V1. CHAPTER 13 – Prince Charming
ARIANNE'S POV
"Okay, ayos na iyong program at kumpleto na rin yung mga booths. Siguro dagdagan na lang natin ng mga magmo-monitor."
"He has a gentle voice compared to that Aldred guy," I mumbled to myself while looking at Jerome who is currently speaking at the front. Mas matangkad siya kay Aldred pero pareho lang sila ng body built. Kulay brown ang buhok niya na medyo mahaba at messy ang style. Katulad ng boses niya ay maaaninag din ang gentleness sa mga mata niya. Kahit wala siyang dimples ay sapat na ang ngiti niya para sa akin.
I love you, Arianne…
EEEK!
Napailing na lamang ako nang biglang pumasok sa sistema ko ang tinig ng lalaking iyon pati ang biloy sa mga pisngi niya. Parang bumabaligtad ang sikmura ko at gusto kong dumuwal.
Kasalukuyang ginaganap ang meeting at lahat ay busy sa pakikinig. Tinignan ko si Charlotte at yung iba pang katabi ko. Mabuti na lamang at di nila ako napansin. Napalingon ako kay Pristine at naabutan ko naman ang nakasimangot niyang pagmumukha sa akin. Ngumiwi ako at itinuon na lamang ang atensyon ko sa mga nagsasalita sa harapan hanggang sa mapansin ko na nakatingin at nakangiti si Jerome sa'kin.
Nginitian ko rin siya.
Halos mag-mental breakdown ako dahil sa pag-iisip at marahil ay nakita ni Jerome ang aksyon ko. Dahil sa kahihiyan ay kahit na ayoko talaga sa ganitong mga bagay ay napilitan na akong ituon ang aking atensyon sa meeting. Bigla-bigla na lamang kasing tumitingin sa'kin si Jerome at ayoko naman na ma-disappoint siya. Baka kasi isipin niya na hindi ako nakikinig.
Ayoko sa lahat ay ang tinitignan ako pero hindi ko alam kung bakit kumportable ako sa mga tinginan ni Jerome kahit na hindi pa naman kami nagkakakilala.
♦♦♦
"Arianne," mahinang tawag sa akin ni Pristine habang papalapit siya. Lumingon ako sa kaniya pero naagaw ang atensyon ko ng taong kumalabit sa balikat ko.
"Arianne, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Jerome na ikinagulat ko.
"Si—sige,"' napatango na lamang ako, hindi ko kasi ito inaasahan at paano ko ba naman kasi siya magagawang tanggihan?
Lumabas kami ng room at umupo sa isang bench. Si Jerome, Pristine at ako…
Si Jerome, PRISTINE at ako!
I cleared my throat, "Excuse me Pristine?" ani ko matapos magpanggap na umubo. Maguusap kami ni Jerome pero itong isa ay bigla na lamang pumagitna sa aming dalawa.
"Okay lang Arianne. Tatayo na lang ako. Ayoko namang nakatayo si Pristine habang naguusap tayo," sabi ni Jerome pero hindi iyon ang punto ko.
"Ha? Hindi."
Pinigilan ko si Jerome sa pagtayo.
"Pero Jerome, pwede naman siya dito sa gilid ko," pagpigil ko habang hawak ang braso niya. Parehas kaming napatingin sa isa't-isa hanggang sa malipat ang atensyon namin kay Pristine nang bigla siyang umangil at tumayo.
"Aya, hmmp! Sige na kayo na maupo," nag-mamaktol na pahayag ni Pristine sabay irap sa'kin. Hinawi niya ang kamay ko sa braso ni Jerome.
Umusog ako para mabigyan ng maayos na space si Jerome. Alam ko na nahihiya siyang maupo kaya sinabi ko sa kaniya na ayos lamang si Pristine at nagiinarte lang 'to.
Noong makaupo si Jerome ay agad ko siyang tinanong na dahilan naman ng biglaang reaksyon ni Pristine.
"Okay lang ba talaga na nandito si Pristine?"
"What?! Hindi na nga ako nakaupo tapos papaalisin mo pa ko?" Pristine fumed.
"Oy, wala akong sinasabi na umalis ka ha. Baka lang kasi hindi niya masabi yung gusto niya kasi may stranger," I emphasized. Siningkitan ako ni Pristine nang tingin.
"Aba! Oy, ba't close na ba kayo? Saka a hindi ako stranger. Ako ang president ng SNGS."
Tinignan ko si Pristine ng masama. Nagtitigan kaming dalawa ng matagal hanggang sa maagaw ang aming atensyon dahil sa biglang pagtawa ni Jerome.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa inasal naming dalawa.
"I didn't think that the two of you were like this. You must be very close to each other," ani Jerome. Bakas ang ngiti sa kaniyang labi, "Don't worry Arianne, mabuti na rin na nandito si Pristine kasi manghihingi ako ng favor," dagdag niya.
Naramdaman ko ang biglang pag init ng pisngi ko habang nagsasalita siya. Para bang may epekto ang tinig niya sa mga kemikal sa katawan ko.
Pagkatapos magsalita ni Jerome ay napatahimik na lamang ako. Si Pristine na nakatayo naman sa gilid ko ay hindi na rin umimik. Para siyang surveillance camera na inoobserbahan na lamang kaming dalawa ni Jerome.
"Arianne kilala mo naman si Aldred di ba?"
Bigla ay inatake ako ng ubo kahit wala naman akong sakit.
"Huh? Aldred?" tila naka-hang ang panga ko noong tumugon ako sa kaniya.
Marinig ko pa lamang ang pangalang 'yon ay bumabaligtad na ang sikmura ko.
"Ah! Yung, yung rumor ba?" parang robot akong tumawa. "Hindi totoo 'yon. Hindi kami. Walang kami," mabilis kong pagdi-deny kahit na hindi niya tinanong.
"Hindi, hindi 'to tungkol sa rumor. It's about Aldred himself."
Bigla ay naging seryoso ang atmosphere sa paligid. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang i-respond ko. Habang nag-iisip ako ng kung anong sasabihin ay bigla na lang akong nakaramdam ng mahinang sipa. Napalingon ako kay Pristine.
"Anong meron kay Aldred?" tanong ko.
"Arianne, I'm asking a favor for the sake of my friend. Apparently, Aldred is my friend, bestfriend. Sinabi niya sa akin yung nangyari sa inyo at alam kong galit ka."
Saglit akong di nakapag-react.
"Gusto kong sabihin sayo na nagsisisi talaga siya," dugtong ni Jerome.
Speechless. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Sunod-sunod na pumasok sa utak ko yung mga sinabi niya at dahil doon ay nahiya ako at medyo na-disappoint.
Walang-hiyang Aldred. So, pinagkalat na niya yung ginawa niya sa'kin?
"I'm sorry but my Aya will not forgive that FREAK," Pristine interrupted while seriously staring at Jerome.
Nagulat ako sa inasal niya kaya agad kong napalo ang binti niya.
"Huwag ka nga sabat ng sabat Pristine," saway ko kahit tama siya, hindi 'yon ganun-ganon lang.
Sandali akong hindi umimik at tumitig lang kay Jerome pero nang magsasalita na ako ay nauna siya.
"Naiintindihan ko. Hindi naman kita masisisi but at least give him a chance. Nakakatawa man pakinggan pero ngayon lang kasi niya na-experience 'yon."
Napataas ang kilay ko sa pahayag ni Jerome.
"I mean yung feeling ng in love. He really is in love with you, Arianne. Kung gusto mo bugbugin mo siya hanggang sa makuntento ka. Okay lang 'yon sa kaniya basta patawarin mo siya," nakangiti pero seryosong pakiusap ni Jerome. Dahil doon ay napakagat ako sa aking labi.
"Meh, huwag ka mag-alala Jerome, kahit hindi mo sabihin bubugbugin talaga namin siya pero HINDI NAMIN SIYA PAPATAWARIN."
Pristine stuck her tongue at him. How unlady like kaya muli kong pinalo siya saka tinignan siya nang masama.
"Ano Jerome did he asked you to do this?" seryoso kong tanong.
"No, this is my own volition," he answered smilingly.
"Honestly, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at anong sasabihin ko sa pabor na hinihingi mo."
Mataman akong nakatingin kay Jerome bago ako yumuko at magpatuloy sa sasabihin ko.
"Siguro gan'to na lang... I hate him a lot but not to the point that I can't forgive him. Maybe just not this time," Muli ay lumingon ako kay Jerome, "Bago lang rin kasi yung nangyari sa'kin. Gusto ko na ngang kalimutan yung lalo na't may rumor," paliwanag ko.
"Naiintindihan ko," Ngumiti si Jerome pero kahit ganoon ay di naalis ang awkwardness sa pagitan namin. Napatingin ako sa maamo niyang mukha bago ko nilingon ang nakasimangot naman na si Pristine. Nagulat na lamang ako ng biglang kuhanin ni Jerome ang kamay ko at alukin ako ng isang bagay.
Bigla ay nag-stiffen ang buong katawan ko.
"Arianne, kung gusto mo pwede kitang tulungan na malimutan 'yon."
"H—Huh? R—Really?" gulat kong tanong. Naputol na lang ang paghawak sa akin ni Jerome noong kunin at hilahin ni Pristine ang braso ko.
"Nah, nah, nah. No touch," banta ni Pristine. Dahan-dahang inalis ni Jerome ang kamay niya sa akin.
"Ow, sorry," nahihiyang bulalas niya.
"Aya doesn't need your help. Gusto niyang kalimutan na yung nangyari and yung pinaka-best na paraan para kalimutan 'yon is to not establish any connection with the freak guy or even with you. So no to your offer," mataray na pahayag ni Pristine.
The hell Pristy… Siningkitan ko si Pristine bago ako tumayo.
"Yah! Pristine, what's wrong with you?"
Inirapan ako ni Pristine at sunod na tumalikod pagkatapos ko siyang pagsabihan.
Hindi ko maintindihan kung bakit inabot si Pristine ng katigasan ng ulo at kung bakit ang init ng dugo niya kay Jerome. Sana na lang ay hindi masamain ni Jerome yung inaasal ni Pristine lalo pa naman at magkakatrabaho sila para sa event.
"Arianne it's just okay" pagsisigurado ni Jerome bago siya tumayo. Nananatili ang gentle na tono niya nang magsalita siya.
"Huwag ka sana magalit kay Pristine. I'm sure katulad ko lang din siya... nag aalala para sa kaibigan. Anyway, it's still your decision," dugtong niya.
Tama si Jerome. Pristine is always there for me. She's always worried, overprotective and caring when it comes to me and my problems. Hindi ko man lang naisip kung ano ang nararamdaman niya.
Hinawakan ko ang balikat ni Pristine para sana iharap siya kay Jerome pero bago ko pa iyon magawa ay naagaw ang atensyon ko ng taong biglang dumating.
"Hey Je, kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ng lalaki. Napa-ikot si Jerome para lingunin ang lalaking iyon.
"Ah, hindi, sino bang nagsabi na naghihintay ako sa'yo Charles?"
"Eh? Ang sama a, bale nag-abala lang pala akong pumunta dito," sabi ng Charles kay Jerome bago siya dahan-dahang lumingon sa akin.
"Oh, you're Arianne, right? Aldred's Gf," saad ng Charles sabay halakhak. Nairita ako sa kaniya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Kaya pala Je wala kang balak hintayin ako eh... ang ganda pala ng kasama mo. By the way Arianne, I'm Charles Carlos Ramirez, Aldred and Jerome's BFF," pagpapakilala ng Charles.
Kahit ayoko kay Charles ay nagpakilala pa rin ako bilang paggalang. Pagkatapos kong magsalita ay lumingon si Charles sa taong nasa tabi ko, kay Pristine. Halata na inaabangan niya itong magpakilala rin. Nag-aalala naman ako kung ihaharap ko ba si Pristine dahil sa kasalukuyang mood niya. Ayoko naman na magsungit siya. Magdadahan-dahan na lang sana ako pero si Pristine na rin mismo ang humarap na ikinagulat ko.
"Hi, I'm Pristine Vicereal, St. North's student council president," galak na pagpapakilala ni Pristine. Tila ba nabura ang kaninang emosyon niya. Magtataka sana ako hanggang sa maalala ko na gaya ng pagpapakilala niya ay si Pristine Vicereal nga pala siya.
♦♦♦
"Mukhang naguusap ata kayo tungkol sa event. Pasensya na mukhang naistorbo ko kayo," saad ni Charles.
"Ah, hindi ayos lang. Sa totoo nga tapos na kami mag usap," tugon naman ni Jerome. Nakangiting tumango naman si Pristine.
Namangha ako kay Pristine. Grabe talaga siyang magpalit ng reaksyon. Hindi ko tuloy malaman kung dala lang ng respeto o plastikada talaga siya minsan.
"Arianne, Pristine, it's nice to meet the both of you. About sa pinagusapan natin, Arianne it's still your decision."
Ngiti na lamang ang naging tugon ko kay Jerome. Tinignan ko si Charles para magpaalam pero nakatitig siya kay Pristine.
"Charles!"
Napalingon kaming apat sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Patakbong lumalapit sa'min si Eunice saka biglang yumakap kay Charles.
"Nandito ka lang pala babe. Kanina pa kaya kita hinahanap," saad ni Eunice sabay pout. Bigla ay parang nanilim ang paningin ko.
"Ano ka ba naman Eunice nakakahiya nandito tayo sa harap nila o," saad ni Charles. Nahihiya raw siya pero ngising-ngisi naman ang reaksyon niya. Sunod ay hinalikan siya ni Eunice sa pisngi. Gusto ko na tuloy umuwi ka agad.
Ayoko silang tignan noong una pero may napansin akong kakaiba. Hindi ko alam kung nago-overthink lamang ako pero habang nakikipag-PDA si Eunice kay Charles ay sa iba naman nakatuon ang atensyon ng boyfriend niya.
"It's just okay. Ayaw mo noon malalaman nila kung gaano kita kamahal."
Hapon na pero mula sa sikmura ko ay nag-akyatan lahat ng kinain ko kaninang tanghali.
"Mabuti siguro kung mauna na kami ni Arianne. Baka maistorbo namin si Eunice saka si Charles," nakangiting sabi ni Pristine. "Lalo na't mukhang uulan, wala pa naman kaming dalang payong. Jerome, about sa napagusapan niyo ni Arianne. I'm against it, but you're right, Arianne is still the one to decide."
Nagpaalam na kami sa kanila.
♦♦♦