アプリをダウンロード
28.12% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 18: The Solution

章 18: The Solution

CHAPTER 18

-=Ram's POV=-

"Ahh ganon ba, pakisabi na lang na tumawag ako." saad ko sa kabilang linya, ilang mga supposed to be friends ko na ang sinubukan kong tawagan para hingan nang tulong ngunit ni isa ay wala man lang gustong tumulong. Talagang makikilala mo ang tunay mong kaibigan sa mga panahon na nangangailangan ka.

It's been three weeks mula nang malaman ko ang nangyari sa kumpanya namin at hanggang ngayon ay wala pa din akong nahahanap na solusyon at maski ang mga bangkong nilalapitan ko ay wala ding nagagawa.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dala nang frustration na nararamdaman ko nang mga oras na iyon, kasi naman only one week left para maayos ko ang dapat kong ayusin at kahit ngayon ay wala pa ding linaw kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Please Ms. Miranda, Sir Ram can't accept guest at this time." narinig kong pagpigil ni Tricia but knowing Miranda hindi ito magpapapigil.

"Let her be Tricia, you can go back to your station." I told my secretary and then she left, I ignored the looked that Miranda is giving me dahil mukhang nalaman na nito ang problema ko.

"So wala ka talagang sasabihin sa akin?" seryosong seryoso nitong sinabi matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

"Why should I mukhang alam mo na naman ang problema ko." sagot ko dito na patuloy pa din sa pagtingin sa mga dokumento na nasa mesa ko, nagulat na lang ako nang bigla nitong hatakin ang papel na hawak hawak ko, kaya naman wala akong nagawa kung hindi tumingin na dito at nagulat ako sa nakita ko nang makita ko ang malayang pagtulo nang mga luha nito.

"Wala ba akong halaga sayo Ram? Bestfriend mo ako, gusto kitang matulungan sa abot nang makakaya ko, o baka naman since hindi ako kasingyaman ninyo kaya wala na akong halaga sa buhay mo?" patuloy nito sa pag-iyak.

I sighed deeply not really sure what to say, sa totoo lang ayoko lang mag-alala ito sa pinagdadaanan ko lalo na't hindi ako sanay na humihingi nang tulong sa ibang tao lalo na sa mga taong malalapit sa akin.

"I'm sorry Miranda, alam mo naman na hindi ako sanay humingi nang tulong sa iba lalo na sa mga taong malalapit sa akin, ayokong guluhin sila sa mga ganitong bagay." I told her with a resigned voice.

"Alam ko naman iyon, at alam ko naman na wala talaga akong maitutulong financially pero makakatulong ako kapag kailangan mo nang kausap Ram, we've been bestfriends for the longest time at nandito lang ako para makinig sayo." nakangiti na nitong sinabi sa akin which I really appreciate, tama ito kailangan ko nang mapagsasabihan para gumaan man lang ang pakiramdam ko nang dahil sa problemang kinahaharap nang kumpanya.

Mas naging maluwag na sa loob ko ang sabihin ang problemang nakapasan sa balikat ko at tahimik lang ito habang nakikinig sa pagsasalita ko, I'm not really expecting to hear any solution from her, gusto ko lang may mapagsabihan nang problema ko, ayokong banggitin ito sa Daddy ko at kay Atilla dahil as much as possible gusto kong solusyunan ang pagsubok sa buhay ko nang sarili ko lang.

"Don't lose hope Ram, I'm pretty sure na malalampasan mo ang pagsubok na ito, ikaw pa." she said smiling trying to lift my spirit which didn't really work. I just smiled at her.

Hindi na din ito nagtagal dahil ayaw daw na nitong makaistorbo sa mga kailangan kong gawin nang araw na iyon, sa totoo lang wala na naman akong masyadong ginagawa kung hindi magtatawag sa mga taong maari akong tulungan pero kahit anong gawin ko ay walang gustong tumulong.

Bigla naman pumasok sa isip ko si Jeffrey Montebon, siguradong sigurado ako na tuwang tuwa ito sa nangyayari sa akin ngayon, knowing that guy he's just waiting for my downfall and sooner or later he will rub it to my face.

Imbes na magmukmok ay nagdecide akong dumiretso sa isang bar sa Quezon City para uminom, para kahit paano naman ay makalimutan ko ang pinagdadaanan ko.

Nakakadalawang bote pa lang ako nang makarinig ako nang nagsalita sa bandang kanan ko at kung mamalasin ka nga naman ang taong pinakaayaw mo pang makita ang makikita mo.

"What a small world, kamusta na Ram?" he said without even a hint of sincerity on his voice instead I can detect sarcasm in his voice.

"Just go away Jeffrey, I'm not in the mood right now." I told him hoping that he would listen but instead he joined me in my table.

"My my my, aren't you cranky today Ram, bakit may pinagdadaanan ka ba?" mocking me as if he doesn't know what's going on, dahil alam kong alam na nang upper class ang nangyayari sa mga negosyo namin, people in the upper class enjoy to gossip about someone else's fall.

"As if you didn't know what's going on Jeffrey and I bet you exerted efforts just to look for me and rub it to my face." I said still busy with my beer.

"I'm actually hurt right now, hindi ko alam na ganoon pala ang tingin mo sa akin." he looked hurt pero halatang haalata naman sa boses nito na kabaliktaran ang sinasabi nito, which is just ignored.

Nanatili lang akong tahimik at mukhang hindi pa din ito tapos at muli na naman bumanat.

"And besides Ram, what can you bet eh malapit nang mawala ang lahat nang bagay na pinagmamayabang mo?" bigla nitong sinabi, at hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para patulan ito, maaring ang alak na nainom ko, o dahil malaki talaga ang galit ko dito o hindi kaya gusto ko lang ilabas lahat nang frustration ko sa katawan.

Tuluyang tumumba ang table na naging sanhi para mabasag ang mga bote na nakapatong doon, hindi na ako nakakapag-isip nang matino habang patuloy ang pagpapaulan ko nang suntok sa pagmumukha nang taong ito na wala nang ginawa kung hindi sirain ang araw ko mula noon hanggang ngayon.

Naramdam ko na lamang ang malakas na paghatak sa akin mula sa likod sa akin nang kung sinuman.

"Let go of me!" galit kong sigaw dito ngunit hindi nito pinakawalan samantalang kahit duguan ang mukha ni Jeffrey ay nagawa pa nitong umismid, sabay dukot nang wallet nito sa bulsa nang pantalon.

"Ito na ang bayad sa ininom niya at sa mga nasira, kasi alam kong wala na yang pambayad." he said and then left.

Nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko ay saka lang ako natauhan, the bouncer escorted me out of the bar at para akong nanghina na napaupo sa gilid nang bar, gulong gulo na ang isip ko sa mga nangyayari, noon naman kahit anong gawin ni Jeffrey hindi ko pinapatulan ito ngayon lang talaga.

Parang wala ako sa sarili nang sumakay ako sa kotse, hindi ko nga agad nastart ang kotse ko, tahimik lang ako sa loob na nakatingin sa kawalan na para bang makikita ko ang sagot sa mga problema ko sa malayo.

Napapitlag ako nang marinig kong tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Atilla na nagregister sa phone doon ko lang napagtanto na bandang last nueve na pala nang gabi at malamang ay nag-aalala na ito lalo na't madalas sobrang aga kong umuuwi.

"Hello?" I said barely a whisper.

"Thank God Ram, kanina pa ako nag-aalala sayo, anong oras ka uuwi?" narinig ko ang pag-aalala sa boses nito and for some weird reason after all what' shit happening in my life ay nagawa ko pa din ngumiti nang dahil dito.

"Why? Did you miss me already?" nanunudyong sinabi ko dito bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang mahaping parte nang bibig ko saka ko lang kasi narealized na natamaan din pala ako ni Jeffrey.

"I'm serious Ram." sinabi nito.

"Sorry madami lang kasi akong kailangan ayusin, magpahinga ka na bukas na ako uuwi." I said at hindi ko na hinintay ang sagot nito at binaba na ang tawag, ayoko kasing makita ako ni Atilla sa ganitong sitwasyon ko.

Nag-iisip pa ako kung uuwi na lang muna ako sa bahay namin o magchecheck in na lang muna sa hotel nang muli na naman tumunog ang phone ko but this time, it's my Dad calling na biglang nagpakaba sa akin thinking na baka may nangyaring masama dito.

"Hello Dad?" agad kong sagot dito.

"Hello Ram, gusto kong umuwi ka muna sa atin ngayon may mahalaga akong sasabihin sayo, mukhang masasagot na ang problema natin?" he said at hindi ako makapaniwala sa sinabi nito na ilang segundo din bago naprocess nang utak ko ang narinig.

"Ram nandiyan ka pa ba?" nagising lang ako sa malalim kong pag-iisip nang muli itong magsalita.

"Hintayin mo ako papunta na ako diyan." sinabi ko dito at agad nang minaobra ang kotse at pinaharurot iyon.

Hindi ako makapaniwala na matapos ang ilang linggong paghahanap nang solusyon ay dadating ang ganitong pagkakataon.

Sa sobrang bilis nang pagpapaktabo ko nang kotse ay nakuha lang nang isang oras ang usual na dalawang oras na biyahe papunta sa bahay namin.

Dali dali kong hinanap si Dad at agad ko naman itong natagpuan sa study room na halatang kanina pa ako hinihintay.

"Mabuti naman at nakarating ka agad." halatang halata ang excitement sa boses nito at kahit naman ako excited na din dahil sobra na akong binabagabag nang mga nangyayari at sa wakas may maganda na ding nangyari.

"Anong ibig ninyong sabihin kanina?" tanong ko dito, ni hindi na ako umupo sa tensyon na nararamdaman ko nang mga oras na ito.

"Kahit ako din ay nagulat nang sinabi niyang tutulungan niya tayo." he answered.

"Paano niya tayong matutulungan?" maang kong tanong dito.

"He said na papahiramin daw niya tayo nang perang kailangan natin para mabayaran ang dapat na bayaran." sagot naman nito.

Hindi pa din ako makapaniwala na may taong tutulong sa amin lalo na't halos lahat nang nilapitan ko ay hindi ako nagawang tulungan.

"Sino naman ang gustong tumulong sa atin?" tanong kong muli dito dahil paputol putol ang ginagawa nitong pagkukuwento sa akin.

"Isa sa mga demands na hiniling nila ay ang itago na muna ang pagkatao nila hanggang sa tamang panahon." my Dad answered and to be honest I don't give a damn kung sino man iyon dahil ang mahalaga ay tutulungan nila kami.

A grin appeared on my face knowing that our problem will be solved because of that help.

"And by the way, another thing Ram." bigla nitong sinabi at bigla akong kinabahan nang makita ko ang seryosong itsura nito habang nakatingin sa akin.

"What's that Dad?' tanong ko dito.

Ilang minuto din itong hindi nakaimik at matapos noon ay huminga muna ito nang malalim bago muling nagsalita.

"You're getting married in the next two weeks." mahina lang ang naging pagkakasabi nito doon ngunit para namang bombang niyanig ang mundo ko nang marinig ko ang bagay na iyon, iniexpect ko na bigla na lang itong tatawa at sasabihing biro lang ang huling sinabi nito ngunit walang emosyon nang pagkukunwari akong nakikita sa mukha nito.

"Ipinagkasunod niyo ako?" hindi ako makapaniwala na gagawin iyon nang Daddy ko lalo na't alam na alam nito labag na labag sa akin ang ganoong bagay, dahil sanay akong ako ang nagpapatakbo nang buhay ko at hindi ko hahayaan na matali akong nang ganoon ganoon lang kahit pa masaktan ko ito.

"Hindi ako pumapayag lalo na't alam niyong against ako sa ganyang bagay." matigas kong sinabi dito at kita ko ang kalungkutan sa mga mata nito.

"I'm sorry Ram kung may ibang way lang ay ginawa ko na pero isa iyon sa naging demands nang taong tutulong sa atin." he said.

Parang biglang nawala ang lahat nang sayang naramdaman ko kani kanina lang, no wonder may nararamdaman akong hindi pa nito sinasabi.

Hindi ako makakapayag na patakbuhin nang kahit na sino ang buhay ko, ngunit anong magagawa ko kung ang mga negosyo na namin ang nakasalalay.

Parang mas lalo atang gumulo ang mga pangyayari sa buhay ko nang dahil sa taong gustong tumulong sa akin sa isang kondisyon na sobrang labag sa loob ko.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C18
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン