Nakadama ng kakaibang chill sa katawan si Rea. Feeling niya ay may nakatitig sa kanya at nag-iisip ng hindi maganda sa kanyang katawan. Biglang niyakap niya ang sarili. Lumingon siya sa paligid at may napansin siyang grupo ng mga kabataan na base sa mga hitsura, kasing edad lamang niya ang mga ito.
Tatlong magagandang babae at dalawang lalaki ang dahan dahan na papunta sa kanyang kinaroroonan.
Kitang kita sa hitsura ng isa sa mga babae na may lavender na kulay ng buhok ang pagkasabik at... pagnanais? Hindi alam ni Rea kung bakit ito ang rumehistro sa hitsura ng isa sa mga babae. Pero base sa mga kasuotan nila ay parang hindi tagarito sa Engkantasya ang mga kabataan na palapit sa kanya. Pero ang klase ng kanilang pananamit ay katulad kay Yman!
Napaisip nalang si Rea ng "magpapagawa rin kaya sila ng damit?"
Nasa limang metro nalang ang kanilang distansya mula sa magandang engkantada. Palihim naman humanga lalo si Undying nang makita ito. Habang palapit ng palapit ay lalo pa itong gumaganda. Nakailang beses na niyang dinilaan ang kanyang natutuyong labi. Sa kanyang isipan ay naglaro ang isang eksena na tanging siya lang ang may alam. Syempre tungkol ito sa kanyang pinapangarap na harem.
"Kesha kilala mo ba siya?" Biglang tanong ni Mina.
Tumingin si Kesha kay Mina at "mhm, siya ang idol ko na vlogger sa wetube, si Miss Ella! At siya rin ang nag-upload ng video ni Black Magician!" Excited na sagot ni Kesha sa kaibigan.
Nanlaki kunti ang mata ni Mina nang marinig ito. Si black magician na tumulong kay Yman mula sa mga ghoul at ang engkantadang ito na siyang nagbi-video sa naganap na laban?
Biglang napaisip si Mina "posible kayang isa siya sa nakatulong kay Yman? Dahil nandun naman siya sa area ng pinaglabanan, siguro nakita niya si Yman!"
Walang ideya si Maen sa pinagsasabi ng mga kasama. Pero pagkaintindi niya ay ang engkantada ang kumuha ng video ng laban ni black magician. Kung ganun gusto niya rin itong makilala.
Si Leon naman ay sumunod lang sa kanila, habang si Undying ay iba ang iniisip.
"Rea?" Biglang pagtawag ng mahinang bosses mula sa loob ng panahian. Mahina lang ang bosses nito pero dinig na dinig ito ni Rea at agad siyang pumasok sa silid. Ngunit...
"Sandali lang Miss!" Biglang pagtawag ng bosses babae mula sa kanyang likuran. Napalingon si Rea at nakita niya na palapit sa kanya ang grupo ng kabataan. Lumingon lingon si Rea sa kaliwa at kanan para siguraduhin kung may iba pa bang tao sa paligid na posibleng target ng pagtawag. Pero wala siyang nakita at tanging siya lang mag-isa sa pwesto na iyon.
"A-Ako ba?" Tinuro ni Rea ang kanyang sarili. Medyo nakadama siya ng hindi komportable mula sa grupo na ito. Lalo na sa isang lalaki na kanilang kasamahan. "Ano kayang gusto nila? At bakit nakakatakot ang titig ng isa sa mga lalaking kasama nila. May itatanong kaya sila?"
"Miss Ella!" Sigaw na pagtawag ni Kesha.
"Eh?" Nagulat si Rea dahil kilala siya ng isa sa mga kabataan. Ang tumawag sa kanya ay ang babaeng may lavender na buhok.
"Pwede magpa-autograph?" Biglang dugtong ni Kesha.
"Uh? Eh? Autograph?!" Nagulat at naguluhan si Rea.
"Isa ako sa mga subscriber mo sa wetube at fan na fan mo ako!" Masiglang sabi ni Kesha.
Nabigla si Rea sa sinabi ni Kesha. Hindi niya akalain na subscriber pala niya... at fan daw?. Kaya pala nakilala siya. Naisip ni Rea na ito ang dahilan kung bakit sila lumapit sa kanya.
"Ah g-ganun ba? S-sige... p-pero wala akong dalang pangsulat."
"Huwag kang mag-alala meron ako!" Mabilis na kinuha sa kanyang storage at pinapermahan ang kanyang... maliit na notebook? Siguro diary ni Kesha. Hindi lang yun, pati rin maliit na disc ay pinapermahan. Mga kanta siguro ang laman nito. Kitang kita na mahilig sa kanta si Kesha dahil sa headphone na nasa kanyang leeg.
Pagkatapos ibalik ang mga bagay na pinermahan.
"Salamat sa pag subscribe sa channel ko." Sabi ni Rea kay Kesha.
"M-Miss Ella" Biglang pagtawag naman ng isa pang bosses.
"B-bakit?" Sagot sabay lingon si Rea sa pinagmulan ng bosses. Isang magandang dilag. "Bakit kaya? Bakit kaya parang seryoso ang mukha niya?" Naguluhan si Rea sa magandang babae na pinagmulan ng bosses nang lingunin niya ito. Meron itong mahaba at maitim na buhok.
"Uh-uhm..."
"Rea? Andiyan ka ba?" Mahinahong bosses na mula sa loob ang biglang tumawag ulit kay Rea.
Hindi natapos ni Mina ang sasabihin at biglang bumilis ang tibok ng kanyang dibdib ng marinig ang bosses. At walang sabi sabi na biglang pumasok sa loob ng silid. Napakabilis ng galaw niya na para bang hangin lang na nagdaan.
"""Eh?"""
Nagulat ang lahat sa ginawa ni Mina. Hindi sila agad nakapag-reak pati narin si Rea.
"B-Balak ba niyang magpatahi ng damit?" Pagtataka ni Rea.
Nang makapasok si Mina ay may nakita siyang likod ng binata. Nakaupo ito at tila may hinihintay. Ilang sandali...
"Fuu~ Sir tapos na." Biglang pagtawag ng bosses matanda na nasa loob ng silid na makikita sa salamin na dingding. Kung saan nakaharap ang binata na nakatalikod habang nakaupo. Nakita ni Mina nang tumayo ang binata. Pero nagulat siya! Dahil mas matangkad ito sa kanya. Pagkakaalam niya ay mas mababa sa kanya kunti si Yman. Mali lang ba siya sa pagkadinig? Pero sigurado siya na bosses ni Yman ang kanyang narinig. Nilingon lingon ni Mina ang silid pero wala naman ibang tao kundi sila lang.
Cree—-eAAAKKK!!
Biglang bumukas ang salamin na dingding nang makalapit ang binata ay iniluwa ang malaking karton na may lamang kasuotan na bagong gawa.
Nakatayo lang si Mina at nakatingin sa likod ng binata. Kahit paano niyang tingnan ito ay malayong malayo ito kay Yman. Matangkad at nakatayo ng matuwid ang binata habang si Yman ay medyo mababa at matamlay na parang laging nakayuko ng bahagya.
"Tapos na?" Biglang tanong ng bosses mula sa likod ni Mina. Napalingon si Mina at nakita niya ang magandang engkantada na nakatutok sa binata na nasa unahan.
Nang marinig ni Yman ang bosses ni Rea ay bigla siyang napalingon sabay ngiti. Sa kanyang kanang kamay ay bitbit ang isang karton.
"Oo tapos na, tara?...Eh?!" Natigilin siya nang makita na hindi lang pala si Rea ang nasa kanyang likuran.
"M-Mina?" Nabigkas niya sa isip.
"Ano kayang ginagawa niya rito? Magpapagawa ng damit? Hmm...mukhang hindi naman." Biglang pumasok sa isip ni Yman ang sinabi ni Headmaster Laura na may taga EMRMHS na pupunta sa pagdiriwang sa bulwagan ng palasyo. "So isa pala siya sa napili." Habang nag-iisip si Yman ay hindi niya napansin ang malalaking patak ng luha sa mata ni Mina.
Hindi agad nakapagsalita si Mina nang humarap ang binata sa kanyang harapan. Kahit tumangkad ito at maraming nagbago. Pati mukha ng binata ay malaki ang pinagbago. Wala na yung matamlay na parang sakitin. Ibang iba na ang hitsura nito mula sa dati. Pero kahit sa mga pinagbago ng binata sa kanyang harapan ay alam na alam ni Mina, na ang binata na nasa kanyang harapan ay walang iba kundi ang lalaking matagal na niyang gusto at laging pinagmamasdan ng palihim sa malayuan.
"Y-Yman..." mahinang tawag ni Mina habang pumapatak ang malalaking luha sa mata.
Lalapit na sana si Yman kay Rea ngunit bigla siyang natigilan dahil sa pagtawag ni Mina.
"Mina, bakit?" Lingon sabay tanong ni Yman.
"Ikaw nga si Yman." Mahinang sabi ni Mina.
Nagulat si Rea nang marinig ang sinabi ng dalaga na nasa kanyang tabi. Nilingon niya ito ngunit, mas lalo pa siyang nagulat nang mapansin ang mga malaking patak ng luha. Bumakas din sa mukha nito ang... pagkasabik?
"Kilala niya si Yman?!"
Woosh~
Sumunod din pumasok ang iba at nagulat ulit sa kanilang nakita.
""""Eh?!""""
Pati si Rea ay nagulat. Kahit si Yman ay nagulat din.
Si Mina ay biglang yumakap ng mahigpit sa kanya. Hindi napigilan ni Mina ang sarili at kusa itong gumalaw. Siguro dahil sa pagkasabik. Miss na miss na niya ang binata. Kaya hindi niya napigilan ang sarili na mapayakap dala ng matinding emosyon. Gaya lang noong nasa elementarya palang sila. Hindi rin niya napigilan ang sarili na ito ay halikan sa pisngi.
Kumunot ang noo ni Undying nang makita ang pinapangarap na nakayakap ng mahigpit sa hindi kilalang lalaki. Halos hindi maiguhit ang kanyang hitsura. Uminit ang kanyang ulo at tila gustong sumabog ang matinding emosyon. Nakadama siya ng matinding galit at selos.
Kahit si Leon ay nagulat sa kanyang nakita. Si Black Princess ay parang tuko na nakakapit sa binata na medyo namumukhaan niya.
Nanlaki rin ang mga mata ni Maen at Kesha. Hindi nila akalain na pagpasok sa silid ay ito ang kanilang madatnan. Si Mina na hindi maamin amin kung sino ang lalaking nagustuhan ay nakayakap ng mahigpit? Sa lalaking hindi nila kilala? Pero teka, medyo nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Maen nang matitigan ang hitsura ng binata.
Hindi naman makapaniwala si Kesha sa kanyang nakita. Ang bestfriend niya na prinsesa ng lahat sa kanilang akademya ay parang normal na dalaga na nakayakap ng napakahigpit. Mapapansin din, na ito ang kusang yumakap!
"Ano ito? Anong relasyon meron sila? Kamag-anak? O hindi kaya..." hindi na itinuloy ni Kesha ang pinag-iisip dahil masyado siyang nabigla.
Si Rea naman ay hindi nakapag-react at nakatayo habang nakatitig sa dalawa. Bigla nalang niyakap ng magandang dilag si Yman! Nakaramdam siya ng hindi magandang pakiramdam sa nasaksihan. Parang kinukurot at tinutusok ng maraming karayom ang kanyang puso. Pero bakit kaya gusto niyang magalit kay Yman?
Kahit si Yman ay hindi makapaniwala na bigla nalang siyang yakapin ni Mina. Nung una ay ninakawan siya ng halik. Ngayon ay ninakawan ulit siya ng yakap! Seryoso ba ito?!
Nakadama siya ng hindi maganda sa kanyang paligid. May matinding killing intent mula sa isang lalaki. At matinding galit mula kay... Rea? Ehhhhhh!!
Hindi alam ni Yman anong gagawin dahil nakayakap ng mahigpit sa kanya si Mina. Hindi lang yun, ramdam din niya na isinubsob ni Mina ang kanyang mukha sa balikat niya. Dahil matangkad si Mina na nasa 5"7 at nasa 5"8 naman si Yman ay halos hindi nalalayo ang height ng dalawa. Ramdam din niya na parang nababasa ang kanyang balikat. "Umiiyak ba siya?" Wala siyang ideya kung anong magandang gawin sa ganitong sitwasyon.
"M-M-Mina?" Mahinang bulong ni Yman.
Enjoy reading! At advance merry X-mas sa lahat..✌️