アプリをダウンロード
14.28% Talk Back and You're Dead! / Chapter 17: Chapter Seventeen

章 17: Chapter Seventeen

Ugh. Ano'ng nangyari? Binuksan ko ang mga mata ko at nakita na nasa isang madilim akong lugar. Nakaupo ako sa silya at nakagapos ang mga kamay ko sa likod. WHAT THE AMPALAYA?!

Sinubukan kong balikan ang mga pangyayari. Naglalakad ako patungo sa back gate dahil nakaabang sa front gate ang mga kaklase ko. Inaabangan yata nila si TOP. Yung lalaking 'yon, may sariling fans club sa school namin. Iniwan naman ako ng 'Crazy Trios' para mag-laro ng 'Truth or Dare' at dahil nga sa nangyari noong sabado ay hindi na ako sumama. Binigyan ko naman sila ng tig-iisang bukol sa ulo dahil sa ginawa nila sa akin sa mall.

And then may nakita akong tatlong lalaki na tumalon at humarang sa daraanan ko. Isa sa kaliwa, isa sa kanan at isa sa harap. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso ko at lumapit naman ang isa pang lalaki. May hawak siyang panyo at itinakip sa mukha ko. Pagkatapos ay nawalan na ako ng malay.

KIDNAPPERS!! Tumingin ako sa paligid, sa tingin ko gabi na.

"Gising ka na pala. Tamang tama!" May biglang lumabas na biik na nag-sasalita sa harapan ko. Isang biik na naka-leather jacket. Kakaiba na talaga ang mundo ngayon.

"Bakit may biik na naka-leather jacket dito?" tanong ko nang wala sa sarili.

"Sino'ng tinatawag mong biik ha?! Gusto mong masaktan?!" nanlalaki ang butas ng ilong na sigaw niya sa akin.

"Alam mo mukha kang pamilyar. Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko.

"Ehem! Mukhang nakalimutan mo na pero oo nagkita na tayo. Ako lang naman ang nagpadala sa hospital sa pangahas na lalaking iyon. Kwakhakhakahak!" tumawa siya nang malakas, isang napaka-weirdong tawa.

"Sino?" tanong ko. Sinubukan kong tanggalin ang tali sa mga kamay ko. Shoot! I broke a nail! Oh no!

"Sino pa ba kung hindi ang leader ng Lucky 13! Kwakahakhakak!!" Mas lumalaki ang butas ng ilong nya kapag tumatawa. Gross!

"Oh. Ang galing mo naman." Malapit nang matanggal ang tali. Malapit na. Malapit na.

"BOSS!! Dumating na sya!" may sumigaw na lalaki. May dala siyang baseball bat.

"Mabuti naman kung ganon. Pwede na tayong mag-umpisa ngayon. Kwakahakhakak!!" sabi ni Piggy at tumawa na naman na may kasamang snork.

Piggy? Piggy?! Alam ko na kung sino siya, siya yung piggy na nasa bar! Siya yung naghagis ng bote sa direksyon ko. How dare he?!

"Dalhin nyo na itong babae," utos ni Piggy sa dalawang lalaki.

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso at hinila papunta sa kung saan man. May narinig akong tunog ng motorbike. Ilang saglit pa ay may dumating na isang itim na motorbike sakay ang isang lalaking naka-full black outfit. May suot siyang itim na helmet kaya hindi ko makita ang mukha.

VRRROOOOOMMM!!!

Sumunod naman na dumating ang isang red and black na motorbike. Parang pamilyar ang isang iyon ah. Actually pareho silang pamilyar. Saan ko nga ba nakita 'yan?

Huminto sila sa harapan namin ni Piggy at ng mga alipores niya. Sabay nilang tinanggal ang kanilang helmet na parang inutos ng direktor sa isang pelikula at VOILA!

Ang nakasakay sa red and black motorbike ay walang iba kung hindi si Red at ang naka-pure black naman ay walang iba kung hindi ang Lucky 13 leader na si TOP.

Ano kayang ginagawa ng dalawang ito dito? Tekaaaa. Parang ganito yung mga scene sa mga napapanuod kong drama ah? Ililigtas nila ako? Parang si Lee Minho ko! Parang naririnig ko na yung tilian ng Crazy Trios kapag may ganitong scene silang napapanuod sa TV.

"Kwakahakhakak!! Dumating din kayo! Ngayon na matatapos ang paghahari-harian ninyo sa lugar na ito! Siguradong matutuwa si boss nito! Kwakahakahak!"

Piggy, akala ko ikaw ang boss, may mas mataas pa pala sa'yo.

"Bakit hindi nyo pakawalan ang babae at saka tayo maglaban?" sabi ni Red na may ngiti sa labi, yung ngiti na tila naghahamon talaga ng away.

Nanatili namang walang imik at emosyon ang mukha ni TOP pero ramdam ko ang coldness sa mga mata niya hanggang dito sa kinatatayuan ko. Waaahh! Don't look at me like that! Why are you looking at me like that?!

"Stupid retarded seaweed, I told you not to get caught," he said while glaring at me.

Stupid na nga, retarded na nga, may seaweed pa. Kakaiba talaga ang gangster na 'to. I rolled my eyes. Sino ba ang may gusto na makidnap? Stupid gangster! Oh! Yun pala ang ibig nyang sabihin noon na DON'T GET CAUGHT.

Hinawakan ako ni Piggy sa balikat. UWAAAAAAHH!

"Pakakawalan lang namin ang babaeng ito pagkatapos nating mag-laro. Alam nyo na siguro kung ano ang mangyayari sa babaeng ito kapag lumaban kayo." Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko.

Hinawakan niya ang mukha ko. Hinawakan niya ang makinis na kutis ko. Ang piggy na 'to ay hinawakan ang pisngi kong ubod ng kinis! Prepare to DIE!!!

"AAHHHH!!" sigaw ni Piggy nang kagatin ko ang kamay niya.

"Pweh!" Yuck! Germs! Kailangan kong mag-toothbrush ng one hundred times mamaya para siguradong wala akong nakuhang germs kay Piggy. "Sino'ng nagsabi sa'yo na hawakan mo ang mukha ko, ha?!"

Hawak ni Piggy ang kamay niya at nakatingin sa akin na nanlalaki ang mga mata. Biglang namula ang mukha niya at umusok ang mga tenga niya. Uh-oh! Buti nalang natanggal ko na ang tali sa mga kamay ko. Sinipa ko naman sa tyan ang lalaki na nakahawak sa akin kanina.

"Sino ang nagbigay ng permiso sa inyo na hawakan ako? Ha?!" Nag-evil smile ako sa kanilang lahat. Katapusan nyo na! "HIYYYAAAAHHHH!!!" Lumapit ako kay Piggy at ginamit ko sa kanya ang aking infamous kick-where-it-hurts-the-most then knee-the-stomach at thunder uppercut combo!! "HIYAAAAHHH!!"

"AAHHHH!!! YUNG ANO KO!!!" sigaw niya habang parang hipon na nakahiga sa sahig at hawak ang ehem-private-ehem-part.

Inilagay ko ang paa ko sa ulo niya. "Tandaan mo! Hindi pagkapanalo sa isang laban nasusukat ang pagiging isang tunay na lalaki, iyon ay kung kaya mong lumaban ng patas kahit alam mo na dehado ka pa. Gano'n ang isang tunay na lalaki!!" Sinipa ko sya sa likod at nawalan na siya ng malay. Ang super cool ko! "One down. Six to go. Who's next?" tumingin ako sa mga alipores ni Piggy. Pero imbes na takot sa mukha ang makita ko ay nakita ko sila na namimilipit sa sakit at nakahiga rin sa sahig.

Nakita ko naman si TOP na may sinusuntok na lalaki. Nakakatakot siyang tingnan kung makipaglaban. Para siyang may sapi, mas malala pa yung ginawa niya sa ginawa ko kay Piggy. Nawalan ng malay ang lalaking sinusuntok ni TOP at pagkatapos ay duguan na bumagsak sa sahig.

D-Dugo. Oh Ehm. Ganito ba talaga siya makipaglaban? Nakakapangilabot!! Note to myself; hwag masyadong gagalitin si TOP kung ayaw makakita ng dugo. I wonder kung kaya niyang pumatay ng tao? Kung tutuusin nanggaling siya sa kulungan. Ayokong mainvolve sa isang taong katulad niya! Ano na lang ang iisipin ng mga fans ko kung malalaman nila na may.. hmm... ex-boyfriend akong galing sa kulungan? WAAAH! Bababa ang status ko sa school! Magiging outcast ako! At si Audrey na ang magiging number one! Hindi pwede! Pero naging kami ba talaga o laro lang? Teka, naguguluhan ako. Seryoso, ano ba ang relasyon ko sa gang leader na 'to?

Lumabas kami ng abandoned factory at iniwan ang mga walang malay na gang ni Piggy. Nasa factory pala kami malapit sa school ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Red. Nakangisi siya at naka-lean sa kanyang motorbike habang naninigarilyo.

Tumango ako. "Ano ba ang ginagawa ninyo rito?"

"Haha! Hindi pa ba halata? Nandito kami para iligtas ka, ang slow mo naman," sabi ni Red na tumatawa.

Gusto yata nitong masaktan eh. Gawin ko kaya sa kanya yung infamous Sammy Combo ko? Hmm. Not a bad idea. May nag-click tapos snap na tunog sa tabi ko at nakita si TOP na naninigarilyo na rin. Itinago niya ang kanyang lighter sa back pocket ng kanyang jeans. Tapos unti-unti, tila isang slow motion, nag-puff siya ng cigarette. Actually ang SEXY niya manigarilyo! OMG! Hindi ako makapaniwala na sinabi ko 'yon! Bigla nalang, sa direksyon ko siya bumuga ng usok.

"You're gonna die early, stupid," I mumbled while coughing.

He hit my head lightly AGAIN! "You saying something retard?"

"Stop hitting my precious head!! Ayokong matulad sa'yo 'Brain Dead Zombie'!" I covered my head with my two hands.

"What did you just call me?! I just saved your ass retard! You wanna die?!" he tried to hit my head again but I dodged his fist. Bwahaha! Akala mo ha!

"Stupid girl," he muttered and puffed his cigarette.

"Stop smoking, it's bad for you," I said in a more serious tone.

"Okay," sabi ni Red at itinapon ang stick ng kanyang sigarilyo at tinapakan.

"F*ck! Stop your b*tching. What the hell is your problem? Did you fall for me already? Damn, this is why I hella hate girls so much, you save them then they fall for you and start becoming so f*ckin clingy and annoying—"

"I DON'T LIKE YOU!! I WAS JUST—Argh! FORGET IT! YOU WOULDN'T UNDERSTAND ANYWAY 'CAUSE YOU'RE A BRAIN DEAD ZOMBIE!! GO DIE AND ROT IN HELL FOR ALL I CARE!"

"I'M NOT A F*CKIN ZOMBIE YOU BARBIE DOLL WANNABE!!"

"YOU DID NOT CALL ME A BARBIE DOLL WANNABE!" I gasped dramatically.

"YEAH I F*CKIN DID!!"

"YOU STUPID DELINQUENT!! TAKE THAT BACK!!"

"DID YOU JUST TELL ME WHAT TO DO, DOLL FACE?!"

"HELL YEAH I DID!! WHAT ARE YOU GOING TO DO ABOUT IT?! HIT ME?! GO AHEAD YOU JERK!!"

"YOU STUPID RETARD!" he pinched my cheeks. "YOU LIKE THAT HUH?!"

"OW!! STOP PINCHING MY PRECIOUS CHEEKS!!" I bit his hands.

"OWW!! YOU BIT ME!!"

"TOUCH ME AGAIN AND YOU DIE BARNEY!!!"

"BARNEY?!"

"I HATE BARNEY!! HE'S CREEPY AND HIS VOICE IS ANNOYING!! YOU'RE JUST LIKE HIM, CREEPY AND ANNOYING!!!"

"Oh God! Just kiss already!" tila naiinip na reklamo ni Red. Nakalimutan ko na nandito pala siya.

"Psh! Nakakadiri naman yang sinabi mo," sabi ko kay Red. "Bakit ko naman hahalikan ang brain dead zombie at ex-con na 'yan?"

Natigilan silang pareho sa sinabi ko. Parang biglang lumamig ang paligid pero narealize ko na bumalik lang pala ang coldness sa mga mata ni TOP. Bukod doon may nakita rin akong sorrow, pain at hatred sa mga mata niya. Kanina lang grey ang mga mata niya katulad ng sa abo pero parang dumilim na ito ngayon, katulad ng sa bagyo. Walang imik na naglakad siya palapit sa kanyang motorbike, pinaandar niya 'yon at umalis. Naiwan kami ni Red na nakatingin sa kanya.

"You are so stupid," sabi ni Red at kumuha ng sigarilyo at sinindihan. "You hit him below the belt Samantha. Kailangan mo ba talagang sabihin 'yon? That was a cheap shot."

Ang lakas naman mang-guilty nito. "Okay fine, I'm sorry."

"Hwang ka sa'kin mag-sorry, kay TOP."

"Ano ba ang reason kung bakit siya nakulong?"

"Not my story to tell, but don't worry hindi naman grabe ang

ginawa niya at walang nasaktan o namatay kung 'yon ang iniisip mo."

"Right," I muttered. Napaka-sensitive naman ng taong 'yun! Guilt!

"He's not that bad Samantha, you have to give him a chance."

"I hate him, that grey-eyed-super-sensitive-monster!"

"He likes you," he chuckled.

"Excuse me?!" gulat na sabi ko.

Ngumiti siya. "Gusto ka niya, hindi ba halata? Slow ka talaga 'no?" ginulo niya ang buhok ko.

"Hey! I'm not stupid!"

"Yeah, yeah tell that to the marines."

"He hates me, doesn't he?"

"Tsk. Hindi ka niya sasagipin kung galit siya sa'yo."

"Psh! Yeah right!"

"Sa'yo lang siya ganyan."

"What do you mean?"

"Sa iba, hindi lumalagpas ng sampung salita ang sinasabi niya

pero sa'yo." Hindi lumalagpas ng sampung salita? "He's a very different person whenever he's with you. He's happy and calm."

Happy? Calm? CALM?! Eh nag-sisisgawan na kami kanina dito tapos sasabihin mo HAPPY AND CALM?!

"Then bakit kung umasta siya parang kalaban ang turing niya sa'kin?"

"He's just trying to cover up his true feelings for you."

"Bakit niya naman gagawin 'yun?"

"Dahil na-iintimidate siya sa'yo. Hindi ka katulad ng ibang babae, marunong kang lumaban at hindi umaatras sa isang argumento. At isa pa, hindi mo sineseryoso ang mga sinasabi niya. Hindi katulad ng ibang babae na masyadong sensitive. Dahil sa'yo bumababa ang confidence level niya at sa maniwala ka man o hindi nahihiya siya sa'yo. At ngayon na alam mo nang nakulong siya? Sigurado ako, matagal mo siyang hindi makikita niyan."

Natigilan ako. Uminit ang pisngi ko. Namumula ako sigurado. May gusto sa'kin si TOP? Crush niya ako?! OMG. Crush pala ako ng lalaking 'yon?

"Paano mo naman nalaman?" Psh! Niloloko lang yata ako nito eh. Pero di parin mawala ang init sa pisngi ko.

"Trust me, I know." Inilagay nya sa ulo ko ang helmet nya. "Iuuwi na kita sa inyo."

"Kaya kong umuwi mag-isa."

"After what happened thirty minutes ago matapang ka parin? You are really something, Samantha." Sumakay sya sa motor niya.

"I'm not something, I'm someone. Tao ako hindi bagay."

"Hahaha! Pilosopo. Now I see why he likes you."

"Tigilan mo nga ako!" napapangiti kong sabi. Kainis.

"Pangalawang beses na niya 'tong ginawa para sa'yo alam mo ba?"

"Huh?"

"Noong nakaraan lang may dinakip silang babae. Ang sabi ikaw daw 'yon kaya naman pinuntahan ni TOP. Pero maling babae ang nakuha nila. Hindi ko alam kung sino, wala kasi ako nang mangyari 'yon."

"M-May kinidnap sila?" gulat kong tanong.

"Oo."

OMG. Bigla kong naalala ang nangyari nang may lumapit sa akin na tatlong lalaki. Tinanong nila kung sino ang girlfriend ni TOP at sinabi ko na si Audrey. Si Audrey ang na-kidnap? Sinagip siya ni TOP?

"Nag-solo siya non, napagtulungan tuloy. Mabuti magaling ang loko. Ilang pasa lang ang nakuha. Ang alam ko nasagip din niya yung babae. Tsk. Tsk. Sino man iyon, kawawa naman. Nadamay." Guilt!


クリエイターの想い
AlesanaMarie AlesanaMarie

Yung tatay ni Banri #highschoolzero

hahahaha

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C17
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン