アプリをダウンロード
81.44% Love Connection [Tagalog] / Chapter 79: CHAPTER 60 - Knock Before You Enter

章 79: CHAPTER 60 - Knock Before You Enter

V4. CHAPTER 1 – Knock Before You Enter

NO ONE'S POV

"Kamusta na anak si Arianne?"

Sabado at kasalukuyang nag-aalmusal ang pamilya ni Bianca sa kanilang dining area. Dahil sa tanong ng ama ay napalingon si Jerome sa kapatid. Katulad ng kaniyang step-dad ay pareho silang naghintay ng kasagutan.

"Medyo okay na naman po."

Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang Joint Foundation Event ng Northern Integrated Academy at St. North Girls' School. Isang linggo na rin magmula noong mahimatay si Arianne. Inisyal siyang nagising ng walang alaala ngunit kalaunan naman ay unti-unti itong nagbabalik.

"Pero nakakagulat na bigla na lang nawala na parang bula yung mga alaala niya... Posible pala iyon?" pagtataka ni Caroline.

Kakasubo lang ni Bianca ng kaniyang almusal kaya't noong marinig niya ang tanong ay mapait siyang napalunok.

"Sabi ni Tito Alex posible raw po ayon sa doctor..." saad ni Bianca. Nakadama siya ng lungkot at the same time ay pagka-inis. Naiinis siya kay Arianne dahil sa paglilihim nito pero mas naiinis siya sa kaniyang sarili. Matagal na niyang alam na may kakaiba sa kaibigan ngunit kahit kailan ay hindi siya naglakas loob na kalkalin kung ano ito.

"Really? Nakakaawa naman... Anong rason? Nakita ko na si Arianne and she looks healthy. Is it psychological?"

Malungkot na tumango si Bianca.

"We talked to Tito Alex kahapon and he revealed to us that Aya has a dissociative amnesia. The last occurrence was 2 years ago when she was studying at SES. Matagal na kaya akala nila hindi na uli mangyayari pero ito nga po, nangyari."

"Dissociative amnesia? Does she have trauma? Something should have triggered her to push the button," pahayag ni Benjamin.

Napalingon si Bianca sa nakikinig lamang na si Jerome. Nang mag-abot ang paningin nila ay nginitian siya ng kaniyang step-brother. Napalukso ng aksyon na iyon ang kaniyang puso at kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam niya.

"I don't know Pa... pero si Tito Alex, yung Papa ni Arianne, naaawa po ako sa kaniya. He looked really stressed out when Pristine and I talked to him. Parang sinisisi niya po yung sarili niya."

"Why? Are Arianne and her Dad not on good terms?"

"Uhmm, it's not that they're not in good terms... pero parang hindi kasi sila ganoon ka-close," tugon ni Bianca.

Napatitig si Benjamin sa kaniyang unica hija. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mata ng anak. Matagal silang hindi nagkasama ni Bianca kaya hindi niya alam kung ano pang mga bagay ang bumabagabag dito. Huli niyang nakita na naging malungkot ang anak noong mamatay ang una niyang asawa.

"Bianca, anak, I know you are worried but do not. Magiging maayos din si Arianne."

Matipid na ngumiti si Bianca.

"Alam ko naman po Dad, pero nakakainis kasi siya. Kaibigan niya kami e, siguro sa ibang bagay matatanggap ko na pinaglilihiman niya kami pero hindi sa kondisyon niya. Kung alam lang namin e di at least at least— "

"At least what?"

Napatigil si Bianca saka napalingon kay Jerome, "At least..." Nakaukit na sa dila niya ang nais niyang iparating ngunit kagaya ng tocino at sinangag na kaniyang kinakain ay minabuti na lang niya na lunukin ito.

"I'm glad to have a caring sister, pero sa tingin ko may rason kung bakit ayaw ipaalam ni Arianne sa inyo yung kondisyon niya. Isa pa, kahit malaman pa nating lahat yung kalagayan niya, wala pa rin tayong magagawa. Hindi natin hawak ang emosyon niya."

"Alam ko, hindi ko naman talaga mahahawakan yung nararamdaman niya. Ang gusto ko lang ay masuportahan siya para tumibay yung loob niya."

Nagkaroon ng hindi matinag na pagtititigan ang dalawang magkapatid at natapos lamang nang magsalita si Caroline.

"Tama si Bianca anak. Sa tingin ko ay mahirap unawain at i-handle talaga yung mga ganoong klase ng sakit. Pero sa lahat ng bagay, makakaramdam ka ng ginhawa kapag naramdaman mong may sumusuporta sa iyo di ba?"

Sa sinabi ni Caroline ay may naalala si Jerome. Kung paano niya nakitang maghirap noon dahil sa sakit ang kaniyang ama. Iyong panahon kung saan gusto na niyang sukuan ang Panginoon. Pero hinandugan siya nito ng isang tao na nagparamdam sa kaniya na kakayanin niya ang lahat at iyon ang babaeng nasa harap niya.

"Tama ka po Ma, pasensya na," saad ni Jerome bago ibalik ang tingin sa kapatid.

"Sorry, Bianca,"

Pagkatapos mag-almusal ay si Bianca ang naghugas ng mga pinagkainan. Pagkatapos maghugas ay nagpunas naman siya ng kanilang mga kagamitan sa sala. Nagwalis din siya at nag-vacuum. Mabilis nagawa ni Bianca ang kaniyang mga household chores. Umakyat siya sa kaniyang silid para magpahinga. Dahil pawis na pawis at wala pa siya sa mood na maligo kaya naisipan niya na lang na magpalit ng pang-itaas. Aktong huhubarin na sana niya ang kaniyang tshirt nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kaniyang silid.

"Bianca, nakita mo ba—"

Parehong napatigil ang dalawa. Ang mga mata ni Bianca sa mata ni Jerome habang ang mga mata ni Jerome ay nasa katawan ni Bianca. Mabilis na umakyat ang dugo ni Bianca sa kaniyang pisngi bago rattled na kumuha ng kung anong pwedeng ibato kaya lumipad sa mukha ni Jerome ang isang cellphone.

"BASTOS!"

"AWW!"

Masakit ang noo ni Jerome pero hindi niya maiwasang matawa. Pinulot niya ang gadget sa sahig at saka tumuloy na pumasok sa silid. Marahan niyang isinara at ni-lock ang pinto.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!" Bulyaw ni Bianca kasabay ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

"I'm sorry," pagpapaumanhin ni Jerome habang naka-plaster sa mukha niya ang may pagkamalokong ngiti. Iniabot niya kay Bianca ang cellphone na inis naman nitong kinuha.

"Nakita mo ba yung bagong dyaryo?" tanong ni Jerome na nakaani ng sama ng tingin ngunit hindi ng sagot.

Hindi pinansin ni Bianca ang tanong dahil nagsisimula na siyang mag-panic. Ayaw kasing magbukas ng kaniyang cellphone.

"Oh, my gee! Bakit ayaw na?!" Mariin niyang pinindot ang on button, inalog niya pa ito, hinampas sa kama pero hindi talaga ito mabuksan.

"Mas hindi magbubukas 'yan kapag ginanyan mo."

Masamang sinipat ni Bianca ang kapatid, "Kasalanan mo 'to e!" bulyaw niya kasabay ang mangiyak-ngiyak na tingin. Napakamot si Jerome sa kaniyang ulo. Umupo siya sa kama at kinuha sa kamay ni Bianca ang cellphone.

"Sa tingin ko sira na talaga," saad ni Jerome matapos usisain ang cellphone.

"This is worst! Ang tigas kasi ng bungo mo."

Jerome felt really sorry pero at the same time ay hindi niya maiwasang matawa sa remark.

"Sorry na... may ipon ako, bilhan na lang kita ng bago. Tapos pa-recover na lang natin kay Carlo yung mga files mo, okay?"

Mas sumama pa ang tingin ni Bianca sa kaniya, "Huwag na," saad niya saka tumayo. Paalis siya pero agad ay kinuha at hinila ni Jerome ang kaniyang kamay para ibalik siya sa kama.

"Sige na, kahit na anong cellphone na gusto mo bibilhin ko," pagsamo ni Jerome kasabay ang nangungusap niyang mga mata.

Naiirita si Bianca ngunit agad nanlambot ang puso niya. Jerome knows her too well. Alam nito na ang ganoong mga tingin ang kahinaan niya. Napalunok si Bianca para kontrahin ang kakaibang pagtibok ng kaniyang puso pero mas bumilis ito noong tumabi si Jerome sa kaniya.

"H—Hey, pa—pawis ako,"

"So what?" nakangising reaksyon ni Jerome bago sadyaing itama ang ilong niya sa batok ni Bianca dahilan para mapaigtad ito.

"You smell like butter," he smiled, "Body lotion?" Iyon ang sa tingin ni Jerome na naaamoy niya. Nakakaadik kaya di niya napigilan ang sarili. Ibinaba niya ang kaniyang ilong patungo sa leeg ni Bianca. Bukod sa pang-amoy ay gumana rin ang isa pang uri ng kaniyang pandama. Dinig na dinig ng dalawang tenga ni Jerome ang kabadong paghinga ni Bianca.

"Si—Sira," sambit ni Bianca.

Inilakbay ni Jerome ang paningin niya sa magandang mukha ng katabi. Sa singkit na mga mata nito, maliit at matangos na ilong, at kulay rosas na labi. Jerome's face may look calm but his feelings are the opposite. 

Tinulak ni Bianca si Jerome.

"Maliligo na ako," sabi ni Bianca pagkatayo.

Hindi agad naka-react si Jerome. Ngayon kasi ay naramdaman na niya ang kanina pang kumakabog niyang dibdib. Nakaramdam siya ng di mapaliwanag na disappointment, frustration at pagkabitin. Na-imagine niya kung ano pa ang pwede mangyari kung sakaling itinulak niya pahiga si Bianca.

"Sige, maligo ka na. Maghihintay ako sa baba," 

"Bakit mo naman ako hihintayin?" nakakunot ang kilay na tanong ni Bianca.

"Di ba sabi ko sayo bibilhan kita ng bagong phone."

"Pupunta tayo ng Central?"

Tumango si Jerome.

"Ta—Tayong dalawa lang? Di ba pa—parang ano, parang—" nakangusong umiwas ng tingin si Bianca.

"Mag-date tayo. Okay lang ba?" Jerome ends Bianca's sentence.

Agad nag-init muli ang mukha ni Bianca kaya't napayuko siya. She was so delighted on what she heard. Nakangiti niyang binalik ang tingin kay Jerome at masaya siyang tumango.

♦♦♦

Alas-syete ng umaga ay nasa harapan na ng 10-seater long dining table ang pamilya Vicereal. Si Victoria sa head seat sa isang dulo habang ang anak naman niya na si Veronica ang nasa opposite side. Katabi ni Veronica sa right side ay ang kanyang anak na si Pristine na tila kakagising pa lamang dahil nakasuot parin ito ng pajama. Sa hapag ay nakalatag ang masasarap na almusal. May toast, plain pasta, eggs, skinless fish at samu't sari pa. Sa tuwing mauubos ang nasa pinggan ng mga kumakain ay agad silang pagsisilbihan ng mga kasambahay na nakatayo sa kanilang paligid.

"Pristine, umakyat ka sa silid ko pagkatapos mong kumain," atas ni Veronica pagkatapos niyang higupin ang natitirang kape sa kaniyang tasa. Sasalinan pa sana ito ni Manang Soledad na agad naman niyang tinanggihan.

"Okay na po, Manang," saad ni Veronica saka akmang tatayo pero natigil nangg magsalita ang kaniyang ina.

"Nasaan na si Natalie? Bakit hindi pa siya bumababa?"

Walang sumagot.

"Pristine?" Pasubo na sana si Pristine ng pasta pero natigilan siya ng tumingin sa kaniya ang kaniyang lola.

"Naliligo pa po siya noong bumaba ako," sagot ni Pristine bago sa isang iglap naman ay lumitaw ang kanilang hinahanap.

Nakaayos si Natalie. Nakasuot ng denim jacket na nilolooban ng isang white crew-neck sweater habang black skinny pants naman ang pambaba na tinernuhan ng isang pares na black leather pumps. Halata rin na nag-curl siya ng kanyang buhok. Naka-make up din si Natalie though yung light lang. Lagi naman siyang nagme-make up pero tila may kakaibang glow ito ngayong araw.

"May date ka ba iha?" natanong ni Manang Soledad dahil sa kaniyang pagkamangha sa senyorita. Biglaan tuloy namula ang pisngi ng dalaga.

"H—Huh? Wala po," agad na sagot ni Natalie.

"Saan ang punta mo?" tanong ng kaniyang lola.

"Pupunta po ako sa agency."

"Nang ganito kaaga?" tanong muli ng lola niya.

Hindi nagsalita si Natalie sa halip ay marahan lamang siyang tumango.

"Mauna na po ako," paalam ni Natalie ngunit bago pa man siya makahakbang ay napigilan na siya ni Veronica.

"Kumain ka muna," sabi ng kasalukuyang head ng Vicereal Family. Gusto na sana talagang makaalis ni Natalie pero hindi niya kayang tanggihan ang utos ni Veronica kahit na wala itong karapatan na pakialaman siya. Umupo si Natalie sa tabi ni Pristine.

"Manang, pwedeng pakilagyan ng kape itong tasa ko."

Nagulat si Manang Soledad pero agad din niyang sinunod ang utos ng kaniyang amo. Pagkalagay ng brewed na kape ay agad humigop si Veronica.

"Pero tama si Manang... Natalie iha, wala ka bang ipapakilala sa amin? You're in the modeling industry. Sigurado ako na maraming kalalakihan ang nagpaparamdam sa'yo," saad ni Madam Victoria.

Napahinto saglit si Natalie bago ngumiti, "Of course, lola. I have a lot of suitors," Natalie proudly answered, "It's just that, I don't see anyone of them as a potential partner. Ayoko naman po na masayang ang oras ko sa isang tao na walang kasiguraduhan."

Kakaubos lamang ni Pristine ng laman ng kaniyang plato. Aalis na sana siya ngunit dahil sa mga sinabi ng kaniyang lola at sa sinagot ni Natalie ay napakuha pa siya ng isang itlog at dalawang toast para lang magkaroon siya ng dahilan na manatili sa hapag. Napalingon tuloy kay Pristine si Veronica.

"Tama nga naman," side comment ni Manang Soledad na ikinangiti ng lahat ng nasa dining area. Saglit ay tumahimik para bigyang daan ang kanilang pag-aalmusal. Nag-iikot si Natalie ng pasta nang muli ay magsalita ang kaniyang lola.

"Iha, our business partners... some of their sons have taken interest in you. I can introduce you to them so that you can find your match."

Napatigil si Natalie at napatitig sa malayong head seat. Hindi niya pa nasusubo ang pasta pero nauna na siyang lumunok dahil sa suhestyon na ibinato sa kaniya. Lahat ay nag-aabang sa sagot niya.

"Ah, kasi po lola, sa totoo lang mas-priority ko po kasi yung studies. Mas maigi siguro kung hindi po muna ako pumasok sa relationship habang nag-aaral ako," paliwanag ni Natalie sabay yuko para isubo ang kaniyang pagkain. Kahit na nasa ibang direksyon ang tingin niya ay naaninag niya pa rin ang pag-make face ni Pristine. Pasimple niyang tinadyakan ang kapatid sa ilalim ng mesa.

"Aw!" reaksyon ni Pristine na napansin ni Veronica.

Magsasalita pa sana si Victoria pero naunahan siya ng kaniyang anak.

"Pagkatapos mo sa Agency saan naman ang diretso mo?" Napatingin si Natalie sa malapit na head seat. Gusto niyang labanan ang tumatagos na titig ni Veronica pero katulad kay Pristine ay tila hawak pa rin siya sa leeg nito.

"Sa—Sa may Marigold Heights, bibisitahin ko si Arianne," sagot ni Natalie sabay mabilis na inalis ang tingin sa nagtanong sa kaniya.

"So, the outfit," bulong ni Pristine. Mahina pero enough para marinig ng dalawa niyang katabi. Muli ay nakatanggap siya ng tadyak galing kay Natalie na gagantihan niya sana pero agad silang umayos ng tumayo ang kanilang ina.

"Mag-ingat ka," Tight man ang expression ng sabihin iyon ni Veronica ay isa pa ring uri ng affection ang ipinarating niya. Isang bagay na madalang maramdaman ng anak mula sa kaniyang ina.

"O—Opo," sambit ni Natalie kasabay ang pamumula ng kaniyang pisngi.

"At ikaw," Inilipat ni Veronica ang atensyon sa taga-pagmana niya, "Pristine, natapos ng matahi yung susuotin mo para sa debut kaya iwas-iwasan mo ang pagkain ng marami."

Impit na natawa ang lahat ng nasa dining area nang marinig ang sinabi ni Veronica.

♦♦♦


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C79
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン