アプリをダウンロード
54.68% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 35: Without You

章 35: Without You

CHAPTER 34

 -=Atilla's POV=-

"Good afternoon passengers, this is your captain speaking, in a few minutes we will be landing to Sydney Kingsford Smith International Airport, we hope that you had a great time flying with us and in behalf of my team thank you for trusting us, Welcome to Sydney Australia." ang narinig sa speakers nang eroplano, after more or less twelve hours ay nakarating na din kami sa Australia kung saan ko napiling pumunta.

Napili kong dito subukan buuin ang sarili ko dahil alam kong malayong isipin ni Ram na dito ako pupunta.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa akin habang naglalakad pababa nang eroplano at sumalubong sa akin ang Australia, sa totoo lang ito ang unang pagkakataon na magpunta ako sa bansang ito kaya naman hindi ko maiwasang hindi matakot kung ano bang naghihintay sa akin sa banyagang lugar na ito.

Na walang kakilala na kahit na sino, may business dito si Henry kaya naman pumayag itong dito ako tumuloy dahil kahit paano may mga mapagkakatiwalaan ito diumano na magbabantay sa akin, na para bang kailangan ko nang magbabantay sa akin.

"Welcome Ms. Atilla to Australia." ang nakangiting bati sa akin ng taong maghahatid sa akin sa tutuluyan ko habang nasa bansang ito ako.

"Thank you." sagot naman dito, sumakay na ako sa nakabukas na pinto nang kotse na maghahatid sa akin sa tutuluyan ko nasa mismong Sydney iyon, isang high end na condo unit na kinuha ni Henry para sa akin, kahit paano ay gumagaan ang dibdib ko kapag naalala ko si Henry pati na din ang asawa nitong si Ellaine, kahit paano ay nararamdaman ko naman na may mga taong handa akong mahalin sa kahit anong panahon.

"Well welcome Atilla." nakangiti kong bulong habang nililibot ang tingin sa loob ng unit, moderno ang lahat nang nasa loob nang unit na iyon halatang hindi biro ang perang ginastos ni Henry para sa titirhan ko ngunit kahit ganon ay ipagpapalit ko ito sa kubo basta kasama si Ram.

"Please tama na naman Atilla, tigilan mo na ang pagpapasakit mo sa sarili mo!" inis na inis ako habang kinukuskos ang wala na yatang katapusan na pagdaloy na luha sa mga mata ko, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi pa din maampat ampat ang pagdaloy nun sa mga mata ko, kung susundin ko ang puso ko ay pipiliin kong bumalik sa Pilipinas para lang makasama si Ram ngunit ginawa ko to para din sa kanya.

Matapos ang pag-iyak kon iyon ay agad akong dumiretso sa magiging kuwarto ko, at walang kagana gana kong inayos ang mga gamit ko sa aparador na nandoon na mismo sa loob.

Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog na si Ram pa din ang nasa isip, alam kong matatagalan bago ko tuluyang malimutan ang nararamdaman dito, and I need to endure every moment na hindi ko kasama o nakikita ang taong pinakamamahal ko.

Lumipas ang mga araw, na naging linggo at umabot na nang halos dalawang buwan ngunit walang pagbabago sa akin, mas lalo ata akong nalulungkot habang nag-iisa sa sarili kong unit, may mga tauhan si Henry na nag-aalaga sa akin ngunit hindi nakatulong iyon para maovercome ko ang kalungkutan na nararamdaman ko.

"Ms. Atilla tawag po mula sa Manila." narinig kong sinabi nang naghanda nang pagkain ko, si Ate Jenny isang Pilipinas na nakabase sa Australia na kinuha ni Henry para naman daw may makausap ako, ngunit parang wala lang sa akin kung may kasama ako dahil most of the time ay lagi lang naman akong mag-isa.

"Salamat Ate Jenny." nakangiti kong sinabi nito at matapos nitong iabot ang phone ay agad na itong nagpaalam para umuwi na, hindi kasi stay in si Ate, tuwing umaga at hapon lang ito at pagdating nang alas sais ay umuuwi na ito matapos magluto nang kakainin ko para sa hapunan.

"What the hell are you doing with your life Atilla?!" bigla kong nalayo ang handset sa tenga ko nnag marinig ko ang pasigaw na tanong ni Henry.

"Hell to you too Henry." natatawa kong sagot naman dito matapos mukhang mahimasmasan ito, at narinig ko pa si Ellaine sa kabilang linya na pinapagalitan ang asawa.

"Atilla bakit mo ito ginagawa sa sarili mo, bakit kinukulong mo ang sarili mo sa unit na yan, bakit hindi mo subukan magpakasaya, try to enjoy life." Henry said with a resigned voice, nararamdaman ko ang labis na pag-aalala nito sa akin.

"Alam kong nag-aalala ka lang sa akin Henry pero trust me ok lang ako, wala lang talaga akong hilig na gumala." paliwanag ko dito trying to convice him.

"I know you're not ok Atilla, hindi mo kailangan na itago sa akin ang katotohanan na iyan, and I want you to be happy..... kung wala nga lang talaga akong importanteng bagay na kailangan asikasuhin dito ay pupuntahan ka namin ni Ellaine eh." naiinis nitong sinabi na kahit paano ay nakapagpangiti sa akin.

"Thank you Henry, but you don't have to worry about me, yes nasasaktan pa ako pero sigurado akong mawawala din ito kailangan ko lang nang panahon para makapagmove on at makakalimot sa nararamdaman kong sakit." paliwanag ko dito na sinuklian nito nang napakalalim na paghinga.

"Just take care of yourself Atilla, lagi mong tatandaan hindi ka nag-iisa nandito kaming mga taong nagmamahal sa yo." Henry told her na nagpangiti sa akin and at the same time confuses me dahil hindi nangulit ito sa gusto nito.

Matapos kumain nang hinandang hapunan ni Ate Jenny ay naligo na muna ako at nagtoothbrush at wala pa atang alas ocho ay nakahiga na ako at katulad nang mga nakaraang araw ay napanaginipan ko si Ram, at sa tuwing nanaginip ako ay naalala ko ang masasaya naming ala-ala nang hindi pa nito alam ang totoo kong pagkatao.

Mag-aalas siyete nang umaga nang bigla akong magising nang may marahas na nagbukas nang pinto nang kuwarto ko sabay hawi nang kurtina sa kuwarto na biglang nagpasilaw sa mga mata ko.

"Please Ate Jenny gusto ko pang matulog." pakiusap ko dahil gusto kong balikan ang panaginip ko na kasama si Ram.

"Hell no Atilla!" inis na sinabi nito at agad akong napabangon nang mabosesan ko ang taong gumambala sa pagtulog ko.

"Nicole, what are you doing here?" naiiling kong sinabi sabay talukbong gamit ang kumot ko, ngunit sandali lang iyon dahil agad nitong hinatak ang kumot ko.

"The real question here is anong ginagawa mo sa sarili mo?!" naiinis nitong sinabi sa akin, at dahil alam kong wala naman akong magagawa ay bumangon na ako sa pagkakahiga.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." pagkakaila ko dito, avoiding her gazed ngunit alam ko naman na hindi ko maitatago dito ang katotohanan na patuloy pa din akong nagdudusa.

"Don't give me that bullshit Atilla! Akala mo ba hindi ko alam na hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa din? You need to move on with your life, kailangan mong harapin ang katotohanan na hindi ka mahal ni Ram!" malupit nitong sinabi na nagpadaloy nang luha sa mga mata ko.

"How dare you...." hindi ako makapaniwalang sasabihin ito sa akin ng bestfriend ko of all people ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko dito ay agad na nitong pinutol iyon.

"NO ATILLA! HOW DARE YOU! How dare you ignore those people that cares about you at lagi na lang bang iisipin mo si Ram?" hindi nito napigilan ang sariling hindi mapaiyak habang sinasabi ang bagay na iyon, bigla tuloy akong nahiya dito dahil tama ito madalas hindi ko pinapansin ang pagpapahalaga nang mga taong nagmamahal sa akin dahil ang sakit na nararamdmaan ko ang iniisip ko palagi.

"I'm sorry Nicole kung labis ko kayong pinag-alala, I know that I need to move on but it's easier said than done." malungkot kong sinabi dito.

"Wala naman nagsabing madali ang magmove on Atilla, pero paano mo magagawa iyon kung hindi ka gumagawa nang paraan para magmove on?" sinabi nito sa akin habang hawak nito ang balikat ko.

What she said made so much sense to me, ano nga bang mga pinaggagawa ko sa nakalipas na mga araw para matulungan ko ang sarili kong magmove on, ang lagi ko lang naman ginagawa ay ikulong ang sarili ko sa condo unit na ito, umiyak nang umiyak hanggang makatulog at umasang panaginipan si Ram sa tuwing matutulog ako, paano ko masisimulan magmove on kung ang sarili ko mismo ang kalaban ko.

"Anong kailangan kong gawin para makalimutan siya?" parang bigla akong nanghina nang mga oras na iyon dahil na din siguro sa pagod hindi nang katawan ko kung hindi nang emosyon na nararamdaman ko.

"Hindi mo siya kailangan kalimutan Atilla, ang kailangan mo ay ang maappreciate ang mga bagay na meron ka, mga bagay na mahalaga sayo, at naniniwala ako in time kahit maalala mo pa si Ram ay wala ka nang mararamdaman sakit sa dibdib mo." nakangiti na nitong sinabi.

"Please help me." pakiusap ko dito na parang mas lumapad pa ata ang pagkakangiti.

"Do you even have to asked?" nakataas na kilay nitong tanong sa akin, na nakapagpangiti sa akin, oh how much I love this girl!


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C35
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン