アプリをダウンロード
73.64% FLOWER OF LOVE / Chapter 95: TURNING THE TABLE AROUND

章 95: TURNING THE TABLE AROUND

Nagulat pa si Dix nang bigla na lang pumasok sa opisina nito si Dixal at walang lingon-likong lumapit sa unang nakatayo sa harap ng work table nito at nakikipag-usap sa landline.

"I'll just call you later," anito sa kausap at agad nang ibinaba ang telepono.

"Dixal--" nakaramdam agad ng kaba lalo nang sa isang iglap ay tumaas ang isang kamao niya at tumama sa panga nito.

Muntik na itong matumba kung 'di nakakapit sa gilid ng mesa.

"Asshole! Sa dinami-dami ng taong kakalabanin mo, ako pang tatraydurin mo! Gago!" tila nag-aapoy sa galit ang mga mata niyang sigaw rito.

Ngunit sa halip na gumanti ng suntok sa kanya'y ngumisi lang ito, nakakalokong ngisi saka pinahid ang dugong namuo sa ibabang labi.

"Do you think matatakot mo ako sa suntok na 'yon?" Tumawa ito nang malakas.

"Tell me, ano'ng binabalak niyo ng matanda?" pagkatapos mailabas ang galit ay tila nahimasmasan siya't lumamig ang boses ngunit naro'n pa rin ang pagkadisgusto para sa kapatid.

"You want information, why don't we make a bargain then?" suhestyon nito habang nakakaloko ang ngisi sa kanya.

"All you really want is money, huh?" panunuya niyang sagot sa kapatid.

"Why, 'di ba't ang pera ni papa'y sa'yo lang naman niya ipinamana? Naisip ba niya ako noong naghihingalo siya, na may kakambal ka pala? Na dalawa pala ang anak niya?" halata sa boses nito ang 'di matatawarang hinanakit para sa namayapang ama.

"Dahil bata ka pa lang puro na sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa kanya! Hindi mo ba naisip na

ikaw ang mas matanda satin, ikaw dapat ang nagpupursige para palaguin ang perang ipinamana niya sa pamilya!" katwiran niya rito.

Ngumisi na naman ito, tumalikod saka umupo sa swivel chair.

"I don't care about that money now. There's only one person that I care about." Sumeryoso na ang boses nito.

Kunut-noong napatitig siya sa kapatid. 'Di yata't may gusto rin ito sa asawa niya?

"She's my wife, Dix. I already told you to stay away from her. Sa oras na ulitin mo pa ang ginawa mo kanina, hindi na lang suntok ang aabutin mo sakin," pagbabanta niya sa lalaki saka binirahan ng talikod at akma nang aalis nang magsalita ito.

"I really don't care if she's your wife. I just want to make sure she's alive," anitong halata sa boses ang pag-aalala para sa babae.

Bigla siyang napaharap uli dito.

"Don't tell me, may binabalak na namang masama ang hayup na matandang 'yon?" akusa niya.

Tumayo ito't nakangising lumapit sa kanya.

"Why, can you really assure that she'll be safe with you? Hindi mo ba naisip na mas lalo mo lang siyang ipinapahamak habang nasa tabi mo?" makahulugang wika nito.

Natahimik siya ngunit naikuyom ang mga kamao. Merun ngang binabalak ang matanda kay Amor. At nakipag-bargain si Dix para sa kaligtasan ng kanyang asawa?

"Hindi mo ako masisisi kung bakit ko siya ginusto. In fact, noon pa mang tinawagan mo ako sa harap ng SM fairview, nagustuhan ko na siya. Malay ko bang seryoso ka talaga sa kanya. At 'di mo rin ako masisisi kung bakit gusto ko siyang agawin sa'yo. Una mo lang siyang natagpuan, Dixal. Pero una ko siyang nagustuhan."

Nagtagis ang kanyang bagang sa narinig at ang talim ng tinging ipinukol sa kapatid.

"I already warned you, Dix. Sa oras na magkunwari ka pang ako sa harap niya, hindi lang suntok ang aabutin mo!" muli niyang banta rito bago muling tumalikod at nagsimula na namang maglakad palabas ng opisina nito.

"Why don't you thank me instead, dahil imbes na ikaw ang namomoroblema ngayon, inako ko ang lahat para lang maging masaya ka sa kanya. But don't forget to protect her lalo na sa araw ng kasal mo," habol nito dahilan para mapahinto na uli siya ngunit hindi na humarap dito.

"Walang kasal na mangyayari!" malamig niyang tugon bago tuluyang umalis.

Naiwang nakangisi lang si Dix subalit nang makalabas siya'y tila ito nanlulumong napasandal sa mesa.

"That wicked man has already planned it all, Dixal. Kung hindi ako pumayag sa gusto niyang mangyari with Flor's safety as a bargain, sa tingin mo ba makikita mo pang buhay ang asawa mo pagkatapos ng kasal mo kay Shelda?" anitong saka lang isinawalat ang lahat nang wala na ang kapatid.

Pagkuwa'y nagpakawala ito ng isang buntunghininga.

------

NARITO SI FLORA AMOR SA labas ng opisina ni Veron at walang pakialam sa mga matang nakamasid sa kanya habang nagtsitsismisan ang mga ito tungkol sa kanya.

Kailangan niyang tapusing basahin ang mga finacial statements na ipinasa ng mga kasamahan sa trabaho bago ibigay kay Veron para mapirmahan na nito.

Hanggang ngayo'y 'di pa rin lumalabas ng opisina ang babae. Pero hindi na niya naririnig na umiiyak ito. Seguro'y natauhan na rin ito.

"Miss Salvador, ibinigay ko na sa COO ang kontrata. Salamat nga pala at nag-effort kang pagdikit-dikitin 'yon nang ilang oras para lang maibalik sa'kin," anang assistant finance director nang lumapit sa kanya.

"Wala 'yon. Sensya ka na rin. 'Di ko kasi alam na mga gamit mo pala ang nando'n sa mesang 'yon," nakangiting sagot niya rito.

"'Yong isang folder lang 'yon. Hiningi 'yon ni ma'am kahapon bago ka dumating. Nagulat na lang ako, nai-shredder mo pala," nakangiti ring sagot nito.

Tipid lang siyang tumango. Ayaw na niyang uliting sabihing inutusan siya ni Veron na gawin 'yon. Hahayaan na lang niya tutal natapos na ang lahat.

"Magpo-four na pala. Sabay ka na lang samin pauwi," yaya nito.

"Sensya na pero aantayin ko lang ang fiance director, baka magalit na naman siya 'pag nalamang basta na lang akong umalis," sagot niya.

'Di na ito namilit at bumalik na lang sa sariling cubicle.

Siya nama'y itinuloy ang ginagawa nang maya-maya'y bumukas ang pinto, iniluwa doon ang tila natauhan nang babae ngunit kapansin-pansin ang pamumugto ng mata.

"Miss Salvador. Pasok ka sa office bago ka umuwi," nakangiting wika nito.

Tumaas ang kanyang kilay sa narinig. Nakakagulat naman atang bigla itong bumait sa kanya, nakangiti pa habang kinakausap siya. Merun na naman kaya itong binabalak na 'di maganda o talagang natauhan na ito at gusto nang makipagbati.

Tipid lang siyang tumango, yumuko na nang bumalik uli ito sa loob at isinara agad ang pinto.

Kunut-noong napatingin siya sa mga kasamahang tila mga susu na naghahabaan ang leeg sa pagdungaw sa kanila mula sa cubicle ng mga ito.

Gano'n ba kalala ang tsismisan sa department na 'yon?

Ibinalik niya ang tingin sa binabasang mga papeles hanggang sa 'di niya nalamalayang alas kwatro na pala. Nang mapansing nagsialisan na ang mga kasama sa trabaho ay saka niya sininop ang mga gamit at inilagay sa bag ang inilabas niyang phone saka ibinalik sa bulsa ng slacks ang pen na binigay ni Dixal sa kanya.

Nang masegurong maayos na ang kanyang mesa ay saka siya tumayo at pumasok sa loob ng opisina ni Veron.

Naratnan niya ang babaeng nakaupo sa sofa sa sala na kaninang tila binagyo ang buong opisina ay himalang ito lang ang 'di naapektuhan at 'di naisipang galawin ni Veron lalo na ang flower vase sa center table niyon.

"Come, Miss Salvador. Let's have a drink first bago tayo umuwi. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ngayon," kaswal na wika nito sabay kaway sa kanya at isinenyas ang isang single sofa chair sa tapat ng kinauupuan nito paharap sa center table kung saan nakalapag ang isang boteng branded red wine at dalawang wine glass.

Alanganin siyang umupo sa sofa habang pinagmamasdan itong nagsasalin ng wine sa dalawang baso.

"Don't worry, um-order na ako ng pulutan natin. Andito na 'yon in a minute," wika sa kanya, katatapos lang magsalita'y may tumatawag na sa telepono.

"Puntahan mo na lang sa labas, baka ang order ko na 'yon," utos nito.

Tumalima naman siya.

Pagkabukas lang ng pinto ng department ay nakita agad niya sa labas ang isang delivery boy na seryoso ang mukhang nakatitig sa kanya habang iniaabot ang nasa paper bag na order ni Veron.

May pinapirma muna ito saka niya kinuha ang bag at mabilis na isinara ang pinto.

Kinabahan siya bigla sa mga titig na 'yon ng lalaki.

Nang makabalik siya kay Veron, ang tamis ng ngiti nito sa kanya.

"Put it here, Miss Salvador."

"Oh, I want to call you by your name. What's your nickname by the way?" usisa nito nang mailapag na niya ang paper bag.

"Flor," tipid niyang sagot sabay upo sa sofa habang 'di tinatanggal ang paningin sa laman ng paper bag sa pag-aakalang hindi pagkain ang laman niyon ngunit lihim siyang nakahinga nang maluwang nang ilabas ni Veron mula roon ang isang bucket ng bonchon fried chicken.

Muling tumunog ang telepono at agad tumayo ang babae para sagutin iyon as if naghihintay talaga ito ng tawag.

Sinamantala niya ang pagkakaton para pagpalitin ang wine glass nilang dalawa habang nakatalikod pa ito at pagkuwa'y umayos ng upo. Sakto namang humarap agad ito sa dako niya habang masayang nakikipag-usap sa tumawag.

Siya nama'y pasimple lang na umupo at inantay itong bumalik sa kinauupuan.

Ilang minuto lang seguro ang dumaan at magkaharap na uli sila sa sofa.

"Here, have a sip," alok nito sa nasa wine glass niya.

Alanganin niya iyong kinuha.

Bigla itong tumawa nang mapansing nag-aalangan siyang uminom.

"Don't worry, walang lason 'yan. Ngayon ko lang narealize na hindi pala ikaw ang kalaban ko kundi si Shelda. Kaya as a sign of reconciliation, gusto kong makipag-inuman sa'yo bago tayo umuwi. But don't worry, isang bote lang naman 'to," tumatawa nitong wika.

Tipid siyang ngumiti saka ininom ang laman ng baso, kinalahati niya ang laman.

Ito nama'y uminom din sa laman ng baso nito habang nakangiting nakatitig sa kanya.

Nang biglang masapo niya ang noo at kunut-noong bumaling rito.

"A-anong inilagay mo sa red wine?"

Pagkatapos lang niyang magsalita'y bumagsak agad ang kanyang katawan sa sofa.

Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ng babae.

"You deserve it bitch! Hindi ko basta pinapatawad ang sinumang nakagawa sa'kin ng kasalanan." Muli itong tumawa.

"Kasalanan mo at ang bilis mong magtiwala sa tao," anito ngunit biglang nasapo ang noo.

"A-nong nangyari? Bakit---" hindi na nito natapos ang sasabihin at bigla na lang bumagsak sa mahabang sofa.

Saka lang siya bumangon at inayos ang pagkakahiga nito.

"I just gave you your own medicine," sambit niya saka nagmamadaling humarap sa computer nitong mabuti na lang nakabukas pa rin.

Binuksan niya ang bawat folder na nakalagay sa desktop ngunit walang kahina-hinala sa mga 'yon.

Saan kaya nakalagay ang mga secret files nito, naisip niya.

Kinalikot niya ang documents pero wala doon, wala rin sa downloads.

Naalala niya sa google drive. Baka ando'n ang kanyang hinahanap.

Napapilantik siya nang makita ang mga protected files sa MY DRIVE nito.

Kinalikutan niya muna nang ilang minuto ang settings bago mabuksan ang lahat ng mga protected files ng babae at ini-download ang mga 'yon sa pen/USB na binigay ni Dixal sa kanya.

Halos fifteen minutes din ang itinagal bago niya nai-download lahat ng protected files ng babae at ibinalik ang computer nito sa dati saka inieject niya ang USB at bumalik sa kinauupuan kanina, pagkuwa'y dinampot ang kanyang bag at nagmamadali nang lumabas sa lugar niyon pagkatapos lapitan si Veron at idikit ang daliri niya sa ilong nito para masegurong humihinga pa ang babae.

Sleeping pills pala ang inilagay nito sa kanyang wine. Mabuti na lang at naisipan niya agad pagpalitin ang dalawang baso, kung hindi baka nanganganib na ang kanyang buhay sa mga oras na 'yon.

Subalit bago pa niya mabuksan ang pinto ay biglang tumunog ang telepono.

Kunut-noong napalingon siya roon.

Nakapagtatakang ilang beses na iyong tumunog mula nang makapasok siya sa loob ng opisina ng babae.

Out of curiosity ay nilapitan niya iyon at inilagay sa tenga ang telepono.

"Hello, Veron, nagawa mo ba ang inuutos ko sa'yo?" anang nasa kabilang linya.

Napamulagat siya sa narinig at nanginginig ang mga kamay na ibinaba agad ang telepono.

Boses 'yon ni Joven! Segurado siyang 'yon ang boses ng binata. Paanong nagkaroon ng kommunikasyon ang dalawa?

Ito ba ang nag-utos kay Veron na lagyan ng Sleeping pills ang kanyang wine?

Biglang sumakit ang kanyang dibdib. Ngayon siya naniniwala sa asawang hindi nga maganda ang muling pakikipalapit ni Joven sa kanya.

Pero pinsan ito ni Elaine. Bakit siya nito ipapahamak gayo'ng alam nitong magbestfriend sila ni Elaine?

Kinontrol niya ang sariling damdamin at nagmamadaling lumabas sa lugar na 'yon.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C95
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン