Hindi ko na kinaya ang atmosphere sa loob ng hall kaya naman umalis muna ako para pumunta sa ladies room. Hindi ako makahinga sa loob kanina, may nakatingin sa akin. Sigurado ako na may nakatingin sa akin pero sa tuwing lilingon ako sa direksyon na pinanggalingan non wala naman akong ibang makita na nakatingin sa akin. Paranaoid lang ba ako? Lumiko ako at noon ko lang napansin na ako lang pala ang tao dito sa hallway. Bakit ba kasi ang layo ng ladies room sa hall?
Sana naman hindi ako sundan ng kung sino man na tumitingin sa akin kanina. Kinakabahan talaga ako kanina. Nag-patay sindi bigla ang ilaw! Pundido ba 'yon? Nakakatakot naman! Kailan pa naging haunted ang Perez Hall?
Umihip ang malamig na hangin. Pakiramdam ko may multo tuloy. Napaka-creepy! May multo ba rito? Hindi! Walang multo dito! At as if on cue biglang tumigil sa pag-blink ang ilaw. Walang multo dito! Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nakarating na ako sa ladies room nang walang gumagambala sa akin na kahit sino o ano. Nag-retouch lang ako ng make-up at ginawa ko na ang dapat kong gawin bago ako lumabas. Habang naglalakad pabalik iniisip ko kung may nakatingin ba talaga sa akin kanina o guniguni ko lang 'yon? Kaso alam ko na totoo yung kanina, ramdam na ramdam ko ang tingin nya na halos tumagos sa akin.
May naririnig akong mga yabag! P-Pero wala naman ibang tao sa hallway na 'to ah! S-Sino kaya yon?! Hindi kaya yung... yung creepy person na nakatitig sa akin buong oras kanina?! Tatakbo na sana ako nang biglang may maglagay ng kamay sa balikat ko. Sa sobrang gulat at takot ko ay nagamitan ko sya ng self defense. Nasipa ko sya bigla at hindi ko na nakita kung saan tumama.
"OW!"
Napatingin ako sa mukha nya. Nalaglag ang panga ko nang makita sya.
"IKAAAAW?!"
"Geez girl what'cha problem? Why 'ya kickin' me all of a sudden?"
Si GD na naman pala. Napabuga ako ng hangin. Tinakot naman nya ako nang sobra!
"Eh ano ba kasi ang ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ako?!"
"I ain't followin 'ya girly. I got lost o'right? Geez!" depensa nya habang pinapag-pagan ang pantalon nya na nadumihan ng sipain ko sya kanina.
Oh yeah! Break it down 'yo! Napapa-rap na ako dito kay GD. Bakit ba kasi ayaw mag-tagalog marunong naman?
"Ang hilig mo magsabi ng Geez! Naalala ko tuloy yung kinakanta nina Maggie at China yung Gee Gee Gee Gee Baby Baby~" kanta ko.
Blanko. Tinignan nya lang ako ng blanko. Hindi ba nya na-gets na joke yon o weird lang talaga ng humor ko?
"Dunno what 'ya talkin bout, I only know this song My name is GD GD Baby Baby~!" kanta nya naman.
Kahit na ang corny natawa ako bigla. Ang cool kasi ng pagkakakanta nya.
"Hahaha! Ang corny mo pero okay yan ha. Bumalik na nga tayo sa party."
***
Midnight na. Bilang pagsalubong sa birthday ni Jesus Christ pinanood namin ang makukulay at maliliwanag na fireworks sa langit. Kasama ko si Red habang nakatingin sa itaas. Engrande, makukulay at iba't-ibang disenyo ng mga fireworks. Ang ganda tignan sa langit.
'Happy birthday Timothy.'
Hinawakan ni Red ang kamay ko. Nginitian ko sya.
"Ladies and Gentlemen now that it is twelve midnight shall we start our last program?" tanong ng lalaking emcee na nasa stage. "The most awaited moment for the newly wedded couples, to those who are soon to be married and also the couples who are still in the arms of their partners after so many years of being married. This is our lovers dance, the Midnight Waltz!"
Dito na papasok ang Midnight Waltz kung saan lahat ng mag-asawa at magpapakasal ay nagsasayaw sa gitna. Naalala ko, dito ko nakilala kung sino ba ang fiance ko. Sa mismong araw ko nalaman na engaged pala ako kay Jared. Dalawang taon na rin pala ang nakakaraan. Imbes na ang orchestra ang tutugtog ay isang banda ang umakyat sa stage.
"It's our dance Samantha," sabi ni Red sa akin. Iginiya nya ako sa gitna at hinintay na tumugtog ang banda bago simulan ang sayaw. Una kong narinig ang tunog ng gitara bago nasundan ng boses ng babaeng vocalist.
~~
I can't fight this feeling any longer
And yet I'm still afraid to let it flow
~~
"Kanta natin yan Mommy," bulong ni Red sa tenga ko.
Ang lapad ng ngiti nya habang nakatingin sa akin. "Kanta... natin?" ulit ko.
Tumango sya.
~~
What started out as friendship,
Has grown stronger
I only wish I had the strength to let it show
~~
"Diba dapat as a couple may kanta tayo?" tanong nya. "Kaya naman naghanap ako."
~~
I tell myself that I can't hold out forever
I said there is no reason for my fear
Cause I feel so secure when we're together
You give my life direction,
You make everything so clear
~~
"Ang daming magagandang kanta sa mundo pero ang kantang 'to parang ginawa talaga para sa ating dalawa," kwento pa nya.
~~
And even as I wander,
I'm keeping you in sight
You're a candle in the window,
On a cold, dark winter's night
And I'm getting closer than I ever thought I might
~~
"Pakinggan mong mabuti," sabi nya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakinggang mabuti ang lyrics ng kanta.
~~
And I can't fight this feeling anymore.
I've forgotten what I started fighting for.
It's time to bring this ship into the shore,
Baby, I can't fight this feeling anymore.
~~
Hinapit nya ako sa waist at nilapit ang bibig nya sa tenga ko. Sinabayan nya ang kanta.
~~
My life has been such a whirlwind since I saw you
I've been running round in circles in my mind
And it always seems that I'm following you, girl,
Cause you take me to the places,
That alone I'd never find
~~
Napangiti ako, ang ganda pakinggan ng boses nya habang kumakanta.
~~
And even as I wander,
I'm keeping you in sight
You're a candle in the wind,
On a cold, dark winter's night
And I'm getting closer than I ever thought I might
~~
Pinapakinggan kong mabuti ang kanta nya at ang mga salita sa kanta. Ipinikit ko ang mga mata ko at wala na akong iba pang narinig kung hindi ang boses ni Jared. Gaano kaya nya katagal hinanap ang kantang 'to? Sa tingin ko kapag narinig ko ulit ito wala na akong iba pang maaalala kung hindi si Red.
Nang matapos ang kanta minulat ko na ang mga mata ko. Narinig ko ang palakpakan ng mga tao.
"Mahal kita Samantha," sincere na sabi sa akin ni Red. "Sa'yo lang ako naging ganito ka-cheesy."
Natawa ako nang mag-blush sya. Ang pula ng mukha nya. Para syang kamatis. Ang puti pa naman nya kaya halata na nag-blush sya.
"Mahal din kita Red Dela Cruz," nakangiting sagot ko.
Ngumiti sya at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.
"Merry Christmas Mommy."
"Merry Christmas din Daddy."
"Pumikit ka may ibibigay ako sa'yo," sabi nya.
Pumikit ako. Pero mabilis ko ring iminulat ang mga mata ko. Huh? Wala si Red sa harap ko. Lalakad na sana ako para hanapin sya nang may maramdaman akong malamig sa leeg ko.
"Teka Mommy, hwag ka munang gumalaw." Nasa likod ko pala sya.
Napahawak ako sa leeg ko at nakapa ko ang kwintas na ikinakabit nya.
"Yan ayos na, sana magustuhan mo. Pinagawa ko pa talaga yan para sa'yo."
Tumingin ako sa kwintas. Yung pendant nya puso na napaliligiran ng diamonds.
"Puso ko yan, ibinibigay ko na sa'yo. Ingatan mo ha? Ayokong mapunta sa iba yan," sobrang tamis ng ngiti nya habang sinasabi iyon.
Sa dami ng naging babae ni Jared, ang swerte ko dahil ako ang minahal nya. Pero... alam ko na kulang pa ako. Kulang pa ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko yata yon kayang pantayan. Dahil alam naman naming dalawa na may kaagaw sya.
"J-Jared..." Naluluha ako. Ang bigat sa dibdib masyado. Mahal nya ako.
"Kahit na anong mangyari, mamahalin parin kita Samantha. Sa'yo lang ang puso ko, minahal kita noon, mahal kita ngayon at patuloy kitang mamahalin sa paglipas ng mga panahon."
Napaluha ako sa mga sinabi nya.
"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Samantha. Hindi man siguro tayo sa huli kahit sa pagtanda natin ikaw lang ang mamahalin ko."
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi nya. Masaya ako dahil mahal nya ako. Pero natatakot din ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Bakit ba kasi ang hirap ng sitwasyon namin? Bakit ba nya ako minahal? Kahit na alam kong mali, hindi ko magawang umiwas sa kanya.
"Nakahanda ako sa mga mangyayari Samantha, gusto ko lang na sumaya ka. Mahal mo 'ko hindi ba?"
Tumango ako nang sunod-sunod.
"Oo Jared, mahal kita," sagot ko habang naiyak. Pinunasan nya ang mga luha ko at hinalikan nya ako sa noo.
"Habang buhay akong magpapasalamat sa Diyos dahil binigyan Nya tayo ng pagkakataon na magkakilala. Nagpapasalamat ako sa Kanya dahil pinagtagpo Nya tayong dalawa. Salamat dahil minahal mo ako Samantha, salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Kung wala ka ngayon hindi ko alam kung sino o ano na ako ngayon."
Pinunasan ko ang luha ko at tinignan sya nang diretso sa mga mata. "Bakit ka ba nagda-drama ngayon Jared? Ang lakas mo magpaiyak eh," ngumiti ako pero paulit ulit kong naririnig ang sinabi nya kaya naman napapaluha parin ako. Ang sikip ng dibdib ko ngayon siguro dahil sa sobrang saya.
"Gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal. At ang isa pa, Christmas ngayon diba? Birthday ni Jesus."
"Ano'ng connect?"
"Malaki," tinitigan nya ako. "Kasi imbes na sya ang regaluhan ko, ako ang niregaluhan Nya. Ibinigay ka Nya sa'kin Samantha. Binigyan Nya ako ng isang napakagandang regalo. Ikaw."
Tumawa ako at niyakap sya. "Masaya din ako Jared dahil nandito ka ngayon sa tabi ko. Promise me hindi mo ako iiwan?"
Niyakap nya ako pabalik. "Hangga't kailangan mo ako, hindi kita iiwan."