kachak, kachak, kachak!
Kakaibang tunog na maririnig sa loob ng kalesa habang tinatahak ang daan patungo sa Grassyland.
"Kung ganun pareho pala tayo ng distinasyon kiddo" sabi ng lalaki sa aking harap.
Ngumiti ako bilang tugon sa sinabi niya. Hindi ko rin inasahan na sa Grassyland din sila papunta. Ang akala ko ay sa malapit na town ang kanilang distinasyun. Ang town na ito ay tinatawag na Amazon Town. Makikita ito 500 meters sa silangang bahagi ng kagubatan na pumapalibot sa Grassyland.
"U-Uhm, p-pwede malaman kung nag-ti-take ka rin ng pagsubok?" May pagdadalawang isip na tanong naman ng binatilyo sa harap ng katabi ko na nasa aking kanan. Base sa hitsura ng binatilyo ay hindi nalalayo ang edad nito sa akin. Meron itong kulay gintong buhok. Matangos na ilong. Saktong kapal ng labi. At parang pagod na mga mata. Para rin itong babae kung tignan. Nakasuot siya ng kulay dirty white at gold na robe na may hood na medyo maluwag. Kung pagbabasihan ang kanyang anyo ay parang may kaya at mula sa mayamang pamilya. Hula ko, dahil alam niya ang tungkol sa pagsubok ay siguradong balak din niyang sumali sa adventurers guild kagaya ko.
"Mhm!" Tumango ako sabay ngiti sa kanya. "Ikaw din ba?" Dugtong kong tanong.
"Oo! K-kung ganon u-uncle Taz bakit hindi natin siya isali sa party!" Sagot sabay lingon sa kanyang katabi. Nakasuot ito ng light armor. At walang makikitang espada sa kanyang katawan maliban sa dalawang dagger na nasa hita niya. Medyo magkahawig nga silang dalawa ng katabi niya. Walang duda na magtiyuhin ang dalawang ito. Base sa hitsura naman ng uncle niya ay nasa pagitan ng 30-37 years old ito. May kulay ginto rin itong buhok at mukhang inaantok na mga mata. May mahabang bandana ang nakatali naman sa kanyang leeg. Makikita rin ang gold na insignia ng adventurers guild sa kanyang kaliwang dibdib. Mukhang isa siyang gold rank adventurers.
"Kung ok lang sayo kiddo" Sabi ng lalaki sa aking harapan na tinatawag na uncle Taz.
"Pa-pasinsya na. Okay sana pero... sira itong EB na nasa leeg ko at wala rin akong dalang RB" mahinahong sabi ko sa kanila.
"Eh?!!!"
Nagulat ang tatlo nang sabihin kong sira ang EB at wala akong reserbang RB. Dahil dito ay hindi rin pwede makasali sa party.
"Kung ganun ilan naba level mo kid?" Tanong ng lalaking katabi. Pinag-isipan ko muna saglit. Ngunit wala naman akong naramdamang killing intent sa kanila.
"Level 4 palang ako" sagot ko sabay kamot sa nangangating ilong.
"Level 4?!!!" Makikita ang tamad na ngiti sa mga mukha ng magtiyuhin habang gulat sa kanilang narinig.
"Balak mo ba mag-suicide kid?" Biglang tanong na may halong biro at pag-alala ng aking katabi.
"Uhm. Kaya ko naman siguro kung isa isa lang at kung mapagtanto ko na hindi kaya ay aalis na agad ako sa lugar" syempre hindi nila pwede malaman na kahit level 4 ako ay nasa level 5 na stats ko. At balewala sa akin ang mga rank C na halimaw. Bumili rin naman ako ng mapa sa lugar sa murang halaga at nagtanong tanong din ako sa ibang adventurers na mas may alam. Sinigurado ko rin na walang high rank na halimaw ang naliligaw sa lugar ito. At batay nga sa mga taong aking napagtanungan ay wala naman daw makikitang halimaw na mas mataas pa sa rank C, maliban sa Mini Boss na rank C+ na nasa kweba na makikita naman sa pinakamasukal na bahagi ng kagubatan.
At ang mga Mini Boss ay sinasabing hindi umaalis sa kanilang teritoryo. Kung pagbabasihan ang mapa ay nasa 500meters naman ang distansya ng kweba sa Grassyland. Na nasa hilagang bahagi ng kagubatan.
Basta hindi lang umabot sa punto kung saan may magaganap na hindi inaasahang pangyayari. Gaya ng biglaang paglitaw ng itim na butas sa malapit sa lugar. Pero imposible mangyari yun. Wala nga sa 0.1% na mangyayari ito. Lalo na at bago palang na may lumitaw na butas sa malapit sa Human City. Sa ngayon ang pinakamabilis na pwede masundan ang paglitaw ng itim na butas ay nasa limang buwan.
"Kung ganun mabuti at nandito kami. Kahit hindi ka makasali sa aming party pwede pa naman tayo magtulungan" sabi ng lalaki na aking katabi.
"Oo! T-tama si Uncle Zak" sabi naman ng binatilyo sa aming harapan. Tumingin muna ako sa lalaking nasa harap na tinatawag na uncle Taz. Nakita kong ngumiti ito at tumango.
"Maraming salamat kung ganun. Tawagin n'yo nalang akong Yman" pasalamat sabay pakilala ko sa kanila.
Napagkaalaman ko na ang lalaking binatilyo ay nagngangalang Khan. At mula sa mayamang pamilya sa kaharian ng Engkantasya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabaon sa utang ang kanyang mga magulang na siyang dahilan kaya naisipan niyang sumali sa Adventurers Guild sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Taz. Si Zak naman ay ang partner ni Taz. Mukhang dalawa lang sila sa kanilang grupo.
Kagaya ko ay level 4 din si Khan. Habang level 6 naman ang dalawa naming kasama si Taz at Zak.
Thump!
Kachak, kacha....!
CreaaaAAAAKKKK!!!
Natigilan ang aming kwentuhan dahil sa kakaibang tunog ng pagbunggo ng gulong sa matigas na bagay. Muntik na naming ikinauntog sa bubong ng kalesa ang biglaang pagbangga nito. Agad naman huminto sa pagpapatakbo si manong kutsero.
"Mga ba-bandido!"
Boses na mula sa labas. Mabilis na tumalon si Taz palabas ng kalesa. Sumunod na rin ako para makita ang sinasabing bandido. Paglabas ko ay nasulyapan ko ang durog na bato sa tabi ng gulong. May iba ibang laki ang mga durog nitong bahagi.
Tsk!
Inis na pinitik ni Taz ang kanyang dila sa pagitan ng mga ngipin nang makita ang sinasabing bandido ni Manong Kutsero.
Paglabas ko ay sumunod naman agad ang dalawa si Khan at Zak.
"Anong kailangan ninyo?" Malamig na tanong ni Taz.
Humakbang ang isa sa mga bandido na may maraming piklat sa mukha. Makikita ang hili hilirang mga hikaw nito sa tenga. Pati sa ilong at bibig ay meron din. Nakakapanindak tingnan ang hitsura nito na tila kahit wala itong gagawing masama ay mapagbintangan parin na masama.
"He-Hehe, iwan niyo lahat ng gamit niyo pati narin ang isang yan!" Sagot ng bandidong may maraming piklat sabay turo sa direksyon ni Khan.
"Eh?"
Nagulat si Khan nang itinuro siya ng bandido at agad nagtago sa likod ni Zak. Nabigla rin si Yman sa pagturo ng bandido pero sa isip niya ay siguro gusto ng mga bandido na kidnappin si Khan at ipatubos sa malaking halaga mula sa pamilya nito.
"Paano kung ayaw namin?" Malamig na tanong ni Taz sa bandidong maraming piklat sa mukha. Alam ni Taz na kahit susundin nila ang sinasabi nito ay hindi parin sila patatakasin at siguradong papatayin pagkatapos isuko ang mga kagamitan sa katawan.
Napansin naman ni Yman na may hawak na iba ibang sandata ang mga ito. Ang isa ay nakahawak sa makurbang scabbard ng shortsword. Sa tingin niya isa itong uri ng espada na tinatawag na scimitar. Yung isa naman sa kanila ay dinidilaan ang bitbit sa kamay na mga dagger. May isa rin na may hawak na pana at palaso. Iba-iba ang kanilang sandata na hawak at mukhang nakahanda ang mga ito sa laban anumang oras. Mapapansin din ang hirap ng mga laban na kanilang napagdaanan mula sa mga gutay gutay na leather armor na kanilang mga suot.
Nasa labing limang metro ang kinaroroonan ng mga bandido mula sa kalesa kung saan naroroon sila Yman. Habang ang may maraming piklat ay nasa sampung metro lang ang layo sa kanila. May nakasabit itong malaking espada sa kanyang likuran. At sa kamay makikita ang isang kulay itim na dagger na nagliliwanag ng bahagya. At tila nababalutan ito ng hangin. Hula ni Yman ay isa itong high grade equipments na may elemento ng hangin.
Nang marinig ang sinabi ni Taz ay biglang tumaas ang kilay ng bandidong may maraming piklat at ngumiti ito ng abot tenga habang naka silip ang nagdidilaw na mga ngipin sa kanyang bibig.
"Heh-hehe! Kung ganun mas pinili ninyong masawi. Attack!" Pagkatapos sabihin ito ay mabilis na nagsisugod ang siyam pang mga bandido na nasa likuran ng may maraming piklat at nagsilabasan ng mga asul na enerhiya. Parehong nasa level 5 ang mga ito. Naglabas naman ng kulay madilim na asul na enerhiya ang may maraming piklat sa mukha.
"Kid diyan lang kayo sa likod ni Khan" sabi ni Zak nang nilingon niya si Yman. At agad ni-ready ang malapad na pang dalawang kamay na espada.
Nang makita ang mga bandidong mabilis na nagsisugod ay walang pagdadalawang isip na hinablot ni Taz ang dalawang dagger na nasa kanyang mga hita. At nagpakawala ng kulay asul na enerhiya sa katawan.
Isang bandido ang tumalon ng sampung metro sa ere papunta sa direksyon ni Taz habang nakatutok ang talim ng sibat na hawak. Ngunit bago pa ito tumama ay nawala sa kanyang kinatatayuan si Taz. At lumitaw sa ere sa likod ng may hawak ng sibat.
Parallel Slash!
Shiing! Shiing!
GyaaaaAAAAAAHHHH!!!
Isang paikot na atake ng dalawang dagger mula sa kaliwang bahagi papunta sa kanan. Makikita naman ang dalawang sugat na nakaparallel sa likod ng bandidong may bitbit ng sibat. Agad itong nahulog sa lupa at bumagsak at hindi na nakabangon pa habang umagos ang dugo.
Mabilis din nagpakawala ng kani kanilang skill ang mga bandido.
Hard Hit!
Sigaw ng isang bandido na may hawak na double edge shortsword.
Tiiing!
Gamit ang malapad na espada ni Zak ay sinangga niya ang malakas na atake ng bandido. Dahil sa lakas ay bumaon ng bahagya ang paa ni Zak sa lupa.
CreeeEEEEEAAAAAAAKKK!!!
Kakaibang tunog ng tagisan ng dalawang metal. Nagkatulakan si Zak at ang bandido.
WuryaaaaAAAAAAAHHHH!!!
Ngunit dalawang sigundo lang ang itinagal ng pagtutulakan. Dahil kitang kita na mas malakas pa si Zak sa kalaban. Itinulak niya ito ng malakas at tumilapon sa ere. Bago pa man bumagsak sa lupa ang katawan ng bandido ay parang baseball. Pinalo niya ito gamit ang malapad na bahagi ng kanyang espada.
BlaaaaAAAAAAGGGGGG!!!
GwaaaaaAAAAAAHHHH!!!
Tumilapon ang katawan nito papunta sa isa pang bandido na nagbabalak umataki.
Nang makita ito ng bandidong may hawak na bowgun sa kamay ay mabilis niyang inasinta si Zak. Hindi napansin ni Zak na inasinta na pala siya. Nasa limang metro lang ang layo nito sa kanya.
"Mamatay kanaaaAAAA!!" Malakas na sigaw ng bandidong may bowgun.
Agad na lumingon si Zak nang marinig ang malakas na boses. Ngunit mahuhuli na siya sa pagsangga nito.
Pero bago paman maitira ng bandido ang kanyang hawak na bowgun.
SwoooOSSSHHH!!!
Kakaibang tunog ng mabilis na bagay na ibinato.
PaaaAKK!!!
UgyuoOH!!!
[at nagsilabasan ng berdeng enerhiya] asul pala dapat... gusto ko lang sabihin na ina-update ko dahil may mali sa last chaper.