アプリをダウンロード
25% The So-Called "Ex" / Chapter 5: TSCE: Hurtful Truth

章 5: TSCE: Hurtful Truth

***

Hindi ko ini-expect ito ngayon. Gulat kaming dalawa habang tinitingnan naming ang isa't-isa.

"J-Jeyson, right?"

Tila ba'y na-blangko ang isip ko sa sandaling iyon. At para bang tinuklaw kaagad ako ng pagka-guilty lalo na nang muli kong naalala ang mga nangyari noon sa isang coffee shop.

Isang tipid na pagtango lamang ang naitugon ko sa kanya. At wala na akong ibang maisip pa na pwedeng sabihin. Nangangamba tuloy ako ngayon sa mga susunod na mangyayari.

"Ikaw lang pala 'yan. Ang galing naman talaga ng timing at dito pa tayo muling nagtagpo." Sa pagkakataong iyo'y may bahid na ng lungkot ang kanyang boses. Kabaliktaran ng aking napansin sa kanya kani-kanina lang. "Pero ay nagpapasalamat talaga ako dahil nakita ulit kita after that day!" aniya pa. This time, kahit papaano ay may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi.

Samantala'y dahan-dahan nang kumabog ang aking dibdib. Ang bagay na tinutukoy niya ay 'yong araw nang hingan ako ng favor ni Evo upang sabihin ritong nakikipag-break na siya.

"Hindi ko alam na kasali ka pala sa cotillion dance. Hindi ko naman kasi napapansin na kasama ka naming mag-practice." iniba ko ang maaaring patutunguhan ng aming pag-uusap.

"Ah." Sandaling hindi muna siya nakapagsalita. Para ba kasing nabibigatan siya ng kanyang kalooban na magsalita. Huminga muna siya ng malalim. "'Yong bestfriend mo, si Evo, masasabi kong para ko na din siyang isang personal instructor dahil siya na ang nagtuturo sa akin ng mga steps. Na-tatiming naman kasi na may kailangan kong tapusin na mga aralin during practice time na. Pero nakaka-attend naman ako paminsan-minsan, hindi mo lang pansin." ang patuloy niya.

Oo nga pala, kasama din dapat si Evo ngayon pero ay wala siya!

Muli niyang isinuot ang kanyang glittering mask. Sa tingin ko ay lumuluha na siya pero ay sinusubukan lamang niyang hindi ipahalata sa akin.

"After that day, iniwan mo akong "clueless". Alam mo ba 'yon?" ang pakli niya.

At sa puntong iyon, doon ko napagtanto na talagang umiiyak na siya because of her shaky voice.

_________

May bigla ulit akong naalala...

"Oh dude! Ano? Nasabi mo na ba sa kanya?" ang kaagad na tanong ni Evo pagkalapit niya sa akin.

"H-Ha? O-oo. Y-yes. . .yes, nasabi ko na . . . nasabi ko na sa kanya ang lahat!" ang pagsisinungaling ko.

"Yes! That's it man! Thank you so much. " tuwang-tuwa siya. "So, dapat ko na 'tong itapon ngayon." 'yong sim card na hawak niya ang kanyang tinutukoy.

"I-Itatapon mo na 'yang sim card mo?" ang gulat kong sabi sa kanya.

"Yep, ayoko na kasing maisturbo pa niya. Don't worry, 'yong isang number ko naman talaga ang regular kong ginagamit eh." aniya. At pagkatapos ay itinapon na nga niya sa may basurahan ang hawak niyang sim card.

Nagsinungaling ako sa kaibigan ko sapagkat ang totoo'y hindi ko pa nagagawa ang kanyang favor sa akin.

_________

At nagbalik ako sa aking sarili.

"Until now, I'm still wondering if ano ba talaga ang bagay na gustong ipasabi sa'yo ni Evo sa akin na hindi mo naituloy na sabihin pa dahil sa biglang sumama ang iyong pakiramdam. At pagkatapos ay umalis ka na lang bigla." ang malungkot niyang sabi.

Pinipigilan ko pa rin ang aking sarili na magsalita.

"Hindi ko na siya ma-contact at hindi na rin siya nagrereply sa lahat ng texts ko sa kanya. I was still hoping to see him at this very special moment sa'ting teenage life, this grand ball night. Hinahanap siya ng puso ko, especially kanina bago pa man nag-umpisa ang sayaw. Pero ay wala siya. Hindi nagpakita kahit man lang ang anino niya. Masakit isipin nung nalaman kong nag-back out na pala siya sa cotillion dance. Pero bakit? Bakit? Ang paulit-ulit na tanong ko sa'king sarili. Ano ba ang nangyari? Alam mo bang walang gabi na hindi ko iyon itinatanong ng paulit-ulit sa aking sarili?"

Muli niyang tinanggal ang kanyang mask at mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha.

Alam mo 'yong pakiramdam na relate na relate ka sa kanyang mga sinasabi at nararamdaman? Nakikita ko ngayon sa kanya ang aking sarili bilang isa ring broken hearted.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw ang best friend niya, 'di ba? Kung maaari sana ay sabihin mo na sa akin ang lahat. I know na may koneksyon 'yon kung bakit bigla na lang siyang nagbago. I'm begging you. Please?" Ang pagmamakaawa niya.

Hindi niya lang alam ang tunay na dahilan kung ba't di ko kayang sabihin sa kanya ang bagay na 'yon, sapagkat alam kong mas masakit na malaman ang katotohanan mula sa ibang tao kaysa sa taong dapat sana ay siya ang magsasabi sa iyo!

_________

Sa isip ko...

February 14, 2005 noon...

"Aicelle!" ang tawag ko nang nakita ko ang bestfriend ni Jemmi. "Si Jemmi, nakita mo ba siya?" ang excited na sabi ko sa kanya habang nasa aking likuran ang isa kong kamay na may hawak na isang bouquet ng bulaklak bilang surpresa sana sa girlfriend ko.

"M-Mabuti't nagkita tayo, hinahanap din kita Jeyson." malungkot ang boses niya nang aking mapansin.

"Ah. G-Ganun ba? May surpresa sana ako sa kanya eh."

"S-Si Jemmi ---" hindi niya halos masabi ng diresto ang bagay na nais niya sanang sabihin.

"Oh bakit? Ano'ng nangyari sa kanya? May problema ba? Ano?" bigla tuloy akong nag-alala.

"Jeyson, walang may nangyari kay Jemmi."

"Eh kung ganun, ano 'yon?"

"M-May... May ipinasasabi siya sa'kin sa'yo."

"Sa akin? Ba't hindi na lang niya ako tawagan or i-text?"

"Hindi ko alam. Pero ang sabi niya sa akin ay sabihin ko daw sa'yo na NAKIKIPAG-BREAK na siya sa'yo!"

Hindi muna ako nakapagsalita sa aking narinig mula sa kanya. At natawa pa nga ako.

"Kalokohan. Gino-good time niyo na naman ako eh. Seryoso ka ba diyan?"

Nanatiling seryoso ang mukha ni Aicelle.

"S-Sorry daw para sa lahat!"

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"

"Hindi muna siya papasok ng school. At puputulin na niya ang inyong komunikasyon."

Doo'y pinagharian na ako ng takot at pangamba.

"Hindi magandang biro 'yan Aicelle."

"Sorry Jeyson, pero ay totoo ang lahat ng sinasabi ko sa'yo. Lahat ng iyon ay nanggaling mismo sa kanya!" maluha-luha na siya habang nagsasalita.

Biglang tumigil sa pag-ikot ang aking mundo doon sa aking nalaman. Tila unti-unting nanghina ang aking katawan, dahilan upang dahan-dahang bumaba ang aking kamay.

"A-ano ulit 'yon?" ang paglilinaw kong tanong ulit sa kanya, sapagkat hindi ako makapaniwala sa lahat.

Hindi na niya nagawa ang sagutin pa ang tanong ko.

"Nasaan siya ngayon?" ang tanong ko.

"N-Nasa Auditorium siya ngayon nanonood ng play-off ---"

Hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin. At mabilis akong tumakbo papunta sa Auditorium.

Pagkaraa'y unti-unti nang bumagal ang aking pagtakbo hanggang sa nilakad ko na lamang papasok sa loob ng Audi. Kaagad ko siyang hinanap. Maraming estudyante ang nakatambay pa rin sa loob. Katatapos pa lang siguro ng ginanap na basketball play-off doon.

Marahan pa akong naglakad.

Hindi ko siya makita. Habang tumatagal ay mas tumitindi ang kabang nararamdaman ko. Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa boquet ng bulaklak. Wala siya kahit saan ko man idako ang aking paningin.

Naalala kong tawagan siya. Kung kaya ay kinuha ko kaagad ang aking cellphone at idinial ang number niya.

It was just ringing . . . ringing . . . and ringing. Kahit papa'no ay nabunutan ako ng tinik dahil na-cocontact ko pa din siya.

Sa kabilang banda ay may naririnig akong isang pamilyar na ringtone mula sa kung saan. Nanggagaling iyon marahil sa isa sa mga bag na iniwan sa mga upuang naroon.

Hindi ako puwedeng magkamali sa naririnig ko. Iyon ang gamit na ringtone ni Jemmi!

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog. At laking gulat ko nang nakita ko ang isang lalaki na dumampot sa isang cellphone na nasa tabi ng isang bag na nakapatong doon sa may bandang dulo ng bench.

"Hello?" ang wika niyon. At naririnig ko mula sa speaker ng cellphone ang boses niya habang nakalapat ito sa tenga ko. Doon ko napagtanto na cellphone nga ni Jemmi ang nakita kong kinuha niya.

"S-Sino ka?" iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko habang pinagmamasdan ko siya.

Nagulat at natawa ang lalaki doon sa naging tanong ko.

"Huh? Ikaw ang "sino" tol? Boyfriend ako ng may ari ng cellphone na tinatawagan mo ngayon. Number lang at 'di naka-rehistro sa phone book ang numero mo uy!"

Pakiramdam ko ay para bang tumigil bigla sa pagtibok ang puso ko nang dahil sa aking narinig. At nang idako ko ang aking paningin ay nakita ko si Jemmi na kararating pa lamang. At gulat na gulat siya nang nakita niya ako.

Tila unti-unti akong tinutunaw dahil sa matinding sakit habang pinagmamasdan ko siya!

_________

Nagbalik ako sa aking sarili.

"Ano? 'Wag mong sabihin sa akin na hindi na naman maganda 'yang pakiramdam mo?" pumukaw at umagaw sa atensyon ko ang tanong niya na iyon.

Huminga muna ako ng malalim.

"Magsalita ka naman oh?" She pleaded.

"Nasaktan ka na ba noon?" iyon ang tanong na bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan? O-oo naman, siyempre! Normal lang naman 'yon, 'di ba? Ang masaktan. Pero ang weird mo ah. At isa pa, ano naman ang connect nun doon sa gusto kong malaman?"

Sa kabilang banda ay naging nakakaindak na ang sounds ng nagaganap nang disco fever sa loob ng venue.

"Evo asked me to do a favor." ang pag-uumpisa ko. Naghihintay lamang siya sa sunod kong sasabihin. At muli akong huminga ng malalim. Nahihirapan talaga ako sa aking sasabihin, ngunit ay nagpatuloy pa rin ako. "Gusto niyang ipasabi sa akin sa'yo na . . . na NAKIKIPAG-BREAK siya sa'yo!"

Hindi muna siya nakapaniwala ng husto sa kanyang mga narinig. She was lightly shaking her head. Bahagya pa nga siyang natawa eh. Pero pagkaraan lamang ay napansin ko na lang na humahagulgol na naman siya ng iyak habang nakatakip ang dalawa niyang mga kamay sa kanyang mukha.

Sinasabi ko na nga ba'ng mas masakit na malaman ang katotohanan mula sa iba, kumpara sa responsableng tao na dapat sana ay ang taong mag-aabot sa iyo ng impormasyon na 'yon!

***


クリエイターの想い
2ndHandBoyFriend 2ndHandBoyFriend

Ano po ang masasabi niyo sa kwentong ito? Please rate this novel and leave your comments.

Salamat po!

Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C5
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン