アプリをダウンロード
92.3% The More You Hate, The More You Love / Chapter 60: Chapter 60

章 60: Chapter 60

I want to hold your hands and walk a mile

don't want to miss you, even a while

My life is so beautiful coz

Dear, it's you...My LIFE

Hug me for my worries to die

my tears to dry and

my loneliness to fly

It hurts me to know

how I sometimes can be little selfish

when it comes to you.

I am getting sentimental over you!

for god sake explain me why all these.

I miss you every moments oof the day,

I keep me awake just to listen you,

I keep me empty just for you to fill,

I keep me alive just to see you.

My mornings miss you,

my evenings seeks you

Where were you all these years,

You weren't there to wipe my tears.

Fear of future is worse than pain of the past

still I bother the least coz you are there

even seconds are too long to miss you

I want to hold your hands and walk a mile

don't want to miss you , even a while.

- Bala -

Halos sabay-sabay dumating sa ospital sila Levi, Holden, Jacob, Grey, at Rod. Kasunod nila sila Dashiell, Quinn, at Landon. Dumating din sila Leo at Rose at ng makita ng huli ang anak ay hindi niya napigilan na ito ay yakapin ng mahigpit. Bago sila umalis sa bahay ay sinigurado na ni Rose na ubusin ang luha dahil mas kailangan niyang magpakatatag para sa anak. Hindi muna nila pinaalam sa mga kaibigan ni Hayley ang nangyari para hindi na din sila mag-alala pero sigurado nila na pagbalik ng mga ito sa umaga ay tiyak na ganoon din ang mangyayari. Sila Fin at Amanda naman ay pabalik na din galing Tagaytay pero nauna na ang mga taga-NBI sa ospital na kaibigan ni Fin.

"Nico." Tawag ni Rod sa binata at pinakita dito ang video na kuha ng camera sa kwintas na suot ni Hayley. "Where are they taking her?" Tanong ni Nico na nakakuyom ang mga kamay. "As of now, they are still on the road taking the north route." Sagot ni Rod. "Let's go!" Sabi ni Nico at hindi na inintay pa na sumagot ang mga kasama. Naiwan sila Leo, Rose, at Quinn kasama ang ilang bodyguards samantalang sila Nico kasama ang iba ang nagsisakay na sa kanya-kanyang mga sasakyan at pinasibad na ang mga ito paalis sa ospital.

Naramdaman ni Hayley ang pamimigat ng kanyang mga mata. Ramdam din niya ang mahigpit na tali sa kanyang mga paa at kamay. Pati ang pananakit ng sugat niya ay nararamdaman niya at alam niyang nagdugo ito o malamang ay nagdudugo dahil sa malagkit na feeling niya sa kanyang tagiliran. Pilit niyang inalala kung ano ang nangyari at biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng maalala ang huling taong nakita bago siya tuluyang nawalan ng malay. "Brittany..." bulong niya sa sarili.

Nakiramdam muna si Hayley sa kanyang paligid bago tuluyang binuksan ang mga mata. Isang malaking warehouse ang bumungad sa pagdilat ni Hayley at alam niya na abandoned na ito dahil wala itong laman kahit ano maliban sa mga mesa at upuan kung saan nakita niya ang mga kalalakihan na nakaupo na nagkwekwentuhan habang nag-iinuman. Inikot niya ang paningin sa paligid pero madilim na ang ibang parte ng warehouse. Ang tangin ilaw lang nito ay ang nasa pwesto niya at pwesto ng mga kalalakihan. Nagulat siya ng may bigla umakbay sa kanya.

"Finally, your awake." Sabi ni Brittany na nakangisi. "Brittany..." Sabi ni Hayley. "The one and only." Sabi ni Brittany na pumunta sa harap ni Hayley. "Why are you doing this to me?" Unang tanong ni Hayley na ikinatawa ni Brittany kaya napatingin sa kanila ang mga goons na kanina lang ay busy sa kwentuhan. "You don't know? Akala ko pa naman ay matalino ka!" Sabi ni Brittany pagkatapos ay sinenyasan ang isa sa mga goons para ikuha siya ng silya, umupo sa harap ni Hayley na akala mo reyna.

Halos lumipad ang kotseng minamaneho ni Nico pero walang naglakas loob na magsalita kila Levi, Dashiell, at Landon na kasama niya sa sasakyan. Hawak ni Levi ang laptop kung saan nakikita nila ang nangyayari sa kinaroroonan ni Hayley. Gusto man patayin ni Levi ang laptop ay hindi niya magawa dahil alam niyang lalong lang magwawala si Nico. Pati ang mga sasakyan sa likod nila ay nagagahol sa paghabol sa kanila. Buti na lang at may wang-wang ang mga NBI na kasama nila, kung hindi ay baka nahuli na sila dahil sa over speeding.

"Why are you doing this to me? Ano'ng kasalanan ko sa'yo?" Pilit na tinatagan ni Hayley ang boses niya pero sa loob niya ay kulang na lang ay lumabas ang puso niya dahil sa kaba lalo at nakikita niya kung paano siya tingnan ng mga goons na kasama ni Brittany. "I hate you!" Sagot ni Brittany. "Pero wala akong ginawa sa'yo!" Hindi maiwasan ni Hayley ang magtaas ng boses lalo at wala naman siyang maalala na kasalanan sa babae. Dapat nga ay siya pa ang magalit sa babae dahil sa mga ginawa nito sa kanya, unang-una na ang kay Toby. Nagulat si Hayley ng bigla siyang sampalin ng dalaga.

Lalo namang dumiin ang paa ni Nico sa acceleration ng kanyang sasakyan ng makita ang dugo sa putok na labi ng dalaga. Ang mga kasama niya ay walang nagawa kung hindi magdasal na makarating sila ng buo pa ang katawan sa lugar kung saan nandoon si Hayley. "Lord sana po ay malowbat na ang laptop." Dasal ni Levi. "Lord, gusto ko pa pong magka-anak." Dasal naman ni Dashiell. "Lord, sayang naman ang kagwapuhan ko kaya huwag n'yo muna po akong kunin." Dasal naman ni Landon.

"Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit tiniis ko ang sakit ng pagpaparetoke! Ikaw ang dahilan kung bakit kahit alam kong hindi ako mamahalin ni Toby ay inagaw ko pa din siya sa'yo! Ikaw ang dahilan kung bakit hinayaang kong magpakasasa ang mga mayayamang lalake sa katawan ko na sa huli ay gusto ko ng masuka sa kanila!" Galit na galit na sigaw ni Brittany. Napangiwi si Hayley ng pisain ni Brittany ang kanyang mukha pagkatapos ay saka binitiwan ng malakas.

"I tried to enter Kleid pero sabi ng mga tao doon ay hindi ako papasa sa standard mo. Pangarap ko na makapasok sa Kleid dahil gusto kong maisuot ang mga designs mo pero ano'ng ginawa mo!?" Naalala ni Hayley ang sinabi ni Leandra noon na wala siya ng mag-apply si Brittany bilang model sa Kleid. "Pero wala ako nung panahon na nagpunta ka ng Kleid." Sabi ni Hayley. "Huh! As if naman na tatanggapin mo ako! Nakita mo ba ang itsura ko noon?" Sabi ni Brittany na parang diring-diri sa sarili. "Modeling is not only the face, it's also tha attitude and talent." Sabi ni Hayley at nakita niya na may konting nagbago sa mata ng babae pero nawala din ito agad. "Huli na ang paliwanag mo! Ginamit ko ang katawan ko para magkapera. Pinatulan ko silang lahat para maka-ipon ako at ngayon, heto na ang ebidensya!" Tumayo si Brittany saka umikot sa harap ni Hayley. "Ako na ang top model ng Vestido! Boyfriend ko pa ang anak ng may-ari nito. 'Di ba, ang galing ko!" Sabi ni Brittany pero hindi nakita ni Hayley na umabot sa mata ng babaeng kaharap ang mga ngiti nito. Biglang nagseryoso ang mukha ni Brittany. "Pero kahit kailan ay hindi ako sinabihan ni Toby ng I love you dahil hanggang ngayon ay ikaw pa din ang mahal niya! Katawan ko lang ang gusto niya!" Napasigaw si Hayley ng pisain ni Brittany ang sugat niya. Ramdam ni Hayley ang sakit at napaiyak siya. "Oh no, sorry." Sabi pa ni Brittany bago bitiwan ang tagilran niya.

"Napakaswerte mo nga eh, ang daming nagmamahal sa'yo! Biruin mo, meron ka ng Toby Ayala tapos meron ka pang Nico Bermudez!? Haba ng hair mo girl!" Sabi ni Brittany habang pinupunasan ang dugo na nasa kamay sa binigay na wipes ng isa sa mga goons. "Pero mahalin ka pa kaya nila kapag pangit na ang mukha mo tapos laspag na ang katawan mo?" Nanlaki ang mata ni Hayley ng makita ang maliit ng kutsilyong inabot ng isa sa mga goons kay Brittany pero lalo siyang nanghilakbot ng nakita niya na sabay-saby nagtayuan ang mga goons na may mga nakakatakot na ngisi sa kanilang mga mukha. "Nico..." Bulong ni Hayley bago tuluyang lumuha ang kanyang mga mata dahil sa maaring mangyari sa kanya sa oras na iyon.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C60
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン