アプリをダウンロード
90.72% Love Connection [Tagalog] / Chapter 88: CHAPTER 68 – Team Player

章 88: CHAPTER 68 – Team Player

V4. CHAPTER 9 – Team Player

ARIANNE'S POV

"Arianne, can you please hand me the colander?"

Pagkarinig ko kay Natalie ay kusa akong napatango sa kaniya.

"Ah, ito o." 

Medyo nanginginig kong iniabot ang colander. Kinuha niya ito with her poker face on kaya mas nailang ako.

"Are you okay?" tanong niya na nagpaawang ng labi ko. Agad ay tumango nanaman ako. Nang ialis ni Natalie ang mata niya sa akin ay binaling ko ang atensyon ko sa dapat kong ginagawa.

Dapat ay bukas pa ang aming Food Technology subject pero dahil sa nag-joint class ang section namin sa class 3-C ay nakipag-shift ang klase namin sa oras ni Mrs. Basa. Si Natalie at Mishelen ang mga naging partners ko matapos naming magbunutan and actually ay maraming nagreklamo. Kami kasing dalawa ang rank 1 ng mga klase namin sa subject na'to at dapat daw ay i-distribute kami sa mga nangangailangan.

"Okay lang 'yan girls. This is a good opportunity for them to see what they will achieve when they work together. Good opportunity rin to sa iba para malaman natin kung sino ang may karapatan na maging housewives." 

Bukod sa tunog ng bagsak na paghinga ay sumabay pa ang pagsimangot ng mga kamag-aral ko matapos magsalita ni Ms. Diaz.

"Oh my, Bea!"

Napalingon ako sa grupo nina Pristine at nadatnan ko si Bianca na hawak-hawak ang isang improvised extended na sandok. Hawak niya rin sa kabila niyang kamay ang takip ng kaserola. Para siyang isang kawal na nakikipagbuno sa piniprito niya at hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa.

Lumingon sa akin ang nagpapaawang mukha ni Pristine. Wala naman akong magawa kundi ngitian na lang siya.

"Iyan, like that. Ngiti ka lang Arianne a. Nat, tingin ka dito," 

Bigla ay sumulpot sa tabi ko si Noreen. Walang ano-ano'y kumuha ng litrato.

"Perfect," saad niya saka parang inisa-isang tignan ang iba pang larawan sa camera niya.

"Oy, tulungan mo nga yung mga ka-grupo mo. Hindi yung istorbo ka dito," pagpuna ni Natalie.

"Nagbasag na ako ng itlog. Si Bianca naman nakatoka sa pagprito," paliwanag ni Noreen, still busy sa camera niya.

"E kung 'yang camera mo naman kaya ang basagin ko?"

Tumigil saglit si Natalie sa paghihiwa para titigan ng higit pa sa talim ng patalim na hawak niya si Noreen. Nang sabihin niya iyon ay impit akong natawa.

"Yah! Bad Natty," nakangusong sabi ni Noreen bago siya pumihit pabalik sa team niya.

Nakakatuwa yung banatan nila kaya medyo napahagikgik ako. Nakita ko rin kasi sa kanila kung paano kami nina Pristine at Bianca sa isa't-isa. Tumigil lamang ako noong mapansin kong nakatingin sa akin si Natalie.

"Sorry," agad kong nasambit. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahalo sa sauce na tinitimpla ko. Nilagyan ko ito ng cornstarch para maging thick.

"Huhugasan ko na lang Miss Natalie yung mga ginamit nating utensils a," paalam naman ni Mishelen.

Bukod sa maganda at talented ay may karisma si Natalie ng isang leader. Nasa dugo na nga ata iyon ng pamilya nila. Pero kung si Pristine ay may gentle aura sa nasasakupan niya, ang pinsan niya naman ay may pagka-intimidating. Intimidating si Natalie pero kapag nakilala mo siya ng personal ay oo nakakatakot parin siya pero mabait naman. 

May mga tao na sa salita pa lang ay hahanga ka na kaya ipagkakatiwala mo ang sarili mo sa kanila. Ganoon si Natalie at hindi ka mabibigo sa kaniya.

Hindi man maunawaan ng iba yung ugali ni Nat ay di naman nila maitatanggi na nakakaangat talaga siya pagdating sa ganoong characteristic. Noong makilala ko siya ay iyon ang unang hinangaan ko talaga sa kaniya mapahanggang ngayon. Kaya ng ako ang sinabi niya na maging leader ng cooking team namin ay tumanggi ako.

"A—Arianne, sa tingin mo okay na ba 'to?"

Tinignan ko yung ginagawa niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa sandok para ma-check kung partially cooked na ang karne ng beef stir fry na niluluto namin. Habang ginagawa ko iyon ay naramdaman kong parang nag-stiff ang hawak niya.

"Sige, pwede mo ng ilagay yung mga vegetables."

"Naiinitan ka ba?" tanong ko dahil pansin ko ang pagpula ng mukha niya. Agad niya naman akong inilingan. Wala siyang imik noong bigla niyang kunin yung mga gulay na kanina pa nakahanda.

Sunod ay nilagay namin ang sauce then a minute or two passed at natapos na kami sa aming dish. Tinikman namin tatlo yung gawa namin at lubos kaming natuwa sa resulta nito.

"Wow," sambit ni Mishelen at umakto na parang nagpupunas ng invisible na luha, "For the first time ever, sa tinagal-tagal ng panahon. Itong last year lang pala sa highschool ako makakatikim ng excellente sa cooking class."

Natuwa ako sa kaniya habang si Natalie ay nanatili pa rin ang tila pagkamangha sa dish namin.

"Ang galing mo talaga, Arianne," pahayag niya na ikinagulat ko.

"Ha? Hindi, ikaw 'yon," sabi ko na una niyang tinugunan ng masamang tingin kaya nakaramdam ako ng takot.

"No, it's you. From choosing the right beef meat, tenderizing it ahead of time and the mixture of your sauce... Nag-sear and stir lang naman ako," Natalie said gently. Dahil sa sinabi niya ay nawala ang negatibong nararamdaman ko. Masaya kong nginitian si Natalie.

"Kaya nga naging flavourful 'tong dish kasi nagawa mo yung ginagawa mo excellently. So is Mishelen, right? This is a team effort and I do think we made it because of your guidance as our leader."

Natalie huffed, humalukipkip siya then shrugged her head.

"O—Okay, if you say so," proud niyang sabi kasabay ang pamumula ng mga pisngi.

Aayusin na sana namin ni Mishelen ang ipe-present ng grupo namin kay Miss Diaz ngunit paglingon namin sa aming niluto ay nandoon ang grupo nila Pristine at dinudoktor na ang dish namin. Inis silang nilapitan ni Natalie pero napatigil siya't napalitan ang asar niya ng disgusted na mukha matapos iharap ni Bianca ang gawa nila.

"Exchange please."

"Yuck, what is that?!"

"Tongkatsu," sagot ni Bianca habang ngumunguya, "My gosh, ang sarap nitong gawa niyo. Unfair!"

"Tongkatsu? Tonkatsu. But why is that? Sunog?"

"Oo, kaya nga Tongkatsu. Natutong na Katsu," tugon ni Bianca saka nagtawanan ang team nila bago sumunod kaming lahat na nasa silid. Si Natalie naman ay hindi ata malaman kung matatawa ba siya o mamomroblema sa kausap niya.

♦♦♦

Dahil saktong tanghalian ang sunod pagkatapos ng Food Technology ay mostly lahat ng edible na nailuto ang pinananghalian namin. Kasalukuyan kaming kumakain sa ilalim ng puno dito sa Secret Spot. Sa gitna ay nakalatag ang Stir fry beef na gawa ng grupo ko, Pepper steak na bigay ng ibang grupo, fried rice at syempre yung Tongkatsu nina Pristine.

"Uy, may phone na siya. Downloadan natin ng ML tapos laro tayo."

Siningkitan ko ng tingin si Bianca na agad niyang tinugunan ng pagme-make face. Hindi ko na siya pinansin pero napalitan ng pagkagulantang ang nang-aasar niyang pagmumukha ng kunin ko yung gawa nila.

"Eww Aya, bakit mo kinakain 'yan?" Bianca looked at me with her disgusted face when I took one of their Tongkatsu. Hindi ko siya sinagot instead ay kinaskas ko gamit ang tinidor yung outer layer ng Tongkatsu hanggang sa makita ko na yung liwanag. Though nag-stay pa rin yung burnt taste e tolerable naman at enjoy na i-partner sa Beef Stir Fry dahil sa lutong nito.

Ginaya nila ang ginawa ko.

"I'm glad Aya na nag-decide ka ng magka-cellphone uli. Okay na siguro 'yang bago kesa gamitin mo pa yung dati. Kapag sa tingin mo na fully healed ka na doon mo na lang buksan uli 'yon," masayang sabi ni Pristine.

"Ah, actually di naman 'to bago. Pinahiram lang 'yan sa'kin ni Aldred. Pinaglumaang phone niya," paliwanag ko at bigla na lang nawala sa tabi ko yung cellphone. Inis kong nilingon si Bianca.

"Talaga?! Let us see! Let us see!"

Kahit si Pristine ay bigla ring nawala sa harapan ko at parang nag-teleport patabi kay Bianca.

"Oy, akin na nga 'yan," sabi ko kahit na alam ko na hindi naman papasok iyon sa kanilang konsensiya.

"Mga baliw, syempre binura na niya lahat ng laman nyan bago ipahiram sa akin," dagdag ko na sinuklian nila ng tawanan.

"Paano kung hindi?" tanong ni Bianca. Tinignan ko siya at naabutan ko ang nakangisi niyang labi. Na-curious ako dahil immerse na immerse ang atensyon nila sa screen tapos bigla pang humalakhak si Pristine.

"Buset! Pa-cute ang pucha! HAHAHA!"

The heck this girl!

Agad akong napatingala sa bintana ng Director. Mukhang wala naman siya doon. Sayang, kung narinig niya lang sana ang apo niya. Nilapitan ko sila at nang tignan ko ang cellphone ay nandoon sa screen ang pagmumukha ni Aldred. Nakasuot ng cat ears, paws up, naka-sad face at may pa-effects pa ng whiskers.

Ang cute.

Kahit ako ay napangisi.

"Papasa ako Bianca, bilis."

"Wait, tignan muna natin lahat. Ang dami pa o."

"Uy, that's private. Pinahiram niya lang sa'kin 'yan kaya stop."

Tinignan ako ng dalawa, mga ilang segundo na katahimikan bago nila ibalik ang kanilang atensyon sa screen at tumawa muli.

"Uy, hindi nga. Huwag niyo ipasa please." 

Muli ay nilingon nila ako. Binaba ni Pristine ang phone niya and acted like what she's supposed to do. Bianca slowly nods before looking at Pristine.

"Arianne sorry, sige hindi na namin papasa saka titignan," Bianca felt really sorry and so is Pristine. Binalik na nila ang phone sa akin. Curious din naman ako pero mali talaga ang mangialam. Ibabalik ko na lang muna kay Aldred ang phone para maialis niya yung mga pribadong laman nito.

Pagkatapos ng tanghalian ay lumipas naman ang oras para sa mga aralin. Tatlo pa dapat ang subject namin pero natigil kami matapos sa ikalawa dahil nagkaroon ng faculty meeting.

"Sige guys, punta na ako doon ha," paalam ni Pristine. Kasama siya sa a-attend ng meeting at sa pagkakaalam ko ay pag-uusapan nila ang programa para sa Buwan ng Wika. Pagkaalis niya ay binaling ko sa nakaupong si Bianca ang tingin ko.

Make up kit, hygiene kit, Mentos, isang kikay notebook na may nakasuksok na feathery ballpen sa gilid, Ipad at water bottle na may design na pusa. Iyon ang mga laman ng violet, no, PURPLE (ayon kay Bianca) bag niya na kasalukuyan niyang inaayos. Alam kong may tungkulin din si Bianca kaya't maiiwan akong mag-isa.

"Arrgh, nakakatamad. Pagkakataon na 'to para makapag-rank o. Aya, ikaw na lang kaya muna pumalit sa'kin," saad ni Bianca pagkatapos niyang magreklamo. Tamad na tamad niyang inihiga ang upper body niya sa desk. Tinignan ko lang muna siya. Yung walang gana na tingin. Certified addict. Kaya pala siya napa-absent ay dahil sa kakalaro ng MOBA. Inabot siya ng madaling araw kaya pagkagising ay tinamaan siya ng migraine.

"Baliw," sambit ko na nginitian niya lang.

"Mag-install ka rin kasi para may makasama ako."

"Ayoko."

"Eh? Pero masaya 'to, promise. Real Time Strategy, tapos makakalaban mo mga controlled ng tunay na tao. Hindi katulad sa mga nilalaro mo na JRPG."

Masama ko siyang tinignan dahil sa tinuran niya, "Ano problema mo sa mga nilalaro ko? Dapat nga matuwa ka kasi Japanese stuff 'yon," saad ko sabay angas ng ulo.

Ngumuso si Bianca.

"Syempre no, masaya ako. Kaya lang hindi naman ako maka-relate."

"Di ka maka-relate? Tama, kaya dapat di ka makialam."

"Sungit nito," nakangiting sabi ni Bianca na agad kong ini-snob.

Nagsisimula ng maglinis ang mga cleaners kaya kailangan na rin namin umalis. Though kahit pwede ng umuwi, sa labas ng academic building ay makikita mo ang mga estudyante kasama ang mga kaibigan nila, tila nagpapalipas ng oras. Rinig ko ang mga masasayang halakhakan sa paligid, mga biruan na aakalain mong bully-han, mga usapan tungkol sa mga trending ngayon sa social media.

"Uy nakita mo ba yung mansion doon sa Central? Sa tagal na residente ng pamilya namin doon parang nitong nakaraan lang namin nakita na inaayos 'yon."

"Talaga? Baka may nakabili na?"

"Binibenta ba 'yon? E di ba haunted 'yon? Takot kaya kami doon ng mga kalaro ko dati. Tapos nag-trending 'yon last year di ba as Mumu Challenge kasi may nakita raw na batang multo."

"Papansin lang 'yong nagpakalat noon. Hindi 'yon haunted. Panakot lang para walang mag-trespassed. Sa pagkakaalam ko kasi pagmamay-ari 'yon ng dating pinakamayaman na pamilya dito sa General City. Nagkandaloko-loko lang yung company nila and isa ata yung mansion sa mga hinold ng bangko."

"Ah talaga? Sad naman..."

Ilang taon na rin ako dito sa General City pero hindi ko pa nakikita ang sikat na haunted mansion na iyon. Sa pagkakaalam ko kasi ay nasa loob iyon ng Central Estates, isang exclusive na subdivision. Binalak namin dati nina Pristine na puntahan iyon dahil nga sa Mumu Challenge. Napurnada lang nang malaman ni Irene ang kalokohan niya.

Pagkatapos mag-usap ng mga kaklase ko ay umalis na rin sila. Napaisip tuloy ako kung saan ako maglalagi o uuwi na ba ako? Close din kasi ang art club ngayon dahil isa ang president namin sa a-attend ng faculty meeting. Napaihip na lang ako ng hininga. Medyo nakaka-frustrate kasi. Kung hindi lang busy sina Pristy at Bea ay baka papunta na kami ng Central Mall ngayon.

"Uuwi ka na?" saktong tanong ni Bianca habang nakahiga ang ulo sa desk at nakatingala ang tingin sa akin. Hindi ko siya nasagot kaagad dahil naagaw ng isa kong kaklase ang atensyon ko. Habang nagwa-walis kasi siya ay paatras siya ng paatras sa tuwing nagda-dust pan ng mga kalat na naipon niya.

Napagisipan ko na kung ano ang gagawin ko.

"Oo."

"Hindi ka na magpapasundo kay Aldred?"

"Ako na lang susundo sa kaniya," sabi ko na ikinalaki ng puyat niyang mga mata. Dumiretso si Bianca ng upo.

"Sure ka?" Hindi ko gets ang hindi makapaniwala niyang reaksyon.

Tumango ako at lumabas ang malisyoso niyang ngiti. Kulang na lang ay makita ko ang kadulu-duluhang bagang ni Bianca. Napasalubong tuloy ako ng kilay.

"May problema ba kapag ako 'yong sumundo sa kaniya?" I asked sincerely.

"Wala naman..." tugon niya na obvious na may nais iparating. "Hey Aya, what do you think of Aldred?" tanong niya pagkatayo at dahil dito ay di ko naiwasang mapakurap ng mga mata.

"Huh?"

Saglit na napatitig sa akin si Bianca bago ngumiti ang mga mata niya at humalakhak ang bunganga niya. Chinese beauty si Bianca, fragile look dahil sa figure niya pero ang totoo ay palingkera ang bibig niya.

"Ang ganda mo Aya kaya lang pakilinis minsan ang tenga a. Tanong ko kung anong tingin mo kay Aldred, bukod sa gwapo siya?"

"Ah..."

Tumango ako ng tatlong ulit. Hindi naman sa hindi ko narinig o naintindihan ang tanong niya noong una. Nagulat lang ako kung bakit niya kasi iyon naitanong sa akin.

"Okay naman... though noong una nakakainis siya."

"That's all?"

Napataas ako ng kilay.

"Oh, I forgot to tell. He's kinda creepy and cringe. Minsan kinikilabutan ako sa pinagsasasabi niya."

Humalakhak si Bianca, "Halika na nga," pag-aya niya at lumabas na kami ng classroom.

Alas-tres ng hapon at dahil sa isang oras pa bago mag-uwian sina Aldred ay pinili kong magpalipas muna ng oras sa canteen. Pagkapasok ko ay marami rin palang estudyante ang dito napiling mag-stay. Mostly sa kanila ay naka-grupo grupo nga pero mga nakatungo naman sa cellphone.

Humanap ako ng mapipwestuhan at paupo na sana ako noong bigla akong mapalingon sa direksyon ng isang sigaw.

"Savage!"

Base sa kulay ng I.D patch niya ay isa siyang Grade 8. Nakaagaw pansin man yung pagsigaw ng estudyante ay hindi naman siya nakaabala bagkus ay naging dahilan pa ng pag-ngiti naming mga nasa canteen. Tinignan ko siya at ang mga kasama niya. Nakakainggit dahil ilang taon pa ang gugugulin nila sa highschool.

Pagkaupo ko ay agad kong kinuha ang current book na binabasa sa ko bag "Dictionary of Body Language". Isa sa mga nakasaad dito na ang simpleng pag-eyebrow greeting sa iba ay pagpapaalam na kahit occupied tayo sa ating gawain ay bina-value natin sila. Nakailang pahina rin ako bago ako mabagot. Sa totoo kasi ay gusto ko talagang kalikutin yung cellphone na pinahiram ni Aldred kaya lang ay baka ma-tempt ako na tignan ang mga private pictures niya.

Huminga ako ng malalim, pumikit ng ilang segundo at pagkadilat ko ay dumirekta sa kaninang grupo ng magkakaibigan na naglalaro ng MOBA bumagsak ang paningin ko. Agad ay dinukot ko sa shoulder bag ko ang cellphone at pagka-unlock na pagka-unlock ay dumiretso kagad ako sa playstore para i-download ang laro.

Mabilis ang wifi sa vicinity ng SNGS kaya madali akong naka-download kahit pa malaki-laking file ito. Namangha rin ako dahil kahit pinaglumaan na itong cellphone ni Aldred ay hindi naman talaga outdated pagdating sa processor.

Muli ay napalingon ako sa grupo ng mga Grade 8 dahil may lumapit sa kanilang higher year level hawak-hawak ang kani-kanilang phone at tila nag-aaya maglaro. FYI ay wala akong balak laruin yung game. Itse-check ko lang dahil nagtataka ako sa biglaang pagkahumaling ni Bea lalo na't tanging mga dating sims lang na may mga bishounen characters ang nilalaro niya.

Pagka-install ay agad akong nagsimula maglaro. May pagka-DOTA at LOL ang gamestyle nito, mga games na hindi ko nakahiligan. Hindi kasi ako mahilig sa online games at gusto kong mga laro ay yung Solo play lang. Pero nakaka-engage yung game kaya pala nawili si Bea. Naglaro ako saglit, mga 2 classic games at ng papatapos na ako sa ikalawa ay saktong pagkatingin ko sa orasan ng school canteen ay 5 to 4PM na pala.

Shit!

"Shit!" nabulalas ko na lang sabay tayo. Hindi ko namalayan ang oras kaya't madali ay umalis na ako ng canteen.

ALDRED'S POV

Dahil sa pagmamadali ay patakbo akong pumunta ng SNGS. Nasa may kalahati na ako ng pathway patungo sa school ni Arianne nang bigla akong mapahinto dahil sa gulat.

A—Anak ng! Halos mabulalas ko nang parang kabute na sumulpot si Arianne sa aking harapan. Humahangos siya dahil sa hingal.

Napatitig ako kay Arianne. Her face glistened with her sweat. Her red cheeks, the orange sunshine and the golden green surrounding. Papatapos na ang araw and yet God let me see such view.

Saktong-sakto ang pagtama ng sikat ng papalubog na araw sa pulang-pula niyang pisngi at dahil doon ay para siyang subject ng isang painting or photography. Ngumiti si Arianne at tumigil ang mundo ko. Ngayon ay pwede ng lumubog ang araw dahil buo na ang araw ko.

"Hey," pag-agaw niya sa aking lumilipad na atensyon. Hindi ko alam kung dahil sa pagod siya kaya lumambing ang tinig niya.

"He—Hey," utal kong naitugon dahil sa ewan... kilig? Tama bang gamitin ng lalaki ang term na iyon?

Napangisi ako.

"Lagi ka bang nagmamadali kapag sinusundo mo ako?" nakasalubong ang kilay niyang tanong.

Kasalukuyan kaming nakatigil at nakaharang sa pathwalk. Inikot ko ang aking mata at nakatingin sa amin ang ilang estudyante. Yung iba ay parang sinadya pa nga talagang tumigil para pagmasdan kami. Binalik ko kay Arianne ang aking atensyon at nakita ko ang pagka-concern sa kaniyang ekspresyon.

"Hindi, ngayon lang."

Arianne nodded but her eyes showed doubt.

"Oo nga, ngayon lang talaga," paga-assure ko sabay ngiti. Sa totoo ay hinihingal din ako kanina kaya lang noong makita ko siya ay tila napawi ang pagod ko; "Pero maaga ata kayo ngayon?" Iniba ko ang usapan.

"Ah, oo, wala kasi kaming klase sa last subject kaya naisipan kong ako naman yung sumundo sa iyo," saad niya na nagpalaki ng aking tenga.

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

"Susunduin mo ako?"

Ngumiti siya, "Oo."

Hindi ako nakapagsalita. Napayuko ako at napakamot sa aking batok. Kakaiba ang tyan ko. Parang may mga bubuyog na kumawala dito at nag-iwan ng mga matatamis na honey. Parang inatake ako ng sugar rush dahil bumilis ang kabog ng puso ko.

Sa mga set-up ng mag-boyfriend at girlfriend ay norm na na ang lalaki ang dapat na magpo-proprotekta sa kaniyang partner. Kapag nagdi-day dream ako minsan about sa amin ni Arianne ay ganoong set-up din ang nasa isipan ko. Yung ako yung mag-aalalay sa kaniya, magbubuhat ng mga pinamili niya, magpapayong saka magtataboy ng mga manggugulo sa kaniya. I want to be the cool guy for her, the manly one but I realized that my Arianne is way cooler than me. Hindi siya katulad ng ibang babae na naghahanap ng lalaki para pagsilbihan sila. My Arianne is the kind of woman who needs no man because she can do things on her own and I think that is one of the reasons why I fell for her more.

"Aldred, gusto mo bang kumain sa Central?" Arianne asked na nagpalaki ng aking mga mata. Sa pagkagulat ko ay di nag-proseso ng matino ang kokote ko.

"Magdi-date tayo?"

"Huh?"

Umiling ako, "Ano, hindi, I mean, syempre naman gusto ko basta libre mo," masaya kong sabi at tumawa siya.

"Yes, my treat. I want to thank you for lending me your phone kasi," saad niya.

Arianne smiled so bright making my heart melt. Natigil lang ito at agad na nagyelo noong maalala ko ang rason why I ran to fetched her.

"Arianne, nakita mo ba?" nahihiya kong naitanong.

Namilog ang mga mata ni Arianne, tila na-gets niya ka agad ang tanong ko. She looked sideways then dumukot sa shoulder bag niya at ni-hand sa akin ang phone.

"Actually, hindi lang ako yung nakakita. Si Bianca saka Pristine din. Sorry, hiniram kasi nila yung phone. Hindi ko naman alam na may pictures mo pa pala," Arianne said with her sorry eyes. Gusto kong suntukin ang sarili ko. Hindi ko naman siya nibi-blame kaya ayoko ng ekspresyon niya.

Gee, I hate myself for making her blame herself.

"Mamaya ko na lang tanggalin, habang kumakain tayo," sabi ko kaya ibinalik na niya sa kaniyang bag ang phone. Naglakad kami patungo sa sakayan ng jeep.

"Don't say sorry, it's my fault for being careless. Anyway, okay ba yung phone? Nagamit mo ba ng maayos? Nakatulong ba sayo? Saka... nakita mo ba lahat ng pictures ko doon?" nahihiya kong tanong at nakita ko kung paano ngumiti si Arianne. Hindi ko tuloy alam kung lulubog ba ako sa kahihiyan o lilipad sa kalangitan.

"Yes, it did help me a lot. Hindi ako pamilyar sa brand na 'to pero nice. Mabilis mag-process. Na-try ko kanina kasi nag-DL ako ng ML and smooth yung gameplay ko."

Napatigil ako sa paglalakad.

"Naglalaro ka ng ML?"

"Sinubukan ko lang kanina. Vacant kasi, ako lang mag-isa. Wala akong magawa. Saka inalam ko kung bakit na-addict si Bianca sa larong 'yon."

"Ikaw lang mag-isa?"

"Nasa meeting kasi sina Pristy and Bianca."

"Okay... Ano IGN mo? Saka naka-connect ka ba sa fb?"

Saglit na napatitig sa akin si Arianne bago sumagot, "Multiplier... Nako-connect 'yon sa fb?"

Tumango ako then in-explain ko pa sa kaniya lahat ng nalalaman ko tungkol sa ML. Hindi ako mahilig maglaro ng ML pero naka-install ito sa aking phone dahil kay Carlo. Minsan kasi ay nagpapasama siya mag-rank.

"Actually bago-bago pa 'yang phone. Nag-upgrade lang ako for bigger memory saka RAM. Gaming phone 'yan kaya maganda."

Tumango si Arianne at ngumiti. Ang ganda niya talaga pero hindi niya pa sinasagot yung huling tanong ko.

"Arianne, ano, yung pictures ko. Hindi naman sa may tinatago ako doon a pero nakita mo ba lahat?" Maingat kong tanong uli at parang may kumislap sa utak niya dahilan para bigla siyang umiling.

"Hindi, isa lang. Pinigilan ko kasi agad sina Bianca kaya di na namin nakita yung iba," sagot niya na mag bibigay sana ng relief sa aking sistema hanggang sa tumunog ang messenger ko. Lumabas ang icon ng pinaka-bully na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko.

PRISTINE: *LOL Emoji*

PRISTINE: Sent images.

Halos maisabuhay ko yung painting na The Scream ni Edvard Munch noong lumitaw ang imahe na ni-send ni Pristine. Nagtataka akong nitignan ni Arianne. It looks like she's oblivious to what Pristine is doing and I know that she really is!

"May problema ba?"

Umiling ako sabay tago ng aking phone. Ayoko kasing ipaalam sa kaniya dahil panigurado ay iintindihin niya pa iyon. Sakto naman ay nakarating na kami sa sakayan at may jeep ng nakaabang doon kaya hindi na muna kami nag-usap pa pagkasakay.

♦♦♦


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C88
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン