kaiisip sa'yo?.. tapos tangina Jaden!. kitang kita ko pa kung pano mo haplusin.. ang kanyang hita...."

This is so freaking damn!. Hell!. Fucking! Lahat na ng mura. Kaya kong banggitin isa isa. Ganun natapakan ang pride ko. Sobra!

I heard him growl. "Bamby.." nanghihingi ng patawad ang kanyang himig. "Naging marupok ako... patawad.."

Kahit ilang ulit pa ata syang humingi ng tawad. Di na muling mabubuo tiwala ko. Unless..

Tumango ako kahit wala naman sya sa harap ko.

"You mean, inaamin mong.." di ko kayang sabihin ang nasa aking isip. Masyadong masakit banggitin.

Unless, he's true to his words.

"I know..hindi ko alam na pinsan mo pala sya.."

"Kung alam mo ba dati, gagawin mo pa rin yung-?.."

"No!." maagap nitong sagot. "No!. Never!.. but sadly.. I did.." putol putol nya itong sinabi. Na para bang nagsisisi. Aba! Dapat lang!!!.

Ako kaya gumawa nun sa kanya. Baka mas higit pa sa ginawa ko ang gagawin nya. Ayokong sukatin ang relasyon naming dalawa. Sadyang di ko lang mapigilan.

Kagat ang aking labing tumango. "Ang tanga ko lang dahil naniwala ako sa kanya.."

Tanga ka ngang talaga!. Sorry galit taalga ako.

"Stop it Jaden.."

"Hindi Bamby.. makinig ka.." huminto sya't huminga. "Nasa sala kami ni Niko. Nanonood ng tv.. Yung cellphone ko nakacharge kasi nilaro nya.. ayaw paawat eh.. umiyak para lang makapaglaro sa cellphone ko. Kaya ayun, di ko narinig mga tawag at text mo.."

"Tapos biglang dumating ang pinsan mo."

"Her name is Veb. " this is just my trial. Letting me know how will he react about her. So, this. Nalaman kong di nya pala kayang banggitin ang pangalan na yun. Or he's just lying. I don't know. Either?

"I don't know her name.. all I knew is yours.." wag kang magpakilig boy!. Di pa rin nagagamot nyan ang kasalanan mo. "Pumasok sya sa bahay na basang basa sa ulan. Niko, found her. Pinapasok nya ito. Nakita rin sya ni ate Kaya binigyan ng damit pampalit.."

"Pinapasok nyo nang di pa nakikilala?.. paano nga kung magnanakaw?.." oh well!.. She already stole what's yours bruh.. Why bitch!?. "Matapos nun, nagpakilala sya samin. Hindi bilang pinsan mo.. Iniwan din kami ni ate dahil kay Klein kasama ni Niko.."

"And?.."

"Hi-hinila nya ako sa labas.."

"Hmm.. nagpatangay ka naman?.."

"No.. damn!.. I mean.. hindi ko nga sya kinausap.. Basta bigla nalang syang umupo sa kandungan ko tapos humalik.. I don't even know.."

Why you're so naive?. sagot ko na hanggang saking isip nalang. "Jaden, what's done was done.. di ko kailangan ng paliwanag mo.."

"Pero Bamby?.."

"Sometimes.." huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. "The right way to love, is to leave..."

"Paano naman ako?. Paano tayo?.. Bamby?..wag naman.." biglang bumigat ang kanyang paghinga.

"Maghiwalay na muna tayo Jaden... ayokong nasasaktan ka.."

"Nasasaktan mo na ako Bamby..."

"Bukas na ang alis namin.. mag-iingat ka lagi..bye.."

"Bamby naman?.." agad ko nang pinatay ang linya. Maging ang cellphone. Inoff ko ito.

Masakit man ito para sa amin higit na sa akin. Subalit alam kong mas makakabuti ito para sa lahat. Lalo na saming dalawa.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C202
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン