Sinundan ni Lenny ng tingin ang pagharurot ng motorsiklo sakay sina Brad at Kelly. Papasok na ang mga ito sa unibersidad, at iyon ang unang araw na naghintay ang kapatid niya sa dalaga.
He could smell something…
Kahit na hindi magkwento sa kaniya si Brad ay nahahalata niyang nahuhulog na ito sa magandang kapitbahay nila. Alam niyang madalas na magkasama ang mga ito sa umaga para mag-jogging at madalas na magkita sa school, kaya hindi na siya magtataka.
His brother never really had a serious relationship with women back in the States. He would often date these blondes for a night or two, and then the next thing he knew, they're already gone. His brother wasn't a womanizer, he just didn't take relationship seriously. Pero ngayon ay iba ang pakiramdam niya.
Brad must have fallen in love with Kelly. And oh, he couldn't blame him.
Kelly was very pretty—no—very beautiful. At duda siyang alam iyon ng dalaga. She's the type of woman any man would want to marry and have a family with. Nakikita niya ang mama nila rito, at marahil ay iyon din ang nakikita ni Brad.
Sa katunayan, kahit siya ay maaaring mahulog kay Kelly. Kung hindi lang niya napansin kaagad ang kakaibang interes na ipinupukol ng kuya niya para rito ay baka niligawan na rin niya ito.
"Psst, ano 'yan?"
Sandali siyang kinunutan ng noo nang marinig ang pag-sitsit na iyon sa kaniyang likuran. At kahit hindi siya lumingon, alam na alam niya kung sino ang naroon.
Kimmy Margarette Kordova.
Sino ang maniniwalang kapatid ng mahinhing si Kelly ang batang iyon? Katorse anyos na pero umaasta pa ring bata. A very inconsiderate kid.
Magkaharap lang ang bintana ng mga silid nila at tuwing gabi ay hindi siya pinapatulog ng malakas na sounds nito. Gabi-gabi na lang ay para itong nag-ko-concert sa kwarto, playing that noisy hard rock music. Pakiramdam yata nito ay miyembro ito ng ACDC. Kaya gabi-gabi na lang ay wala siyang tulog. Gustuhin man niyang batuhin ang bintana nito ng sapatos ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang mag-dulot ng problema sa mama nila na ilang araw nang masama ang pakiramdam.
Lihim siyang bumuntong hininga saka niyuko ang hawak na gitara. He was learning how to play an instrument to kill time. Oh, he knows how to play piano, he was once part of the music club in highschool back in the States. He was thinking of becoming a music teacher if his plans won't go through.
Yes, his plans. Hindi pa rin niya isinusuko ang plano at pangarap niyang mag-enlist sa U.S. Navy. He has been dreaming to be part of that elite team since he was a child. Pero inaalala niya ang mama nila. Ayaw nitong sumunod sila sa yapak ng ama nila kaya halos magmakaawa itong huwag silang mag-enlist sa army. His brother wanted to join the Marines, pero na-kumbinsi ito ng ina nilang kumuha na lang ng kurso sa kolehiyo. And his brother did—for the sake of their mother. Samantalang siya ay pinag-iisipan pa. At nang makita ng ina nila na tila may pagdadalawang isip sa kaniya, ay nagyaya itong umuwi ng Pilipinas.
They have been living in this town called Santa Martha for a couple of months now… At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapag-desisyon kung patuloy na kukumbinsihin ang ina na pagbigyan na siya nito sa nais niya o mag-enrol na lang sa kolehiyo.
"Are you a musician?"
Muli ay hindi niya pinansin ang nasa likuran at itinuloy lang ang pagtipak sa gitara.
He didn't really want to speak to anybody in that town. Lalong-lalo na sa batang babaeng nasa likuran niya.
He hates noisy people. He appreciate silence and peace, kaya kapag nakakarinig siya ng ingay ay naririndi siya. Minsan ay iyon ang inaalala niya sa pagpasok sa military. If he'll pass the training, he will definitely be sent to war. At kapag nasa giyera na siya ay wala siyang ibang maririnig kung hindi ingay ng nagpapalitang mga bala, lumilipad na mga fighting jets, sumasabog na bomba at sigawan ng mga sundalong kasama.
"Why are you always quiet and aloof?" muling tanong ng nasa kaniyang likuran. At muli ay hindi niya ito pinansin.
"Hindi ka ba nag-aaral? Hindi na kita nakitang lumabas sa inyo, ah? Ang sabi ni Mama ay nineteen ka na, so dapat ay nasa kolehiyo ka na rin katulad ni Kelly. Wala ka bang plano sa buhay mo?"
Ipinikit niya ang mga mata upang i-kalma ang sarili. He's getting pissed. Sa lahat ng ayaw niya ay ini-istorbo ang pananahimik niya.
"Maraming mga magagandang lugar dito sa atin, kaya lumabas-labas ka rin at mamasyal. Hindi ko alam kung bakit mas madalas ka pang magkulong sa inyo kaysa—"
That's it. Tumayo na siya at naglakad palayo. He would probably just continue playing his guitar in his room. Hiling lang niya ay hindi magpatugtog ng rock music si Kimmy sa umagang iyon.
"Hey!" sabi pa nito. "Ang bastos mong kausap, nagsasalita pa ako eh!"
He smirked. Wala siyang pakealam sa batang iyon at wala itong sasabihin na papakinggan niya.
Well, he'd change his mind if Kimmy starts behaving like her sister Kelly. Poised and proper.
Napa-iling siya.
He should stop comparing the two sisters. Dahil sa katunayan ay wala namang dapat i-kumpara. Because Kelly was way better than her noisy, annoying sister. No comparison needed.
Pagpasok niya sa loob ng bahay ay nakahinga siya ng maluwag.
At last. The silence that I need.
*****
Lenny woke up for a start. Ginising siya ng malakas na tunog ng telepono na nasa ibabaw ng night stand niya. He groaned. Nakapikit na inabot niya ang maingay na bagay na iyon at inaantok na sumagot.
"What do you need?" he asked in a sleepy voice.
"Lennard."
He felt like he was thrown into the cold water. Biglang nagising ang diwa niya. Nagmulat siya ng mga mata nang boses ng ama ang narinig sa kabilang linya.
"Dad?" Napa-upo siyang bigla. Sinulyapan niya ang orasang naka-patong sa nightstand katabi ng wireless phone. Eight in the morning.
"I just spoke with your mother and Brad. How are you, buddy?"
Sinapo niya ang ulo nang maramdaman ang pananakit niyon. He was not able to sleep well. Hindi niya maalala kung anong oras na siyang tuluyang nakatulog kagabi.
That noisy, little rat played that loud sound in her room again last night, and that made him awake almost all night. Gusto man niyang matulog sa living room ay pinigilan niya ang sarili, ayaw niyang makita siya ng mama nila at isiping hindi siya kumportable roon.
Oh, totoong hindi siya kumportable sa lugar na iyon, lalo't may kapitbahay silang walang ibang ginawa kung hindi mag-ingay, pero hindi niya nais makita ng ina ang nararamdaman niya. After all, Santa Martha was the place where her mother was born and raised. Kung mahal ng ina niya ang lugar na iyon, ay pipilitan niya ring mahalin iyon.
"I'm just fine," he answered to his father. He got up and stretched his body. Sandali siyang napalingon sa bintana nang maramdaman ang malamig na hanging dumampi sa balat niya.
"I received a letter from MEPS and it says you passed the ASVAB test."
His eyes widened.
The ASVAB (Armed Services Vocational Aptitude Battery) consists of ten short individual tests covering word knowledge, paragraph comprehension, arithmetic reasoning, mathematics knowledge, general science, auto and shop information, mechanical comprehension, electronics information, numerical operations and coding speed. That was needed before enlisting and was given at over 14,000 schools in the U.S and Military Entrance Processing Stations (MEPS) developed and maintained by the Department of Defense.
"Did you take the exam before you left? Why didn't I know this?"
He cleared his throat. "I just took it on a whim."
Narinig niya ang pagbuntong hininga ng ama sa kabilang linya. "You know that I support you in your plans about joining the Navy, right, Lenny? But you can't. Your mother would be very sad if she learns about the result."
He brushed his fingers through his hair, stood up and walked to the window. "I— I didn't expect to pass."
"Of course you'll pass. You are smart, Lenny. I never doubted you."
Napa-ngiti siya sa sinabi ng ama. All his life, he always felt that his father valued Brad more than him, kaya naging mas malapit siya sa ina nila. Ang marinig ang mga salitang iyon mula sa ama ay nakapagbibigay ng kagaanang loob sa kaniya.
"But remember, Lenny, that unless your mother approves, you can't enlist. You made a promise to her."
Muli siyang bumuntong-hininga saka tumango na tila nasa harap lang ang kausap. Tumalikod siya sa bintana at hinayaang hampasin ng malamig na pang-umagang hangin ang kaniyang likod. God, it was aching due to his sleeping position. Hindi niya alam kung anong posisyon na ang ginawa niya kagabi matakpan lang ang tenga at hindi marinig ang nakakabaliw na tugtugin sa kwarto ni Kimmy.
He could have also closed his window, but his AC wasn't working in the passed couple of days, at hindi pa dumarating ang mag-aayos niyon.
"I understand, Dad."
"Also, I need you and Brad to look after your Mom. She says she wasn't feeling well and she needed more sleep. Can you bring her to the doctors for me?"
"Yes, I will do that today."
"Great then, I'll see you in three months."
Hindi na niya nagawang sumagot sa ama nang mapatingin siya sa picture frame nilang magpamilya na nakasabit sa ibabaw ng kama niya. Ang nasabing picture frame ay nakaharap sa bintana at nakikita niya ang sariling repleksyon mula roon.
Damn, I almost forgot I'm naked, he muttered in his head. Subalit natigilan siya nang maliban sa kaniya ay may iba pang repleksyon siyang nakikita. He frowned. Nang mapagtanto kung sino ang naroon at nakamasid sa kaniya mula sa kabilang bintana ay napangisi siya.
"Bye, Dad," paalam niya sa ama bago ibinaba ang telepono at pumihit paharap.
Lihim siyang natawa nang mahuli ng tingin kung papaanong nagkubli si Kimmy sa gilid ng bintana.
Let's see how you will handle this. Nakangisi siyang tumayo sa harap ng bintana, not caring if anybody else sees him. Gusto niyang makita at malaman kung ano ang magiging reaksyon ng munting armalite na kapitbahay nila.
Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na nakangising nakatayo lang sa harap ng bintana at hinihintay na muling sumilip si Kimmy. Natawa na lamang siya nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa kwarto nito.
Kalabog ng pintong pabagsak na isinara.
Natatawa niyang isinara ang bintana ng silid at nagtungo sa shower.
*****
"I told you already. I—don't—want—your—roses—and—chocolates!"
Damn it. Inis na isinara ni Lenny ang librong binabasa nang marinig mula sa labas ng bakod ang tinig na parati nang laman ng bangungot niya.
"Eh kasi naman, Kimmy, isang date lang naman hinihingi ko sa'yo—"
"Date? Wala pa ako sa tamang edad para makipag-date! I'm not even fifteen yet. Can you just leave me alone? Pati dito sa bahay namin ay naka-buntot ka!"
Fuck. When will her mouth shut up?
Akma siyang tatayo para ligpitin ang inilatag na folding bed sa gitna ng hardin nang makita sa paanan ang water hose na ginamit niya kanina para diligan ang mga halaman ng ina.
Lihim siyang napa-ngisi. Bumalik siya sa pagkakahiga, binuklat ang pahina ng libro kung saan siya tumigil sa pagbabasa, itinutok ang hose kung saan niya naririnig ang munting armalite saka binuksan iyon.
"Stop making the noise," he said as he tried to hold his laughters.
He continued squirting the water on the other side of the fence, laughing secretly, when suddenly, Kimmy's frowning head appeared. Kinunutan siya ng noo at sandaling pinatay ang tubig.
"You weren't hit?" aniya nang makitang tuyung-tuyo pa rin ito.
"What do you mean I wasn't hit?" hasik nito, magkasalubong pa rin ang mga kilay.
Ibinalik niya ang pansin sa librong binabasa at balewalang sumagot, "I was aiming it to you."
Narinig niya ang malakas na pagsinghap nito kasunod ang pagkalampag nito ng bakod nila. "Why would you even do that?!"
"Your voice was too loud and I can't concentrate," balewala niyang sagot bago itinutok dito ang hose at muli iyong binuksan upang basain ito.
Through his peripheral vision, he saw how Kimmy moved away. Mabilis itong umatras at patakbong lumayo.
He smiled wickedly.
Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagbato nito sa kahoy nilang gate na ikina-ngisi lang niya. Kasunod ng pag-singhal nito sa kasama.
"Ano pa'ng tina-tanga-tanga mo riyan?! Go home!"
Nang marinig ang marahas na paghila nito ng bisekleta papasok sa gate ng mga ito at ang malakas na kalampag ng front door sa kabilang bahay ay natatawa niyang binitiwan ang water hose saka umayos ng higa.
Peaceful at last…
Akma na niyang ibabalik ang pansin sa binabasang libro nang makita ang pag-silip ng lalaking kausap kanina ni Kimmy sa ibabaw ng bakod. He was wet all over.
"Uhh, sir? Can I borrow a towel?" anito.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin dahilan upang mapa-atras ito.
"Shoo," pagtataboy niya.
Iyon lang at natataranta nang umalis ang lalaki.
Muli ay lihim siyang napangiti saka ibinalik ang pansin sa libro at itinuloy ang tahimik na pagbabasa.
He could feel the afternoon wind blew his hair and that made him feel sleepy. Ibinaba niya ang libro at akma sanang ipipikit ang mga mata nang marinig ang pagbukas ng front door nila. Pag-lingon niya ay nakita niya si Brad, bitbit ang susi ng motorbike nito.
"Hey, Len. Mom's cooking pasta for dinner. Can you go help her?"
"Where are you going?"
Brad grinned widely, "To the abandoned house."
Bumalik siya sa pagkakahiga. "Why don't 'we' help Mom instead? Madalas ka nang nagtatago roon sa sangtuwaryo mo."
Brad grinned all the more, "God, I love your Tagalog. Nasasanay ka na rito."
Ini-unan niya ang mga braso sa ulo at akmang ipipikit ang mga mata. "Just get back before dinner. You are washing the dishes."
"Deal."
Muli siyang nagmulat at sinundan ng tingin si Brad na naglalakad na papunta sa motorbike nito nang pareho nilang marinig ang ingay mula sa loob ng bahay. He frowned. Nang makita niyang mabilis na bumalik si Brad pabalik sa loob ng bahay ay napatayo rin siya at sumunod.
Pagbukas pa lang ni Brad ng pinto ay ang nakabulagta nilang ina ang kaagad nilang nakita sa sahig papunta sa living room. Katabi nito ang nabasag na flower vase at mga nagkalat na tubig at bulaklak sa sahig.
"Mom!" Mabilis silang lumapit at dinamayan ang ina. Si Brad ang kaagad na umagapay at nang makita nila ang pamumutla ng ina ay pareho silang natilihan.
"Lenny, hurry up and call an ambulance!"
*****