アプリをダウンロード
40% Kadiliman / Chapter 4: 2.1

章 4: 2.1

"Puti yung manok?" Tanong ko habang kumakain.

"Galing mong manghula ah." Yung isa naman.

"Nakita ko yun kanina. Pasalubong natin sa heneral. Yung ibon mabango yun pag-inihaw." Sabi ko pa at natawa ang mga kasama ko.

Naalala ko kung gaano katanga ang prinsepeng meron kami at napasinghap pa ako kanina. Nangpanggap pa siyang kawal, ano tingin niya sa mga kawal? Ganoon kabango?

Napaamoy ako sa sarili tapos doon sa katabi na kaagad kong naitulak.

"Binibine, may nagawa ba akong masama?" Gulat na tanong nito.

"Bukas pag-uwi natin ay magsiligo kayo ng maayos!" Turan ko at nagsipagkamot lang ng ulo tong mga kasama ko.

Sa lakagitnaan ng aking pagkakaidlip ay bigla akong nakaamoy ng panganib kaya agad akong bumangon at ganoon ang dalawa ko pang kasama. Habang ang dalawa ko pang kasama nakita kong nag-uusap sa di kalayuan.

Sunog!

Nasusunog ang kubol ng prinsepe!

Kaagad kaming tumakbo palapit doon ngunit huli na ang lahat.

Nagtatakbuhan ang mga kawal upang masabuyan ng tubig ang nangyayaring sunog na wala na din namang inaasahang buhay na maililigtas.

"Sinong may kagagawan nito?" Galit na tanong ng malaking lalaki. Naalala kong ito yung lumabas kanina sa katabing kubol na nagmasid lang sa amin.

Dumako ang tingin nito sa amin. "Kayo!" Wika nito kasabay ang pagtutuk ng malaki nitong ispada sa amin.

"Kami na nasa malayo?" Tanong ko

"Bakit? Wala ba kayong paa?" Balik tanong nito.

"Nakapagtataka lang, hindi ba't nasa katabing kubol kalang? Hindi ba't nakabantay ang inyong mga kasama ngunit bakit ni isa sa inyo ay walang nakaramdam sa pag-umpisa palang ng sunog?" Banat ko naman dito.

"Tama nayan!" Awat naman ng lalaking nagpakilalang pinuno kanina.

Kinausap ako nito. "Binibine, sa tingin mo ba ay mahalagang malaman kung sino ang may kagagawan nito?"

Napaatras ako sa sinabi nito.

"Kung ako sayo ay aalis na ako dito at baka hindi mo na maabutan pa ng buhay ang iyong heneral." Dugtong pa nito.

Bumulong sa akin ang isa sa nanatiling gising kanina. "Siya ang ang nagsunog."

Bakit? Tanong ko sa sarili.

Umatras kami, sakay ng kabayo ay mabilis kaming tinahak ang daan pabalik ng kampo. Pero huli na.

Hinarang ako ng mga kawal at pinigilan din ako ng aking mga kasama para makalapit.

"Ama!"

Kitang-kita ng dalawang mata kong paano pasakitan ng nakagapos ang heneral sa harapan ng mga tao ng pinagsilbihan nito, ng mga mamamayan at mga kawal.

Dugoan itong isinakay sa na parang bihag sa digmaan.

"Dadalhin nila sa Paldreko ang heneral at doon daw magkakaroon ng paglilitis." Nakangiting balita sa amin ni Lamya na parang nakakatuwa ang pangyayari.

"Anong paglilitis?" Tanong ko dito.

"Dahil sa pagkamatay ng prinsepe at ito raw ay sapagkat naging pabaya ang heneral." Sagot nito.

"At nauna pa sa amin ang balita? O sadyang ganito dapat isakatuparan ang layunin nila?"

"Binibine, hindi ko alam." Sagot pa nito na hindi ko na inintindi dahil alam ko namang wala itong alam.

"Kaya niya sinunog upang hindi makilala ang bangkay." Sagot ko sa tanong ko kanina sa sarili.


Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C4
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン