アプリをダウンロード
66.66% Mga Panaghoy / Chapter 8: CHAPTER VIII Ang lumilinaw na kasagutan

章 8: CHAPTER VIII Ang lumilinaw na kasagutan

"Ahhh!layuan mo ko demonyo ka!", sindak na sigaw ni Honey na nakadapang umuusad papalayo dito. Humahalakhak lang itong nakatitig sa kanya.

Naging anyong babae ito na ang mukha ay puro dugo na tumulo sa katawan nito.

Lumabas ang ugat ng kahoy at pumulupot sa kanyang bisig. May nahagib namang kutsilyo si Honey, ginamit nya ito para putulin ang ugat na pumulupot sa kanyang bisig.

Narinig nyang may kumakatok kaso di sya makatayo sa sakit na kanyang nararamdaman sa bisig na nabagsakan ng silya.

Pinilit nyang makarating sa pintuan ngunit biglang sinalubong sya ng demonyo.

Sabay ang pagdura sa kanyang mukha ng itim na likido.

Humalakhak ito at tila trompo ang ulo nitong pumaikot-ikot hanggang sa natanggal ang ulo at lumutang sa ere.

Nagsisigaw na sya sa takot.

"Panginoong Hesukristo ikaw ay aking Dyos, ilayo mo ako sa demonyo!",sigaw nya.

Medyo lumayo ang demonyo sa kanya at humahakhak ito ng nakakatakot.

"Nasaan ang iyong dyos!",anang tinig na nakakatindig balahibo.

" mapapasaakin din ang iyong kaluluwa!, muli itong humalakhak at biglang nag bago nanaman ang mukha.

" tulungan mo ako...", panaghoy ng babaeng nakita nya sa ilalim ng kanyang kama.

Bumukas naman ang pinto't pumasok ang tatlong lalaki.

Mabilis syang kinarga ni Peter at dahan-dahang inilapag sa sofa.

Nanginginig ang kanyang katawan at humagugol sa balikat ng katipan.

"Sshh.. Hon, Im here.. ", anitong niyakap ng mahigpit si Honey.

" kaya ko pa , puntahan natin ang lugar kung saan nag pakita ang ligaw na kaluluwa", aniyang titig na titig sa mukha ng nobyo.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C8
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン