アプリをダウンロード
88% Married But Complicated / Chapter 22: CHAPTER 22

章 22: CHAPTER 22

YUL

Sa dalawang kasama ko patungong Cebu, nakakahalata na ako sa isa. Kanina pa di mapakali dito sa airport. Palinga-linga lagi. Ngayon naman ay paroo't parito sa harap ko at maya't mayang tumitingin sa relos habang tahimik akong nakaupo't nagbabasa. Hindi ako makapag concentrate.

Nagtitimping tiniklop ko ang libro. Magkatagpo ang mga kilay na tinitigan ko siya. Nakakahalata na ako na may hinihintay siyang dumating. Huwag niyang sabihing kinumbinsi niya si Luigi na sumama. If that happens, I won't allow her to board the plane.

Tumayo ako't nilapitan siya. "May problema ka ba Jewel? Kanina ka pa di mapakali diyan?" di nakatiis nang salita ko.

"Ho? Ah wala ho."

"You keep looking at the time. May hinihintay ka ba?"

"W-Wala ho." Her eyes got exaggeratedly bigger. Halatang may tinatago. "Medyo ninenerbiyos lang ho ako sa pagsakay ng eroplano," ngumingiwing paliwanag niya.

"Don't lie. Nakalipad ka nga hanggang Amerika. Ano pa tong isang oras lang na byahe. Tell me the truth, inaabangan mong dumating si Luigi di ba?"

"Naku hindi ho sir!" mariing tanggi niya. "Ba't ko naman aabangan si Sir Luigi eh hindi naman siya kasama?"

"Malay ko niyaya mo," ngisi ko.

"Hindi po. Hindi ko ho yun yayayain nang hindi ako nagpapaalam sa inyo. Isa pa wala naman akong dahilan para yayain siya." I looked in her eyes. Mukhang nagsasabi naman nang totoo but knowing her, may tinatago siyang galing sa pag-arte.

"Kung ganun naman pala, can you just sit peacefully and wait for the boarding announcement calmly. Kanina pa ako nadidistract sa kakalakad mo sa harapan ko."

"Sorry sir. Uupo na ho," walang ganang sabi niya. She sighed and for one last time she looked around. "Ano pang hinihintay mo maupo ka na."

Malungkot na ngumuso siya. Nang hahakbang na sana patungo sa tabi nang inaantok-antok pang si Lorraine ay bigla siyang napangiti nang abot-tenga.

"Ma'am!" she exclaimed.

Biglang bumilis ang pintig ng dibdib ko. Lumingon ako sa tinitingnan niyang direksiyon. Nagulat ako nang makita si Stella. May hila-hila siyang maliiit na maleta. She approached us with wide smile habang nakanganga lang ako.

"Hi Love. Sorry I'm late. I hope you don't mind me tagging," simpleng sabi niya sabay halik sa aking pisngi.

Di makapaniwalang natawa ako. "I thought you have an important board meeting now."

"Sabi ko lang yun para masurprise kita."

Jewel who's beside her is giggling. "Ang galing kong magtago ng sekreto no sir?"

Kunway tumaas ang kilay ko. "Ikaw talaga kahit kelan hindi ka na naging loyal sa akin. Nagsabwatan pa talaga kayong dalawa ha."

"Asus kunyari ka pa sir eh kilig ka naman," tukso niya. "Siyempre hindi ko sinabi para di masira ang surprise."

Kinuha ko ang bitbit ni Stella. "Let's sit love." Umaapaw ang tuwang wika ko.

"Huh? Tama ba ang nakikita ko?" she uttered while looking at her right direction. "Is that Luigi?"

Naglaho ang sayang nararamdaman ko at kabadong sinundan ang mga tingin ni Stella. Nagtagpo ang aking mga kilay. She's right. It's Luigi. He's wearing sunglasses and a black leather jacket paired with ripped pants. Mukhang walang tulog at dumiretso na sa airport galing gimikan. What the fuck is he doing here?!

Tiningnan ko agad nang masama si Jewel. She also saw Luigi.

"You said you didn't invite him!" inis na wika ko sa kanya.

She shook her head and shrugged. "Hindi ko ho talaga siya niyaya. I'm also surprised that he's here."

He saw me and gave me a quick wave with a grin. Napansin kong kasama niya ang kanyang sekretaryang si Gina. He remove his sunglasses and his eyes were just fine. Mukhang hindi naman puyat. Hindi siya lumapit sa amin.

We're sitting in the front row of the waiting area at naupo naman sila sa hulihan. Pagkaupong-pagkaupo his secretary took out a file from the suitcase. Tila may pinag-uusapan silang seryoso.

Ako na ang kusang lumapit sa kanya. Di ako makapaghintay na malaman ang kasagutan sa walang abisong pagsulpot niya.

"What are you doing here?" diretsong sabi ko. I can't accept the fact that while I am seriously taking this business trip tapos biglang may susulpot para gawing laro-laro lamang ang lahat.

"I'm here to work. Masama bang sumama ang head ng department na incharge sa launching ng bagong produkto natin?"

"But you never cared about this kind of things. Sa tingin mo maniniwala ako sa dahilan mong yan?" ngisi ko.

"Well I care now," makksing sagot niya sabay sumandal nang mabuti at nagdekuwatro.

"Totoo po yun Sir Yul. Sa katunayan nag overtime kami kagabi sa pagrereview ng mga gagawin sa launching. Inalam po lahat yun ni Sir Luigi," Gina explained.

Di ako nakaimik.

"I told you I come here to work," ngisi niya.

"You better be telling the truth or else I'm warning you not to ruin the event. Hindi ko hahayaang pati sa Cebu ay sisirain mo ang imahe ng kumpanya."

"What if I did a good job? Tutulungan mo ba akong mapromote?" sarkastikong tono niya.

Iniwan ko sila. Bumalik ako kay Stella at naupo sa tabi niya. Iritableng binuksan ko ang unang butones ng aking polo shirt at huminga nang malalim.

"What did he say?" pabulong na usisa ng aking girlfriend.

"He said he's here to work."

"That's good to hear. At least he's doing something sensible now," she commented.

"I hope so," buntong- hininga ko.

Pasimple kong tiningnan si Jewel. She's busy talking to Lorraine. She doesn't bother looking at his direction. Hindi rin lumalapit sa kanya si Luigi. I wanted to believe him and hoping he's really telling the truth but part of my brain is telling me that he's not. It's impossible for him to change overnight without hidden agenda.

The boarding gate opened. Magkakasunod kaming sumakay sa eroplano maliban kina Luigi na medyo malayo-layo pa sa pila. Hindi siya lumapit o bumati man lang kay Jewel kahit isang beses.

Our seats are in the first row. Naicheck in na rin pala in advance ni Jewel si Stella kaya nagkatabi pa rin kaming magkasintahan. We are in the right row while my two secretaries are on the left. Wala pa sina Luigi and since they are late baka sa bandang hulihan na ang kanilang upuan.

They entered the plane. Tinanguan niya lang ako at kaswal na nilampasan kami. Hindi na ako nag-abalang lingunin pa sila. Kinuha ko ang airline magazine at tahimik na hinintay ang ibang pasaherong makasakay.

"Lorraine would you mind if we exchange seats." Napaangat agad ako nang mukha nang marinig ang boses ng aking pinsan.

"Ah o-okay po Sir Luigi."

"Thank you."

Jewel neither agrees nor disagrees. Hanggang sa maya-maya lamang ay nakangiti na rin siyang nakikipag-usap sa bago niyang katabi. Sinasabi ko na nga ba!

"Love is there something going on between Jewel and Luigi?" bulong ni Stella.

"I don't know. Why don't you ask her since you two are close."

"She doesn't talk much about him. Sa tingin ko she's just being friendly, that's all. Pero may nakikita akong chance na posible siyang magkagusto kay Luigi. About your cousin naman, I guess he really likes her a lot."

"Likes her a lot?" Tatawa-tawang sambit ko. "Eh lahat naman ng makita niyang magandang empleyado sa CGC ay nagugustuhan niyan sa umpisa."

"But he's different when it comes to Jewel. Napapansin kong parang napaka-good boy niya basta andiyan si Jewel. Baka naman tinamaan na talaga ang pinsan mo this time," anas niya.

"Don't be deceived by your eyes. Para namang hindi mo kilala yan si Luigi. His ego and machismo comes first. Hindi niya kasi makuha-kuha yan si Jewel kaya dumidiskarte siya sa paraang mahuhulog sa kanya ang loob nung tao. Palabas niya lang ang lahat ng yan tingnan mo pag nakuha niya na yan, babalik din yan sa dati," seryosong wika ko.

"Pero malay mo naman willing talaga siya magbago para kay Jewel. Let's give him the benefit of the doubts," mahinang sabi niya.

Tiningnan ko nang diretso sa mga mata ang aking girlfriend. "Magbabago? Because of a woman he barely knows? That doesn't make any sense. Basta nagpapanggap lang siya dahil may iba siyang intensiyon and I won't allow my secretary to fall for that trap. Dahil kapag nangyari yun tiyak maapektuhan ang pagtatrabaho niya. This is basically the main reason why I don't like hiring pretty staff!" gigil pero mahinang pahayag ko.

Dagling tumahimik si Stella. She stared at me looking bothered."Love bakit parang sa akin ka nagagalit?"

Natauhan ako at unti-unting inusig ng konsensiya. Napapalunok na inabot ko ang palad niya at hinawakan ito nang mahigpit. "Sorry. Alam mo namang nasisira lagi ang mood ko kapag nakikita yang pinsan ko," malumanay na sabi ko. I managed to smile. "Huwag na natin siyang pag-usapan. Let's just enjoy our moment being together like this. Minsan lang mangyari ito so let's spend our time happily."

"Yes Love," she smiled and leaned her head on my shoulder.

JEWEL

I have orange juice in both hands and there's an A4 paper between my pursed lips. Ingat na ingat akong humahakbang. Baka mapatid ako dahil mataas ang aking takong. I'm ready for the meeting and I'm wearing one of my best business suit. Hinihintay ko na lang ang aking amo.

Dahan-dahan kong nilapag ang dalawang baso sa mesa at naupo ako sa lounge poolside chair na gawa sa rattan. Tinanggal ko ang nakaipit na papel sa aking bibig. Pinahiran ko saglit ang bahaging nakulayan ng aking pulang lipstick. This is the speech of Sir Yul for tomorrow's party and I'm going to memorize it.

Bago magbasa, nangalumbaba muna ako at tumingin sa napakagandang paligid. Buti na lang pala nakasama ako dito. The atmosphere of the villa alone is enough to make you feel calm and relax. It's a Spanish themed house with fifteen rooms and one huge roman pool. The white walls were partially covered with blooming dark purple bougainvilleas and the palm trees planted in different areas of the villa gives you an out of the country feel. Ang yaman talaga ng mga Dela Vega. Kung sa amin ito, I wouldn't mind not going into the outside world anymore.

I sighed and stared at the beautiful pool. I dreamily watch Sir Yul doing a butterfly stroke. When will I have this kind of luxurious life? Kahit siguro habambuhay akong magsipag ay hindi ako makakapagpagawa ng kahit ganitong swimming pool man lang.

Sir Yul reaches the other edge of the pool. Tumayo siya mula sa pagsisid. Winasiwas ang buhok sabay pahid ng palad sa mukha. Napatingin siya sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata at nangangarap pa ring ngumiti ako sa kanya.

He gets out of the water. He's half naked wearing boardshorts only. Natauhan ako at mabilis na pumaling sa ibang direksiyon. Sana ay huwag niyang bigyan ng ibang kahulugan ang pagkakatitig ko sa kanya.

Patay malisyang binasa ko ang kanyang speech habang ramdam ang paglapit niya. Nanatili akong nakatingin sa papel at nakita ko na lamang na may kamay na dumampot sa isang orange juice.

"What time is it?"

"11:30 po sir."

"I still have few more minutes to swim."

"Take your time sir 2pm pa naman ang meeting niyo," sagot ko nang hindi nag-aangat ng paningin."

"Ano ba yang binabasa mo?"

"Yung speech niyo sir na ginawa ng PR. Minimemorize ko lang."

"What for?"

"Para in case na makalimutan niyo, tumingin lang kayo sa akin then you can try reading my lips."

He chuckled. "Minamaliit mo ba ako? Sa tingin mo wala akong kakayahang mag-adlib?"

Saka lang ako tumingin sa kanya. Baka mas lalo niyan isipin na naasiwa ako pag patuloy akong iiwas ng tingin. "Hindi naman ho sa ganun pero mabuti na yung sure tayo," kaswal na ngiti ko.

"Sige ikaw ang bahala," he shrugged. "I'll go back to water now. Remind me of the time baka masarapan ako sa paglangoy."

"Yes sir."

Lumusong ulit siya sa tubig at ako naman ay sineryoso na ang pagsasaulo. Aside from the butler and maids, kaming dalawa na lang ang naiiwan sa villa. Nagtungo sina Sir Luigi, Gina at Lorraine sa venue ng launching party. Si Ma'am Stella naman ay umalis kaninang umaga para bisitahin ang resort nila dito sa Cebu. She'll be back after Sir Yul's meeting. Nakapagswimming na kanina umaga sina Gina at Lorraine. I didn't join them because I preferred to sleep more time. Paminsan-minsan na nga lang makakabawi ng tulog kaya sinamantala ko na.

Dito ako ngayon tumambay sa pool baka sakaling may maisipang iutos ang aking amo.

"Jewel can you hand me the towel?" See. Yan ang sinasabi ko.

"Yes sir."

Kinuha ko ang nakasabit na tuwalya sa poolside bench malapit sa akin. I hold the towel in my left hand while still holding the speech in my right. Naglakad ako patungo sa hagdan ng swimming pool nang nagbabasa't nagsasaulo.

"Ayyyy!" nagulat ako nang biglang sumabit ang takong ko sa bahagyang nakaumbok na stone tiles. Nakabawi agad ako pero nang sinubukan ko ulit humakbang ay tuluyan na akong na out of balance.

"Eeeeeeiii!" Inaasahan kong masususob ako kaya pumikit na lamang ako. Buti na lamang ay may mga kamay na sumalo sa akin pero napasubsob pa rin ako sa may katigasang bagay. I can feel my face touching a wet surface.

"Jewel okay ka lang?" I heard Sir Yul's voice.

I slowly opened my eyes and saw a human skin. Nag-angat ako ng mukha at saka ko lang nalaman na nasubsob ako sa tiyan ng aking amo. I unintentionally got a closer look of his flat and ripped stomach.

"Hindi ka kasi nag-iingat. Bakit ka ba nagbabasa habang naglalakad?" may halong panenermong tono niya.

Dali-dali akong umayos ng tayo. Inalalayan niya pa rin ako.

"Ano? Nasaktan ka ba?" he asked.

"H-Hindi ho. Thank you sir."

Tarantang dinampot ko ang nabitawan kong tuwalya. Pinagpag ko yun nang mabuti. Iaabot ko na sana then I realized na baka ayaw na niya ito dahil nahulog na sa sahig. "Sorry sir. Kukuha na lang ho ako ng bagong tuwalya."

Inagaw niya ang tuwalya. "Okay na to." He wiped himself and wrapped the towel around his neck.

Pinulot ko rin ang nabitawang papel. "S-Sir... b-balik na ho muna ako sa kwarto namin. T-Tawagan niyo na lang ako pag ready na kayong umalis."

"Okay."

Nagmadali akong tumalikod at humakbang. Tila sasabog ang dibdib ko sa nerbiyos. Buong akala ko talaga ay mababangasan na ang aking mukha.

"Oh dahan-dahan ka ulit sa paglalakad baka madapa ka na naman," pahabol na paalala niya.

"Yes sir. Thank you at sorry po ulit," sagot ko nang wala nang lingon-lingon pa.

Pagdating sa kuwarto ay tulalang nahiga ako sa kama. Pinahupa ko ang natitirang pagkabog ng aking dibdib. Nang kumalma ito ay blangkong tumitig ako sa kisame nang ilang minuto hanggang sa muling sumagi sa isipan ko ang pagkakasubsob ko sa tiyan ni Sir Yul. Nakapa ko pa iyon bago ako nagmulat. How can a person have such a firm stomach?

Kung sakali palang tinototoo namin noon ang aming kasal, did it mean that I would be sleeping with a husband who had an incredible abs? I suddenly imagine us sleeping in one bed.

Bigla akong kinilabutan ako sa aking pinag-iisip. Umiling ako nang paulit-ulit at binura ang larawang nakikita sa aking utak. Nakaramdam ako ng di maipaliwanag na init. Pinaypayan ko ng kamay ang aking mukha. Bumangon ako't binuksan ang aircon. Nilakasan ko ito pero walang nagawa ang malamig na hanging binubuga nito.

Pumunta ako ng banyo at naghilamos. Saka lamang bumalik sa normal ang temperatura ng aking katawan. I confusedly gaze at myself in the mirror with water dripping from my face. Bakit ba ako biglang nagkakaganito?

Napaiktad ako nang may kumatok sa pintuan. Baka sina Lorraine at Gina na ito. Thank God I have companion. I won't be thinking crazy things anymore.

Sabik at nakangiting binuksan ko ang pinto. "Mabuti naman at nakabalik-" natigilan ako ang bumungad ang mukha ni Sir Yul. Patay malisyang unti-unting niliitan ko ang awang ng pintuan.

"S-Sir bakit po?"

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa aking mukha. Gosh! Di pa nga pala ako nakakapagpunas.

"Stella forgot to iron my shirt. Can you do it instead?"

"Okay sir akin na po."

"It's in my room. Doon mo na lang plantsahin while I'm taking shower. I'll put it on the bed."

"O-Okay po... Sunod po agad ako."

Isinara ko agad ang pinto pagkatalikod niya. Dali- dali akong nagpunas ng mukha. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin at nagpractice ngumiti nang natural. Why am I being uncomfortable samantalang kaswal na kaswal pa rin ang aking amo? Napahiya ako sa aking sarili. Ako ata tong nagbibigay ng ibang malisya.

Nagtungo ako sa kwarto niya. Kumatok ako pero nang walang nagbubukas ay pinihit ko ang doorknob. Hindi ito nakalock. Baka nagshoshower na siya at kusa niyang iniwang di nakalock. Nakita ko ang long sleeve na nakapatong sa kama. Hindi naman ito ganun kagusot pero sa metikulusong manamit gaya niya ay di na ito papasa.

Nagpalinga-linga ako upang hanapin ang plantsa at plantsahan. Wala naman akong makita. Isa-isa ko pang binuksan ang mga kabinet bago ito nakita. Ilang minuto rin akong naghanap yun pala ay nakalagay parehas sa maliit at pinakadulong bahagi ng malaking closet.

Kalmadong inumpisahan ko ang pagpaplantsa. I'm not very good at it dahil sa amin, ang mommy lagi ang tagaplantsa. Though I watched her do it pero iba pala pag ikaw na ang gumagawa. Nahihirapan akong plantsahin ng manggas laging nagkakaroon ng tabinging linya.

"Hindi ka pa rin tapos?"

Napaiktad na naman ako. Nilingon ko si sir ngunit agad kong ibinalik ang aking mga mata sa long sleeve nang makitang nakatapis lang siya ng tuwalya.

"P-Pasensiya na sir. Hindi ako masyadong sanay magplantsa. Hindi ko ho maperfect-perfect yung manggas."

"Sa edad mong yan dapat nag-aaral ka na ng mga ganyang gawaing bahay. Paano kapag nag-asawa ka na?"

"Hayaan niyo ho, magpapaturo na ako sa mommy ko," napapalunok na sagot ko. Ano ba to ba't naiinitan na naman ako?

Lumapit siya sa akin at tiningnan ang ginagawa ko. I can smell his newly showered scent. Patay malisyang dumistansiya ako nang kaunti.

"That's enough. Pwede na yan at mukhang pinagpapawisan ka na sa pagpaplantsa ng isang pirasong damit. What more kung may mga anak ka na, are you going to spend the whole day ironing their clothes?"

Ngumiti lang ako. Ba't ba ang advance niya mag-isip? Kanina lang asawa, ngayon naman anak baka mamaya may apo na ako. "Siguro naman sir pag dumating yun ay marunong na akong magplantsa kahit nakapikit," depensa ko sa aking sarili.

Inabot ko sa kanya ang long sleeve nang di makatingin nang diretso. Si Ma'am Stella naman sa dami ng pwedeng makalimutan ito pa yung di ginawa. Siguro naman hindi na weird kung maasiwa ako sa ganitong sitwasyon. In my whole life, I've never been alone in a room with a half naked man.

"Thank you," sambit niya matapos inspeksiyoning mabuti ang pinalantsa ko. Buti na lang at wala nang dinugtong pang negatibong komento.

Tiniklop ko ang plantsahan at ibinalik ang mga gamit sa dating pwesto.

"Sir balik na po ako sa kuwarto ko."

"Sige."

Dumaan ako sa harap niya. Nagulat ako nag bigla niyang hinawakan ang braso ko. He pulled me closer and he gazed at my face. Seryosong-seryoso ang kanyang reaksiyon.

Eto na naman ang naghuhurumentado kong dibdib. Ano ba? Galit ba siya? Wala bang kapatawaran kung di ako magaling magplantsa?

"Why did you wash your face? Nainitan ka ba kanina?" he asked out of the blue.

Ramdam ko ang biglang pamumula ng aking mga pisngi. Tiyak na kitang-kita niya ito dahil wala akong make up.

"A-Ano sir.... n-nakakapalan ho ako sa make up ko kanina k-kaya naisip kong palitan." Kabadong tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso. "Sige sir balik na ako sa kuwarto at magmamake up pa ako."

Nagmamadali akong lumabas. Pagkasarado ko sa pinto ay sumandal ako dito. Bumuntong-hininga ako nang ubod nang lalim. Minasahe ko ang aking dibdib hanggang sa manumbalik sa normal ang aking pakiramdam. Iiling-iling akong naglakad. Hay naku napaka- authoritarian niya talaga. Pati ba naman paghihilamos ko ay kinukwestiyon niya.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C22
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン