アプリをダウンロード
8.65% BACHELOR'S PAD / Chapter 9: Chapter 7

章 9: Chapter 7

DAPAT ay inasahan na ni Daisy na kahit nawala na ang mga artikulo laban sa kanya sa Internet, telebisyon, at diyaryo, hindi ibig sabihin ay magbabago rin agad ang tingin ng mga tao sa kanya. Nabura man ang mga komento sa Internet tungkol sa kanya ay nagkaroon muli ng panibago. Lalong sumama ang tingin ng netizens sa kanya dahil ginagamit daw niya ang yaman ng kanyang pamilya para itago ang kanyang kasamaan. At kahit palagi niyang sinasabi sa sarili na huwag pansinin ang mga nababasa online, masakit pa rin pala.

Kahit sa loob mismo ng TV8, hindi nakaligtas si Daisy sa masamang opinyon ng mga tao sa kanya. Sa katunayan, habang naglalakad patungo sa opisina ng TV8 Foundation ay nararamdaman pa rin niya ang nakasunod na tingin ng mga taong nadadaanan. Ang mga bulungan ay lumalakas at nakakarating na sa kanyang pandinig.

"Ang sarap ng ipinanganak na mayaman."

"Narinig ko, `pinatapon siya sa Foundation. Hindi niya kakayanin doon. Masyado siyang sosyal."

Nilingon ni Daisy ang nag-uusap. Nagulat ang dalawa at mabilis na nag-iwas ng tingin at naglakad palayo. Umismid siya. Hindi naman pala siya kayang salubungin sa mga mata. All they could do was talk behind her back.

Mga duwag.

Nang makarating si Daisy sa magiging opisina na rin mula sa araw na iyon ay natigilan ang limang babae na nasa loob at napatingin sa kanya. Kahit siya ay natigilan at ilang sandaling pinagmasdan lamang ang mga babae. Naka-simpleng jeans at puting T-shirt na may tatak ng TV8 Foundation ang limang babae. Kahit ang buong opisina ay napakasimple. May mga mesa na may computers at tambak ng kung ano-anong papeles.

Napakalayo ng suot ni Daisy na high-heeled shoes at mamahaling dress na pinatungan niya ng blazer para magmukhang pormal. She looked out of place. At iyon ang unang beses na nakaramdam siya nang ganoon pagdating sa panlabas na anyo. She had always stood out in a good way. Hindi katulad ngayon.

Ang may-edad na babae ang unang nakabawi sa kanilang lahat. Tumikhim ito at lumapit sa kanya. "Ikaw si Daisy?"

Tumingin siya sa may-edad na babae at tumango. "Papasok na ako rito mula ngayon."

"Oo, na-inform na ako. Ako si Lottie Estupin, ang head ng public relations department ng TV8 Foundation. Ang departamentong ito ang in charge sa paperwork at pag-o-organize ng events para makalikom ng maraming donasyon at nagdi-distribute ng mga iyon sa mga nangangailangan."

Nakipagkamay siya kay Lottie, pagkatapos ay muling iginala ang paningin. May nakita siyang nakahiwalay na opisina sa dulo ng silid. "So, will that be my office?" tanong niya.

Natigilan si Lottie. "Hindi."

Muling napabaling si Daisy sa may-edad na babae at bahagyang kumunot ang noo. "Kung ganoon, saan?"

Napailing si Lottie habang ang apat pang babae ay tila nagpipigil ng tawa at napapailing din.

"What?" nalilitong tanong ni Daisy.

"Mukhang hindi mo naiintindihan. You were sent here to be the new administrative assistant. Ang mesa mo ay `yang pinakamalapit sa pinto." Itinuro ni Lottie ang mesang tambak ng napakaraming papeles at may computer. "Dahil ikaw ang unang haharap sa lahat ng taong papasok sa opisina na ito. Lahat din ng iuutos ng mga tao rito, ikaw ang kailangang gumawa lalo na kung kailangang lumabas at mag-deliver ng mga papeles at kung ano-ano pa. In short, you are the lowest-ranking employee here."

Umawang ang mga labi ni Daisy sa pagkabigla.

Naging mapang-uyam ang ngiti ni Lottie. "Hindi ikaw ang boss dito kundi ako. Dito, assistant ka ng lahat, hindi tagapagmana. Kapag may tanong ka, itanong mo kina Monica. Sasabihin nila sa `yo kung ano ang gagawin mo." Iyon lang at tumalikod na ito at humarap sa apat na babae, saka pumalakpak. "Okay, back to work, girls," pagkatapos ay naglakad na patungo sa opisina nito.

Naiwang nakatayo si Daisy at hindi alam ang gagawin. Hindi siya makapaniwala. Pumayag ang kanyang ama na maging alila siya ng mga taong ito? Nang pumayag siyang mailipat sa ibang department, inaasahan niya na magiging head ng departamento. Hindi ganito.

"Bakit ka pa nakatayo riyan?" tanong ng isang babae na lumapit sa mesa ni Daisy. Tinapik nito ang mga papeles. "Ito ang trabaho mo para sa linggong ito. Kailangan mong basahin lahat ng ito at gumawa ng report. Kaya mo naman sigurong gawin ito, hindi ba?"

Naglapat nang mariin ang kanyang mga labi. Minamaliit siya ng babaeng ito. At malamang, maging ang ibang naroon. Itinaas niya ang noo. "Oo naman."

Mukhang hindi naniniwala ang babae pero tumango naman at umalis.

Inilagay ni Daisy sa ilalim ng mesa ang kanyang Hermes bag at umupo sa swivel chair. Tumingin siya sa nakatambak na mga papeles na kailangang basahin lahat. Pagkatapos ay tumingin sa kanyang perfectly manicured na mga kuko at makinis na mga palad. Siguradong marurumihan ng ink ng mga papel ang kanyang mga kamay. Subalit wala na siyang pagpipilian.

Napabuntong-hininga si Daisy at dumampot ng folder. Saglit pa ay ginagawa na niya ang nakaatang na trabaho sa kanya.

"EXCITED na ako para sa show na `yon."

Umangat ang gilid ng mga labi ni Rob sa sinabi ni Yu, ang drummer at leader ng bandang Wildflowers. Katatapos lamang ng meeting nila sa TV8 at kalalabas lamang nila ng conference room. Naimbitahan kasi si Yu na maging coach para sa isang singing contest.

"Akala ko, hindi ka na rin tatanggap ng trabaho kagaya nina Carli," komento ni Rob habang naglalakad sila patungo sa lobby ng istasyon.

Nagkibit-balikat si Yu. "Hindi katulad nila, wala pa akong kasal na paplanuhin."

Inaasikaso pa rin kasi ng boyfriend ni Yu na si Matt ang divorce nito sa naunang asawa.

"It must be hard for you."

Ngumiti si Yu. "Hindi naman. Basta nagkakaintindihan kami ni Matt at mahal namin ang isa't isa, magiging okay ang lahat. Alam ko na mas naging mahirap para sa `yo ang nakaraang taon dahil sa amin, Rob."

Siya naman ang nagkibit-balikat. "Taking care of you girls is my job." At kapag nagdesisyon ang lima na tuluyang iwan ang music industry, kailangan na rin niyang bumalik sa Amerika at humawak ng ibang talent.

"Dapat humanap ka ng babaeng aalagaan mo na hindi dahil sa trabaho. At siyempre, iyong aalagaan ka rin. Someone who can make you stay at one place kapag dumating ang panahong kahit kami ay hindi ka na mapipigilan," biro ni Yu.

Napailing si Rob. Noong nakausap niya si Carli sa telepono, nabanggit din nito ang tungkol doon. Kahit sina Anje, Ginny, at Stephanie ay palaging ganoon ang litanya kapag nagkikita sila. "Paraan n'yo ba `yan para idispatsa na ako bilang manager? Lahat kayo ay ganyan ang sinasabi sa akin."

Tumawa si Yu. "Gusto ka lang namin na maging masaya sa personal life mo. You have been taking care of us all these years. Gusto namin na this time, mas magkaroon ka ng mahabang oras para sa sarili mo."

Napabuntong-hininga si Rob. Bakit ba lahat ng tao sa paligid niya ay iyon ang sinasabi? "I'll keep that in mind," sagot na lang niya.

Paliko na sila sa hallway nang may masalubong na mga empleyado ng TV8. Hindi alam ni Rob kung bakit ngunit natagpuan niya ang sariling pinapakinggan ang usapan ng tatlong empleyado hanggang makalayo na ang mga ito sa kanila ni Yu.

"Talagang nagtatrabaho na siya para sa Foundation. Malamang, parusa lang iyon ng tatay niya at hindi talaga niya gustong magtrabaho," sabi ng isang babae.

"Malamang. Aba, kung ako ay ipinanganak na gano'n kayaman, hindi ko rin kakailanganing magtrabaho. At isa pa, hindi bagay sa kanya. Nakita mo ba ang ayos niya? Parang rarampa sa fashion show at hindi nagde-deliver ng papeles," sabi naman ng isa.

"Pero ang ganda-ganda niya, `no? Talo pa ang artista," singit ng lalaking kasama ng dalawang babae.

Who are they talking about?

Nasagot ang tanong ni Rob nang makarating sila ni Yu sa lobby. Madaling malaman kung sino ang tinutukoy ng mga empleyado dahil isang tao lang sa lobby ang nakakuha agad ng kanyang atensiyon. Isang matangkad na babae na nakasuot ng sapatos na may napakanipis at mataas na heels ang naglalakad bitbit ang maraming folders. Lahat ng tao sa lobby ay nakatingin sa babae. At nang mapansin ni Rob ang pamilyar na blonde hair ng babae ay napahinto siya sa paglalakad.

Hindi siya maaaring magkamali. Ang babaeng iyon ay si Daisy Alcantara. Nakatagilid ito mula sa kanyang direksiyon subalit sapat na ang side view at ang buhok nito para masiguro niya na si Daisy nga ang babaeng iyon.

"Rob?" untag ni Yu.

Subalit hindi iyon pansin ni Rob dahil nakita niya nang humawak si Daisy sa pader at ngumiwi. Bumaba ang kanyang tingin sa mga paa ng dalaga. Kumunot ang kanyang noo. Isang linggo pa lamang ang lumilipas mula nang dalhin niya si Daisy sa ospital at binendahan ang mga sakong nito. Imposibleng magaling na ang mga iyon. At nakasuot pa ang babae ng ganoon kadelikadong sapatos?

"Wait here, Yu," sabi ni Rob na hindi inaalis ang tingin kay Daisy.

"Huh? Wait, Rob, saan ka pupunta?" habol ni Yu subalit mabilis na siyang naglakad palayo.

Deretso pa rin ang tingin niya kay Daisy na pasimpleng huminga nang malalim at tila kinokontrol ang facial expression. Pagkatapos ay dumeretso ito ng tayo at biglang nawala ang bakas ng sakit sa mukha. Nagmukha itong confident at walang nararamdamang kahit anong mali.

Bibilib na sana si Rob kung hindi lang niya nasulyapan nang malapitan na namamaga pa rin ang mga sakong ni Daisy. Muling bumalik ang iritasyon niya.

"What are you doing?" naninitang tanong niya kay Daisy nang ilang metro na lang ang layo nila sa isa't isa.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C9
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン