Pumasok na kami sa loob ng beach house. Dumiretso kami sa kusina at pinainom ng gamot si Timothy. Ang mga gamot na ipinapainom sa kanya ay para daw sa pampakalma. May mga oras daw kasi na nagwawala si Timothy. Pero hindi ko pa naman nakikita na nagwala si Timothy. Isang linggo na ako rito sa tabi nya at wala naman akong napansin na unusual sa kanya. Ang ibang gamot naman ay vitamins. Bago matulog meron din syang iniinom na gamot. Para daw 'yon sa mga panaginip nya. Naaawa na nga ako sa sobrang daming gamot na ibinibigay nila kay Timothy. Isa pang ikinaiinis ko ay ang nurse niya. Nakakainis na palagi syang sumusulpot para sirain ang moment naming dalawa!
Sa totoo lang, ayoko sya rito. Ayoko syang lumalapit kay Timothy. Beach house namin 'to ni Timothy. Mas sanay ako na kami lang dalawa, kaya ko naman syang alagaan. Wala naman sakit si Hubby! Bulag lang sya! Pero ano nga naman ang masasabi ko? I don't have the right to fire her, hindi naman ako ang nag-hire sa kanya kundi si Sweety.
Two years. Ganon na sila katagal nakatira sa bahay na 'to nang sila lang. Kapag naiisip ko 'yon, sumasakit ang puso ko at naninikip ang dibdib ko. Nagseselos yata ako. Pinagmasdan ko si Ami at ikinumpara sa'kin. Maganda sya, hindi kaputian, mas matangkad sa'kin ng 1 inch at hmph...sexy! Kasing tanda yata nya si Hubby. Oh mas matanda sya? Okay. MAS BATA NAMAN AKO SA KANYA! MAS FRESH AKO! Ako parin ang pipiliin ni Hubby!
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ni Jared sa screen, tumatawa sya. Kaagad kong sinagot ang tawag nya.
"Oh Red? Napatawag ka?"
[Hahaha! Angelo saglit lang kausap ko si Mommy mo--MOMMY!!!] Ahck! basag ang eardrums ko sa sigaw ni Angelo.
Saviel Angelo Perez, ang kapatid kong two years old. Nasanay na syang tawagi akong Mommy dahil ako ang palagi nyang kasama kaysa sa parents namin. Ang kinalakihan nyang Daddy ay ang Ex-Fiance ko, si Red Dela Cruz.
Sa dami nang kagigisnan nyang Ama, si Red pa. Sana hindi sya magmana sa ugali ni Red, casanova.
Napatingin ako sa kinatatayuan nina Timothy at Ami. Chinecheck ni Ami ang BP ni TOP. Lumabas muna ako sa kusina at pumunta sa sala.
"Hey! Ano'ng nangyayari dyan?"
[Kulit talaga ng kapatid mo Samantha! Teka! Angelo umupo ka nang maayos. Ay ang tigas ng ulo! Upooo! Hwag kang tumalon talon!]
"Teka ano ba kasi ang ginagawa nyo?"
[Nasa sasakyan kami ngayon. Dadalawin namin kayo dyan, dinala ko na rin ang mga gamit mo.]
"HUH?!!"
[MOMMY!!] rinig kong tawag ni Angelo mula sa background. Ang kapatid ko talaga! [Sabi ko papunta kami dyan. Dinala ko na ang mga gamit mo—DADDY!!—ANGELO!! Hwag mong itapon yang cellphone! WAG SAVIEL!!—doo doo doo]
"Hello? Red? Hello?"
Tinignan ko ang phone ko. Disconnected na pala. Pero ano raw 'yon?! Pupunta sila rito?! Ngayon na?! Agad agad?!
"Si Red ba ang kausap mo?"
"AY ANAK KA NG NANAY MO!!" nagulat naman ako.
Napatingin ako sa likod ko. Nakatayo roon si Timothy.
"K-Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko at nilapitan sya.
Hinawakan ko sya sa braso at pina-upo sa sofa. Umupo ako sa tabi nya.
"Si Red ba ang kausap mo?" ulit nya.
Ipinulupot nya ang braso nya sa waist ko at hinila ako palapit sa kanya. Gusto nya talaga walang space na naiiwan sa gitna namin.
Muscle. Muscle. Muscle. Mas defined na ang biceps nya, chest nya pati abs nya. Minsan nga ako ang nagpalit ng shirt nya. Anim na pandesal dati ngayon walo na! NALOKA AKO NANG GABING 'YON! HORMONES KO RUMARAGASA!!! Buti nalang nakapag-pigil ako. Baka kulong ang abutin ko nito. Eh kasi naman! Bakit kasi ang lakas mang-akit ng katawan ni Timothy?
"Wifey.."
"B-Bakit?"
"Ano ang relasyon nyo ni Red?"
Nagulat ako sa tanong nya. Hindi naman kasi namin napag-uusapan. Bigla akong hindi mapakali. Kinakabahan ako. Kung pupunta rito sina Red at Angelo mabuti pa na liwanagin ko sa kanya kung ano ang lagay naming dalawa. Pero paano ko ba ipapaliwanag?
Tumayo muna ako para mabawasan ang tensyon sa katawan ko. Pero mabilis nyang nahablot ang damit ko, kumapit sya sa bandang laylayan ng tshirt ko.
"Saan ka pupunta?" seryoso nyang tanong.
"Ah. Kasi Hubby, tungkol kay Red," huminga ako nang malalim. "May sasabihin ako sa'yo. Pero hwag kang magagalit. Ano kasi...tumawag sya at papunta sya rito para—" napatigil ako sa expression ng mukha nya. Oh no.
"Iiwan mo na ba ako?" mahinang tanong nya. Mas lalong humigpit ang hawak nya sa damit ko. "You're not leaving me again. You can't go Wifey."
Ito ang ibang side ni Timothy. Parang nagkaron sya ng phobia sa tuwing lalayo ako. Hindi mawala sa isip nya na iiwan ko sya. Kung minsan bigla nalang syang tatahimik at makukulong sa sarili nyang mundo. Lalo na kung tahimik ang paligid nya, kaya hindi pwede na hindi ako palaging nasa tabi nya. Kapag kailangan ko syang iwan kailangan nya parin marinig ang boses ko para ma-assure na hindi ako umalis. Kapag magkasama kami kailangan hawak nya ako.
Ito palang ang side na nakikita ko sa kanya. Pero sabi ni Ami may dalawa pa daw itong side. Iyong sobrang lungkot at sobrang galit. Ang side na ito, ito ang side na nagiging possessive sya. Not in scary way pero...ito ang side na takot na takot syang maiwan. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Basta ang alam ko lang...nakapagdecide na ako na hindi ko na talaga sya iiwan. Magiging selfish na ako ngayon para makasama sya.
Umupo na ulit ako sa tabi nya. Hinimas ko ang likod nya. "Hindi kita iiwan. Hinding hindi na. Pangako ko dito lang ako sa tabi mo," bulong ko sa kanya.
Hinalikan ko ang noo nya. Huminga sya nang malalim.
"Pangako mo yan."
"Oo. Tutuparin ko 'yon. Kahit ano'ng mangyari dito lang ako."
"Thank you," ngumiti na sya.
Ewan ko kung bakit para akong nasasaktan. Dahil ba alam kong sobra sobrang nasaktan ko si TOP? Kailangan pa nya akong pasalamatan ngayon dahil di ko sya iniiwan. Hindi naman nya ako dapat pasalamatan, dapat nga itinutulak nya ako palayo sa kanya. Wala akong dala kundi gulo sa buhay nya. Pero wala naman syang pakialam sa mga gulo na 'yon.
Sa sobrang pagmamahal nya sakin wala na syang pakialam sa ibang bagay. Ako lang. Ako lang ang kailangan nya.
Dapat matuwa ako pero natatakot ako para sa kanya. Paano kung mamatay ako bigla? Paano na sya? Ayokong masira ang buhay nya dahil wala na ako. Pero sana naman hwag muna akong mamatay. Ang bata ko pa. Teka nga bakit ko ba iniisip na mamamatay ako bigla? I'm healthy!
"Miracle."
"Yes Hubby?"
"Can you kiss me?" diretsong tanong nya.
Tinignan ko ang mukha nya. Normal lang naman. Tama ba 'yong narinig ko?
"Ano? Pa-ulit nga Hubby?"
"Kiss me?" humarap yung mukha nya sa'kin.
Nakapikit sya. Hindi naman ito ang unang beses na hahalikan ko sya pero ito ang unang beses na hahalikan ko sya dahil hiniling nya.
"Miracle.."
Tinitigan ko ang mukha nya. Yung kilay nya. Mga nakapikit nyang mata. Matangos na ilong nya. At yung labi nya. Ang labi nya hinihila ako. Hahalikan ko sya. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi nya at inilapit ang mukha ko sa kanya. Nagkadikit ang mga ilong namin. Huminga ako nang malalim. At hinalikan ko na sya.