アプリをダウンロード
57.88% My Beautiful ... Me / Chapter 257: It's A Girl Thing

章 257: It's A Girl Thing

"What?"

Kanina pa napapansin ni Eunice ang dalawang pares ng mga matang nakatingin sa kanya.

"Anong what ka dyan? Kanina pa kami nagaantay dito, magkwento ka naman, Sissy!"

Pangungulit ni Mel.

"Ano naman ang ikukwento ko sa inyo?"

Naiiritang tanong ni Eunice.

Kanina pa iritang irita si Eunice, simula ng ipatawag sya ni Dean Vernal na hindi man lang sinabi sa kanya kung bakit, tapos ay pinatayo sya ni Prof. Alex para sya ang magturo ng bagong lesson nila sa klase dahil busy daw sya.

At itong huli ng harangin sya ni Patricia ng uwian at sinabihan sya ng 'Fake'!

Napipikon na sya dahil pakiramdam nya naabuso na sya somehow.

Kaya tahimik syang dumating sa tambayan nila para magpakalma pero hindi nya makayanan ang kanina pang mga tingin nila Mel at Kate.

"Tungkol sa inyo ni Jeremy, Eunie. Curious lang kami! Saka bakit ba mainit ang ulo mo dyan?"

"Wala, napipikon lang ako sa mga pinagagawa sa akin, feeling ko inuuto nila ako! Saka, anong tungkol sa amin ni Jeremy?"

"Diba hinatid ka ni Jeremy kagabi, gusto lang namin malaman kung anong nangyari! Saka sinong nanguuto sa'yo? May nagtitrip ba sa'yo? Si Dean ba?"

"Si Dean, ang mga prof. ko pati si Patricia and her gang! Nakakapikon na sila! At saka anong ikukwento ko sa inyo e hindi naman kami nagusap ni Jeremy?"

Clap! Clap! Clap!

"Ang galing! Papaano nyo nagagawang magusap na dalawa ang topic nyo tapos nagkakaintindihan kayo?"

Nagtatakang tanong ni Mel.

Nagkatinginan ang magpinsan sabay tingin kay Mel.

"Melabs, it's a girl thing, huwag mo ng itanong!"

"Okey, I understand pero hindi ko kayo masabayan, pwede bang isa isa lang, mahina kalaban!"

Sabi ni Mel.

"Let's start with Jeremy!"

"Okey listen, Oo, hinatid ako ni Jeremy sa bahay yesterday pero hindi kami nagusap! 'After how are you?' tumahimik na sya hanggang makarating kami ng old mansion.

Pero bago ako bumaba he ask me kung pwede ba nya ko ihatid ulit at sinabi kong not sure because I need to go to work after school!"

"Tapos, anong sabi nya?"

"Parang nagulat sya ng malaman na working student ako, kaya sinabi ko sa kanya na sa company ni Daddy ako nag wo work!"

"Tapos?"

"Tapos wala na nag good bye na ako at nag thank you!"

"Bakit nyo kasi ako iniwan? Sana man lang sinabi nyo na manonood kayo ng sine di sana hindi na ako sumama sa celebration ng class!"

Si Mel naman at Kate ang nagkatinginan.

'Kaya nga namin naisip manood ng sine dahil wala ka e! Hehe!'

'Pagkakataon ko na kasing magkaron ng moment with Kate MyLabs!'

Napansin ni Eunice ang pananahimik ng dalawa at palitan nila ng tingin.

"Hmmm... sinadya nyo ano, sinadya nyong iwan ako para magsolo kayo noh?"

Naguilty ang dalawa.

"Haaay naku, kayo talaga! Next time na gusto nyong mag moment walang problema sa akin, I'll understand pero sana man lang sinabihan nyo ako para nakakuha agad ako ng rides home!"

Hindi ka naman namin basta iniwan, ibinilin kaya kita kay AJ Dude ko!"

"Huh! Talaga?"

"Oo sinundo ka nya pero hindi ka raw nya naabutan!"

Nakaramdam ng hiya si Eunice.

'Nakakahiya naman kay Milky naabala ko pala sya!'

'Bawi na lang ako sa kanya!'

Mamya susunduin ka daw nya ulit!"

*****

"AJ? Hello, kamusta pare!"

Bati ni Jeremy ng magkasalubong sila sa labas ng coffee shop.

"Oh hi Jeremy, kamusta? Tapos na ba ang klase mo? Pauwi ka na ba?"

"Oo katatapos lang! May susunduin kasi ako kaya ako nadaan dito! Ikaw, bat nagawi ka dito?"

Kinabahan si AJ.

'Sino kayang susunduin nya? Si Eunice kaya?'

"Yes Jeremy, may susunduin akong office mate ko! Dyan ang usapan namin sa coffee shop, mahilig kasi sa kape yun e! Ikaw, sinong susunduin mo, girlfriend mo ba?"

Kinakabahan tanong ni AJ

"Kuya!"

Napalingon ang dalawa ng sa tumawag.

Si Elaine sister ni Jeremy.

"Sya! Sya ang susunduin ko!"

Sabi ni Jeremy kay AJ.

Tila nakahinga ng maluwag si AJ ng malamang hindi si Eunice ang susunduin ni Jeremy.

"AJ, Sister ko, si Elaine! Elaine meet AJ, yung kinuwento ko sa inyo na na nameet ko before!"

"Hi AJ, nice to finally meet you!"

Sabay abot ni Elaine ng kamay nya.

"Hi, Elaine, nice to meet you to!"

"Okey AJ, mauna na kami, lam kong busy ka. Next time na lang, pare!"

Sabi ni Jeremy.

"Okey, bye!"

At tumalikod na ito at iniwan sila.

Sumunod naman si Elaine sa kuya nya pero sumulyap muna ito kay AJ bago pumasok ng sasakyan.

"Kuya, cute sya! I like him!"

"Like na agad ka me meet mo pa lang?"

"May girlfriend na ba sya?"

"Hmm, not sure pero tingin ko like nya yung office mate nya na susunduin nya ngayon!"

"Huh? Paano mo naman na sure? Sinabi nya ba sa'yo? Knows mo ba yung office mate nya?"

"Hindi! Pero isa lang ang sure ko, hindi nya pagaakasayahang sunduin yung office mate nya kung wala syang gusto!"


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C257
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン